Devin POV "Bakit di ka pa rin nagigising? anong problema? masyado ka bang nasasarapan sa pagtulog?"- mahina kong saad habang nakatingin sa dalawang araw ng walang malay na si Ice. "Ilang beses ka ng palaging dinadala sa clinic, pang-ilang beses na kitang ginamot. Hindi ka ganyan, nagigising ka kaagad pero bakit ngayon ayaw mo pa ring magising? Anong problema Ice? Anong problema..... Kiela.."- mahina kong saad. Nakita ko... nakita ko ng buo at malinaw ang tattoo sa likod mo. Simbolo yun ng DIA kaya naman buong-buo na ang loob ko na ikaw Ice at si Darkiela ay iisa. Sa tingin ko may nangyari talaga sayo kaya naman wala kang maalala. "Gumising ka na, maghahanap pa tayo sa labas diba? hahanapin pa natin ang kuta ng mga kalaban at... huhulihin pa natin sila."- saad ko ngunit wala, hindi pa r

