Chapter 17

3820 Words
Brent P.O.V It's already 6:00pm, 30 minutes na lang magsisimula na ang pageant dito sa DIA. Nandito kami ngayon ng mga kasamahan ko sa opisina namin at naghahanda para mamaya. "Brent."- tawag sakin ng Hari. "Bakit po King?"- sagot ko. Bigla naman siyang ngumiwi. "Wag na lang."- saad ng Hari. Hindi naman ako nagsalita. Ilang sandali lang... "Brent."- tawag ulit ng Hari. "Bakit po King?"- saad ko ulit. Ngumiwi naman siyang muli. "Nevermind."- saad ng Hari sabay sandal niya sa upuan niya rito sa opisina namin at isip. Anong problema ng Hari? "Tsk. Bwiset! Ako na nga! Bahala na!"- sigaw ng Hari sabay padabog na umalis. "Whoa! Anyare?"- saad ng kakambal ko. Nagkibitbalikat naman ako. "Ewan ko, nababaliw na yata yung Hari."- saad ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Bryan. "Hindi kaya... nakita ng Hari yung kanina? Alam mo bang nagpakasal kanina sina Reigen at Luis dun sa marriage booth? Tapos pumunta rin sila sa kissing booth tapos nagkiss sila. Well, obviously yun naman talaga yung ginagawa sa kissing booth, kaya nga kissing booth eh! Hindi kaya nakita ng Hari yun kaya para na siyang nababaliw sa kaiisip?"- saad ni Bryan. Napapoker face naman ako. "Kung nakita ng Hari yun hindi dapat ganyan ang reaksyon niya, hindi siya mag-iisip kung nakita niya yun."- saad ko. "Hmm.. sa bagay, kung nakita niya yun malamang wala tayo rito ngayon. Malamang nasa laban tayo ngayon laban sa Red Skull."- saad ni Bryan. Bigla namang may dumighay, pagtingin namin... "S- sorry."- saad ni Alex sabay takip niya sa bibig niya. Natawa naman kami ni Bryan. "Busog ah! anong kinain mo?"- saad ni Bryan kay Alex. "Tsk. Pake mo! Huwag ka nang magtanong."- pagsusungit ni Alex. "Sabi ko nga, eh teka nga.. sa mga panahong nagkakaganyan ang Hari ikaw ang numero uno na grabe makareact, anong nangyari ngayon?"- saad ni Bryan kay Alex. Sandali namang natahimik si Alex pero agad din naman siyang nagsalita. "A- ano, h- halata namang iritang-irita ang Hari! Kung papakealaman ko siya malamang magagalit lang siya sakin! at ayokong mangyari yun."- saad ni Alex sabay iwas niya ng tingin. "Hmm? Okay, sabi mo eh."- saad ni Bryan. May bigla naman akong naalala. "Kailangan ko pa lang pumunta sa library, may isasauli pala akong libro."- saad ko sabay tayo. "Wait."- saad ni Alex sabay bukas niya sa bag niya at kuha sa mga librong nandoon. "Isabay mo na 'to."- saad niya. Kinuha ko naman yung mga libro. "Sige, alis na ko."- saad ko sabay labas ko sa opisina namin. Habang naglalakad ako sa hallway, rinig na rinig ko ang mga usapan ng mga estudyanteng nadaraanan ko. "Hanggang 9pm ang pageant diba? ibig sabihin hanggang 9pm lang tayo pwedeng magsaya." "Tama ka, malamang bukas ay balik na naman tayo sa normal." "Nakakatakot, ang unang laro para sa taon na 'to ay ibinigay sa Reapers. Pagkatapos nun wala nang sumunod, may kutob akong ang second game ay magiging mahirap sating lahat." "Tama ka kaya naman sulitin na natin ngayon." "Sige!" Napabuntonghininga naman ako. Ang kutob ng mga estudyanteng narinig ko ay kutob ko rin. Nakakatakot ang pagiging tahimik ng Headmaster, malamang na isang mahirap na laro ang magiging kapalit. Pagdating ko sa library, agad kong ibinigay sa librarian yung mga libro. "Nandyan na rin yung mga hiniram ni Alex na libro."- saad ko sa librarian. "Opo, salamat po."- saad ng Librarian. Hindi naman na ko nagsalita at naglakad na lang paalis ngunit napatigil ako sa paglalakad nang tawagin ako nung librarian. "Sir.Brent."- tawag nito sakin. "Bakit?"- tanong ko sabay tingin ko sa librarian. "A- ahm.. yung babaeng yun po kasi, magdadalawang oras na po siyang natutulog dito, natatakot naman po akong gisingin kasi baka saktan ako."- saad nung Librarian. Tinignan ko naman ang tinutukoy niya. "Headset?"- saad ko at ilang sandali lang... narealize ko kung sino yun. "Sige, ako nang bahala."- natatawa kong sabi sabay lapit ko dun sa babaeng natutulog na walang iba kundi si.. Ylana ng Reapers. "What the! Pftt..."- saad ko nang makita kong tulo laway siya. Agad ko namang kinuha yung phone ko at pinicturan si Ylana. "I'm sure magagamit ko 'to balang-araw."- saad ko sabay tago ko sa cellphone ko at tingin ko sa paligid. Kami lang ang nandito. Ang librarian, Ako at si Ylana. Bumuntonghininga naman ako at pagkatapos bumilang ako ng tatlo sa isip ko. 1... 2... 3... "HALA MAY NAG-AAMOK! ANG DAMI NA NIYANG NAPAPATAY! HALA PAPUNTA NA SIYA RITO!!"- sigaw ko. Nagising naman si Ylana at agad na tumayo sabay sumigaw. "Put*! Asan! Asan!"- sigaw niya. "Pfftt... HAHAHAHA! Yung itsura mo!"- saad ko habang tumatawa. Gulo-gulo yung buhok niya, yung headset niya halos malalaglag na mula sa ulo niya. May ilang buhok din siya na nasa pisngi niya at nadikit dun dahil sa laway niya. Napatingin naman siya sakin. "Alam mo yung kasabihan?"- saad niya sabay tanggal niya sa Headset na nasa ulo niya at ayos niya sa mukha niya. Napatigil naman ako sa pagtawa. "Anong kasabihan?"- natatawa ko paring sabi. "Na asarin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising."- saad niya sabay patunog niya sa mga daliri niya. Napatingin naman ako sa mga kamay niya. "Sasaktan mo ko?"- saad ko sabay tingin ko ulit sa mukha niya. Bigla namang dumilim ang mukha niya. "Ano sa tingin mo?"- inis niyang sabi sabay suntok sakin. Agad naman akong naka-iwas. "O- oyy! Ginising lang kita!"- saad ko. "Wala akong pakealam!"- sigaw niya sabay amba na naman ng suntok sakin ngunit nakailag muli ako. "Ylana! A- anong gagawin mo diyan!"- sigaw ko nang kumuha siya ng isang upuan. "Ibabato ko sayo bwiset ka!"- banas niyang sigaw sabay bato niya sakin nung upuan. Tumakbo naman ako ng mabilis para makailag. "Tama na!"- sigaw ko nang habulin niya ko. "Peste ka! ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung iniistorbo yung tulog ko!"- sigaw niya sabay sipa sa isang bookshelf. Nanlaki naman ang mga mata ko ng tila maging domino ang mga bookshelves na nandito, at mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang makita kong.. BABAGSAK SAKIN YUNG ISA! "Ylana!!"- sigaw ko sabay lundag ko patungo sa kinaroroonan niya upang makailag sa babagsak na bookshelf. Saktong paglundag ko papunta sa kinaroroonan niya, saktong bumagsak yung bookshelf. Nakahinga naman ako ng maluwag. Nakakatakot yun! "Gotcha!"- saad niya sabay suntok sana sakin nang masalo ko ang kamao niya. "What the!"- saad niya sabay suntok sana ulit sakin gamit ang isa niyang kamay ngunit.. nasalo ko ulit ito. "B- bitawan mo ko!"- sigaw niya. Nilapit ko naman sa mukha niya ang mukha ko kaya natahimik siya. "Alam mo bang pwede kang makulong sa darkness room dahil sa ginawa mo?"- saad ko. Umiwas naman siya sakin ng tingin. "W- wala akong pake!"- saad niya. "Hmm... brave."- saad ko sabay bitaw ko sa kanya at kuha ko sa cellphone ko. "Kung ganun ibang parusa na lang ang ipapataw ko sayo."- saad ko sabay pakita ko sa kanya nung litrato niya na kinunan ko kanina. Nanlaki naman ang mga mata niya. "Ikakalat ko na lang 'to sa buong school, ilang print ba? magpiprint ba ko ng sobra?"- saad ko sabay ngisi. Tinangka naman niyang agawin sakin yung phone ko, buti na lang naitaas ko agad ito. "Oopss... No no no! you can't do that."- saad ko. "Aargh! Okay! Anong gagawin ko para hindi mo ikalat yan!"- saad niya. Halata ang pagka kaba at pagkabanas sa mukha niya. Ngumisi naman ako. "Say sorry to me and...."- saad ko sabay lapit ko ulit ng mukha ko sa mukha niya. "Ibalik mo sa dati 'tong library na ginulo mo."- saad ko sabay hiwalay ko ng mukha ko sa mukha niya. Tinignan naman niya ang mga tumbang bookshelves at napalunok nang makita kung anong nangyari rito. "Ano? Ikakalat ko 'to."- saad ko. Sumigaw naman siya. "No!"- sigaw niya sabay lip bite. "S- sorry.... a- aayusin ko 'tong library."- saad niya sabay yuko. Ngumiti naman ako. "Good."- saad ko sabay lakad ko paalis. Grabe! magagamit ko rin pala agad 'tong litrato. "Oh i forgot!"- saad ko sabay lakad ko pabalik sa kanya. "Hindi ka pwedeng humingi ng tulong sa iba, ayusin mo 'tong library ng mag-isa."- saad ko sabay ngiti. "Babalik ako rito mamaya pagkatapos ng pageant, kailangan tapos kana."- saad ko sabay kindat ko sa kanya at lakad ko paalis. Mukhang magagamit ko yung picture na 'to nang matagalan.... Ayos!! xxxxxxx Ylana Short P.O.V "Bwiset kang Brent ka! Akala ko mabait ka akala ko lang pala!!"- banas kong sigaw sabay sipa ko sa Libro na nasa harapan ko. "A- ahm.. Miss?"- saad ng Librarian. Agad ko naman itong tinignan. "Suggest lang po, magsimula na po kayo para matapos po kayo agad. Baka po kasi malagot kayo lalo kay Sir.Brent kapag bumalik siya rito at di pa po kayo tapos, isa pa po pwede pong pakihinaan ang boses niyo? Nasa library ka pa rin po kahit walang tao ngayon na nag-aaral dito."- saad nung librarian. "Psh!"- saad ko kahit di naman salita yan at pagkatapos nagsimula na kong ayusin ang ginulo ko. Makakaganti rin ako! xxxxxxxx Ashlie P.O.V "Waaaaaaaah! Apat na pandesaaaaaal"- tili ko. Nandito kami ngayon sa gilid ng stage na itinayo rito sa gymanasium, start na ng pageant at rumarampa na ang mga lalaking naka topless! Ang daming PANDESAL! Bawat contestant merong apat!! "Ang ingay mo, manahimik ka nga!"- saway sakin ni Ice na todo bantay sa pageant. Nagpeace sign naman ako. "Sorna! alam mo namang mahilig ako sa mga lalaking gwapo na maganda ang pangangatawan eh."- saad ko. Bigla namang may sumingit. "Talaga?"- saad ni.... Bryan. Sumama naman bigla yung mukha ko. "Anong ginagawa mo rito?"- saad ko. Hindi dapat siya naririto sa pwesto namin ni Ice, nandun dapat siya sa harap ng entablado dahil ang katulad niyang Dark Cards ay isang panauhing pandangal ng pageant na nagaganap. "Nakakaburyo dun sa harap eh, ang papangit naman ng katawan ng mga lalaking rumarampa di man lang sila mahiya sa isang tulad ko na maganda ang pangangatawan!"- saad ni Bryan na dahilan para mahampas ko yung gilid ng stage. "Hoooooo! Grabe ang hangin powta! Kung makapagsalita ah!"- saad ko. Ngumisi naman siya. "Di ka naniniwala?"- saad niya habang nakangisi. "Patutunayan ko sayo."- saad niya at pagkatapos ay bigla siyang umakyat sa entablado na ikinalaki naman ang mga mata ko. "Umalis ka diyan! Sisirain mo yung pageant!"- sigaw ko. Umiling naman siya. "No, patutunayan ko sayo na dapat mahiya sakin 'tong mga lalaking tinitilian mo kanina."- saad niya sabay unbutton niya sa lahat ng butones ng damit niya. Dumagundong naman ang buong gymnasium sa lakas ng hiyawan at sigawan ng mga babaeng nandito dahil sa ginawa niya. Ako? Heto, tulala. What the abs! Aniiiiiiiiim *_* Pagkatapos ipakita ni Bryan ang katawan niyang may anim na abs sa lahat, agad siyang tumalon paibaba ng entablado at pumunta sa harap ko. "Ano? tama ako diba? dapat silang mahiya."- saad niya sabay ngisi at balik sa pwesto niya. Shemsss! Siniko naman ako ni Ice kaya't nakabalik ako sa realidad. "Sabi sayo manahimik ka, tignan mo nangyari."- saad ni Ice. "Sensya na."- nakanguso kong sabi. Dumating naman si Grey. "Nakita niyo si Ylana? Kanina pa siya wala."- saad ni Grey. Ngumuso naman ako lalo. "Hayaan niyo siya, baka natutulog lang yun sa kung saan."- saad ko. "Tsk! Wag kang ngumuso ng ganyan, ang pangit mo."- saad ni Ice. Agad naman akong umayos. Ang sama niya! Nagdaan ang mga oras naging maayos ang lahat, puro sigawan at hiyawan ng mga estudyante ang naririnig kada lumalabas ang kanilang mga pambato at ako, hindi ko pa rin maiwasan na hindi mapatili kada may lalaking rarampa. Wala maharot eh ^^ Enebe! Naging maayos ang lahat hanggang sa awarding na, tumayo ang lahat ng hurado at nagtungo sa entablado kasama ang Dark Cards na panauhing pandangal. Natahimik naman bigla ang lahat ng biglang kinuha ng Headmaster ang mikropono at nagsalita. Kami naman ni Ice, nagkatinginan. "Good evening students of DIA, panandalian ko munang ipinuputol ang programa sapagkat may nais muna akong ianunsyo sa inyong importante bago ang pag-aanunsyo ng mga nanalo sa pageant."- saad ng Headmaster. Naging pigil hininga naman ang lahat. Tila iisa ang nasa isip naming lahat. Kinakabahan ako, nanahimik siya at kapalit nang pananahimik ay ang pahirap sa lahat, sigurado ako dun. "Ngayong gabi, matapos ianunsyo ang mga nanalo ay magkakaroon tayo ng bunutan. Lahat ng estudyanteng nagparehistro ng solo, sa malaking kahon sa kanan kayo bubunot. Lahat naman ng estudyanteng nagparehistro bilang grupo, dito kayo sa kaliwa. Pumili kayo ng representative na bubunot para sa grupo niyo. Ngayon, kung sino man ang mabunot niyo ay kailangan niyong makuha sa kanya ang pin na meron siya. Ang pin na tinutukoy ko ay makikita niyo sa loob ng mga locker niyo, sa sandaling ito, paniguradong tapos nang ilagay ng mga inutusan ko ang mga pin sa locker niyo. Bukas ng umaga pagkagising niyo, ikabit niyo ang pin sa kahit saan niyo gusto, ang pin na iyon ay aalagaan niyo, babantayan at poprotektahan niyo sapagkat oras na makuha yun sa inyo nang nakabunot sa inyo ay talo na kayo."- saad ng Headmaster. "Pero dahil may konting awa pa ko, mayroon kayong 3 lives. Kada talo mababawasan yun. Sinabi ko sa babala ko nung nakaraang buwan na kailangan niyong pagtagumpayan ang lahat ng laro na ipalalaro ko at kailangan walang talo. Nagbago ang isip ko. Meron na kayo ngayong 3 lives. Tandaan niyong sa isang talo lang ay malaki na agad ang pag-asang hindi kayo makaalis dito sa DIA at kapag hindi kayo nakaalis dito sa DIA... hindi niyo matatakasan ang parusa ko kung sakali mang hindi kayo magtagumpay na mahanap ang pamangkin kong si Darkiela kaya naman galingan niyo. Galingan niyo sa bawat laro at wag nyong uubusin ang 3 lives na mayroon kayo at ipinapaalala ko lang, lahat kasali sa larong ito maski ang Dark Cards, walang makaliligtas."- saad ng Headmaster. Napalunok naman ako. Sabi na nga ba! "Rules of the game? Bahala kayo sa gusto niyo. Kung gusto niyong daanin sa dahas ang pagkuha sa pin nang nabunot niyo edi daanin niyo, mas masaya kung madugo. Para naman sa mga grupo, kung anong grupo ang mabunot niyo ay kailangang makuha niyo ang pin ng lahat ng miyembro ng grupong iyon sapagkat doon lamang kayo magkakaroon ng puntos."- saad pa ng Headmaster. "Paglilinaw lang, kailangang makuha niyo ang pin ng mabubunot niyo at kailangan niyo ring protektahan ang mismong pin niyo. Kapag nakuha niyo ang pin nang nabunot niyo pero nakuha naman nang nakabunot sa inyo ang pin niyo, talo pa rin kayo."- saad ng Headmaster. Wala namang nagsalita, lahat tahimik at tila kinakabahan. "Yun lang. Ngayon, iaanunsyo na ang mga nanalo sa pageant."- saad ng Headmaster. Nagbalik naman muli ang tugtog ngunit hindi na nagbalik ang saya kanina ng mga estudyante. Nanalong 3rd runner up ang pambato ng Section B. 2nd runner up ang sa Section C. 1st runner up ang Section D at Champion naman ang Section A. Nang matapos ang awarding, heto na ang kinatatakutan ng lahat...... ang bunutan. "Ice, ikaw ng bumunot para satin."- saad ko. Hindi naman nagsalita si Ice at naglakad na lamang papunta sa kahon na nasa kaliwa. Nakita ko siyang tinitigan muna ang kahon sandali bago bumunot. Nang makabunot siya, nakita kong patago niyang tinignan ang nabunot niya at tila lumuwa ang mga mata niya sa gulat nang makita ang nabunot niya. Hindi naman ako nakatiis at nilapitan ko siya, sinundan naman ako ni Grey. "Ano? Anong grupo nabunot mo?"- mahina kong tanong kay Ice. Tinignan naman niya ko, tila kinakabahan siya. "Pasensya na."- saad ni Ice sabay pakita niya samin ni Grey nung nabunot niyang grupo. Pagkakita ko, halos lumuwa rin ang mga mata ko. "N- no way..."- saad ko at pagkatapos napalunok na lang ako. Bakit sila pa? "M- mahihirapan tayo, seryosong laro ang magaganap. Paniguradong ilalabas nila ang nakakatakot nilang katauhan, mahihirapan tayo ng sobra."- mahinang saad ni Grey. Bumuntonghininga naman si Ice na tila pinapakalma ang sarili. "Pasensya na, pero wag tayong kabahan o matakot. Kaya natin 'to! May plano ako, pag-usapan natin sa dorm kasama si Ylana. Gagawin natin 'to ng walang masasaktan."- mahinang saad ni Ice. Tumango naman kami. "Sige."- sagot namin ni Grey. Nagsalita namang muli ang Headmaster. "Mukhang tapos nang bumunot ang lahat, huwag niyong ipakikita sa iba ang nabunot niyo. Hayaan niyong masurpresa sila bukas oras na magsimula na ang laro. Ngayon, maaari na kayong umuwi sa mga dorm niyo. Happy Valentines."- saad ng Headmaster. xxxxxxxx Brent P.O.V "Anong grupo ang nabunot?"- bulong ko sa kakambal ko. Nandito pa rin kami ngayon sa gymnasium, kinakausap pa kasi ng Headmaster ang Hari. "Majesties."- bulong sakin ng kakambal ko. "Majesties? Basic."- mahina kong saad. Ilang sandali lang, lumapit samin ang Hari. "Mauna na kayo sa dorm, may kailangan lang akong gawin."- saad ng Hari. "Masusunod po."- saad ko. May napansin naman ako, may hawak siyang kulay pulang sobre. "King? Ano po yan?"- tanong ko sabay turo ko sa sobre na hawak niya kahit alam kong sobre yun. Tila nagulat naman ang hari at agad na itinago ang envelope na hawak niya. "D- don't ask! Mauna na kayo sa dorm."- saad ng Hari at pagkatapos nagmamadali siyang umalis. "Wag mo nang isipin ang Hari, tayo na sa dorm."- saad ni Bryan. Tumango naman ako, ang kaso may bigla akong naalala. "Sandali, mauna na kayo ni Alex. May titignan lang ako sandali susunod din agad ako sa inyo."- saad ko. Napataas naman ng kilay ang kakambal ko. "Sige."- saad niya. Agad naman akong umalis at nagtungo sa library upang tignan si Ylana. Ano na kayang nangyari dun? Pagdating ko sa library, agad kong nakita si Ylana. "Put*! nabugbog yung mga muscles ko."- saad ni Ylana habang nakahiga sa sahig at nakapikit ang mga mata. Tinignan ko naman ang buong paligid ng Library. Maayos na ito. Tahimik naman akong naglakad papunta sa librarian at ito ay tinanong. "Siya lang ba naglinis?"- mahina kong tanong sa Librarian. Tumango naman ito. "Nakakamangha po ang babaeng yan Sir.Brent, kababaeng tao ang lakas."- mahinang saad ng Librarian. Tinignan ko naman si Ylana na mukhang..... nakatulog na. Natawa naman ako at agad siyang nilapitan. "Ibang klase talaga kayo."- saad ko sabay buhat ko kay Ylana. "Magsara ka na."- utos ko sa Librarian. "Masusunod po."- saad nito. Hindi ko naman na pinansin ang Librarian at umalis na lang ako upang magtungo sa dorm ng Reapers. Hindi pa man ako nakalalapit sa dorm ng Reapers ay may namataan akong taong kilalang-kilala ko na tila galing sa direksyon ng dorm ng Reapers. Ang Hari. Banas na banas ito habang naglalakad paalis, at sa kamay nito naroon pa rin yung pulang envelope na napansin kong hawak niya kanina nung nasa gymnasium pa kami. Ano ba yun? At isa pa, saan galing ang Hari? Patungo ba siya sa dorm ng Reapers tapos naisipan niyang wag nang tumuloy? Tatawagin ko na sana ang Hari ng bigla itong naglakad ng mabilis paalis at maglaho. Again, ano ba yun? Bigla ko namang naramdaman ang bigat ng babaeng 'to na buhat ko kaya naman nagmadali akong naglakad patungo sa dorm ng Reapers. Pagdating ko sa tapat ng pinto ng dorm nila, agad akong tumawag. Agad din namang bumukas ang pinto at tumambad sakin si Grey na nagulat, tumingin ito sakin tapos kay Ylana na tulog na tulog tapos sakin ulit. "Napagod siya dahil sa parusa ko sa kanya."- saad ko sabay pasok ko sa loob ng dorm nila at higa ko kay Ylana sa sofa. Saktong paghiga ko kay Ylana sa sofa nila, biglang lumabas si Ashlie mula sa isa sa mga kwarto. "Ang ganda-ganda kooo~"- saad nito at pagkatapos ay napatingin siya sakin, tapos kay Ylana tapos sakin ulit. "Anyare?"- saad nito. "Napagod siya dahil sa parusa ko sa kanya."- pag-uulit ko sa sinabi ko kanina kay Grey. "Ahh... ganun b-- WHAT!? NAPAGOD SIYA DAHIL SA PARUSA MO SA KANYA?"- sigaw ni Ashlie sabay titig kay Ylana. "Wahhh! Pagod na pagod siya! ANONG GINAWA MO? ANONG PARUSA? SINUKO BA NIYA ANG PERLAS KAYA HINDI SIYA MAKALAKAD AT KINAILANGAN MO PA SIYANG BUHATIN? NAKAILANG ROUNDS KAYO? ANONG POSISY---- ARAY KO! ANONG PROBLEMA MO!"- sigaw ni Ashlie na hindi natuloy ang sinasabi sapagkat binatukan siya ni Grey. "Anong sinuko niya ang perlas? Anong nakailang round? Wag kang green!"- sigaw ni Grey kay Ashlie. Nanlaki naman ang mga mata ko. T- teka? A- anong iniisip nila? "Tsk! Bakit ba ang ingay niyo!"- banas na saad ni Ice na lumabas mula sa isa sa mga kwarto. Napatingin naman ito sakin, at tulad kila Grey at Ashlie. Napatingin din ito kay Ylana tapos sakin ulit. "Anong nangyayari? 'Bat ka nandito?"- taas kilay na tanong sakin ni Ice. "I- inuwi ko lang dito sa inyo si Ylana, nakatulog kasi siya pagkatapos niyang gawin yung parusa ko sa kanya."- saad ko. "Parusa?"- kunot noong saad ni Ice sabay tingin kay Ylana. "Anong parusa?"- saad ni Ice. Sasagot na sana ako ng biglang sumigaw si Ashlie. "Iceeee! Kinuha niya ang perlas ng silanganan ni Ylana kaya pagod na pagod si Ylana! May nangyari sa kanila!"- sigaw ni Ashlie na ikinalaki muli ng mga mata ko. What!? Yun ang iniisip niya? Kung katulad ako ni Bryan posible pero.. hindi eh! Hindi ako katulad ni Bryan na manyak! "Ano? N- no! Mali ka nang iniisip!"- dipensa ko at pagkatapos ay ikinuwento ko ang tunay na nangyari. "Yun ang nangyari! Hindi ko siya ginalaw o kung ano mang iniisip niyo!"- saad ko. Nagsalita naman si Ashlie. "Ahhh.. yun pala."- saad ni Ashlie. Napailing naman si Ice. "Ashlie the second talaga."- saad ni Ice habang nakatingin siya kay Ylana sabay tingin sakin. "Pwede ka nang umalis."- saad ni Ice. Tumango naman ako. "Sige."- saad ko at pagkatapos lumabas na ko ng Dorm nila. Grabe! Pinagpawisan ako sa kanila. xxxxxxx Ice P.O.V "Sobrang pagod na pagod ang loka na halos di siya nagising sa mga sigaw niyo."- saad ko sabay alog ko ng sobrang lakas kay Ylana. "Gising."- saad ko sabay lakas ko pa lalo sa pag-alog sa kanya. Dahan-dahan naman siyang nagdilat ng mata. "A- ano ba! Pagod na pagod ako eh."- saad nito sabay tingin sa paligid. "Eh? Paano ako napunta rito? Sa pagkakatanda ko nasa library ako."- saad ni Ylana. Ikinuwento ko naman sa kanya ang nangyari. "Talaga..."- saad ni Ylana sabay upo niya at batok kay Ashlie na nakapwesto malapit lang sa kanya. "Aray ko! Bakit!?"- angal ni Ashlie. "Tch. Anong tingin mo sakin marupok? Oo gwapo si Brent pero hindi ko isusuko ang perlas ng silanganan ko sa kanya!"- saad ni Ylana. Ngumuso naman si Ashlie. "Oo na, na green minded lang okay?"- saad ni Ashlie. Bumuntonghininga naman ako. "Ang mabuti pa, ikwento niyo na kay Ylana yung nangyari kanina sa gymnasium."- saad ko. Agad naman akong sinunod nila Ashlie at Grey, nang malaman na ni Ylana ang nangyari kanina ay agad ko namang sinabi sa kanila ang plano. "Alam niyo na ang gagawin niyo."- saad ko pagkatapos. Tumango naman sila. "Oo."- sagot nila. Ngumiti naman ako. "Kaya natin 'to."- saad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD