PROLOGUUE
Gabi na at napakatahimik na ng paligid. Its a very peaceful night para sa mga tao na nakatira sa Rio Grande. Ang hindi nila alam, kapag gabi na saka lumalabas ang pinaka kinakatakutan na mamamatay tao sa buong mundo. Naglalakad na parang modelo sa gitna ng daan. Wearing her favorite killing suit. An all black outfit paired with a black high-heeled boots, and of course hindi mawawala ang kanyang famous venitian mask. . Holding a katana placed on her left shoulder supporting its weight at dalawang baril, one placed on her left leg and the other one is placed on the right side of her belt.
She's ready to kill again.
Her target is the rich and famous Don Ronsi Alonzo. A famous bussinessman. Hindi alam ng mga tao that behind his bussiness is a famous line ng mga illegal na druga na pinapapasok niya sa ibat ibang bansa. His bussiness is just a forefront of his dark bussiness. Nasaloob na siya ng mansyon ng mga alonzo, walang kamalay-malay ang mga tao sa paligid na may nakapasok. Sandaling tumigil siya sa paglalakad. Nasa may hallway siya malapit sa malaking painting ng pamilya Alonzo. Pinagmasdan niya ang paligid, wala naman siyang nakitang maaaring makasagabal sa kanyang plano kaya tinuloy na niya ang kanyang pakay. Dumiritso na siya sa kwarto ng kanyang target. Gulat at takot na mga mukha ang kanyang nakita pagkapasok niya sa kwarto ng target. Gaya ng kanyang inaasahan ay hindi nag-iisa ang Don sa loob ng kwarto, may kasama itong dalawang babae.
"Shout and your DEAD" malamig pa sa malamig na yelo na sabi ng babae kaya hindi natuloy ang sigaw dapat ng dalawang babae. "S--si-sino ka?" Takot na tanong ng Don. "A-aa-ann-anong kk-kai-kailangan m-mm-mo?" pautal-utal na sabi nito habang nanginginig sa takot.
"Ako si KAMATAYAN" walang emosyong sabi ng babae at pinutol ang ulo ng Don gamit ang katanang hawak niya. Iniwan niya ang dalawang babaeng nakanganga, tulala, at mga nanginginig sa takot. Tumalikod siya ng may ngiti sa mga labi, ngiting nakakakilabot, ngiting nakakamatay.