Teaser 1
Caleb’s POV
I had a bottle of beer in my hand while dancing with my friends. I was enjoying the night. Malakas ang tugtog, sabay-sabay ang sigawan ng mga tao sa lugar na pinagdarausan ng birthday ni Toby, isa sa mga tropa ko. Sa lakas ng ingay halos 'di ko na marinig ang sarili kong boses.
I was moving with the crowd, nakikisabay sa beat ng musika nang biglang may babaeng sumingit sa harap ko.
Hindi ko siya kilala, but her face was familiar.
She started dancing with me. She was already drunk. Halos idikit na ang katawan sa 'kin, sumasabay sa galaw ko. Hindi na naman bago sa 'kin ang ganito. No matter where I went, there were always women like this, bold, reckless, and far too willing to throw themselves at me.
Some came for the thrill.
Some because they knew my name.
Some simply because they wanted a story to tell after one reckless night.
And honestly, I had long stopped being surprised by it.
Sinabayan ko ang galaw niya, letting the music dictate every movement between us. My hand slid swiftly to her waist, firm enough to keep her close.
Tiningala niya ‘ko.
“Crush kita matagal na.” Prangkang saad niya. I smirked. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang narinig ang mga salitang iyon sa iba’t ibang babae.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Hindi ako sumagot; baka madismaya lamang siya.
Tinungga ko at inubos ko na lang ang natitirang laman ng hawak kong beer.
Ngunit bigla na lamang iyong inagaw sa kasayaw kong babae. She grabbed my shirt and pulled me closer. Bigla na lamang niya akong hinalikan sa labi na agad kong tinugon. Siyempre, lalaki ako.
But only for a few seconds.
Because the next thing I knew, a hard punch landed straight on my jaw. Sa lakas napaatras ako sa isang mesa, nahulog sa sahig ang mga bote sa ibabaw nito at nabasag. Agad nagkagulo ang paligid.
“F*ck off, asshole!” Sigaw nung lalaking nanuntok. Nang muling inumbahan niya ‘ko ng suntok ay mabilis na nakaiwas ako.
“Babe! Stop it!” Sigaw ng babaeng kasayaw ko.
Lihim akong napangisi. Wala na yatang matinong babae sa mundo.
Nakita kong pinulot niya ‘yung isang bote ng beer, ngunit bago pa man niya iyon mahampas sa ‘kin, inunahan ko na siya. I grabbed the empty bottle near me at malakas kong hinampas sa ulo niya.
Napaurong ‘yung lalaki kasunod ang pagsugod ng iba pa sa ‘kin. Pati mga kaibigan ko nakipagpalitan na rin ng suntok.
May mga security guards, ngunit nahirapan na ang mga ito na kontrolin kami.
Kaliwat kanan na ‘yung sumusugod ng suntok sa ‘kin. May suntok na nakakalusot. Ilang tama rin ng suntok ang tumama sa ‘kin dahil sa dami nila habang kami’y lima lang.
Nang makarinig ng sirene, ang iba’y nagsitakbuhan na habang ‘yung iba’y kasama na ako ay patuloy pa rin sa pakikipagsuntukan.
Dumating ang mga pulis. Isa-isa kaming hinuli. Yung iba nakatakas. Yung iba, tinangkang makatakas ngunit nahuli pa rin.
Kalmadong sumama ako, pati ang mga kaibigan ko. Hawak ako ng dalawang police sa magkabilang braso ko palapit sa isa sa mga patrol cars. May isang pulis na kay riin ng mga titig niya sa ‘kin, tantiya ko’y mataas ang ranggo niya sa iba.
“Kapkapan mga ‘yan.” Saad nito.
“Talikod,” mando ng isa sa mga humuli sa ‘kin. Pwersahang pinatalikod niya ‘ko at pinaharap sa sasakyan.
“Teka lang, bakit?” Sinubukan kong pumalag.
“Pumapalag ka, may tinatago ka?” Hindi na ‘ko umimik at hinayaan silang kapkapan ako. Kampante ako dahil wala naman silang makukuha sa ‘kin. Maging mga kaibigan ko, kinakapan din.
“Ba’t kami lang, sila hindi,” saad ni Toby.
“Nauna na sila.”
“Ang bilis naman.”
“Wag nang maraming tanong!”
“Major, positive,” saad ng pulis na kumapkap sa ‘kin.
Lumapit ‘yung nag-utos na kapkapan kami upang tingnan kung anong nakuha.
“Shabu, Major,” nang marinig ko ang sinabi ng lalaki’y umalma na ‘ko. Paanong mapupunta sa bulsa ko ‘yun? Hindi ako gumagamit ng drugs. Oo gago ako ngunit hindi ‘di magawang sirain sarili ko. May natitira pa ‘kong awa at pagmamahal sa mommy ko.
“Hindi sa ‘kin ‘yan," mariing tanggi ko.
Bahagyang natawa ‘yung pulis.
“Hindi raw sa kanya, baka sayo ‘to,” pabirong saad nito sa kasama. Natawa rin ‘yun kasama niyang pulis.
“Sa presinto ka na magpaliwanag, bata.” Saad nito, sapilitang pinapasok ako sa loob ng sasakyan nila kasama ang mga kaibigan ko.
I know I’m in big trouble. Hindi ko ito malulusutan na ako lang. Someone must have planted those drugs in my pocket. I took out my phone and messaged all my Ninongs, my dad’s closest friends, maliban kay Tito Jeric dahil may sakit ito sa puso at syempre daddy ko.
“Nong, I'm sorry for messaging at this hour, but I need your help. Nasangkot ako sa gulo. Nahuli ako, kaso may nakita silang drugs sa bulsa ko. I swear they're not mine. Hindi ako gumagamit ng drugs. Someone planted them there.”
Ilang segundo lang ang lumipas, at sunod-sunod na ang mga replies nila.
“Saan ka?” Ninong Kevin asked.
“Easy ka lang kami na bahala,” saad naman ni Ninong Miggy.
“Make sure they won’t hurt you,” saad ni Ninong Nathan.
“We’ll be there, son,” said Ninong Kyle.
“Keep your line open, will track you down,” Ninong Justine said.
Inaamin ko kinakabahan ako, but knowing my Ninongs had my back somehow kept me calm—Bata pa lang ako sila na 'yung kakampi ko. Hindi ko kailanman naramdaman 'yung pagkukulang ng isang ama noong akala ng lahat na wala na ang daddy dahil sa kanila. They are always sure they have my back. Sa tuwing ganitong may trouble, kahit anong oras pa 'yan at kahit saan man sila naroon, ay laging handa silang puntahan ako.
“Pare ba’t may–” Tanong ni Toby.
“Hindi ko rin alam,” I cut him off.
Hindi kami naiimikan, magkakaibigan. Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan hanggang sa huminto ang sinasakyan naming patrol car sa harap ng police station.
Insaktong pagbaba namin ay napalingon kaming lahat nang sunod-sunod na huminto ang magagarang sasakyan ng mga ninong.
Isa-isa silang bumaba mula sa kani-kanilang mga sasakyan, halatang ang iba’y kagigising pa lang. Si Tito Miggy nga’y nakaboxer shorts at nakasando lang. Hindi nag-abala pang magbihis.
“Mga Ninong mo, pre,” saad ni Toby sa ‘kin.
“Mga N-ninong mo?” Nauutal na saad ni Major.
“Yes, sir.” Tipid kong sagot.
“Potek, bitawan niyo,” utos nya sa mga pulis na nakahawak sa ‘kin. Mukhang kilala niya ang mga Ninong.
Lumapit ang mga Ninong.
“Major.” Kalmadong bati ni Ninong Justine.
“Sir.” Tugon ni Major.
“Anong problema sa inaanak ko?” Casual na tanong ni Ninong Justine.
“Problema? Wala! Alam mo na, mga kabataan. Nagreklamo kasi ‘yung may-ari ng lugar at gustong magpabayad. Marami kasing damages. Nawala na ‘yung pagiging arogante nito kanina at tila parang maamong tupa ngayong kaharap ang mga ninong ko.
“’Yun lang ba ang problema?” Tanong naman ni Tito Kevin.
“O-oo, ‘yun lang. Abswelto na agad pag nabayaran na ‘yung may-ari.”
“Sigurado kang ‘yun lang?” Seryosong tanong ni Ninong Miggy, ngunit ‘yung mga titig niya sa Major mukhang isang pika na lang at handa nang manuntok.
“O, yun lang.”
“We’ll pay all the damages,” saad ni Ninong Nathan. End of Story.
Matapos makipag-areglo ay isa-isa nang nagsiuwian yung mga kasama kong nahuli. Nalaman kong Tito nung unang nanuntok sa ‘kin ‘yung Major. Kayang ipatanggal ng mga ninong sa puwesto ‘yung Major dahil sa ginawa nila sa ‘kin, ngunit sobra ang paghingi ng pasensya nito. Kilala niya ang mga ninong dahil mga kaibigan nila ang Chief of Police ng bansa. Alam niyang alanganin siya, kaya kay bilis nakipag-areglo.
“Usap muna tayo.” Saad ni Ninong Nathan na ako na lang ang naiwan sa labas ng police station.
“Kailan ka ba magtitino, ha? Caleb?” Diretsong tanong ni Ninong Kevin.
“Hindi naman po ako ‘yung nauna.”
Sinabi ko sa kanila ‘yung nangyari.
“Tigil-tigilan mo kasi ‘yang pagiging babaero mo tularan mo ‘ko.” Saad ni Ninong Miggy. Lahat sila napalingon sa kanya kay sama ng mga tingin.
“Grabe naman parang napakasinungaling ko,” reklamo ni Ninong Miggy.
“Stop talking nonsense, Miggy.” Saway ni Ninong Justine tapos binalingan n’ya ‘ko. Kay riin ng mga titig niya sa ‘kin. “Sana magtino ka na. We're growing older, Caleb, and there will come a time when we can no longer be there for you.”