Devin P.O.V
"King, may eroplano raw na naglanding sa paliparan kanina then after 30 minutes umalis din agad, gusto po ng Headmaster na alamin natin yung ginawa nung eroplano na yun dito. Baka raw may dumating o baka naman daw may mga iniwan daw na gamit na ipinadala ng pamilya ng mga estudyanteng nandito."- bulong sakin ni Brent.
Nandito kami ngayon sa gymnasium, binabantayan namin ang nagaganap na basketball game.
"Ako nang bahala dun."- saad ko sabay tayo.
"Ayaw mo pong magpasama?"- tanong sakin ni Brent.
"Gaya nang sabi ko, ako nang bahala dun. Samahan mo na lang si Alex dito, bantayan niyong maigi yung laro."- saad ko.
"M- masusunod po."- saad niya.
Di ko naman na siya pinansin at umalis na lang. Pagdating ko sa tapat ng gate ng DIA, isang babae ang nadatnan kong nakatayo sa harap nun at nakatingala. Tila tinatanaw nito ang pinakatuktok ng gate.
"Anong ginagawa mo rito."- saad ko. Agad namang lumingon sakin yung babae.
Ice.....
"I- I am just wondering.. may nakita akong eroplano kanina habang nasa rooftop ako, galing dito sa Island. I am just wondering kung may dumating ba kaya naman nag-abang ako rito."- sagot niya.
"Really.."- hindi ko kumbinsidong saad.
Tinignan naman niya ko ng panandalian at di nagtagal, ngumisi siya. "Nagsasabi ako ng totoo, kung ayaw mong maniwala edi wag."- sabi niya sabay pamulsa niya at lakad pabalik sa building ng school.
Pagkalagpas niya sakin, nagsalita ako. "Alam kong nagsasabi ka ng totoo pero kulang ang sagot mo."- saad ko ng hindi siya tinitignan.
Naramdaman ko naman siyang huminto sa paglalakad.
"Kompletuhin mo yung sagot mo."- saad ko.
Narinig ko naman siyang bumuntonghininga at saka sumagot. "Habang nasa rooftop ako, nakita kong may eroplano na galing kanina rito sa Dark Island. Naisip ko na baka may dumating kaya naman nag-abang ako rito sa tapat ng gate, hindi dahil sa interesado ako sa darating kundi dahil titignan ko kung paano nagbubukas ang gate ng paaralan na 'to dahil pinag-aaralan ko ang gate."- saad niya.
Dahil dun, napatingin ako sa kanya. Nakatalikod siya sakin.
Pinag-aaralan ang gate? Plano ba niyang....
"Yun, kumpleto na yun."- saad niya sabay tingin sakin. "Sa totoo lang wala akong tiwala sayo, pero sinabi ko sayo yung bagay na yun na maaaring maging dahilan pa nang pagtagal pa namin lalo ng mga kaibigan ko sa lugar na 'to. Yeah, tama ang iniisip mo. Pinag-aaralan ko ang gate dahil gusto kong makatakas kami ng mga kaibigan ko rito sapagkat nahanap na namin ang pakay namin, nahanap na namin yung dahilan ng pagpunta namin dito."- saad ni Ice.
Napaharap naman ako ng tuluyan sa kanya. "Nahanap niyo na... ang dahilan ng pagpunta niyo rito?"- kunot noo kong sabi. "Kung ganun, nahanap niyo na yung kapatid mo."- saad ko pa.
Tumango naman siya. "Yeah."- saad niya sabay ngiti niya ng bahagya. "Isusumbong mo ba ko sa Headmaster? Sasabihin mo ba sa kanya yung nalaman mo ngayon?"- saad niya kasabay ng pagseryoso niya.
Sandali naman akong nanahimik.
"Hindi."- saad ko sabay talikod ko sa kanya. "Lalabas ako ngayon ng school para i-check kung anong ginawa rito nung eroplano, kung may iniwan bang mga gamit o baka nga may dumating. Wag ka munang umalis, tignan mo kung paano bumubukas o kung paano bumukas ang gate."- saad ko sabay lapit ko sa gate. Hindi naman siya nagsalita kaya nagsimula na ko.
"Mayroong singkwentang malalaking kandado ang gate na ito, ang lahat ng kandado ay nakaprogram saming mga Dark Cards at sa Headmaster. Lahat ng mga kandado ay bumubukas sa pamamagitan ng fingerprint namin at mata namin."- saad ko sabay tingin ko kay Ice na titig na titig sakin. Inalis ko naman agad ang mga tingin ko sa kanya.
"Bawat kandado kailangang tapatan ng daliri namin at itong krus na simbolo ng DIA, itong pahiga na line.. dito itinatapat ang mga mata namin, ganito."- saad ko at pagkatapos ay inunlock ko ang lahat ng mga kandado ng gate. Nang ma-unlock, tinignan ko ulit si Ice.
"Pagkatapos ma-unlock, ang pangalan, codename at boses naman namin ang kailangan."- saad ko sabay tingin ko ulit sa gate. "Devin Kiel El Greco, King."- saad ko.
Matapos kong sabihin yun, bumukas ang gate. Agad ko namang tinignan si Ice na walang kaemo-emosyong nakatingin sakin.
"Ngayon alam mo na kung paano bumubukas o kung paano bumukas ang gate ng DIA."- saad ko sabay lakad ko palabas ng gate. Nang makalabas ako, agad kong hinarap si Ice.
"Ngayon tignan mo naman kung paano magsara ang gate."- saad ko sabay snap ko sa mga daliri ko. Pagkatapos kong gawin yun, agad na nawala sa paningin ko si Ice sapagkat nagsara na ang gate ng DIA.
"Ngayon, alam mo na ang tungkol sa pagbukas at pagsara ng gate. Ang kailangan mo na lang gawin ay hanapin ang main system o ang control room at i-hack yun dahil wala sa bokabularyo naming mga Cards na magtakas ng mga estudyante sa kadiliman."- bulong ko sabay talikod ko sa gate at lakad ko paalis.
Pagdating ko sa paliparan, agad kong nakita ang isang malaking kahon.
"Package."- nasambit ko sabay lapit ko sa malaking kahon at bukas dito. "Mga gamit at mga sulat."- saad ko sabay tingin ko sa mga sulat.
May isang sulat naman na nakaagaw ng pansin ko, kulay pula ito at may seal na dragon. "Dragon?"- saad ko sabay kuha ko dun sa sulat.
Parang alam ko 'to pero di ko matandaan kung saan ko nakita...
"From Mom and Dad to Ice Rogiano."- basa ko sa nakasulat sa likod.
Galing sa pamilya ni Ice?
Bubuksan ko sana yung sulat dahil nahihiwagaan ako sa seal ng biglang tumunog ang cellphone ko, pagtingin ko.. ang Headmaster.
"Hello."- saad ko pagkasagot ko sa tawag.
"Ano? anong ginawa rito nung eroplano?"- tanong sakin ng Headmaster mula sa kabilang linya. Ibinulsa ko naman yung sulat na galing sa pamilya ni Ice.
"Nag-iwan lang ng package na galing sa pamilya ng mga estudyante."- sagot ko.
"Ganun ba, kaya mo bang dalhin dito sa DIA yan?"- saad ng Headmaster.
"Kaya ko."- saad ko.
"Sige."- saad ng Headmaster at pagkatapos ay pinatay na niya ang tawag.
Agad ko namang ibinulsa yung cellphone ko at isinara yung malaking kahon. Pagkatapos, dinala ko na yun sa DIA.
xxxxxxx
Ice P.O.V
Nandito kami ngayon sa hallway, kasama ko sila Ate Rei at Vince. Kanina, naghiwalay kami sandali sapagkat may kailangang gawin sina Ate Rei at Vince sa grupo nila. Nang ako na lang mag-isa, naisipan kong pumunta sa rooftop at saktong pagdating ko dun ay namataan ko ang isang eroplano na paalis dito sa isla. Naisip kong baka may dumating kaya naman nagmadali ako at nagtungo sa tapat ng gate ng DIA, hinintay ko itong magbukas sa pag-aakalang may darating.
Sa paghihintay ko, biglang dumating ang Haring si Devin. Doon, nalaman ko kung paano nagbubukas ang gate ng DIA at kung paano rin ito nagsasara sapagkat ipinakita sakin ito ni Devin.
Simula nun, nag-isip na ko. Kung ang Dark Cards at ang Headmaster ang susi sa gate, malabo kaming makatakas. Isa lang ang tanging paraan para makatakas ng hindi kakailanganin ang Dark Cards at ang Headmaster. Yun ay ang...
I-hack ang main system ng buong paaralan. Sa ganung paraan, hindi lang kami ang makakatakas kundi ang lahat ng estudyante ng DIA.
"Hindi kayo pupunta sa lobby?"- tanong ni Vince samin ni Ate Rei.
Napakunot naman ako ng noo. "Para saan?"- tanong ko.
"Nag-iwan daw ng package yung eroplano kanina galing sa pamilya ng mga estudyante rito, hindi niyo ba aalamin kung may ipinadala sa inyo yung magulang niyo?"- tanong samin ni Vince.
Package? So walang dumating. Nag-iwan lang ng package yung eroplano.
Ngumiwi naman ako. "Kung may ipinadala man sakin sila Mom, malamang sulat yun na naglalaman ng leksyon sakin dahil sa pagpunta ko rito."- saad ko.
Natawa naman si Ate Rei. "Malamang nga."- saad ni Ate Rei sabay tayo. "Tara, pumunta tayo dun ng malaman natin kung may ipinadala satin sila Mommy."- saad ni Ate Rei.
Hindi naman ako nagsalita at tumayo na lang. Pagdating sa lobby, ang daming estudyanteng tuwang-tuwa habang may mga hawak na gamit at sulat. May sumigaw pa na 'Best Valentines' ever daw ang meron ngayong taon dahil nagkaroon ng mga booth and games, walang p*****n at pagkatapos may mga padala pa ang mga pamilya nila sa kanila.
"Pinuno, galing sa Daddy mo."- saad ni Julian, kasamahan ni Vince sa Wolves. Agad namang kinuha ni Vince yung kahon na kasing laki ng kahon ng sapatos.
"Ano na naman kaya 'to."- nakangusong saad ni Vince sabay bukas niya sa kahon. Pagbukas niya...
"Pfftt.... HAHAHAHA!"- tawa namin ni Ate Rei. Agad namang isinara ni Vince yung kahon.
"Oy may sulat!"- saad ni Ate Rei sabay basa niya sa sulat na nahulog mula sa kahon. "Dear Vince Anak, pinadalhan kita ng briefs kasi alam kong tamad kang maglaba ng brief kaya madalas kang maubusan tulad ko. Bente piraso yan anak, galing pang U.S.A, gamitin mo. I love you and i miss you, mag-iingat ka palagi diyan. Sana makaalis ka na sa lugar na yan, I love you ulit love Dad."- basa ni Ate Rei dun sa sulat.
Pagkatapos basahin ni Ate Rei yung sulat, humagalpak kaming lahat sa pagtawa. "Hahahaha! T- tamad maglaba ng brief! Hahahahahaha!"- saad ni Ate Rei habang tumatawa.
"Kayo, kapag minsan sa dorm niyo nangamoy mabaho? Alam niyo na! Brief ng Pinuno niyo yun!"- natatawa kong sabi. Nagtawanan naman ang Wolves.
"Ha.Ha.Ha! Nakakatawa!"- sarkastikong saad ni Vince sabay bulong. "Yung matandang yun.."- bulong ni Vince na rinig din naman namin.
Bigla namang dumating yung boyfriend ni Ate Rei, si Luis. "Yo! Ice."- bati nito sakin. Nginitian ko naman ito.
"Babe, galing sa parents mo."- saad ni Luis sabay bigay kay Ate Rei ng isang sulat na kulay asul. Agad namang binasa ni Ate yung nilalaman ng sulat.
"A- anong nakalagay Ate?"- tanong ko.
Ipinakita naman samin ni Ate Rei yung sulat. "Isang malaking I Love You and I Miss You."- saad ni Ate Rei habang nakangiti.
"Stupid, ayaw nilang magmessage sakin ng mahaba kasi alam nilang iiyak ako. Pero di nila alam, kahit sa ganito lang naiiyak na ko."- saad ni Ate Rei.
Inakbayan naman siya ni Luis. "Iyakin ka eh."- saad ni Luis kay Ate.
"Che!"- saad ni Ate Rei na nangingilid na ang luha. Bahagya naman kaming natawa. Hanggang sa bigla namang dumating si Ylana.
"Ice, may natanggap ka na? Ito lang yung ibinigay sakin. Samin lang 'to nila Ashlie at Grey, wala akong nakuha na para sayo."- saad ni Ylana.
"Huh? Wala?"- saad ko sabay tingin ko kay Ate Rei. "Walang ipinadala sakin sila Mommy.."- saad ko.
Kumunot naman ang noo ni Ate Rei. "Di ako naniniwalang walang ipinadala sayo sila Mom, baka naman naligaw yung ipinadala nila para sayo."- saad ni Ate Rei.
Inalis naman ni Luis yung pagkakaakbay niya kay Ate. "Akong bahala, hahanapin ko."- saad ni Luis sabay alis.
"Wag kang malungkot diyan, sure akong meron yan."- saad ni Ate.
Hindi naman ako nagsalita at tumango na lang.
xxxxxxx
Devin Short P.O.V
"Ang saya niyo kanina ah."- saad ko habang nakatingin kila Ice na nasa lobby.
"Akin na muna 'tong sulat na para sayo."- saad ko sabay bulsa ko ulit sa sulat na galing sa pamilya ni Ice at lakad ko paalis.
Nakakainis!
xxxxxxxx
Grey P.O.V
"A- anong meron?"- mahina kong tanong kay Ylana.
Nandito kami ngayon sa isang bench sa garden, kasama namin dito ang Wolves at ang Red Skull pero ang ibang Red Skull nasa mga love booth na nandito. Halimbawa na lang kila Ate Rei at Luis na nasa marriage booth at nagpapakasal. Simula ng magsama-sama kami rito, hindi pa ngumingiti o nagsasalita man lang si Ice.
May problema kaya?
"Walang natanggap si Ice, walang ipinadala sa kanya sila Tita Rica."- bulong sakin ni Ylana.
Nagulat naman ako. "What?"- saad ko.
Ngumiwi naman si Ylana. "Chineck na ni Luis yung kahon, nagtanong din siya sa mga estudyante tapos hinanap din mismo ng Red Skull maski ng Wolves ang ano man na may pangalan ni Ice pero wala talaga. Walang ipinadala sa kanya."- mahinang saad sakin ni Ylana.
Napatingin naman ulit ako kay Ice. "Matampuhin pa man din yan."- mahina kong saad.
"Yeah, wag na muna nating kausapin. Kapag nagtatampo yan sobrang iksi ng pasensya niyan, baka masigawan lang tayo."- saad sakin ni Ylana.
"Sige."- saad ko.
Bigla namang tumayo si Ice at naglakad paalis.
"Saan pupunta yun?"- saad ko.
"Hayaan mo na, wag na nating sundan."- saad ni Ylana.
Hindi naman ako nagsalita, hanggang sa biglang sumigaw si Ashlie na kasama si Kris. "Woooo Yes! Walang Forever!"- sigaw ni Ashlie habang nakatingin sa dalawang mag-couple na nag-aaway sa tapat ng kissing booth. Natawa naman si Kris sa kanya.
"Kahit kailan talaga itong si Ashlie, tsk!"- natatawa kong sabi.
Nagsalita naman si Ylana. "Grey, pasuyo. Bilhan mo nga ko ng choco nut donut dun sa booth ng section natin, samahan mo na ng softdrinks."- saad ni Ylana.
"Sige."- saad ko sabay tayo.
Hindi ako pwedeng umangal dito, kung inaakala niyong tahimik na tao 'tong si Ylana pwes! akala nyo lang yun, napakabungangera at sadista niyan. Pareho sila ni Ashlie kaya naman di sila magkasundo at madalas silang mag-away.
"Pera."- saad ko sabay lahad ko sa kamay ko, inabutan naman niya ko ng bente.
Bente.... kuripot talaga nitong babaeng 'to!
Hindi naman na ko nagsalita at umalis na lang. Ako na mapapagod sa pagpunta sa food court ako pa mag-aabono dahil malamang na kulang 'tong ibinigay niya.
Pagdating ko sa food court, agad akong pumunta sa booth ng section namin at bumili ng choco nut donut. Buti na lang at ibinigay sakin ng libre ng mga kaklase ko yung donut kasi first of all daw, kami ang dahilan ng mga kaibigan ko kung bakit nagkaroon ng ganitong klaseng celebration ng Valentines ang DIA. Nagpasalamat naman ako sa kanila.
Nang makuha ko yung donut, agad naman akong pumunta sa bilihan ng softdrinks at bumili ng softdrink. Dahil di naman sakin sinabi ni Ylana kung anong softdrink, bumili na lang ako ng kahit ano. Nang paalis na ko sa food court, may nahagip ang mata kong isang babae. Nakaupo ito sa may fountain at may hawak itong maliit na termos sa kanan niyang kamay habang nakatitig sa cup noodles na hawak naman niya sa kaliwa niyang kamay. Natawa naman ako ng bahagya.
Hindi ba niya alam kung anong gagawin?
Binitawan naman nung babae ang mga hawak niya at pagkatapos ay bumuntonghininga ito at tumingin sa fruit shake booth. Titig na titig ito sa Pineapple Flavor.
Hindi ko alam kung anong dahilan at nakita ko na lang ang sarili kong nasa fruit shake booth, bumili ng pineapple shake at pagkatapos.. nilapitan yung babae at iniabot dito yung shake.
What The!
Kinunutan naman ako ng noo nung babae.
"A- ahm.. nakita kasi kitang nakatingin dito so inisip ko baka gusto mo."- saad ko.
Shit Grey! Anong ginagawa mo!
Lalo namang kumunot ang noo nitong babae. "Oo gusto ko nga niyan pero di mo ko kailangang bilhan. Anong tingin mo sakin? hindi ko kayang bumili niyan?"- saad ni... Alex. Tama kayo nang nabasa, si Alex nga. Si Alex ng Dark Cards. Para siyang si Ashlie dati.
"Siguro Oo, sa tingin ko wala kang pera at yang cup noodles na yan na nasa iyo ay ibinigay lang sayo tama ba? Kasi hindi ka bibili ng isang pagkain lalo na kung hindi mo naman alam kung paano ito kainin. Tama ba ko?"- saad ko na ikinatahimik niya.
Ngumiti naman ako ng bahagya. "I guess you're a Princess in your house nung hindi ka pa napupunta rito sa DIA, why? Kasi cup noodles lang hindi mo pa alam kung paano kainin."- saad ko sabay lapag ko nung fruit shake sa gilid ng fountain at kuha ko sa cup noodles. Pagkatapos, agad ko itong binuksan at binuhusan ng tubig na mainit na nasa maliit na termos.
"Hintayin mong maluto ng mainit na tubig yung noodles, pagkatapos pwede mo na yang kainin."- saad ko sabay tingin ko sa kanya. Pagtingin ko, saktong nakatingin din siya sakin pero agad ding umiwas ng tingin ng tumingin ako sa kanya.
Awkward.
"A- aalis na ko, yung Fruit Shake.. Isipin mo na lang na Valentine treat ko sayo yan bilang kapwa estudyante rito sa DIA."- saad ko at pagakatapos ay mabilis akong naglakad paalis.
Anong ginagawa ko? ang sabi layuan ang Dark Cards. Sa ginawa ko kanina para akong nakikipagkaibigan!
Bago ako tuluyang makaalis, tinignan ko muna sandali si Alex at hindi ko naiwasang hindi mapangiti ng makita kong ininom niya agad yung fruit shake habang binabantayan yung cup noodles.
Cute.
xxxxxxxx
Devin P.O.V
"Ice."- walang emosyon kong saad nang makasalubong ko rito sa hallway si Ice. Tinignan naman niya ko, halata ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Tapos na ang basketball, ang section namin ang nanalo."- walang emosyon ko paring sabi.
Tumango naman siya. "Yeah, congrats."- saad niya.
Napakunot naman ako ng noo. "Malungkot ka ba dahil nalaman mong hindi madaling makatakas dito sa DIA?"- saad ko.
Umiling naman siya. "Tuwing nakikita mo ang taong mahal mo na masaya kasama ang iba, masakit diba? yung tipong gusto mo siyang agawin mula dun sa kasama niya at lagyan ng name tag."- saad niya.
Natahimik naman ako.
Anong pinagsasasabi niya?
"Ang sakit diba, kapag nag-expect ka sa taong mahal mo nang kung ano pero yun pala wala kang makukuha mula sa kanya. At ang sakit din diba kapag hindi mo naramdaman na mahal ka rin ng mahal mo. Parang gusto mong manakit."- saad pa niya.
Nairita naman ako. "Tch! Ano bang sinasabi mo!"- irita kong sabi.
Ngumiti naman siya ng bahagya. "I love my parents at ngayong araw na 'to hindi ko naramdaman na mahal nila ko. I didn't get anything from them, halos lahat nakakuha ng gamit o sulat mula sa pamilya nila pero ako, wala akong nakuha! Gusto kong agawin yung ipinadala nila sa kapatid ko pero sino ba naman ako para gawin yun? Eh sampid lang naman ako."- saad niya sabay ngisi.
A- ano? Anong sinasabi niya?
"Grabe, para akong nabroken hearted ngayong Valentines Day."- saad niya sabay buntonghininga at lakad paalis. "See you around."- saad niya sabay alis ng tuluyan.
"S- sandali.."- saad ko pero... wala na siya. Napakuyom naman ako ng kamao ko.
Sh*t! mahal ka ng parents mo! May ipinadala sila para sayo at.... nasa akin yun! Damn Devin! Anong ginawa mo? Pinasaya niya lahat ng nandito pero ikaw? anong ginawa mo! pinalungkot mo siya!
"s**t! Paano ko ibibigay sa kanya 'tong sulat."- bulong ko sabay hawak ko sa sulat na nasa bulsa ko.
Tch! Magseselos na nga lang kasi 'bat kailangang mandamay pa ng iba! Damn myself, wrong move Devin.