WARNING! *This chapter contains violence that others may find uncomfortable.* Devin POV 'Hindi ako sigurado kung dapat ko bang sabihin sayo 'to. Weird mang pakinggan pero.. alam mo kasi... m- may nararamdaman akong kakaiba.....' 'Gusto ni Ate na layuan kita, balak kong sundin yun pero hindi ko nagawa. Tuwing nakikita kasi kita, may kakaiba akong nararamdaman. Alam mo yung feeling na tila matagal mo nang kilala ang isang tao? Ganun ang nararamdaman ko tuwing nakikita kita. Kaya naman.... hindi kita nilayuan.' 'Hindi lang sayo, maging kay Vince rin. Nagalit ako sa kanya kanina pero wala akong balak na layuan o iwasan siya dahil sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya kaya naman hindi ko gagawin yun.' 'Pero may ipinagtataka ako, hindi lang sayo at kay Vince ganito ang pakiramdam ko. Mask

