Pagkatapos ng klase kahapon ay dito na ako dumiretso sa Bahay ko. Tinawagan ko nalang si mommy na dito muna ako tutuloy sa bahay ko kaya nga ngayon, Andito lang ako sa loob ng bahay ko, (ou bahay ko dahil pinagawa ko to para sa sarili ko) nakaupo sa sopa dito sa sala habang tinitingnan ang mga dahilan kong bakit nasira ang plano kong matulog buong araw (dahil sabado ngayon at walang pasok). Mahimbing na sana akong natutulog sa kwarto ko ngayon, plano ko pa namang matulog hanggang mamayang hapon pero hindi natuloy ang plano kung iyon dahil sa mga maiingay na dumating kanina. Ang aga-aga namulabog ng bahay. May mga bahay naman sila pero dito talaga nila naiisipang mag-ingay sa bahay ko. Dastine is busy reading a book habang yung dalawang maiingay ay wala na yatang planong tumigil sa paghahabolan at sigawan na parang ang layo nila sa isa't-isa.
"Shan naman e, ibalik mo na kasi sakin yang celphone ko" sigaw ni Jerica at hinabol si Reshan.
"Hahaha, ayoko nga. Habolin mo muna ako hahaha yun e kung maaabutan mo ako hahaha" tumatawang sigaw ni Reshan habang naghahabolan silang dalawa ni Jerica sa round table na nasa harap ko. Tsk. Napaka-childish talaga ng dalawang to, napapaisip tuloy ako, Bakit ko nga ba naging kaibigan itong mga to?
But then, I already know the answer of my own question. Nabalik ako sa ulirat ng may tumabi sakin.
"Hey Q, a penny for your thoughts?" pabirong tanong ni Rikou at umupo sa loveseat na nasa left side.
I smirked. Sadyang nilakasan ko yung boses ko ng sinabi ko ang sagot sa tanong ni Rikou "Naaaah, I was just thingking on how to kill this two noisy people here in my house" biglang tumahimik ang paligid. Napakatahimik na kahit siguro pagkahulog ng karayom ay maririnig muna. "Ano sa tingin mo ang magandang gawin R, susunogin ng buhay o ilibing na buhay?" Smirk. (hahaha) I was laughing on my mind. eh kasi naman, yung mga mukha nila hindi na maipinta. (Hahaha *Evil Laugh* lol)
"Aaaaah, this is much better. Tahimik, walang maingay, makakapag-pahinga na ulit ako" tumayo ako at naglakad pabalik sa kwarto ko. Iniwan kung mga nakanganga yung dalawang maingay habang tinatawanan ni Rikou. Tsk. Childish.
-------------------------
RESHAN'S POV
"Problema ni Madam?" Tanong ko kay Jerica.
"Nagtanong kapa e alam mo na naman kung bakit" sagot ni jerica rolling her eyeballs at me.
"Ikot mo ulit yang mata mo sakin, tutusukin ko talaga yan, Je" kunyari galit na wika ko sakanya. At yung bruha, tinawanan lang ako.
"Wag na, tutuhanin mo pa. Mawawalan ako ng precious eyes. Tsaka, ikaw naman kasi, kung sana binigay mo kaagad phone ko edi na dapat kita hinabol" nakasimangot na sabi ni Jerica. "Ayan tuloy, galit na siya"
"Ang ingay ingay mo kasi" sabi ko at sinapak siya.
"So, ako pa talaga yung maingay, e, ikaw nga yung sigaw ng sigaw kanina." Sumbat naman niya sa'kin.
*BANG*BANG*BANG*
Natulos kami sa kinatatayuan namin ni Jerica dahil sa putok ng baril. Feeling ko nga humiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko e. At nung tiningnan ko yung nasatabi ko, ayun parang tinakasan na ng lahat ng dugo.
"Wala ba talaga kayong balak na tumahimik na dalawa ha?" Galit na sigaw ni Madam. At tinutukan uli kami ng baril.
"Eh-ehehehe, sabi ko nga tatahimik na kami, Peace madam (^0^)/" nakatas ang dalawang kamay na sagot ko at nag peace sign kay madam bago hinila papunta sa may couch si Jerica na kilimutan na yata ang paghinga.
"Hahahaha hahahahahaha , you both looked like you've seen a ghost back there. Hahaha haahaha, you should have seen your faces guys, wahahahaahahaha" pang-aasar ni Rikou saamin at tawa ng tawa. Binatukan ko na nga pero tawa parin ng tawa.
"Ha-Ha Funny" sabi ko bago umupo sa couch. Umupo naman sa tabi ko si Jerica. Na kakarecover lang sa nangyaring trahedyo. LOL. Tumigil na sa kakatawa si Rikou. Naglakad naman papunta sa amin si Dastine na kanina pa nakaharap sa kanyang libro. Lumindol na't lahat lahat e, nagbabasa parin yang sa kanyang libro. Kahit naghihingalo kana sa harapan niyan eh nagbabasa parin yan. Natawa nalang ako dahil sa mga na-iisip ko. *Pfft* Umupo siya sa kabilang dulo ng sopa.
"So, whats the plan?" I asked them.
"Well talk about that later pagkagising ni madam" Rikou said kasabay ng pagtayo niya at naglakad papunta sa taas. "Paghinga muna tayo guys, I still had a jetlagged" sigaw niya bago siya tuluyang nawala sa paningin namin. Tumayo narin ako at pumanhik sa kwarto ko, ganon din si Jerica. Dastine was left there on the couch still reading her damn books.