Chapter 18

5000 Words
Author's Point Of View "Ayan, ayos na!"- saad ni Bryan pagkatapos niyang ikabit ang pin niya sa kaliwang bahagi ng polo niya. "Ingatan niyo yan, hindi natin alam kung anong grupo ang nakabunot satin. Mabuting maging handa at alerto tayo."- saad ng Hari sabay suot niya ng isang wrist band at kabit doon ng pin niya. "Baka mamaya ang Red Skull ang nakabunot satin, kailangan talagang maging alerto tayo."- saad ni Alex. Bumuntonghininga naman si Bryan. "Ang ganda nitong pin, kitang-kita yung simbolo nating Dark Cards dito tapos ang ganda pa ng font na ginamit para sa pangalan natin."- saad ni Bryan. "Kaya ingatan mo."- saad naman sakanya ni Brent. Tumingin naman ang Hari sa orasan. "Maghiwa-hiwalay na tayo, kunin na natin yung mga pin ng Majesties."- saad ng Hari. Tumango naman sina Bryan, Alex at Brent. "Tayo na."- saad ng Hari at pagkatapos ay lumabas na sila ng silid nila at naghiwa-hiwalay. Lingid sa kanilang kaalaman, may mga taong kanina pa naghihintay na sila ay lumabas. "Yan na, kayo nang bahala." "Sige!" ------- "Saan ka pupunta?"- tanong ni Grey kay Ashlie. Ngumiti naman ito. "Doon sa lungga ng taong na-aasign sakin, nalaman ko kasi kung saan siya palaging tumatambay."- sagot ni Ashlie. "Ganun ba? sige galingan mo."- saad ni Grey. Tinaas naman ni Ashlie ang kamay niya na parang siya si darna. "Fighting!"- sigaw ni Ashlie sabay takbo niya patungo sa lugar ng target niya. 'Magaan ang pakiramdam ko, at dahil dito sa tingin ko magagawa ko nang matagumpay ang plano naming super ganda katulad ko! Charr lang.'- ang nasa isip ni Ashlie. Pagdating ni Ashlie sa tapat ng pintuan ng tambayan ng target niya, nagpabango muna siya sa katawan at nag-spray ng pampabango sa bibig. Pagkatapos nun, inayos niya ng kaunti ang buhok niya at huminga ng sobrang lalim sabay buga. "Kaya ko 'to!"- bulong ni Ashlie sabay pasok niya sa loob ng tahimik. Pagkapasok niya, agad siyang tumingin sa paligid. 'It's time to make silip-silip *evil smile*'- sa loob-loob niya. "Wala."- mahina niyang saad pagkatapos niyang silipin ang cubicle no.1 sa cr ng girls. Tama, nasa cr ng girls si Ashlie sapagkat napag-alaman niyang dito ang lungga ng target niya. "Wala, wala."- mahina niya ulit na saad pagkatapos niyang masilip ang cubicle no.2 and 3. Bigla naman siyang nakarinig ng kakaibang tunog na nakapagpa-excite sa kanya. 'Live shooooooow!'- ang nasa isip niya. Dahan-dahan naman siyang naglakad papalapit sa cubicle na pinanggagalingan ng tunog, sa cubicle no.6! Pagdating dun, agad siyang sumilip sa ilalim at napangiti na lamang siya ng makita niyang... may apat na paa. "Gotcha."- pabulong niyang sabi sabay tayo niya ng maayos at ayos niya sa sarili niya. 'Kaya mo yan Ashlie! Ang ganda-ganda mo! *smirk*'- sa loob-loob niya. Lumakad naman siya nang dahan-dahan patungo sa harap ng salamin at inilabas ang kanyang mga pampaganda mula sa bag niya upang palabasin na nag-aayos siya ng kanyang sarili ng mapansin niya ang mga tao sa cubicle no.6. Nang handa na si Ashlie, agad siyang nagsimula sa arte niya. "Hooooooo yes! Akala ko sa Sheria lang may ganito! dito rin pala! Well, ano pa bang dapat asahan sa ganitong uri ng paaralan? Sige, tuloy lang sa paglalamunan!"- saad ni Ashlie. Bigla namang may kumalabog mula sa loob ng cubicle no.6 at ilang sandali lang, tumambad kay Ashlie mula sa salamin ang mukha ng isang babaeng kinakabahan at ang mukha ni Bryan na gulat. Si Bryan. Ang Dark Cards ang nabunot ni Ice sa draw lot kahapon. Ang Dark Cards ang target ng Reapers. Tinignan naman sila ni Ashlie habang kunwari ay inaayos nito ang necktie ng uniform niya. "Oh? why stop? Plano ko pa namang manilip after retouching."- sarkastikong saad ni Ashlie sabay harap niya muli sa salamin at ngisi. Mula sa salamin, nakita ni Ashlie na bumuntonghininga si Bryan at pagkatapos ay ipinaalis niya yung babae. Tumango naman yung babae at agad na tumakbo paalis. "Oh? 'bat mo pinaalis!?"- saad ni Ashlie. Napailing naman si Bryan. "Tsk! alam mo bang muntik mo ng masira ang plano ko? Buti na lang bago ka dumating nakuha ko na 'to."- saad ni Bryan sabay labas nito ng isang pin na may nakalagay na Majesties. 'Majesties? Ito ang target nila?'- nasambit ni Ashlie sa isip niya. "Oh? ganda ng strategy mo ah! Parang gusto ko tuloy gayahin."- saad ni Ashlie sabay tingin niya kay Bryan. "You know, gwapo kasi nung target ko eh so hindi nakakadiring gawin sa kanya yung strategy mo."- saad ni Ashlie sabay ngiti niya kay Bryan at tingin ulit sa salamin. "Pwede na siguro 'tong ayos ko."- saad ni Ashlie sabay tago niya sa mga pampaganda niya at sukbit sa bag niya. Nagulat naman si Ashlie nang pagtalikod niya, tumambad sa kanya nang napakalapit ang mukha ni Bryan. "Sa tingin mo hahayaan kitang gawin yun?"- kunot noong saad ni Bryan. 'Sh*t... nakakailang, pero kaya ko 'to! Fighting!'- ang nasa isip ni Ashlie. "Pipigilan mo ko? Bakit? Sino ka ba para pigilan ako?"- sarkastikong saad ni Ashlie sabay sulyap niya sandali sa pin ni Bryan na nakakabit sa polo nito. Hindi naman nagsalita si Bryan kaya naman nagsalita ulit si Ashlie. "Ah! Siguro attracted ka sakin kaya ayaw mong gayahin ko yung strategy mo 'no? Ayos ah! So anong gusto mo?"- sarkastikong saad ni Ashlie. Nagulat naman si Ashlie ng bigla siyang higitin sa beywang ni Bryan, pasimple namang napalunok si Ashlie ng laway dahil dito. "Tama ka, attracted nga ko sayo.. at alam mo bang kapag ako na attract sa isang babae gusto ko makuha ko yun?"- saad ni Bryan. Ngumisi naman si Ashlie. "Ganun ba? Sige ganito na lang, bago ko kunin yung pin ng target ko.... susubukan muna kita."- saad ni Ashlie at pagkatapos ay sinunggaban niya kaagad ng halik si Bryan. Agad naman siya nitong tinugunan. 'Takte! Tatapusin ko agad 'to. Baka kung saan pa mapunta 'to.'- sa loob-loob ni Ashlie. Nilagay naman ni Ashlie ang kaliwa niyang kamay sa batok ni Bryan at pinalalim pa lalo ang halikan nilang dalawa nang sa ganon ay hindi maramdaman ni Bryan ang gagawin niya. Pagkatapos nun, dahan-dahan na idinilat ni Ashlie ang kanan niyang mata at tinignan ang pakay niya kay Bryan. Ang pin nito. 'Oras na para ilabas ang pagiging magnanakaw.'- ang nasa isip ni Ashlie. Pagkatapos nun, dahan-dahan niyang itinaas ang kanan niyang kamay at maingat niyang hinawakan ang pin ni Bryan at inalis ito sa polo nito. Tagumpay naman si Ashlie sapagkat hindi yun naramdaman ni Bryan dahil enjoy na enjoy ito sa ginagawa nila ni Ashlie. Nang makuha ni Ashlie ang pin ni Bryan, agad niya iyong ibinulsa at tinapos ang halikan nilang dalawa. Hinihingal naman na tinignan ni Ashlie si Bryan. "*smirk* pwede na."- saad ni Ashlie at pagkatapos ay agad niyang itinulak palayo sa kanya si Bryan. "Pero alam mo? practice ka pa. Mas magaling pa rin yung Ex-Boyfriend ko sa Sheria."- saad ni Ashlie sabay ngisi at lakad niya palapit sa pinto. "Next time dapat mas magaling ka na sa Ex ko okay? And oh! thank you ah?"- saad ni Ashlie sabay tawa at alis. Napahawak naman si Bryan sa labi niya at pagkatapos ay napangisi na lamang siya. "Ibang klase."- saad ni Bryan sabay tingin niya sa salamin nang may mapansin siya. "T- teka.."- nanlalaki ang mga matang saad ni Bryan sabay kapa niya sa bahagi ng polo niya kung saan niya ikinabit ang pin niya. Nang wala siyang nakapa, napasigaw na lamang siya. "D*mmit!"- sigaw ni Bryan sabay takbo niya palabas ng cr. Pagdating niya sa hallway, agad niyang hinanap ng mga mata niya si Ashlie ngunit.... wala na ito. "S- s**t! Naisahan niya ko!"- pagtataas ng boses ni Bryan sabay kuha niya sa cellphone niya upang kontakin ang mga kasamahan niya. Nang hindi niya makontak ang mga ito ay itinext niya ang mga ito. Sinabi niya sa mga ito na ang Reapers ang nakabunot sa kanila kaya't mag-iingat sila rito at wag magpapa-uto. Matapos niyang itext ang mga kasamahan niya, agad siyang tumakbo at hinanap si Ashlie. "Kailangan kong mabawi ang pin ko!"- banas na saad ni Bryan. ------- "Yo!"- bati ni Ylana kay Brent sabay tabi niya rito sa isang bench sa labas ng building ng school. Tinitigan naman siya ni Brent kaya't natawa ng bahagya si Ylana. "Alam ko nasa isip mo, pinarusahan mo ko kahapon kaya dapat galit ako sayo diba? Galit talaga ko sayo. Ang kaso, napag-alaman kong iniuwi mo raw ako sa dorm namin kagabi nung nakatulog ako sa library so medyo nawala yung galit ko. Thank you."- saad ni Ylana sabay ngiti ng bahagya. Bahagya namang nagulat si Brent. "Seriously?"- saad ni Brent. Tumango naman si Ylana. "Oo."- saad ni Ylana sabay tingin niya sa cellphone ni Brent na nakalapag sa bench. Umilaw ito at nakita niyang may tumatawag dito. "Anyway, sinong nabunot niyo?"- tanong ni Ylana kay Brent sabay pasimple niyang tinakpan ang cellphone ni Brent gamit ang dala-dala niyang skateboard na pagmamay-ari ni Ice. "Bakit gusto mong malaman?"- tanong ni Brent. Agad naman siyang sinagot ni Ylana. "Kasi baka kami pala yung target niyo tapos kinakausap pa kita."- saad ni Ylana. Natawa naman si Brent. "Ganun ba?"- saad nito sabay tingin niya sa lumang fountain ng paaralan. "Don't worry, hindi kayo."- saad ni Brent sabay pakita niya sa pin ng isa sa Majesties. "Ang Majesties ang nabunot namin."- saad ni Brent sabay tago niya muli sa pin. "Ahh.."- saad ni Ylana sabay tingin niya sa pin ni Brent na nasa kwelyo nito. Napangisi naman siya ng bahagya. "Buti pa sa inyo ang ganda-ganda ng pin niyo, yung samin napaka plain lang! Wala kasi kaming symbol kaya naman plain white lang yung pin namin na may pangalan namin."- saad ni Ylana. Tinignan naman siya ni Brent. "Bakit di pa kayo gumawa?"- saad ni Brent. Nagkibitbalikat naman si Ylana. "Ewan."- saad ni Ylana sabay ngiti at tingin kay Brent na animo'y isa siyang anghel. "Pwedeng patingin ng pin mo? Please!"- saad ni Ylana na nag-puppy eyes pa. Panandalian namang natulala sa kanya si Brent. "Alam mo? first impression ko sayo masungit ka kahit ang bait mong tignan. Tahimik ka kasi palagi tapos palagi ka pang nakaheadset tapos idagdag mo pa yung kahapon na halos patayin mo na ko. Yun pala, mabait ka pala talaga. Ganyan ka na lang, bagay sa itsura mo. Cute."- saad ni Brent sabay tanggal niya sa pin niya at bigay nun kay Ylana na bahagyang nagulat. "Oh, tignan mo."- saad ni Brent. Agad namang kinuha ni Ylana yung pin ni Brent. 'H- he gave it to me.... hindi ba siya nagtataka o nahihiwagaan sakin?'- sa isip-isip ni Ylana sabay tingin niya sa pin ni Brent na nasa kanyang kamay. "Omo! Ang ganda talaga ng disenyo! astigin!"- saad ni Ylana na tila natatawa. Natawa rin naman si Brent. "Idea naming lahat na Cards ang simbolo namin, I suggest kayo rin. Pagsama-samahin niyo yung idea niyo para makabuo rin kayo ng sa inyo."- saad ni Brent. "Okaaay!"- saad ni Ylana sabay ngiti. Napangiti naman si Brent. "Anyway kayo, sinong nabunot niyo?"- tanong ni Brent. Panandalian namang natigilan si Ylana at pagkatapos bigla siyang bumuntonghininga. "Well, malupit yung nabunot namin. Pinagplanuhan nga naming mabuti kung paano makukuha yung pin nila eh! Sa awa ng Diyos, madali lang namin nakuha yung pin nila dahil sinong mag-aakala na uto-uto pala sila?"- saad ni Ylana habang hindi nakatingin kay Brent. "Talaga? Bakit? Sino bang nabunot niyo?"- tanong ni Brent. Ngumisi naman si Ylana at pagkatapos ay bigla siyang tumayo bitbit ang skateboard ni Ice. "Gusto mong malaman?"- saad ni Ylana. Nakataas ang kilay namang tumango si Brent. "*smirk* Edi kayo."- saad ni Ylana sabay takas ng mabilis gamit ang skateboard. "H- huh?"- saad ni Brent na tila loading pa ang utak. Nanlaki naman bigla ang mga mata niya nang ma-realize at pumasok sa utak niya ang nangyari. "W- what the!"- sigaw ni Brent sabay habol sana kay Ylana nang maalala niya ang cellphone niya. Mabilis naman niyang kinuha ang cellphone niya at hinabol si Ylana. "Ylana! Bumalik ka rito!"- sigaw ni Brent habang hinahabol si Ylana na ang bilis ng pagpapaandar sa skateboard. Kumaway naman ito sa kanya habang hindi siya tinitignan. "Ikaw ang mabait satin! Thank you ah!"- sigaw ni Ylana sabay baba sa skateboard, bitbit dito at suot niya sa mga estudyanteng nasa tapat ng lobby at nagkakagulo dahil sa pag-aagawan ng mga ito ng pin. Dahil sa ginawa ni Ylana, hindi na siya naabutan ni Brent. "Sh*t! Nauto niya ko!"- sigaw ni Brent sabay tingin niya sa cellphone niyang umilaw muli. From Bro, Bro, ano nang nangyari sayo? Pumunta ako sa opisina natin wala pa rin kayo. Tapos nakita ko pa dun yung cellphone ni Alex! Nakita mo ba si Alex? Kapag nakita mo pakisabihan siya na ang Reapers ang nakabunot satin. Takte Bro! Nauto ako ni Ashlie, nakuha niya yung pin ko! Halos lumuwa naman ang mga mata ni Brent sa gulat nang mabasa ang text na ito sa kanya ng kakambal. At mas lalo pa siyang nagulat nang makita niya ang missed call sa kanya ng kakambal na natanggap niya nung mga oras na kausap pa niya si Ylana. "Sh*t! 'bat ba kasi mala-anghel ang mga pagmumukha nila! Ang dali nilang mang-uto!"- galit na saad ni Brent sabay takbo niya papasok sa building ng school. 'Kailangan kong mahanap si Alex!'- ang nasa isip ni Brent. ------- "Si Grey ba yun?"- saad ni Alex nang makita niya si Grey sa cafeteria na nag-iisa. Napalunok naman siya ng laway at pagkatapos ay kanya itong nilapitan. Batid ni Alex na hindi ito ang tamang oras para lapitan si Grey at ito ay kausapin ngunit hindi niya mapigilan na hindi ito gawin sapagkat hindi niya makalimutan ang ginawa nito kahapon. "H- hey!"- bati niya rito. Agad namang napatingin sa kanya si Grey na walang suot na salamin ngayon. Pagkakita ni Grey kay Alex.. nanlaki ang mga mata niya sa gulat at dahil na rin sa kaba. 'Nandito ang target ko! Anong gagawin ko!?'- ang nasa isip ni Grey. Mas lalo naman siyang kinabahan nang tabihan siya ni Alex sa upuan. "Y- you know, yung kahapon.. salamat. Gutom na gutom at uhaw na uhaw na talaga ko nun at paborito ko talaga yung fruit shake na pineapple ang flavor. Buti na lang, tinulungan mo ko dun sa noodles tapos binilhan mo pa ko ng fruit shake. Salamat."- naiilang na saad ni Alex sabay yuko. Napatingin naman sa kanya si Grey. "W- wala yun."- saad ni Grey sabay alis niya ng tingin kay Alex. "Wala kasi akong pera kaya di ako makabili ng kung ano, pinarusahan kasi ako ng Hari simula nung matalo ako ng pinuno niyo. Hanggang ngayon tumatakbo pa rin yung parusa niya na huwag ibigay sakin yung pera ko, buti na lang may nagbigay sakin ng pagkain kahapon tapos ikaw naman binigyan mo ko ng inumin."- saad ni Alex sabay tingin niya kay Grey na kinakabahan pa rin. "W- wala yun."- saad ulit ni Grey na tila hindi mapakali. Napansin naman ito ni Alex. "May problema ba? Natatakot ka ba sakin?"- tanong ni Alex kay Grey. Natigilan naman ito sandali at pagkatapos, bigla itong bumuntonghininga. "G- ganun na nga.. at isa pa, sa totoo lang.."- saad ni Grey sabay tingin niya kay Alex. "Kayong Dark Cards ang nabunot namin, tapos ikaw, sakin ka ipinaubaya ni Ice. Alam kong mahihirapan ako, sa totoo lang kanina pa ko isip nang isip kung anong gagawin ko. Ngayong lumapit ka sakin, nakapagdesisyon na ko."- saad ni Grey sabay iwas niya ng tingin kay Alex. "A- anong desisyon mo?"- tanong ni Alex. Ngumiti naman si Grey. "Hindi ko na lang kukunin yung pin mo, bahala na kung magalit sakin si Ice. Kung gusto nilang makuha ang pin mo, sila na lang ang kumuha."- nakangiting saad ni Grey sabay tayo niya. "Sige, alis na ko."- saad ni Grey sabay alis na sana nang pigilan siya ni Alex. "S- sandali!"- pigil sa kanya ni Alex sabay dukot nito sa bulsa. "O- oh, ibibigay ko sayo."- saad ni Alex. Gulat naman na napatingin sa kanya si Grey. "S- seryoso ka?"- saad ni Grey na gulat na gulat. 'What's with her? W- why? I didn't expect her to do this..'- sa isip ni Grey. Tumango naman si Alex. "Oo."- sagot ni Alex. 'Bale ito na lang yung kabayaran ko sa ginawa mo, isa pa kahit ibigay ko sayo 'to hindi pa rin kayo mananalo. Oras na ibibigay na namin sa Headmaster ang mga pin ng Majesties at ang pin namin, babalikan kita at babawiin sayo 'to. Panandaliang saya at pagkakampante ang kabayaran ko sayo para sa larong ito.'- ang nasa isip ni Alex. Kinuha naman ni Alex ang kamay ni Grey at inilagay dito ang pin niya. "Sige na."- saad ni Alex sabay tayo at lakad niya paalis ng mabilis. Habang nasa hallway, nakasalubong niya ang kasamahang si Bryan na hingal na hingal. "Alex!"- sigaw ni Bryan sabay lapit nya kay Alex. Napataas naman ng kilay si Alex. "Oh? Problema mo?"- saad ni Alex sabay kuha niya sa pin ng isa sa Majesties. "Nakuha ko na, nakuha niyo na rin ba yung sa iba?"- tanong ni Alex. "Tsk! Oo nakuha ko na yung kay Zeria. Ang kaso, nauto ako ni Ashlie ng Reapers, nakuha niya yung akin! Ang Reapers ang nakabunot satin!"- banas na saad ni Bryan. Nagulat naman si Alex. "N- nakuha yung iyo?"- gulat na saad ni Alex. Pagkatapos niyang sabihin yun, biglang dumating si Brent. "Bro! Alex!"- sigaw nito sabay lapit sa dalawa. "Bro! Buti nakita mo na si Alex. Pasensya na pero nakuha rin yung akin. Huli ko nang nabasa yung text mo Bro! nauto na ko ni Ylana."- saad ni Brent na mas lalong ikinagulat ni Alex. "N- nakuha na yung i- inyo? I- ibig sabihin... ang Hari na lang."- saad ni Alex. "Tsk! Oo."- saad ni Brent sabay tingin kay Alex. "T- teka, anong ibig mong sabihin? Anong ang Hari na lang? Nakuha na rin yung iyo!?"- pagtataas ng boses ni Brent. Napalunok naman ng laway si Alex sabay tumango. "N- nakuha sakin ni Grey sa cafeteria.."- saad ni Alex. Napasabunot naman sina Brent at Bryan sa mga buhok nila. "How?? Paano nakuha sayo ni Grey yung pin mo!? Ikaw?"- hindi makapaniwalang saad ni Brent. Iniwas naman ni Alex ang kanyang mukha kay Brent. 'Damn! Wrong move! 'bat ko ibinigay? Bakit ako nagpaka kampante? Kapag binalikan ko si Grey ngayon sa cafeteria magtataka sakin lalo 'tong kambal sa kung paano sakin nakuha ni Grey yung pin ko! At hindi ko pwedeng sabihin na ibinigay ko yun kay Grey dahil paniguradong magagalit sila! Hindi nila pwedeng malaman yun!'- sa isip-isip ni Alex. "Kung ganun ang Hari na nga lang, hanapin natin ang Hari at bantayan para hindi rin makuha ang pin niya. Paniguradong pupuntahan siya ng isa sa Reapers! Kapag nangyari yun at nandoon tayo.. bibihagin natin kung sino man sa Reapers yun at gagamitin natin siya para mabawi natin ang mga pin natin."- saad ni Bryan. "Kung si Ylana ang sa akin, si Ashlie naman sayo Bryan at si Grey ang kay Alex... paniguradong si Ice ang may target sa Hari. Hindi magiging madali ang sinabi mo Bro pero mas mabuti nang puntahan natin ang Hari."- saad ni Brent. Tumango naman sina Bryan at Alex. "Sige!"- pagsang-ayon ng dalawa. Pagkatapos nun, agad silang tumakbo at hinanap ang Hari. Pagdating nila sa tapat ng garden, nakasalubong nila ang Hari na nakayuko at tila wala sa sarili. Wala na rin ang pin nito na nakakabit sa wrist band na isinuot niya bago sila naghiwa-hiwalay. "K- king.."- saad ni Bryan. Tinignan naman sila nito at pagkatapos ay tinignan nito kung saan nila inilagay ang mga pin nila. Nang wala siyang nakitang pin sa kwelyo ni Brent at sa polo ni Bryan, tila alam na niyang wala na rin ang kay Alex. Ngumiti naman ito nang bahagya. "Sa tingin ko mukhang nakuha rin ang sa inyo, wala na rin ang akin, talo tayo sa larong ito. Ito ang una nating talo."- saad ng Hari sabay lakad nito palagpas sa kanila. Hinarangan naman siya ni Bryan. "P- paano? Paano nakuha ang sayo King? Hindi pwedeng talo tayo! Bawiin natin nang sama-sama yung mga pin natin bago matapos ang araw na 'to!"- saad ni Bryan. Ngumiti namang muli ang Hari sabay umiling. "No, talo na tayo. Hayaan niyo na, may dalawa pa naman tayong lives, wag na lang tayo magpapatalo sa susunod na mga laro."- saad ng Hari sabay hawi kay Bryan at lakad ulit. "Bumalik na tayo sa opisina natin."- saad ng Hari. Hindi naman na nagsalita sina Alex, Brent at Bryan na walang magawa kundi ang sumunod na lamang sa Hari. xxxxxxxxxx Devin P.O.V 'Masyado ka kasing makasarili, kung umasta ka pa akala mo tunay ka ngang Hari. Gusto mo lahat ng gusto mo nakukuha mo! Tapos kapag hindi mo nakuha, magagalit ka at magpaparusa! Minsan hindi mo alam, may nadadamay ng iba na hindi naman dapat idamay dahil sa pagiging makasarili mo!' 'Nakita kita nung araw na may dumating na package, nakita kita na may ibinulsa na kulay pulang sulat. Tapos kahapon, nakita ulit kita sa tapat ng dorm ng Reapers na hawak yung sulat pero umalis ka rin agad na hawak pa rin yung sulat. Sabihin mo, yung sulat na kulay pula na yun... kay Ice ba yun? Bakit hindi mo ibinigay sa kanya yun at bakit nasa iyo yun?' Napabuntonghininga na lamang ako nang maalala ko ang mga sinabi sakin ni Luis kahapon. Kahapon, hinarap ako ni Luis at sa paghaharap namin ay nasabi niya sakin ang mga bagay na yan na nakapagpatahimik at nakapagpaisip sakin. Inaamin ko, tama si Luis sa mga sinabi niya. Tungkol sa sulat, hanggang ngayon isip pa rin ako nang isip tungkol dun at nakakainis yun dahil ayokong nag-iisip. Hindi ko yun maibigay kay Ice dahil tila may nagsasabi sakin na huwag ko munang ibigay yun sapagkat may tamang oras. Hindi ko binasa ang sulat, itinago ko lamang ito. Nauwi ang paghaharap namin ni Luis sa pagsuko ko sa pin ko sa kanya, sinabi kong ibigay niya yun kay Ice. Mas pinili kong ibigay na lamang ang pin ko kaysa ibigay ang sulat. Nailabas na ang resulta ng mga nanalo. Una ang Reapers, pangalawa ang Red Skull, pangatlo ang Phantomrick, pang-apat ang Ravens at pinakahuli ang Hallows. "Pinag-uusapan tayo sa labas."- saad ni Brent pagkapasok niya rito sa opisina. Napatingin naman ako sa kanya. "Tsk. Sino-sino? Babanatan ko!"- banas na saad ni Bryan. "Tss.. hayaan mo sila. "- walang ganang saad ni Alex. Bumuntonghininga naman ako at saka tumayo. "Mag-iikot lang ako."- saad ko. "Samahan ka na namin King."- saad ni Brent. "No, dito lang kayo."- saad ko. "Pero King!"- pagtutol ni Bryan. "My command is my command!"- saad ko. Wala namang nagsalita sa kanila kaya't agad akong umalis. xxxxxxx Ice P.O.V "Nanalo tayooo!"- tili ni Ashlie. "Grabe! akala ko magiging mailap sila. Akala ko magiging alerto sila! Akala ko rin, ilalabas nila yung nakakatakot nilang katauhan pero hindi naman pala! mga uto-uto!"- saad ni Ylana na naiiling. "Hmm.. pero si Alex, ibinigay niya nang kusa yung Pin niya sakin."- saad ni Grey. "Ang Hari rin."- saad ko. "Yung kambal lang yung uto-uto pero nakakapagtaka.. yung Alex pati ang Hari, bakit kaya nila ibinigay yung mga pin nila? Bakit nila isinuko yun?"- saad ni Ashlie. Nagkibitbalikat naman ako. "Walang nakakaalam."- saad ni Ylana. "Oras na ng klase."- saad ni Grey habang nakatingin sa orasan. Tumayo naman ako. "Edi tayo na."- saad ko sabay ngiti. "Okay!"- masiglang saad ni Ashlie. Paglabas namin, halos lahat ng estudyanteng madaanan namin ay nakatingin samin. Sa itsura nila, tila manghang-mangha sila samin. "Manghang-mangha sila satin."- mahinang saad ni Ashlie. Napailing naman ako. "Hayaan niyo sila, isa pa wag tayong masyadong masaya. Baka mamaya niyan sa susunod na laro resbakan tayo ng Cards tapos hindi tayo manalo."- saad ko. "Sa bagay..."- saad ni Ashlie. Pagdating namin sa room, tila kinilabutan kami. Sobrang bigat na presensya ang bumabalot sa buong classroom, at ang presensya na yun ay nagmumula lamang sa iisang tao... kay Bryan. "Oh.. he's angry."- natatawang saad ni Ashlie. Hindi naman ako nagsalita at naglakad na lamang patungo sa upuan ko. Agad namang sumunod sakin sila Ashlie, Ylana at Grey at umupo rin sa kani-kanilang upuan. Pag-upo ni Ashlie sa upuan niya, bigla na lamang tumayo si Bryan at hinarap si Ashlie. Napatitig naman kami nila Ylana at Grey sa kanilang dalawa. Si Ashlie, wala siyang emosyong nakatingin sa galit na galit na si Bryan. "*sigh* What? Hindi ka pa rin maka-get over sa nangyari kahapon? Yung nauto kita?"- walang emosyong saad ni Ashlie sabay cross arms niya. Hinampas naman ni Bryan nang napakalakas yung desk ni Ashlie. Napapikit naman si Ashlie dahil dito. "Babawian kita, at oras na matalo kita di mo magugustuhan ang magiging kapalit."- saad ni Bryan. Ngumisi naman si Ashlie sabay dumilat. "As if Bry, as if!"- sarkastikong saad ni Ashlie. Tumayo naman ng maayos si Bryan. "Edi tignan natin, abangan natin ang susunod na laro."- saad ni Bryan at pagkatapos, bumalik na ito sa kanyang upuan. Ngumiwi naman si Ashlie. Tahimik ang lahat hanggang sa dumating ang Prof. "Okay class."- saad ng Prof namin sa Techniques and Strategies pagkarating niya rito sa room namin. "May recitation tayo ngayong araw, magbibigay ako ng dalawang sitwasyon at kayo sasabihin niyo kung anong strategy ang gagamitin niyo at kung anong technique ang gagawin niyo. Naiintindihan niyo?"- saad ni Prof. Nagtanguan naman lahat maliban kay Bryan. "Okay, lets start. First situation!"- saad ni Prof sabay ngiti. "Nasa isang building ka nang biglang may sumigaw na bomba, anong gagawin mo?"- saad ni Prof. Nagtaas naman ng kamay si President Jay. "Yes Jay."- saad ni Prof. Agad namang tumayo si President Jay. "Hahanapin ang bomba at i-detonate ito. Strategy? Technique? Simple lang. Alamin ang tamang wires, maging maingat sa pagputol nito, wag kakabahan. Pero kung hindi mo alam kung paano mag-detonate, tumawag sa kinauukulan."- saad ni President Jay. "Hmm.. simple nga. How about the others?"- saad ni Prof ngunit walang nagtaas ng kamay kaya't nag-proceed na siya sa pangalawang sitwasyon. "2nd situation, hinostage ang isa sa mga mahal mo sa buhay. Paano mo siya ililigtas kung hawak siya ng hostage taker at may nakatutok na kutsilyo sa kanya?"- saad ni Prof. Nagtaas naman ng kamay si Ylana. "Yes Ylana."- saad ni Prof. "Kakausapin ko yung hostage taker at papakalmahin tulad nang ginagawa ng mga pulis, kapag nakatiyempo papatayin ko gamit ang galing ko sa pag-asinta para tapos!"- sagot ni Ylana na hindi nag-abalang tumayo. "Hmm... nice."- saad ni Prof na tila napangiti. "Now, about strategy and technique pa rin. Kahapon may naganap na laro dito sa DIA, ngayon gusto kong ibahagi niyo yung strategy at technique na ginamit niyo para magtagumpay. Especially, dun sa mga nanalo."- nakangiting saad ni Prof. Bigla namang natawa si Ashlie at pagkatapos ay nagtaas siya ng kamay. "Yes Ashlie."- saad ni Prof. Ngumisi naman si Ashlie. "Simple lang po yung strategy pati yung technique na ginawa ko kahapon. First, sa strategy. Simple lang po, ginamit ko po sa kanya yung mismong strategy niya and he didn't notice that because of my technique, may angking kalandian po kasi yung target ko kahapon. Sobrang landi po nun at sobrang mahilig kaya ginamitan ko po siya ng kalandian and wulah! I win."- nakangising saad ni Ashlie na hindi rin nag-abalang tumayo tulad ni Ylana. Tila naintindihan naman ni Prof si Ashlie at tila natukoy niya kung sino ang target ni Ashlie kahapon sapagkat tumingin si Prof kay Bryan na tila mas lalong nagalit. Tama lang ba na hayaan ko si Ashlie na galitin ng husto 'tong taong 'to? Hindi pa namin nakikita ang tunay na katauhan ng lahat ng Dark Cards at paniguradong nakakatakot yun kaya sila nangunguna at kinatatakutan. Hindi kaya mapasama si Ashlie? "Oh nice Ashlie, your technique is awesome. You know class, magagamit niyo rin ang hilig ng target niyo para magawa ang pakay niyo sa kanila. Like what Ashlie did, kahinaan din kasi nila yun. Very good Ashlie."- saad ni Prof. "Ow! Thank you Prof."- saad ni Ashlie na mas lalong naging mapang-asar ang itsura. Padabog namang tumayo si Bryan sabay padabog din na lumabas ng silid. "Pftt.. galit na galit."- saad ni Ashlie sabay buntonghininga. "Sa tingin ko kailangan kong maghanda."- saad ni Ashlie sabay sandal niya sa upuan niya at iling ng bahagya. DISMISSAL >> "Gaga ka! hindi porket kaya mong lumaban magiging kampante ka! Lalaki pa rin si Bryan!"- saad ni Ylana kay Ashlie habang palabas kami ng room. Ngumisi naman si Ashlie. "Yun na nga eh, lalaki siya! Isang lalaking may taglay na kalandian."- saad ni Ashlie. "Wag mong sabihing gagawin mo ng sandata sa kanya yung pagiging bitchy mo? Sinimulan mo kahapon, itutuloy-tuloy mo na?"- saad ni Ylana. Tumango naman si Ashlie. "Oo."- sagot ni Ashlie. "Mag-iingat ka lang, baka mamaya niyan lumobo tiyan mo."- tila nang-aasar kong sabi. "Tch. Never!"- saad niya sabay cross arms. Nakasalubong naman namin sa hallway si Vince na tila hingal na hingal. "Ice!"- sigaw nito sabay hinto sa harap ko. Napataas naman ako ng kilay. "May problema ba?"- tanong ko. Tumingin naman ito sa likuran ko. Nung titignan ko kung ano yun.. bigla niya kong iniharap sa kanya. "T- tawag ka ng Ate mo! Isama mo raw yung mga kaibigan mo!"- saad ni Vince sabay ngiti tapos tingin ng panandalian sa likuran ko tapos tingin ulit sakin tapos sa mga kaibigan ko. "Nandun sila sa dorm nila, 4th floor room 408."- saad ni Vince. "S- sige?"- nagtataka kong sabi sabay tingin ko sa mga kaibigan ko. "Tara."- haya ko sa kanila. Tumango naman sila. "Sige, alis na ko."- saad ni Vince sabay takbo niya paalis. "Anong problema nun?"- taka kong sabi sabay tingin ko sa likuran ko. Wala namang kakaiba... ano yung tinitignan kanina ni Vince? "Napapraning yata, talo sila diba?"- saad ni Ashlie. "Hayaan na natin siya, pumunta na lang tayo sa dorm ng Red Skull."- saad ni Grey. "Tama si Grey, tayo na."- saad ko at pagkatapos, nagtungo na kami sa dorm ng Red Skull.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD