Grey POV "Di ko maintindihan, paanong wala? Paanong wala tayong nakuhanan na maskara sa lahat ng mga estudyante rito sa DIA? Nakakapagtaka."- saad ni Ashlie. "Mautak sila, hinala ko sa iba nila itinago ang mga maskara."- saad ni Ylana. "Ilang araw na lang bago mag-prom?"- tanong ng Hari. "Lima, limang araw na lang po."- sagot ni Brent. Hinampas naman ng malakas ng Hari ang lamesa. "Limang araw na lang pero wala pa rin tayong makuha na lead para mahuli ang mga kalaban! Ano nang gagawin natin!?"- inis na saad ng Hari. Hindi naman kami nagsalita at nanahimik na lamang. Hanggang sa bigla na lamang bumukas ang pintuan ng opisina at pumasok si Ice. "Sorry I'm late."- saad ni Ice sabay hikab at punta sa upuan niya. "Anong ganap? Siya nga pala, wala akong nakitang maskara sa dorm ng Wolve

