Ashlie POV "Guys! Guys!"- sigaw ko pagkapasok ko sa dorm naming Reapers. Agad naman silang napatingin sakin. "Problema mo?"- tanong sakin ni Ylana. Ngumiti naman ako. "May nakita akong eroplano na dumating! Nakita ko sa rooftop kanina at pagkatapos, nakita ko ang Cards na lumabas. Sana package ulit yun mula sa mga parents natin! namimiss ko na kasi sila Mommy at Daddy."- saad ko. Nakita ko namang sumama ang mukha ni Ice. "Hmm... ang alam ko nandito ang eroplano ngayon dahil sa magdedeliver ito ng mga gamit ng mga estudyante na gagamitin bukas para sa Prom."- saad ni Grey. "Sana nga tama si Grey, dahil kung padala ng mga magulang yun malamang wala na namang para sakin."- saad ni Ice sabay tayo at lakad papunta sa pinto. "Mauuna na ko sa inyo."- saad ni Ice sabay labas sa dorm namin

