Ashlie P.O.V
February 14...
Araw ng mga puso ngayon, isang buwan na simula nang pumasok kami rito nila Ice ng kusa para iligtas ang kapatid niya sa mga umampon sa kanya. Sa loob ng isang buwan, marami na ang nangyari. Nakakaisang laro pa lamang kami sapagkat matapos magbabala ng Headmaster ay bigla na lamang siyang nanahimik, walang p*****n na naganap matapos non.
Hanggang ngayon na may ipinagdiriwang dito sa DIA na akalain mo nga naman ay nag-eexist pala rito. Ang Valentines Day.
"Ashlie, pakiabot nga nung binoculars."- saad sakin ni Ice. Agad ko namang kinuha yung binoculars sa gilid ko at iniabot kay Ice.
"Hmm... mukhang ayos naman ang lahat, ang sasaya nila."- saad ni Ice.
Tumingin naman ako sa ibaba. Nasa balcony kasi kami ng school. Sinabihan kami kanina ng Hari na rito muna raw kami at bantayan ang mga estudyante sa labas kung saan namin inilagay ang food court. Hanggang 10am lang naman kami rito and it's already 9:30am. 30 minutes na lang pwede na kaming makihalo bilo sa mga estudyante sa ibaba.
"Kumusta na kaya sa field, ano na kayang nangyayari sa soccer."- saad ni Ice sabay inom niya sa hawak niyang nestea.
"Di kasi natin pwedeng ma-contact ang Red Skull dahil walang signal. Isa pa, wala tayong number nila."- saad ko.
"Hmm... ayos naman siguro dun. Sa gymnasium naman, siguro ayos din ang basketball na nagaganap. Dark Cards ang nagbabantay wala naman sigurong magkakainitan."- saad ni Ice.
May bigla naman akong naalala. "Ice! Siya nga pala, wala pang sagot si Headmaster sa sulat na iniwan natin sa desk niya. Baka ayaw niyang mag-Judge sa pageant mamayang gabi, kumuha na lang kaya tayo ng iba na papalit sa kanya?"- saad ko.
May dinukot naman si Ice mula sa bulsa niya. "Pumayag na siya."- saad ni Ice sabay pakita sakin ng sulat mula kay Headmaster. Hindi naman na ko nagsalita.
"Pagkatapos niyang magbabala, di na ulit narinig ang boses niya sa buong school, di rin siya nagpapakita sa kahit na sino kahit sa Dark Cards. Ngayon lang ulit siya makikita ng lahat matapos niyang magkulong sa kwarto niya sa loob ng opisina niya kaya naman siguraduhin nating magiging maayos ang lahat mamaya."- saad ni Ice.
"Masusunod."- saad ko sabay ngiti ngunit nawala rin agad ang ngiti ko nang may tumawag sa pangalan ko na isang impakto.
"Ashlie Kim Mendez!"- sigaw ni Bryan mula sa ibaba. Agad naman akong tumingin sa ibaba at nakita ko siya dun na ngiting-ngiti. Pinagtitinginan siya ng mga estudyante.
"Kailangan mo?"- saad ko.
Bigla naman siyang ngumisi. "Ready na yung kissing booth dun sa garden! pati marriage booth tsaka photobooth! Tsaka yung lahat ng booth na may kaugnay sa love! Punta tayo dun!"- sigaw niya.
What the F*ck!
Tumingin naman sakin yung mga estudyante sa ibaba dahil sa impaktong 'to.
"Pumunta ka dun mag-isa impakto ka!"- sigaw ko.
Bigla naman siyang ngumisi at sumigaw. "Bryan Knights!"- sigaw niya at pagkatapos ay sa isang iglap lang, ang dami ng babae sa likuran niya.
"Anong nangyayari sa mga babaeng tinatanggihan ako?"- nakangising saad ni Bryan. Sabay-sabay naman na sumagot ang mga babae.
"Pinaparusahan Sir!"- sabay-sabay na saad nung mga babae.
What The Hell!
"Ice, help."- mahina kong saad kay Ice na nasa tabi ko. Walang emosyon naman niya kong tinignan.
"Nagpaalam ka sakin diba? sabi mo baka pwedeng sa Valentines lapitan sila. Sabi mo pa, sa tingin mo magiging masaya ka sa pantitrip kay Bryan. Pumayag ako, anong inaano mo diyan?"- saad ni Ice sabay inom niya ulit ng nestea.
Sh*t.
"Ano Ashlie? sasama ka o hindi?"- saad sakin ni Bryan. Tinignan ko naman ulit si Ice.
No, I change my mind! Ayoko na so tulungan mo ko Iceeee!
"I- Ice? Pwede ko bang kidnapin si Ashlie?"- rinig kong saad ni Bryan.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang tumango si Ice. "Yeah, ibalik mo sakin ng maayos. Wag mong lamugin."- saad ni Ice sabay tingin sakin ng pang-asar.
Patay....
"Ayos!"- saad ni Bryan at pagkatapos, bigla na lamang siyang lumundag sa fountain. "Wag kang tatakbo."- saad niya nang humakbang ako ng isa patalikod. Agad naman akong huminto.
Kainin na sana ako ng lupa ngayon na!!
Nagulat naman ako ng biglang tumalon si Bryan mula sa fountain at lumambitin sa railings ng balcony paakyat sa kinaroroonan ko.
What the!
"Halika na!"- sigaw niya sabay hila sakin paalis.
Goodluck sakin!
xxxxxxxx
Ice P.O.V
"Ice."- rinig kong tawag sakin ni Vince. Agad ko naman siyang nilingon.
"Kailangan mo?"- tanong ko.
"Happy Valentines!"- nakangiti niyang saad sabay bigay sakin ng isang box na kulay pula.
Nakataas ang kilay ko naman yung kinuha. "Ano 'to?"- tanong ko.
"Buksan mo."- saad niya. Agad ko namang binuksan yung box at isang kulay pulang ballpen ang nakita ko.
"Teka..."- saad ko nang may mapansin ako sa Ballpen. May simbolo ito ng Dark Island Academy.
"B- 'bat parang... nakita ko na 'tong ballpen?"- saad ko.
Ngumiti naman siya. "Hmm? Baka naman nakita mo na hawak ko."- saad niya sabay tabi sakin. "O baka naman nakita mo na yan nung bata ka."- saad niya.
Napaisip naman ako. "Parang meron nito sa bahay."- saad ko sabay tingin ko sa kanya. Sakto namang nakatingin din siya sakin.
"B- baka naman nakabili niyan yung parents mo. D- dati kasi, naglabas ng limang ganyan ang mag-asawang Killiano. Baka nabili ng parents mo ang isa."- saad niya sabay iwas niya sakin ng tingin.
"Hmm, siguro nga."- saad ko sabay balik ko nung ballpen sa box. "'Bat mo ibinibigay sakin 'to?"- tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman siya ulit. "Wala lang, naaalala ko lang sayo yung kababata ko. Gustong-gusto niya yang ballpen na yan."- saad niya sabay pamulsa niya.
"Nawawala siya kaya di ko naibigay sa kanya yan so sayo na lang tutal magkamukha kayong dalawa. Kunwari ikaw siya."- saad niya sabay tingin niya sakin at kindat.
"Okay."- saad ko na lang.
Gusto ko yung ballpen..
Bigla namang may nagsalita mula sa likuran. "Ice, may dala akong chocolates!"- saad ni Ate Rei.
"Grabe! Ang daming ibinigay sakin ni Luis na chocolates. Patatabain yata ko nun eh!"- saad ni Ate Rei sabay abot niya sakin ng isang malaking chocolate na hugis puso. "Sayo na yan."- nakangiti niyang sabi.
Bigla namang sumingit si Vince. "Rei, kahit yung tobleron lang."- nakangusong saad ni Vince.
Kinuha naman ni Ate Rei yung tobleron at ibinato kay Vince. "Wag kang ngumuso, mukha kang aso!"- natatawang saad ni Ate Rei kay Vince.
Natawa naman ako. "Close kayo?"- tanong ko.
Inakbayan naman ako ni Vince. "Oo naman! Bestfriend kami niyan ng Ate mo!"- saad ni Vince.
Nagulat naman ako. "Alam mo na Ate ko siya?"- saad ko. Tumango naman siya.
"Oo naman, ako nga unang nakaalam eh! Alam ko kasi ang mukha mo, ipinakita sakin dati ni Reigen ang litrato mo. Kaya nga nung bloody welcome hindi ko kayo nilabanan na Reapers kasi nga, alam kong kapatid ka ni Reigen. Di ko lang sinabi kay Reigen na nandito ka kasi gusto ko, siya ang makatuklas."- saad ni Vince.
Yun pala, kaya pala ganun siya umasta. Tsaka kaya pala palagi siyang nakabantay saming magkakaibigan.
"Sandali nga Vince, 'bat kailangang akbayan mo ang kapatid ko?"- magkasalubong ang kilay na saad ni Ate Rei.
Agad namang inialis ni Vince ang pagkakaakbay niya sakin. "Wala lang."- saad ni Vince.
Hinampas naman ni Ate Rei si Vince. "Ikaw tiyansing ka eh! May gusto ka yata kay Ice kaya ka ganyan!"- saad ni Ate Rei habang hinahampas si Vince.
"Aray! Aray ko! H- hindi ah! Aray! Tama na!"- hiyaw ni Vince na patuloy na hinahampas ni Ate Rei.
Natawa naman ako sa kanila.
xxxxxxx
Devin P.O.V
"King? Anong ginagawa mo rito?"- tanong sakin ni Brent.
Bumuntonghininga naman ako. "Kailan pa sila naging magkakaibigan? ang saya nila."- saad ko habang nakatingin kila Vince, Ice at Reigen na naghaharutan sa may balcony ng school.
"H- huh?"- saad ni Brent at sa palagay ko ay tinignan niya ang tinitignan ko.
"Hmm.. nitong mga nakaraang araw palagi pong nasa paligid ng Reapers ang Wolves, tila ginagwardiyahan ng Wolves ang Reapers. Tapos ang Red Skull naman, todo ngiti tuwing nakakasalubong ang Reapers. Madalas ko rin makita si Reigen sa dorm ng Reapers. Baka siguro simula nung araw na nagkaroon tayo ng checking dun sila naging magkakaibigan. Nung araw na yun may something na sa tatlong grupo na yan eh."- saad ni Brent.
Hindi naman ako nagsalita at tinitigan na lang ang tatlo. Si Ice tawa nang tawa habang pinapanood si Reigen na kinakawawa si Vince. Ilang sandali lang, biglang hinila ni Vince si Ice at tumakbo paalis. Sumigaw naman si Reigen at agad na hinabol ang dalawa.
"Grabe, ang close nila."- kunot noo kong sabi.
"King, kaaway natin ang Wolves pati ang Red Skull, sila ang palaging kumokontra satin. Hindi kaya.. isinasama nila sa hanay nila ang Reapers? Hindi ako magtataka kung biglang isang araw kinokontra na rin tayo ng Reapers."- saad ni Brent na lalong ikinakunot ng noo ko.
"Tch! Wala akong pakealam kahit magkampihan pa sila! Basta tayo, wala tayong ginagawang masama. Ikinikilos natin ang dapat nating ikilos sapagkat tayo ang pinakamataas dito! Ngayon, problema na nila kung iniisip nilang masama tayo."- saad ko.
"Tara na sa gym, samahan na natin si Alex na magbantay dun."- saad ko pa.
Tch. Nakakainis.
xxxxxx
Ashlie P.O.V
"Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba ang babaeng ito na maging iyong kabiyak na makakasama sa hirap at ginhawa, lungkot at saya at nangangakong hindi maghihiwalay magpakailanman?"- saad nung Pari-parian dito sa marriage booth.
"OO NAMAN YES FATHER!"- sigaw ni Bryan kaya't naghiyawan ang mga estudyanteng nandito.
"Peste."- bulong ko.
Tinignan naman ako nung umaarte na Pari. "Ikaw babae, tinatanggap mo ba ang lalaking ito na maging iyong kabiyak na makakasama sa hirap at ginhawa, lungkot at saya at nangangakong pagsisilbihan mo ng buong puso at hindi hihiwalayan magpakailanman."- saad sakin nung umaarte na Pari.
Agad naman akong sumagot. "No Father, hindi ako nangangako sapagkat ang lalaking ito ay peste sa buhay ko at kailan man ay hindi ko tatanggapin na maging kabiyak ko na makakasama ko sa hirap man o sa ginhawa, lungkot at saya at hindi rin ako nangangakong pagsisilbihan ko siya ng buong puso sapagkat hindi naman niya ko katulong at wala akong planong mag-apply sa kanya at hindi rin po ako nangangako na hindi ko siya hihiwalayan magpakailanman sapagkat ngayon pa lamang ay nais ko na siyang layasan."- nakangiti kong sabi.
Sabay-sabay namang nag-Aww ang mga nandito.
"H- hoy! Hindi ganyan ang sagot!"- saad sakin ni Bryan.
"Bakit ba? Yun ang gusto kong isagot eh! Kasi yun naman ang totoo."- saad ko sabay tanggal ko sa belo na isinuot sakin kanina.
"Gagayahin ko yung mga babaeng tumatakbo kapag araw na nang kasal nila kasi di nila gusto yung groom nila. Runaway Bride!"- saad ko sabay lundag ko paalis sa marriage booth at takbo.
"H- hoy Ashlie! Bumalik ka rito!!"- sigaw ni Bryan sabay takbo at habol sakin.
"Heh!"- sigaw ko sabay bilis ko pa sa pagtakbo ko. Saktong pagliko ko, nakita ko si Crush!
"Oh? Ashlie."- saad ni Kris pagkakita sakin. Nagtago naman ako sa likod niya.
"May manyak na humahabol sakin!"- saad ko sabay kapit ko sa likod niya.
Shet ang bangoooooo! Tiyansing aketcchhhhhhhhhh!
"Ashlie!"- rinig kong sigaw ni Bryan. Pagtingin ko, nasa harap na siya ni Kris at ang sama sobra ng tingin niya rito.
"Ibigay mo sakin si Ashlie."- saad ni Bryan kay Kris.
Tinignan naman ako ni Kris. "Ayoko sa kanya!"- saad ko. Natawa naman si Kris.
"You heard her? Ayaw niya sayo."- saad ni Kris sabay hawak niya sa kamay ko. "So arbor ko na siya."- saad ni Kris sabay hila sakin.
Dadalhin niya ba ko sa kissing booth? Sana ng---- ayyy peste!
This past few days, i found Kris nice and cool kaya naman naging crush ko siya! di siya katulad ng pinsan niyang si Bryan. Kabaliktaran si Kris ng pinsan niyang si Bryan.
"Sandali."- harang ni Bryan. "Tch! Nagpaalam ako kay Ice and she gave me Ashlie. Hindi mo siya pwedeng arborin sakin."- saad ni Bryan.
"Pero ayaw ni Ashlie sayo, alam mo pinsan wag mong pilitin ang taong may ayaw sayo. Masasaktan ka."- saad ni Kris.
"Oo nga! Tama!"- pagsang-ayon ko.
Ngumisi naman si Bryan. "Ganito na lang, 'bat di natin 'to daanin sa laro? Kung sinong manalo sa ating dalawa sa kanya si Ashlie. Ano?"- hamon ni Bryan sa pinsan niya. Kinabahan naman ako.
Jusko! Ano na naman 'to!
Ngumiti naman si Kris. "Okay, anong laro?"- tanong ni Kris.
May naisip naman ako. "Maglaban kayo dun sa fishing game!"- sigaw ko.
Sabay naman silang napatingin sakin. "What?"- sabay nilang sabi.
Ngumiti naman ako. "Fishing game, paramihan kayo nang mabibingwit na isda."- saad ko sabay ngiti ko ng nakakaloka.
Ganda-ganda koooooooo!
FISHING BOOTH>>
"Argh! 'Bat ba wala akong mahuling isda!!"- sigaw ni Bryan.
"Ewan ko sayo."- saad ko sabay tingin ko kay Kris na halos ang dami nang nahuli.
"D*mn this!"- sigaw ni Bryan sabay kuha sa malaking net na nasa gilid at lublob nun dito sa malaking-malaking palanggana kung nasaan ang mga isda.
Nanlaki naman ang mga mata ko. "What the! Hoy ang daya mo!"- sigaw ko.
"*smirk* Wala naman sa rules na bawal gamitin 'to. Paano ba yan? Ako yung mas maraming nahuling isda kaysa kay Kris."-nakangising saad ni Bryan.
Napapoker face naman ako.
Pigilan niyo ko babatukan ko 'to!
"Pero nasa rules ko na yung maliit na fishing pole lang ang gagamitin at hindi gagamit ng net, so talo ka kasi disqualified ka sakin dahil hindi mo sinunod ang rule ko."- saad ko.
"What!? Hindi mo sinabi yan kanina!"- sigaw niya.
"Wala ba? Oh ngayon sinabi ko na. Talo ka pa rin kasi wala ng oras, si Kris ang nanalo!!"- saad ko sabay taas ko sa kamay ni Kris na may hawak na fishing pole.
"Di ako pumapayag!"- sigaw ni Bryan.
Tinignan ko naman siya. Inis na inis na siya.
Enebe! Ang hirap maging maganda! Anong gagawin ko?
FOOD COURT>>>
In the end.....
"Salamat sa pagkain!"- ngiting-ngiti kong sabi sabay kain ko sa hotdog na inilibre sakin ni Kris.
"Tch! 'Bat ba kasi di ka na lang sumama sakin Ashlie!"- inis na saad ni Bryan sabay inom niya sa coke na nasa can.
"Ayoko nga kasi sayo! Oo inaamin ko gwapo ka ang kaso... ang pangit naman ng ugali mo. Pasalamat ka pa nga pumayag ako na sumama ka samin ni Kris kahit talo ka dun sa laro eh! Wag ka nang magreklamo diyan."- saad ko sabay inom ko sa chocolate shake na inilibre naman sakin nito ni Bryan.
Sure akong walang gayuma 'tong shake, pinanood ko kung paano 'to tinimpla kanina eh.
Ngumuso naman siya. "Tss... gusto kong mag walk out pero alam kong wala namang magandang maidudulot yun kasi wala ka namang pake."- bulong niya na narinig ko.
"Pft! Cute."- mahina kong sabi.
Bigla namang nagkagulo sa pastry booth.
"Anong nangyayari dun?"- saad ko.
"Tignan natin."- saad ni Kris.
Tumango naman ako at iniwan ang pagkain ko sa table na kinaroroonan namin dito. Pagkatapos pumunta na kami dun sa pastry booth/bakery.
"Anong nangyayari rito?"- saad ko pagdating namin dun. Sumigaw naman ang pinuno ng Playgirls, si Sasha.
"Ano ba naman 'to! Mag-aassign na lang kayo ng totoka sa mga tinapay ang section pa na 'to! Tignan niyo nga, their waffle looks really gross! Iwww!"- maarteng saad ni Sasha.
Tinignan ko naman yung waffle. Maayos naman ang itsura, anong problema niya? Isa pa, gawa ko yata ang nilalait niya! Pero dahil ayokong makipagtalo rito sa Sasha na 'to, pinili ko na lang na gawin 'to...
"Pasensya na, aayusin na lang namin 'to."- saad ko sabay kuha ko sa waffle.
"Are you kidding me? *smirk* No, i want this booth to be close. At gusto ko rin, maparusahan ang section na nasa likod ng booth na 'to!"- saad ni Sasha sabay cross arms.
What the!
"Okay sige, parusahan mo kami ng section ko."- saad ni Bryan mula sa likuran ko. Pagtingin ko sa kanya, nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin ng diretso kay Sasha.
"B- bryan."- gulat na saad ni Sasha.
Tinignan naman ni Bryan yung waffle na hawak ko. "Maayos naman ang itsura ng waffle."- saad ni Bryan sabay kuha sa waffle at tikim dito.
"Ayos din ang lasa, anong itinatahol mo diyan?"- saad ni Bryan sabay tingin niya ulit kay Sasha. Tinignan ko naman si Sasha, halata ang takot sa mukha niya.
"Bakit hindi ka magsalita ngayon? kapag hindi mo ko nabigyan ng magandang dahilan sa itinatahol mo sinasabi ko sayo Pink, kayo ng grupo mo ang mapaparusahan."- seryosong saad ni Bryan.
Siniko naman ako ni Kris, pagtingin ko kay Kris. Sinenyasan niya kong pigilan si Bryan. Bigla ko namang naalala yung sinabi sakin dati ni Kris.
'Kung ako sayo hindi na ko mangengealam, sa lahat ng Dark Cards si Bryan ang pangalawa sa pinakamalupit magparusa.'
Pangalawa sa pinakamalupit magparusa....
"A- ahm, ganito na lang. Kalimutan na lang natin yung nangyari, walang paparusahan!"- saad ko sabay tingin ko kay Bryan na sobra ang kunot ng noo habang nakatingin sakin. "Bry, hayaan mo na."- saad ko kay Bryan.
"Tsk! Ayoko."- saad niya sabay iwas sakin ng tingin.
"Bry, please lang hayaan mo na lang."- saad ko kay Bryan.
"No! Walang mali sa waffle, maayos ang itsura pati ang lasa so there's no reason para laitin niya. Isa pa, gawa mo yung nilalait niya! Hindi ko palalampasin yun!"- saad ni Bryan na ikinagulat ko.
A- ano raw?
"Ano?"- saad ko nang makabalik ako sa realidad.
Tila nagulat naman siya. "I- i mean, gawa mo yung waffle! At ako lang ang pwedeng lumait sa mga gawa mo maging sayo! Walang ibang pwede! Kung sino man ang manlait sayo maging sa mga gawa mo parurusahan ko!"- saad ni Bryan. Muli naman akong napapoker face.
Pengeng dos pordos, gusto kong hambalusin 'tong lalaking 'to sa ulo gamit yun.
"Playgirls, pumunta kayo sa kusina ng cafeteria. Gumawa kayo ng waffle na papatok sa panlasa ko, kapag hindi niyo yun nagawa sa darkness room ang bagsak niyo."- saad ni Bryan.
Halata naman ang takot sa mukha ng Playgirls. "Go!"- sigaw ni Bryan na ikinataranta ng Playgirls.
Bumuntonghininga naman ako. Wala na kong magagawa. Pero teka, di malupit yung parusa niya. Akala ko ba malupit magparusa 'to? Madali lang gumawa ng Waffle, maliban na lang kung..... hindi marunong gumawa ng waffle ang Playgirls or in other words... HINDI SILA MARUNONG MAGLUTO!
Tinignan ko naman si Kris na tila natatawa. Kinunutan ko naman siya ng noo.
"I think there's something very interesting and unbelievable happening around here. I can't believe this!"- mahinang saad ni Kris.
Naguluhan naman ako. "What?"- saad ko.
Umiling naman si Kris. "Nothing, don't mind me."- saad ni Kris.
"Ashlie."- rinig kong tawag sakin ni Bryan. Agad ko naman siyang nilingon.
"Iniwan mo yung shake mo, ubusin mo yan."- saad niya sabay abot niya sakin ng shake na inilibre niya sakin habang di siya nakatingin mismo sakin.
Kinuha ko naman yung shake. "Bakit di mo kinuha yung hotdog?"- saad ko.
"Tch. Pakealam ko dun! Basta yang shake ubusin mo!"- saad niya sabay talikod sakin at lakad paalis.
"Oh? Saan ka pupunta?"- tanong ko.
"Somewhere! Sige na, magsaya na kayo ni Kris."- saad niya sabay bilis niya sa paglalakad paalis.
Nangyari dun?
"Hahahahaha! Grabe! Lalo ngang maasar yun."- saad ni Kris.
"What?"- saad ko ulit kay Kris.
Ngumiti naman siya.
So handsomeeeeee!
"Nothing, tara! Saang booth mo gustong pumunta?"- tanong ni Kris.
Pwedeng sa mga Love Booth? Enebe!
"S- sa horror house na lang!"- saad ko.
Tama dun na lang, para maka-tiyansing ng todo-todo ang Lola niyo!
"Ok."- sagot niya.
Bwahahahahaha! Masaya 'to! *grin*