Reigen POV "Mamayang gabi na ang Prom, anong gagawin natin? Sinabi nila Master na pagkatapos ng huling p*****n ng Darkness week ay aatakihin natin ang Headmaster. Hindi natin siya papatayin, susugatan lamang ngunit paano natin yun magagawa? nawawala ang mga maskara natin."- saad ko sa Wolves at sa iba pang Skulls. Bumuntonghininga naman si Luis. "Ang sinabi lang sakin nila pinuno, gawan natin ng paraan. Anong paraan naman?"- saad ni Luis. "Tsk! sino ba kasing kumuha ng mga maskara natin? nakakainis!"- saad ni Vince. "Sigurado ka bang hindi ang Cards ang kumuha?"- tanong ni Luis kay Vince. Tumango naman si Vince. "Oo, mukhang wala silang mga alam. Halata sa kanila. At kung may alam man sila, hindi ba dapat kumilos na sila? Pero hindi. Kaya naman sigurado ako na wala silang alam o kin

