Reign P.O.V
"Anong balita?"- tanong ko kila Ashlie, Grey at Ylana. Nandito kami ngayon ng Red Skull at pati ng Wolves sa tapat ng dorm nila Ice. Ala sais pa lang ay nagtungo na kami rito, 6:30 ang pasok ngayon. Kinakabahan ako, pakiramdam ko may hindi magandang nangyari sa kapatid ko.
"Walang Ice na umuwi rito kagabi, wala pa rin siya hanggang ngayon."- saad ni Ylana na halata ang takot sa mukha.
"Nung unang beses na nangyari 'to halos mamatay na siya nung nakita namin siya. Ano naman ngayon!"- tila naiiyak naman na saad ni Ashlie.
Napakuyom naman ako ng kamao ko. "Kapag may nangyaring hindi maganda sa kapatid ko sinisiguro kong malalagot ang may sala!"- saad ko.
"Reigen, nagtatakbuhan yung mga estudyante sa ibaba. Ano kayang nangyayari?"- saad sakin ni Vin.
Tumingin naman ako sa ibaba mula sa balkonahe ng dorm nila Ice at nakita kong nagtatakbuhan nga ang mga estudyante at tila iisa ang direksyon na pinupuntahan nila. Papunta sila sa labas ng building ng school.
"Papunta silang lahat sa labas ng building ng school, kinukutuban ako ng masama rito. Halika, pumunta rin tayo dun. Kayong tatlo, sumama rin kayo!"- saad ko sa mga kaibigan ni Ice.
Tumango naman sila. Matapos nun, nagtungo na kaming Red Skull sa pinupuntahan ng mga estudyante kasama ang Wolves at ang mga kaibigan ni Ice. Pagdating dun... tila naistatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang taong hinahanap ko.
"Ice!!!"- sigaw ko.
xxxxxx
Devin P.O.V
"Anong nangyayari?"- saad ko nang paglabas namin ng Cards sa opisina namin ay nakita naming nagtatakbuhan ang mga estudyante. Iisa lang ang direksyon na tinatahahak ng mga ito.
"May bagong laro ba? Wala akong narinig."- saad ni Brent.
"Tss.. Ang mabuti pa, sundan na lang natin yang mga estudyante na yan na tumatakbo nang malaman natin kung anong nangyayari."- saad ni Alex.
"Mabuti pa nga."- saad ni Bryan sabay tingin sakin. "Ano King?"- saad sakin ni Bryan.
Bumuntonghininga naman ako. "Tara."- saad ko at pagkatapos, sinundan nga namin yung mga estudyanteng tumatakbo. Pagdating sa lobby, sobrang daming estudyante, tila may pinagkakaguluhan sila sa fountain.
"Padaanin ang Hari!"- sigaw ni Bryan. Napatingin naman samin ang mga estudyante at pagkatapos ay agad silang nagtabihan. Nang mapunta na kami sa pinakaharap, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"T- teka.. si Ice yan diba?"- saad ni Brent.
"A- anong nangyari sa kanya?"- saad naman ni Bryan.
Nakagapos, walang malay at naliligo siya sa dugo. Tila naging kulay pula ang lahat sa kanya... anong ginawa ng Headmaster!
"Ice!!!"- sigaw ng isang babae. Pagtingin ko...
"Reigen!"- sigaw ni Luis sabay sunod niya kay Reigen na tumakbo palapit kay Ice.
"S- sinong gumawa sa kanya nito!"- sigaw ni Reigen kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.
"Ice!"- sigaw ng mga kaibigan ni Ice sabay lapit ng mga ito kay Ice at gising dito ngunit hindi ito magising.
"Sinong gumawa sayo nito!"- saad ni Ashlie na walang tigil ang pagtulo ng mga luha sa mata.
Nagulat naman ako ng biglang may sumuntok sakin na ikinadahilan ng muntikan ko nang pagkatumba, mabuti na lang ay nasalo ako ng kambal. Pagtingin ko sa sumuntok sakin... si Vince. Nagulat naman ang lahat dahil sa ginawa niya.
"M- may kinalaman ka rito! Sigurado ako MAY KINALAMAN KA RITO!!"- sigaw ni Vince na inaawat ng mga kasamahan niya sapagkat nais ako nitong sugurin at saktan muli.
Umayos naman ako ng tayo at pinunasan ang konting dugo sa gilid ng labi ko.
Tsk!
"Tama si Vince."- rinig kong saad ni Reigen kaya't napatingin ako sa kanya. Tila blangko ang itsura niya, wala na siya sa sarili.
"Tama si Vince, may kinalaman ka nga rito! Sigurado rin ako!"- sigaw ni Reigen sabay tayo at ilang sandali lang... isang malakas na sampal ang natanggap ko. Hinila naman siya agad ni Luis palayo sakin.
"Oras na magising si Ice at sinabi niyang may kinalaman ka nga, babalikan kita at hindi lang yan ang matatanggap mo! Pero kapag hindi siya nagising sinasabi ko sayo! Magkakapatayan na tayo!!"- sigaw ni Reigen na hawak pa rin ni Luis sapagkat gusto pa rin nitong sumugod sakin.
Tila nablangko naman ang isip ko. "K- king."- rinig kong saad ni Bryan pero sinenyasan ko siyang wag magsalita.
"Reigen tama na! Dalhin na natin si Ice sa clinic para magamot na! si Xandro ang bahala sa kanya."- saad ni Luis kay Reigen. Inalis naman ni Reigen ang pagkakahawak sa kanya ni Luis at hinarap si Luis.
"Paano kung hindi na siya magising? G- gusto kong saktan pa ang lalaking yan!"- sigaw ni Reigen sabay turo sakin.
"Tch. Reigen Rogiano! Kapag hindi nagamot si Ice sa lalong madaling panahon hindi na talaga siya magigising! Kumalma ka muna!"- pagtataas ng boses ni Luis kay Reigen. Natahimik naman si Reigen at pagkatapos nagkuyom ito ng kamao.
Pero teka, tama ba ang narinig ko? Reigen..... Reigen Rogiano?
Narinig ko namang bumuntonghininga si Reigen kaya napatingin ulit ako sa kanya. "Devin, humanda ka. Oras na hindi magising si Ice..."- saad ni Reigen kasabay ng paghigpit niya sa pagkakakuyom ng kanyang kamao.
"Oras na hindi magising ang kapatid ko, hinding-hindi na talaga kita mapapatawad!"- saad ni Reigen sabay tingin sakin panandalian at talikod.
"Vince, buhatin mo si Ice."- saad ni Reigen. Agad namang kumilos si Vince at binuhat si Ice. Pagkatapos nun, umalis na sila.
Hindi naman ako makagalaw, tila napako na ko sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin!
"King? Ayos ka lang ba? Ano po bang nangyayari? May kinalaman ka po ba talaga sa nangyari kay Ice?"- rinig kong tanong sakin ni Brent. Wala sa sarili naman akong tumango.
"A- ako ang dumukot kay Ice sa dorm nila kahapon habang oras ng klase at walang katao-tao sa labas, dinukot ko siya at ibinigay sa taong gumawa sa kanya niyan."- wala sa sarili kong sabi.
Si Ice at si Reigen, magkapatid sila! Si Reigen ang sinasabi ni Ice na ipinunta nila rito. Kung magkapatid si Reigen at Ice...... ibig-sabihin, hindi talaga si Ice ang nawawalang Reyna! Una, wala itong marka sa likod. Pangalawa, may kapatid ito. Mali ang Headmaster! Hindi dapat niya tinorture si Ice dahil hindi talaga si Ice ang nawawalang Reyna!
"King! saan ka pupunta?"- rinig kong sigaw nila Brent ngunit hindi ko sila pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.
Kailangan kong maka-usap ang Headmaster.
xxxxxx
Luis P.O.V
"Xandro! Gawin mo lahat please!"- lumuluhang saad ni Reigen kay Xandro. Tumango naman si Xandro.
"Makakaasa ka."- saad ni Xandro at pagkatapos ay nagsimula na siya sa pag-aasikaso kay Ice.
Nandito kami ngayon sa clinic. Si Vince, galit na galit ito na tila gusto nitong maghamon ng away. Ang tatlong kaibigan naman ni Ice, umiiyak. Ang girlfriend ko namang si Reigen, hindi mapakali habang walang tigil ang pagluha ng kanyang mga mata. Bumuntonghininga naman ako at pagkatapos ay nilapitan ko ang girlfriend ko at hinawakan siya sa magkabila niyang balikat.
"Gigising siya, malakas ang kapatid mo. Malakas si Ice."- saad ko.
Kailangan kong pagaanin ang mga loob nila..
Bigla naman akong niyakap ni Reigen. "Pero hindi na siya humihinga kanina sa ibaba!"- umiiyak na saad ni Reigen.
Niyakap ko naman siya pabalik. "Mabubuhay siya."- saad ko.
"Reigen."- tawag ni Xandro kay Reigen. Agad namang kumalas sa pagkakayakap sakin si Reigen at humarap kay Xandro.
"May mga tuyong dugo sa loob ng tenga niya pati sa ngipin niya, iniisip ko kanina baka binuhusan siya ng dugo pero kung ganun nga ang ginawa hindi dapat siya magkakaroon ng tuyong dugo sa mga ngipin niya. Sa tingin ko tinorture siya, may dinala na sakin dati na ganito ang nangyari natatandaan niyo?"- saad ni Xandro. Naalala ko naman ang pangyayaring yun.
Yung pasyente ni Xandro na yun... hindi na yun nagising. Maraming maruming dugo at dugong mula sa iba't-ibang taong namayapa na ang nainom nito mula sa malaking drum na nasa torture room. Wag niyong sabihing... ganun nga ang nangyari kay Ice?
"H- hindi."- saad ni Reigen ng maalala ang pangyayari dati. "Ice... w- wala ba tayong magagawa Xandro?"- umiiyak na saad ni Reigen. Yumuko naman si Xandro.
"Bukod sa oxygen tank at hospital bed, yun lang ang mga gamit na ipinapagamit sating mga estudyante rito. Yung kaalaman ko sa paggagamot, di ko rin magamit dahil dun."- saad ni Xandro. Napakuyom naman ako ng kamao.
Kung may magagawa lang ako! Kung malakas lang ako at kaya kong talunin ang Hari.. wala sanang problema ngayon..
"Ano!? Hihintayin na lang natin na mamatay siya? Sabi mo gagawin mo lahat!"- pagtataas ng boses ni Reigen.
"Pasensya na."- saad ni Xandro.
Tinignan naman ni Reigen si Ice na walang malay. "Kasalan 'to ni Devin, kasalanan niya 'to!"- sigaw ni Reigen. Niyakap ko naman siya para i-comfort.
'Eto lang ang magagawa ko, wala ng iba.
Tinignan ko naman ang mga kaibigan ni Ice, mga tulala sila. Maging si Vince. Bigla namang dumating ang Nurse ng school.
"Pasensya na pero nais kayong makausap ng tatlo sa Dark Cards, nasa leisure room sila."- saad ng Nurse.
"Tsk! Ayoko silang kausapin, kahit sino sa kanila!"- pagtataas ng boses ni Reigen.
"Pero kailangan niyo po silang kausapin."- saad ng Nurse.
Bumuntonghininga naman ako. "Rei, kailangan natin silang kausapin. May katungkulan sila rito sa school di natin sila pwedeng isnobin."- saad ko kay Reigen.
Nagkuyom naman siya ng kamao. "May katungkulan? Yeah right! May katungkulan sila kaya lahat ng gusto nila nagagawa nila! Sa maliit lang na kasalanan sa kanila pwede silang magparusa ng mabigat! Anong ginawa ni Ice para parusahan?"- saad ni Reigen kasabay ng pagkuyom ng kanyang kamao.
Tama siya... kahit kasali ang Cards sa laro isa pa rin sila sa may mga katungkulan tulad ng Headmaster. Nasa ilalim lang din nila kami kahit naglalaro rin sila. At... wala kaming magawa..
"Halika na, harapin natin yung mga gustong kumausap satin."- saad ni Reigen sabay tingin niya sa Nurse. "Bantayan mong mabuti ang kapatid ko, kapag may hindi magandang nangyari tawagin mo kami naiintidihan mo? Dahil kung hindi, malalagot ka sakin tutal wala ka namang silbi."- saad ni Reigen sa Nurse.
Tumango naman yung Nurse at pagkatapos ay yumuko.
"*sigh* Tayo na guys."- saad ni Reigen. Pagkatapos nun, agad kaming umalis na Red Skull kasama ang Wolves at Reapers.
xxxxxxx
Devin P.O.V
"Sir, wala na pong tao sa loob."- saad sakin ng Nurse.
Agad naman akong lumabas sa silid sa tabi ng clinic at pagkatapos ay pumasok na ko sa clinic. Pagpasok ko, agad kong nakita si Ice na walang malay. Puro dugo pa rin ang katawan nito, ang mukha pa lamang niya ang malinis. Nilapitan ko naman siya at tinitigan.
"Patawad, pero kailangan ko kasing sundin ang Headmaster. Hindi ko ginustong mangyari sayo yan..."- mahina kong saad sabay hubad ko sa coat ng uniform ko at taas ko sa sleeves ng longsleeve na puti na panloob ko.
"Ihanda mo ang mga gamit Nurse."- saad ko sa Nurse. Agad naman itong sumunod.
"Opo!"- saad ng Nurse.
Hindi ka pwedeng mamatay Ice, kailangan ka ng mga kaibigan mo at ng kapatid mo!
Kailangan ka ni Reigen.
Mabubuhay ka Ice!