Chapter 2

1623 Words
Mahirap palang mag mahal ng patago.akala ko noon ay ayus lang kung sikrito ko syang mamahalin.Halos Dalawang buwan narin pala simula ng ilakad ko siya kay Daphnie.At hanggang ngayon ay nililigawan niya parin si Daphnie at Ako naman itong si tanga todo support sa kanila kahit alam ko sa sarili ko na nasasaktan ako satuwing nakikita ko silang mag kasama. Mag kasamang nag ta-tawanan,mag kasamang nalalakad pauwi,o pa-pasok ng school. At lahat ng pang-yayaring iyon ay saksi ako pati narin ang buwan at araw. "Satingin mo kailan niya ako sasagutin?" Si Marco iyon. "Ewan, diko din alam siguro kapag naka graduate na tayo?" Tama nga ang hinala ko dahil ng dumating ang araw ng Graduation ay doon na siya sinagot ni Daphnie.oo masakit dahil pareho ko silang kaibigan at bukod don ay mahal ko si Marco. Hanggang ngayon, walang pinag bago,dahil siya lang naman. "Congrats, stay strong sa inyo guys" "Thank you " sagot nilang pareho. "Hoy, Marco kahit kaibigan kita wag mong lolokohin tong si Daphnie,mas mahal ko pa ito sayo" Sabi ko at natatawa pa. "Oo,hindi ko talaga lolokohin to no!,diba love?" sagot nito sa akin. "O,sya sige lumayas na kayo sa harapan ko dahil na-aalibadbaran Ako sa mga pagmumuka nyo,dito niyo pa talaga sa harapan ko pinapakita yang kaharutan ninyo!" biro kong sigaw sa kanila. Nag tawanan lamang sila at umalis na sa harapan ko. Sakit,sobrang sakit, isipin mo yun?! sa ilang buwang pag tulong ko sa kaniya sa panliligaw kay Daphnie hindi niya na pansin yung mga tinginan ko sa kanya,yung mga galawan ko kapag kasama niya ako. Ang manhid niya naman. Sobrang manhid. Lumipas ang Isang buwan na bakasyon at enrollment na namin Ang hirap palang mag enroll sa senior high kapag wala kang kasamang magulang. Hindi mo alam Ang gagawin. E pano ba naman busy daw si Mama. Ewan ko ba lagi naman itong busy lahit may free time siya. Nga pala hindi ako nag enroll sa school kung saan nag enroll si Daphnie at Marco,Ewan di naman ata nila mapapansin na umiiwan ako kahit totoo naman. Ewan ko rin ba kung bakit ayukong mag-aral sa school na pinasukan nila e ayun yung school na pangarap ko e. Ah, basta ang goal ko ay hindi na sila makita pa. Lumipas ang ilang araw at pasukan na.yes! Senior high Nako!..... Nasakalagitnaan Ako ng pag lalakad ng biglang may bumangga sakin. Nalaglag tuloy ang dala kong pag kain na binili sa labas. "Ay!, Yung pag kain ko" malungkot kong sabi. "Sorry miss ah,nag mamadali kasi Ako" Sabi ng lalaki. "Wala akong pake sa pag mamadali m-" he cut me off "I said sorry miss,kung gusto mo bayaran ko nalang iyang natapon,mag kano ba?," Abat Ang yabang! "Wala akong pake sa pera mo!, Alam mo bang special to huh! Ako lang Ang nakakagawa nito,che lumayas kana nga! bwisit na'to" Sabi ko. At dinampot at nahulog na pag kain. Buti naman at umalis na siya nakakainis kaya siya! Nahanap ko na ang roon ko at sakto namang wala pa yung first subject namin. Umupo Ako sa may bandang bintana para maaliwalas, at para makapag isip-isip din ako kung hindi ko na nga ba kakausapin sila Daphnie at Marco,Ewan pero may roon paring parte sa loob ko na kailangan ko parin silang kausapin,siguro dahil sayang yung taon na pinag samahan naming tatlo? Lumipas ang ilang minuto at may pumasok na isang lalaki. Teka! Siya iyong lalaki sa hallway kanina diba?,bwisit na to naging classmate ko pa!? Nagulat ako ng papalapit ito sa pwesto ko. Wait wag niyang sabihin na dito siya uupo?, Wala na bang ibang upuan? Napatingin Ako sa paligid,teka wala na nga! At tanging ito nalang na upuan na nasa tabi ko Ang bakanting upuan. "Can I?" Tanong nito. Bakit may iba pa ba siyang nakikitang upuan. Bukod dito sa tabi ko. Gusto nya don sya sa lapag,bahala sya sa buhay niya. "Nag papaalam kapa e naka upo kana nga" Natawa lamang ito,ano kayang nakakatuwa sa sinabi ko e totoo naman iyon. "Hi I'm Richard McGregor" Sabi nito sabay lahay ng kamay sa akin. Pake ko? Pake ng upuan? Pake ng mga kaklase namin? Pake ng lahat? Sinong nag tanong? Nginitian ko nalamang ito ng plastic at nag iwas ng tingin sa kaniya. "Ang tahimik mo naman, kanina sa hallway kulang nalang sipain moko sa sobrang ingay mo" natatawa nitong kwento. Mema ampota sarap paltukan ng isang ito. "Hindi kaba mag papakilal-" I cut him off para tumigil na siya. "Reina del Valera, oky kana?" Sabi ko. "Sungit nito" Sabi nito habang nangunguso pa"Gusto lang naman makilag friend e,Ang sama mo sakin!, Gwapo Naman Ako" Sabi nito. Ah talaga ba? May plema yata utak nito napaka hangin. "Pake ko?" Sagot ko na lamang At hindi naman maipinta Ang muka nito dahil sa naisagot ko. May sinabi pa siya pero hindi ko nalang inintindi, Hanggang sa dumating Ang first subject. At doon na lamang Ako nag fucos. Lumagpas na Ang dalawang subject at first break time namin, Hindi muna Ako kumain kaya nag tubig nalang muna ako,hindi pa naman kasi Ako nagugutom e kaya ayus lang. Pero laking gulat ko ng may mag lapag ng food sa harapan ko. Isang kanin at adobong ulam iyon. Nang mag angat ako ng tingin ay si Richard iyon. "Oh,pambawe ko sa nalaglag mong pagkain" Sabi nito. "E,ayuko baka may lason pa iyan e" sabi ko naman "Wala iyan, Anong tingin mo sakin masamang tao?" Natatawa nitong Turan" mabait Ako no,bukod doon ay gwapo pa kaya saan ka pa diba?" Huh? No daw sabi niya? "Tumigil kana na nga,sge na salamat dito, kaya lumayas kana sa harapan ko naiirita lang Ako!". "Ayuko, pilitin mo muna Ako" Sabi nito habang may pilyong mga ngiti sa labi. " 'nak ng puta!" Sabi ko nalang "Bunganga mo naman,parang Hindi ka babae niyan sa lagay na iyan!" "Ano bang pake mo?, Sino kaba?" Sabi ko "New friend I guess? " huh? Ano? May sapak ba 'to? "Nakahithit kaba Ng katol?" Sabi ko" new friend di nga kita kilala e,kanina lang kita nakilala" Sabi ko. "Sayo narin mismo nang galing na kanina mo lang Ako nakilala kaya naman mas makikilala moko kung magiging friend tayo" nakangiti nitong sabi. Ay Nako Ewan, tinapos ko nalang Ang pag kain at hinayaan ko nalang si Richard na sundan Ako,wala daw kasi siyang friend sa room bukod sakin. Sinungaling nakikipag friend nga sa kaniya si Carlo kanina tinanggihan niya lang,pati Sila Carla, Shane,Rian,at halos buong kaklase namin sa room pero ni isa doon Hindi na manlang pinansin. Ewan ko ba sakanya ,kanina pinagmamayabangan Ako sa hallway Ngayon gusto akong maging kaibigan Uwian na namin ngayon saktong alasinko ng hapon ay labasan. Pag ka labas ko ng school ay nagulat ako ng nakasunod sakin si Richard. "Lagi ka nalang bang susunod sakin?" Tanong ko "Oo?" Patanong nitong sagot "Anong Oo?" Pag gaya ko sa sinabi nito "parang di kapa sigurado niyan sa sagot mo" "Oo, nga kasi sasabay Ako sayo sa pag sakay" sagot nito. "At bakit?, Hindi kaba marunong sumakay?" Tanong ko. "Ito naman sasabay lang e,Ang sungit-sungit!"pag mamaktol nito na akala mo ay close na talaga kami. "Bahala ka sa Buhay mo!" Sagot ko Dito. Nang maka punta na kami sa terminal ng jeep ay sumakay na Ako doon dahil baka gabihin na Ako ng uwi,malalagot nanaman Ako nito panigurado kay Mama. "Taga saan ka ba?" Tanong nito. "TV"( Towerville Village) sagot ko. "Ah isang daanan lang pala tayo,mag katabi lang yung Village natin,Doon kasi Ako sa may Hermano Village naka Tira" sagot nito. Huh? E may school doon diba? Sa harapan lang ng Village na sinasabi niya,Bukod don ay doon nag-enroll sila Daphnie at Marco. Bakit doon pa siya sa malayo? Nag enroll? "Ang layo naman nang pinag enrolan mo e kaharap lang ng Hermano ay School diba? " tanong ko. "Ewan,siguro may ayaw lang akong makita" sagot nito at napaiwas ng tingi sa akin. "E Ikaw ba? Ang lapit lang naman din non sa TV diba?" "Same answer?" Sabi ko. Hindi na siya nag tanong pa dahil siguro alam niya narin naman ang ibig kong sabihin na pareho kaming may iniiwasan sa school na iyon. Pero sino kaya yung kanya? Malapit na akong bumaba at na alala kong wala pa akong binabayad sa driver ng jeep kinapa ko ang bulsa kong may barya pa ba ako pero nagulat ako ng wala akong makapa. Shockkkkkk,wala akong pang bayad!!!!!!!! Anong gagawin ko? Utang nalang kaya ako kay Richard since sabi niya friend daw kami kahit di pa ko pumapayag. Bahala na. "Ahm,diba gusto mong maging friend tayo?" I ask him Tumango lamang ito. "Uhm, can I ask something? " "Ano yun?" Sabi niya. "Pautang pamasahe,wala na kasi akong pera, bukas din naman babayar-" he cut me off. "Bayad na kanina pa,di mo ata napansin kasi Ang tahimik mo,kung saan-saan kapa nakatingi" Sabi nito. "Ah,eh, sge salamat,bayaran ko buka-" again he cut me off, wtf lagi nalang ba nya Akong Hindi papatapusin sa pag sasalita? "Thank you lang sapat na" Sabi niya. "Oky,sge thank you" Sabi ko nang saktong huminto sa kanto ng TV yung jeep. Hindi na ako nag paalam,bahala siya. Nag trycicle Ako kasi padilim na yare na talaga Ako sa mama ko. Sa bahay ko nalang babayaran. "Rein, anong oras na bat'ngayon ka lang?" Tanong ni mama. "Traffic po,tapos nag hintay pa po kasi ng pasahero sa may terminal ng jeep kanina kaya natagalan" simpleng sagot ko. "Oh sya,sge mag saing kana,may ulam na diyan,kumain ka nalang at ako ay aalis na" sabi ni mama. "Sge po,ma salamat po" ngumiti pa Ako Dito. Hindi na ako nito pinansin at umalis na agad. Magtutungo na sana Ako sa may kusina ng tumunog ang cellphone ko. Instagram : @R1chdadhieMcgregor started following you. 1m
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD