Devin P.O.V
"Anong nangyayari?"- taka kong sabi nang makita kong nagkakagulo ang mga estudyante. Tumingin-tingin naman ako sa paligid sa pagbabakasakaling may makita akong isa sa mga kasamahan ko ang kaso... wala.
Saan kaya pumunta yung mga yun pagkatapos nila kong hindi hintayin tapos iwanan na lang basta!
"K- king Devin, ipinatatawag po kayo ni Headmaster sa opisina niya."- saad ng isang babae mula sa likuran ko.
Nilingon ko naman ito. "I- importante raw po.."- saad nito sabay yuko. Hindi naman ako nagsalita at umalis na lang upang magtungo sa opisina ng Headmaster. Pagdating dun...
"Devin! Imbistigahan mo yung sulat sa pader ng lobby! Alamin mo kung SINONG MAY GAWA 'NON!"- sigaw ng Headmaster.
Galit na galit ito pero..... anong sulat sa dingding ng lobby?
"Masusunod po."- saad ko sa Headmaster sabay bigay galang ko at alis. Paglabas ko sa opisina ng Headmaster, nagmadali akong pumunta sa Lobby. Pagdating dun, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. May sulat ang dingding ng lobby, at ang sulat.. isinulat doon gamit ang dugo.
"Welcome dark, welcome end."- basa ko sa nakasulat. Nilapitan ko naman ang dingding at pinagmasdang mabuti ang sulat. Sariwa pa ito, tumutulo pa ang dugo sa bawat letra. Sa tingin ko isinulat ito bago ang oras nang labasan ng mga estudyante para pumasok.
"Hmm.. welcome dark, welcome end... anong ibig-sabihin nito?"- bulong ko habang nakahawak ako sa baba ko at nag-iisip.
Tsk! Ayokong nag-iisip lalo na kung ganitong klase ang pinag-iisipan ko! Anong ibig sabihin nito? may nantitrip ba o.... seryoso 'to?
Aalis na sana ako para mag-ikot at mag-imbistiga sa paligid nang may napansin ako sa sahig. Kinuha ko naman ang salamin ko sa bulsa ko at isinuot pagkatapos, umupo ako at pinagmasdan ang patak ng dugo sa sahig na nakita ko.
Hindi ito galing sa dingding dahil una, may tatlong dangkal na layo ito sa dingding. Pangalawa, kung galing ito sa dingding hindi sana ganito ang itsura nito. Sa tingin ko, ang patak ng dugo na ito ay likha nung taong nagsulat nito gamit ang dugo sa dingding.
Napakunot naman ako ng noo nang makita kong may kasunod ang patak ng dugo na iyon. "Hindi kaya..."- bulong ko sabay tayo ko at sunod ko sa mga patak ng dugo.
Pagdating sa corridor, nawala ang mga patak ng dugo kaya naman napahinto ako. "Nawala.."- saad ko sabay tingin ko sa magkabilang gilid ng corridor ng may nakita ulit ako. Agad ko naman yung nilapitan. "Walang kasunod.."- saad ko ngunit pagtingin ko sa kabila... may nakita ulit ako.
Palipat-lipat ang patak ng mga dugo.. hindi kaya...
Napatingin naman ako sa mga CCTV at pagkatapos ay tinignan ko yung mga patak ng dugo na nalagpasan ko na. "Alam ko na, iniiwasan nung salarin na mahagip ng CCTV ng school kaya naman palipat-lipat ang mga patak ng dugo."- bulong ko.
Pero ang tanong.... sino ang salarin? Bakit siya nagsulat sa pader ng lobby? Bakit dugo ang ginamit niya? At anong ibig-sabihin nang isinulat niya?
"Tsk! Kailangan kong malaman kung sino ang salarin."- bulong ko at pagkatapos, ipinagpatuloy ko ang pagsunod sa mga patak ng dugo. Mabuti na lang, nagsimula na kanina pa ang klase nung papunta pa lang ako sa lobby dahil kung hindi... baka pagtawanan ako ng mga estudyante dahil mukha akong timang sa ginagawa ko.
"Ang huling patak."- saad ko sabay tingin ko sa pintuan na nasa harapan ko. Pintuan na may patak din ng dugo sa door knob nito at pintuan ng dorm ng grupong pinasusubaybayan samin ng Headmaster. Ang Reapers.
Kumatok naman ako sa pintuan para alamin kung may tao pa o nasa klase na silang apat. Pagkatok ko, biglang bumukas ang pinto at tumambad sakin si Ice na may nakadikit na kung ano sa noo. Naka-pajama pa ito tapos T-shirt. "Bakit."- walang emosyon niyang sabi.
Tinignan ko naman siya ng seryoso. "May pinagkakaguluhang sulat sa pader ng lobby at ang sulat, isinulat mismo sa pader gamit ang dugo. Nag-imbistiga ako at nakakita ng mga bakas, sinundan ko ang mga bakas na yun at narito ang pinakahuli."- saad ko sabay turo ko sa door knob ng pinto.
Tinignan naman niya ito. "Wala akong alam diya--"- saad niya ngunit hindi niya natuloy ang sasabihin sapagkat naubo siya.
Tumalikod naman siya sakin, narinig ko siyang bumulong pero hindi ko naintindihan yung ibinulong niya.
"Anyway.."- saad ni Ice sabay harap ulit sakin. "Wala akong alam diyan. 'ni hindi ko nga alam yung sinasabi mong sulat-sulat na yan."- saad niya ngunit... hindi ako kumbinsido.
"Hindi ako kumbinsido, pwede ba kong pumasok para makita ang loob ng dorm niyo."- saad ko.
Bahagya naman niya kong inirapan. "Oh sige."- saad niya sabay patuloy sakin sa loob. Agad naman akong pumasok sa loob at tumingin sa buong paligid. Malinis ang loob, nakaayos ang lahat ng gamit.
"Sabihin mo kapag tapos ka nang imbistigahan ang dorm namin, dito lang ako."- saad ni Ice. Tinignan ko naman siya.
Nakahiga siya sa sofa habang nakatalukbong ng kumot. Hindi ko naman na siya pinansin at inikot na lang ang buong dorm nila, pinasok ko ang lahat ng silid sa dorm nila. Yung banyo, kusina at yung kwarto ng bawat isa sa kanilang Reapers.
Sa kwarto ni Grey, wala akong nakitang kakaiba. Maski sa kwarto nila Ashlie at Ylana na parehas magulo wala rin akong nakitang kakaiba at kahina-hinala. Sa kwarto ni Ice, wala rin pero may nakaagaw ng pansin ko.
"Ang ballpen na 'to..."- saad ko sabay kuha ko sa ballpen na nasa ibabaw ng mini drawer sa tabi ng higaan ni Ice.
Paano siya nagkaroon ng ganito? Lima lang ang inilabas na ganito ng mag-asawang Killiano! At ang limang yun ay nasa pangangalaga ng mga pamilyang Roque, Fajardo, Crewford, Daves at El Greco.
Ang ballpen na nasa pamilyang Roque na pamilya ni Mrs.Killiano ay nasa pangangalaga ni Headmaster June. Ang ballpen na nasa pamilyang Fajardo ay nasa anak na babae ng pang-apat na anak na lalaki ni Mr.Simon Fajardo Sr. na si Tala Fajardo. Ang ballpen na nasa pamilyang Crewford naman ay nasa nag-iisang anak ni Vicente Crewford na si Vincent Crewford. Ang ballpen naman na nasa pamilyang Daves ay nasa nag-iisang anak ng mag-asawang Rey at Rica Daves na si Reign Daves at ang ballpen naman na nasa pamilya ko, sa pamilyang El Greco ay nasa akin. Ngayon, paano nagkaroon nito si Ice?
"Hoy! Tapos ka na ba? Kung tapos ka na tapos wala ka namang nakita na nagpapakita na may kinalaman ako o kami dun sa sinasabi mo maaari ka nang umalis kasi gusto kong magpahinga mag-isa!"- rinig kong sigaw ni Ice.
Ibinalik ko naman sa pwesto niya yung ballpen at pagkatapos, lumabas na ko sa kwarto niya.
"Ano?"- saad ni Ice. Tinignan ko naman siya, nakaupo na siya ngayon sa sofa.
"Wala akong nakita, kahit ano."- saad ko.
"Wala kasi ako o kaming alam tungkol dun sa sinasabi mong sulat-sulat."- sabi niya. Inalis ko naman sa kanya yung tingin ko.
Tsss... sulat. naalala ko tuloy yung sulat na para sa kanya na nasa akin.
"Tch. Pero nakakapagtaka pa rin na sa inyo nagtapos yung bakas, at sa door knob pa talaga ng pintuan niyo kaya naman iimbistigahan ko pa rin kayo."- saad ko sabay lakad ko paalis.
"Sino ka? si Detective Conan?"- bulong niya na narinig ko naman.
"Narinig kita."- saad ko sabay hawak ko sa pintuan ng dorm nila. Tinignan naman niya ko.
"Well parang naman eh! tignan mo nag-eye glass ka pa. Ge, tuloy mo lang yan."- saad niya sabay higa ulit at talukbong ng kumot. "Pakisara yung pinto."- saad niya.
Hindi naman na ko nagsalita at lumabas na lang ng dorm nila. Siyempre, isinara ko yung pinto. Pagkasara ko sa pinto, napabuntonghininga na lang ako at pagkatapos ay naglakad na ko pabalik sa opisina ng Headmaster. Pagdating dun, sinabi ko ang mga nalaman ko.
"Nagtapos ang bakas sa pinto ng Reapers? Tsk! Kahina-hinala talaga ang grupong yan! Pagbutihin niyo ang pagmamatiyag diyan sa mga yan at nag-iinit ang ulo ko!"- banas na sabi ng Headmaster.
"Masusunod po."- saad ko at pagkatapos ay nagawi ang tingin ko sa mga ballpen ng Headmaster na nasa desk niya kaya't bigla kong naalala yung ballpen na nasa kwarto ni Ice.
"Headmaster, matanong ko lang po. Yung limang ballpen po na inilabas dati ng kapatid mo at ng asawa nito, lima lang po ba talaga yun o meron pa?"- tanong ko.
Nakakunot ang noo namang tumingin sakin ang Headmaster. "Lima lang ang ballpen, walang labis walang kulang. Bakit mo naitanong?"- saad ng Headmaster.
"May nakita po kasi akong isa sa kwarto ni Ice kanina nung nag-imbistiga ako sa loob ng dorm nilang Reapers."- saad ko.
Lalo namang kumunot ang noo ng Headmaster. "What! Totoo ba yan?"- gulat na saad ng Headmaster. Tumango naman ako, tila nag-isip naman ang Headmaster at pagkatapos nagsalita siya ulit.
"Well, sa totoo lang meron ngang sobra. Ngunit isa lamang at ang isang yun ay na kay Dante na paniguradong ibinigay niya sa anak niya, kay Darkiela."- saad ng Headmaster at pagkatapos ay bigla siyang tumayo at lumakad patungo sa harap ng bintana.
Nagulat naman ako sa sinabi ng Headmaster. "Dukutin mo si Ice, kaya mo naman yun mag-isa diba?"- saad ng Headmaster habang hindi nakatingin sakin.
A- ano?
"Dukutin mo si Ice, at ang inutos ko sayo maski ang pinag-usapan natin ngayon. Ayokong makalabas, kahit pa sa mga kaibigan mo."- saad ng Headmaster. Nagbigay galang namang ako bago sumagot.
I have a bad feeling about this and I don't understand why the Headmaster ordered me this but... I have no choice, wala akong pagpipilian kaya kailangan kong sumunod.
"Masusunod po."- saad ko.
"Good, anak ka nga ni Daniel. Sige na, gawin mo na yung iniuutos ko."- saad ng Headmaster.
"Opo."- saad ko at pagkatapos ay lumabas na ko ng dorm at ginawa ang inutos sakin.
Bahala na kung anong mangyayari...
xxxxxxx
Grey P.O.V
"Grabe! Nilagnat si Ice dahil lang nakainom siya ng kalahating baso ng beer?"- tumatawang saad ni Vince.
"Pft.. hindi! Hindi kasi yun sanay uminom, isang tagay lang lasing na! Nahilo siya kagabi tapos ayun tumakbo sa cr at nagbasa nang nagbasa ng ulo."- saad ni Ashlie. Nandito kami ngayon sa garden, free time ngayon.
"Ahh.. hoy Luis! Kasalanan mo 'to eh! Akala ni Ice juice yung inilapag mo! Bakit mo kasi inilapag sa harap niya yun akala niya sa kanya!"- natatawang saad ni Vince kay Luis.
"Di ko naman sadya, nakaramdam kasi ako ng banyo kaya nailapag ko na lang sa kung saan yung baso ko."- kumakamot sa ulo na saad ni Luis.
Dumating naman si Ate Rei. "Grey, ibigay mo 'to kay Ice. Ipakain mo sa kanya yan lahat at kailangan maubos niya. Pagkatapos 'non, heto ipainom mo sa kanya, gamot yan sa lagnat."- saad ni Ate Rei sabay abot sakin ng gamot at isang plastic bag na naglalaman ng isang malaking cup noodles at mga prutas. Agad ko naman yung kinuha.
"Pagkatapos maglagay ka sa tabi niya ng isang maliit na palanggana na may maligamgam na tubig tsaka bimpo, sabihin mo sa kanya punas-punasan niya yung sarili niya. Mamayang uwian pa ko makakapunta sa dorm niyo, mamaya ko pa siya maaalagaan."- saad ni Ate Rei.
"Naks! Napakamaalaga talaga, dapat ikaw na pumunta dun sa dorm nila Ice ngayon tapos ikaw na gumawa nang ipinapagawa mo kay Grey."- saad ni Luis. Tinignan naman ng masama ni Ate Rei si Luis kaya natahimik si Luis na tila nanginig pa sa takot.
"Alam mo kasalanan mo eh! dapat nga ikaw yung bumili ng pagkain pati gamot gamit yung sarili mong pera! Tapos dapat ikaw din magpakain sa kanya at mag-alaga kasi nga diba? Kasalanan mo kung bakit siya nilagnat!"- pagtataas ng boses ni Ate Rei kay Luis.
Napayuko naman si Luis. "Sorry na."- saad ni Luis habang nakayuko.
Bumuntonghininga naman si Ate Rei. "Sige na Grey."- saad sakin ni Ate Rei.
Tumango naman ako at pagkatapos, lumakad na ko at nagtungo sa dorm namin ng mga kaibigan ko. Malayo pa lamang ako, natanaw ko na nakabukas ang pinto ng dorm namin.
"Bakit nakabukas?"- bulong ko sabay bilis ko sa paglalakad. Pagdating ko sa dorm namin agad kong tinawag si Ice. "Ice?"- tawag ko kay Ice pero walang sumagot.
Tinignan ko naman ang buong paligid. "Nasaan si Ice?"- saad ko sabay lapag ko sa dala ko sa lamesita at tingin ko sa lahat ng kwarto. "Ice!"- tawag ko ulit sa kanya pero wala.
Nasaan siya? Wala siya rito sa dorm.
Pumasok naman ako sa kwarto niya at tinignan ang drawer niya upang tignan kung wala ang uniform niya dahil baka pumasok siya pero nandito, nandito ang uniform niya.
Saan siya pumunta?
Nagmamadali naman akong bumalik sa garden para sabihin kila Ate Rei na wala sa dorm si Ice. Pagdating dun....
"Oh? Bumalik ka kaagad? Nagawa mo agad yung pinapagawa ko sayo?"- tanong sakin ni Ate Rei. Umiling naman ako.
"Wala si Ice sa dorm, pagdating ko dun nakabukas ang pintuan ng dorm namin tapos wala si Ice. Tinignan ko lahat ng kwarto namin pero wala siya, akala ko pa nga pumasok siya ang kaso nung tinignan ko yung drawer niya nandun yung uniform niya."- saad ko.
Kumunot naman ang noo ni Ate Rei. "Ano? Nasaan siya?"- saad ni Ate Rei.
"N- nawawala na naman siya? Nung unang beses na nawala siya nasa darkness room siya kasi pinarusahan siya ng Hari. Ano naman kaya ngayon?"- kinakabahang saad ni Ylana. Tumayo naman si Ate Rei mula sa pagkakaupo niya sa bench.
"Ang mabuti pa tumingin muna tayo sa mga posible niyang puntahan, tulad ng clinic. Pagkatapos, tignan din natin sa darkness room kasi baka may nangyari na di natin inaasahan na mangyayari nung iniwan niyo siya sa dorm niyo."- saad ni Ate Rei. Tumango naman kami.
"Sige."- sagot namin.
Ice, nasaan ka?
xxxxxx
Someone's P.O.V
"N- nasaan ako?"- saad ni Ice.
Nanghihina ito, halata mo sa kanya na meron siyang karamdaman pero kahit na ganun.... wala akong pakealam.
"B- bakit ako nakatali? T- tsaka bakit ako nakabitin patiwarik? S- sino ka?"- saad niya. Ngumisi naman ako kahit di niya kita sapagkat natatakpan ng aking maskara ang aking mukha.
"Welcome to hell, dito unang dinadala ang lahat ng may salang malaki na pasok sa Sin 'A' bago dalhin sa darkness room. Ako si silver mask."- saad ko.
"S- sala? Silver Mask? W- wala akong kasalanan! Bakit mo ko d- dinala rito."- saad ni Ice. Natawa naman ako.
"Walang kasalanan? Hindi ako naniniwala."- saad ko sabay upo ko sa upuan na nasa tapat ng isang malaking drum na puno ng mismong dugo ng tao. Sa itaas ng drum, doon nakabitin patiwarik si Ice.
"Ngayon, magtatanong ako. At paalala lang, pawang katotohanan lamang ang dapat mong isagot dahil kung hindi, magdurusa ka."- saad ko.