Vince POV "Reign! Wala ka bang gagawin? Hahayaan mo na lang yung kapatid mo na nakikipagmabutihan dun kay El Greco!?"- pagtataas ko ng boses pagkapasok ko sa dorm ng Red Skull. Tinignan naman ako ni Reigen na nakaupo sa sofa at may binabasa na libro. "Tss... wag mo nga kong tawagin sa pangalan na yan! May makarinig sayo!"- saad niya. Nilapitan ko naman siya. "Sagutin mo ko, wala ka na bang gagawin dun sa pagiging malapit nung dalawa?"- saad ko. Bumuntonghininga naman siya. "Kapag pinagsabihan ko ulit si Ice malamang na hindi na naman siya makikinig. Isa pa, may away pa sa pagitan naming dalawa. Kapag nangealam na naman ako baka lalo pang lumaki ang away namin. Ayokong mangyari yun..."- saad ni Reigen sabay bitaw niya sa librong binabasa niya. "Bakit hindi ikaw ang kumilos? May gust

