Abby’s POV “Ha?” Hindi ko maiwasang mabigla sa hinihingi niyang pabor. “You heard me right, Bee.” Saad niya. “Ayoko.” Mabilis na tugon ko. Siguro alam niya kung bakit ayokong makipag-date sa kanya. “Just what I thought.” Tumayo siya. Muli’y humithit sa hawak niyang vape at napabuga ng usok pataas. “Pasok muna ako.” Saad niya at nilagpasan ako. Napasunod ako ng tingin sa kanya. Papasok siya sa loob ng mansion. I already apologized to him. Okay na ‘yun siguro. Kung ayaw niyang tanggapin, bahala siya, basta ang importante, nakahingi ako ng pasensya. Ngunit ewan, ang bigat pa rin sa pakiramdam. Double pa ‘yung guilt na nararamdaman ko. Ba’t kay dali lang para sa ‘kin ang magbitaw ng masasakit na salita sa kanya, ngunit kay hirap gawan siya ng pabor. I should have also thanked him

