Ice POV "Hindi pa rin natin nakikita ang hideout."- saad sakin ni Devin. Tinignan ko naman siya at pagkatapos ay bumuntonghininga ako. "Malaki ang isla, dalawa lang tayong naghahanap, imposibleng makita natin yun agad. Nasabi ko na yun diba?"- saad ko sabay sandal ko sa upuan ko. Nakakapagod. Lumabas kami kanina ni Devin sa DIA ng 8 ng umaga at ng mag 11:30 na, bumalik na kami rito upang magpahinga muna. 12o'clock na at mukhang wala pang balak si Devin na magpatuloy sa paghahanap. Siya nga pala, dalawang linggo na ang nakalilipas simula ng tuluyan akong makarecover sa nangyari sakin sa kamay ng mga lalaki ng Class F. Nakwento sakin nila Ashlie ang nangyari sa mga lalaki ng Class F sa kamay ni Devin at di ko itatanggi.. natuwa ako kahit grabe ang ginawa niyang pagpaparusa sa mga ito.

