Chapter 1
SIMULA
Pano ka aamin sa taong mahal mo kong may minamahal itong iba?
Tama nga sila. Love is blind
Pero lagi na nga lang ba akong mag papaka bulag? Kahit na alam ko na malabo na maging kami.
"del Valera,Reina"
"present ma'am" sagot ko sa aking guro.
Ngayon ang aming unang araw sa huling taon ng Junior High school. sawakas Grade 10 nako! Excited nakong maging senior high next school year, hayt sino kaya Ang magiging kaibigan ko Ngayon taon? Sana Naman yung hindi ganon ka toxic kagaya nong karaang taon nakakainis kasi yung taon ko nung grade 9.
Habang tumitingin sa mga bago kung kaklase na hinihintay ring matawag sa attendance Ang kanilang pangalan ay may isang lalaking naka kuha ng aking atinsyon.
"Estrada,Gian Marco".....
"Present ma'am,never absent!" Sagot nito at nagtawanan naman sila ng mga kaklase nya ata nung nakaraang taon.
"Natural pre, first day palang natin kaya wala ka pang absent" natatawang sagot ng kaibigan niyang si Jomar.
Ang gwapo niya,sobrang ganda ng hitsura niya,mula ulo hanggang paa ay napaka perpiktibo nito. Magagandang mga mata,matangos na ilong,mapupulang labi,magandang hugis ng panga na tila maaakit ka talaga.
Teka nga bakit ko ba siya pinagmamasdan? Ano bang espisyal sa kanya?
Hindi ko nalamang ito pinansin at ng mag simula na Ang klase ay nakinig na Ako sa aming guro. First subject kasi namin ay Filipino kaya kailangan ko talagang makinig dahil isa ito sa paburito kung subject.
Lumipas ang mga Oras at marami na agad akong naintindihan. Tunkol kasi sa Mythology Ang topic kaya na excite ako.isa kasi iyon sa paburito ko pag dating sa Ganitong talakayan.
"At dito na nag tatapos Ang ating klase, mag kita Tayo bukas, Paalam na 10 -Rizal"
"Paalam narin po, Bb. Alvarado" sabay sabay naming sagot.
Pag labas ng aming guro ay kanya kanya Sila daldalan.
"Reina ang pangalan mo diba?" Nagulat Ako ng may mag salita sa tabi ko
Pag lingon ko dito ay nakita ko Ang Isang napaka gandang babae, nasasakanya na kasi siguro Ang lahat ng kagandahan. Dahil simula ulo hanggang paa ay napaka gandang at ayus ng hitsura nito, Bagay Sila ni Estrada, wait bakit na damay si Estrada?
"Oo,Rein for short" sagot ko dito.
"Hi, I'm Daphnie Joy Zersoda" sagot niya at inabot Ang kamay sa akin. Inabot ko rin naman ito.
"Transfer kasi ako dito,pwedi bang maki pag friend Sayo?" tanong ni Daphnie
"O!,sure no problem" sagot ko at ngumiti sa kanya.
"Yehey!,buti nalang may new friend nako,alam mo bang kanina pa Ako mukang ewan dahil wala akong makausap,tapos nakita kita wala karing kausap kaya nag lakas loob na akong kausapin ka, and thankful naman ako kasi hindi ka maldita, muka ka kasing maldita kapag tinitignan" sabi nito,ang daldal nya kaagan pano ba ito?
Hindi ko alam ang isasagot dito. Pero buti nalang ay dumating na ang next subject teacher namin sa Math.
'Break time'............
"Rein,tara punta tayo sa canteen libre kita dahil kinaibigan mo na ko" sabi nito.
'kaibigan?, ito na ba yung gusto kung maging kaibigan?'
"Ano kaba wag na,may baon akong kanin at ulam,di kasi ako mahilig bumili sa canteen" sagot ko.
"Edi libre nalang kita ng drink?,anong gusto mo?, Royal, Coke?,RC?,Sprite?" Sabi niya
"Water" sagot ko.
"Oky sge, hintayin moko dito oky" sabi nito.
Tumango Ako at umalis na rin ito.
patapos na akong kumain pero wala parin siya. ewan ko ba pero baka mahaba lang Ang pila sa canteen.
nag liligpit na Ako ng pinag kainan ng bilga itong dumating.
nilapag niya ang tubig at isang soft drink sa harapan ko.
"Sayo yang dalawa na iyan" sabi nito.
Ngumiti naman Ako sakanya at nag pasalamat
"Bakit pala ang tagal mo?" Sabi ko,hindi ko rin alam pero bigla nalang bumuka ang bibig ko at sinabi ang mga salitang iyon.
"Ano kasi naka salubong ko si Estrada kanina, nag tatanong kong ano daw sss account ko o kung may IG daw ba Ako"
"Anong sabi mo?" Tanong ko kunwari ay hindi ko nararamdaman ang kung ano mang meron sa kalooban ko.
"Sabi ko ay,'IG account lang ang meron ako' tapos ang sabi niya 'Anong username mo sa IG?' " ginaya pa nito ang boses ng lalaki "tapos sumagot naman ako ng 'sige saglit isulat ko' tapos ayun binigay ko na sakanya yung papel. Diko alam kung ano yung ma fe-feel ko pero parang bagay kami,Diba? What do you think?" Sabi nito
Oo bagay talaga kayo.
KINABUKASAN:____________
"Reina,bumangon kana diyan dahil anong oras na!, ito talagang batang ito!" Si Mama galit nanaman.
Ewan ko ba dito kung bakit ito galit ba galit sakin,simula ng iluwal na Ako nito ay galit na sa akin.iyon kasi Ang kwento ng tiya ko sakin. Dahil noon pinag bubuntis daw Ako ng nanay ko ay gusto raw nito akong ipalaglag dahil Ako daw Ang dahilan kung bakit hindi ito natuloy sa ibang bansan Kasama Ang mga kaibigan nito, gusto raw kasi ng nanay ko na maka punta ng America at doon mag hanap ng trabaho pati ng mapapang Asawa. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawala lahat ng pangarap na iyon dahil sakin at dahil sa tatay ko.
Nong nag paplano na kasi itong umalis ay nadisgrasya Ang aking ina,hinalay siya ng tatay kong walang kwenta.akala ni mama na hindi mag bubunga ito dahil isang bases lang naman ng yari at hindi na naulit. Lumipas ang mga Araw ay paalis na ng bansa Ang nanay ko ngunit Hindi ito natuloy dahil delikado raw kung pupunta ito ng ibang bansan ng may dinadala. Dahil hindi pa naman alam ng aking ina kapalaran niya Doon. Pero ng tanong ko Ang tiya ko kung anong klase ba Ang trabaho ng mga kaibigan nito,sinagot lang Ako ng tiya ko na bar daw yung pinapasukan ng mga ito. Hindi na Ako nag tanong sa ibang detalyi. Mabalik tayo doon sa pinag bubuntis ako ng mama ko.
Nung nalaman niyang buntis siya labis daw na umiyak Ang mama ko,ilang beses na raw nitong sinubukan na uminom ng pampalaglag ngunit hindi na tutuloy dahil na pipigilan nila. Simula non lagi na raw mainit Ang ulo ni mama,ayaw daw talaga sakin ng mama ko.
Naalala ko nga noong bata pa ako lagi niya akong pinapagalitan,sinisigawan,sinasaktan,at pinapamuka nito sa akin na hindi Ako mahalaga sa kanya.
Akala ko noon ay ayus lang Ang ganoon pero mali pala Ako dahil kahit anong pag mamahal Ang ibuhos ko,kahit anong galing ko sa iskwela,kahit napaka buti kong anak ay hindi parin Ako mahalaga.
Para sakanya isa akong kaslanan,para sakanya isa akong pag kakamali.
Kasalanan ko bang maging anak niya? Biktima lang din naman Ako Diba? Pero para sakanya siya lang Ang biktima.paano naman Ako? Simula ng mailuwal Ako sa mundong mapang husga hindi ko nararamdaman na may nanay Ako. Sobrang sakin ng pinaparamdam niya pero kahit ganon mahal ko parin siya. Wala akong dapat isumbat dahil Wala pa akong na ipag mamalaki,bukod doon ay nag papasalamat Ako kasi binuhay niya Ako kahit na ayaw niya.
"Ito na po ma', babangon na po" sagot ko.
"Abat dabat lang,dahil tanghali na ano Wala Kang balak pumasok?, Sayang naman yung pinapa-aral ko sayo,kanda pagod Ako sa pag kayod tapos mag pi-feeling prinsisa ka lang diyan?" Dakdak ng nanay ko.
Isa pa pala sa pinag papasalamat ko ay Ang pag papa-aral nito sakin. Kaya nga ginagalingan ko sa pag-aaral dahil ayukong ma- disappointed sakin Ang mama ko.sayang Naman kasi talaga diba kung tatamarin akong mag-aral
"Sorry na ma,na pagod lang po kasi Ako sa school kahapon Ang dami naming ginawa" sagot ko dito.
"Nako,tigilan mo nga Ako sa pag iinarte mo diyan,Ako rin naman na papagod sa trabaho pero nag reklamo bako"heto nanaman kami " bilisan mo diyang mag ligpit ng higaan at kumain kana doon"
"Sge po" sagot ko, hindi na ito sumagot at umalis ng bahay,siguro ay papasok na ito dahil nakabihis ng pamasko.
Pag tapos kong mag asikaso ay ba baba na sana Ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.
@d4phn13:
Hi girl, it's me your one and only friend sa school Daphnie Joy Zersoda đ„°đ«¶đ«¶
Ang cringe naman ng emo nito,pero nakaka gulat dahil pano niya nalaman ang IG account ko? Kani nito nakuha?
@R3ineyto13
Hello,how did you know my IG account?
Reply ko sakanya habang pababa upang mag tungo sa kusina.
Inistalk ko muna ito dahil di pa naman nag rereply
@d4phn13
Followers Following Post
1.5M 12 1,000
đ”đđ°đ·
Being pretty is not bad
Famous pala siya,tapos kaya pala ang ganda dahil half Korean, ang gaganda ng mga post niya tapos meron akong nakita nasa beach siya tapos naka suot ng yellow swimsuit na bagay lang sa kanya.naka lubog Ang mga paa nito sa tubig habang nakatalikod,at saktong palubog na rin Ang araw.
Ang Ganda niya talaga sobrang nakaka ingit at nakaka-insecure na parang ayuko na siyang lapitan kasi dahil baka unting dikit ay magasgasan o kaya naman ay masira.
Tumunog ulit ang phone ko at nag notif ang pangalan niya.
@d4phn13:
Tagasaan ka? Sabay na kita pag pasok
Me: nako wag na,mag je-jeep nalang ako kere ko na mag jeep
@d4phn13:
Bilis na, we're friend naman na diba?
Me: oky sge, sa towerville village ako naka tira, hintayin mo nalang ako sa kanto ng towerville, mag-tricycle ako.
@d4phn13: oky sge. Sabihin ko Kay manong driver.
At ng pag ka reply niya non ay nag asikaso na ako,hindi ko ka ito pinapunta sa pinaka loob ng village dahil panigurado kahit village ito ay meron paring mga chismosa.
Pag tapos kong mag asikaso ay sumakay na ako ng tricycle dahil ang sabi ni Daphnie ay naron na daw sila.
@d4phn13: we're here na, were na u?
Me: palabas na ng kanto
Pag ka baba ko ay nakita ko agad ang sinasakyan niya,sinabi niya kasi na kulay grey ang sasakyan,sinabi rin nito pati plate number ng sasakyan para daw sure.
Kumatok ako sa bintana ng sasakyan para ipaalam na andito na ako.
Pinag buksan niya Ako ng bintana.
"Tara na,we only have 30 minutes para maka pasok sa school" oo nga ma lalate na kami
"Oo sge, tara na" pina bukas nito ang lock ng sasakyan para maka pasok ako.
Nag 'hi' ako kay manong driver at nginitian lamang ako nito.
Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa school.
Pag pasok sa room ay wala pa ang teacher buti naman,dahil mayayari kami kapag nag kataon.
Pag ka-upo ko sa upuan ay tumabi sakin si Daphnie
"I have a chika for you, since you are my only friend Ikaw lang mapag sasabihan ko" sabi nito.
"So what is it?" Tugon ko.
"Nag message Siya!" Impit nitong tili na parang Ewan
"Sino?"
"Si Estrada" sabi nito at tumingin sa upuan ni Estrada
"And?".
"Huy te,bakit parang Ang cold mo sumagot,robot kaba?, Isang tanong isang sagot rin?"
Natawa nalang Ako sa kanya,Ewan ko rin e kung bakit ganito Ako.
"So ano nga?" Sabi ko para hindi na ito mag saliksik pa.
"He said if pwedi daw ba akong ligawan!" Sabi nito na parang kinikilig na Ewan, na Akala mo ay na tatae.
"And?, Anong sinabi mo?"
"Sabi ko,maybe" huh?
Maybe? 'no yun? Haharot pero di sigurado? Loko amputik.
"O,anong sagot niya?"
Di na Ako na sagot ng Gaga dahil biglang dumating ang first subject teacher namin,hindi kami Filipino subject ngayon dahil may kaniya kaniya itong schedule,tuwing Tuesday ay Wala kaming Filipino kaya ang first subject ay naming ngayon ay AP,isa din sa paburito kong subject
"Good afternoon Bb.Roxas" sabay-sabay naming bati dito.
Bago ito mag simula ay tinanong nito kung ano ang mga nalalaman namin tungkol sa isyung kinakaharap ng bansan.
Syempre dahil paburito ko ito ay sinagot ko na.sayang naman kasi Diba kung hindi ko sasagutin.
"Ang isyung kinakaharap po ng ating bansan ay tungkol sa kahirapan ng mga tao sa pag hahanap ng trabaho dito sa ating bansan" sabi ko
"Tama,isa iyon sa hindi pa nalulutas na problema ng mga Filipino, anong apilyido mo hija?" Tanong nito.
"del Valera po" sagot ko
"Bukod kay miss del Valera,sino pa ang makakapag bigay ng mga isyung kaganapan sa ating lipunan o sa ating bansan?, anyone?"
Nagulat Ako ng mag taas ng kamay si Estrada
"Yes hijo?, Anong surname mo?"
"Estrada po"
"Okay, Estrada, Anong isyu naman Ang nalalaman mo?"
"Patungkol po sa pag bu-bully ng mga chino sa ating mga kapwa Pilipino"
"Ano namang meron,bakit binu-bully tayo ng mga Chino?"
"Dahil Gusto po nilang angkinin ang dagat na ating pinag kukunan ng yamang tubig"
"Magaling,hindi man naipaliwanag pero tama ka,tayo ngayon ay nasa ilalim ng pang bu-bully ng mga Chino"
Nag patuloy lamang si Bb.Roxas sa pag sasalita at pag tuturo.
Lumipas ang mga oras at nagdaan ang iba pang subject at sa ngayon mag uuwian na.
Cleaners Ako ngayon dahil nasa second row Ako.
Cleaners din pala si Estrada dahil mag ka row kami nito.
" Rein,una na ako ah,bawal na kasi akong gabihin magagalit si Daddy" sabi ni Daphnie
Tumango lamang Ako dito.
"Rein" tawag sakin ng kung sino,pag lingo ko ay nakita ko si Estrada na papalapit sa akin.
"Reina Diba?" Wait iba Ang dating sakin ng pag kakasabi niya sa pangalan ko!
Wait ano tong nararamdaman ko? Para akong Ewan na hindi alam ang gagawin,bakit ako kinakabahan?
"A-ahm,yes" nauutal pa takting yan.
"O,hi I'm Gian Marco Estrada,Marco for sure"
Wait lang,bakit Siya nag papakilala?
"Hi, I'm Reina de-"napahinto Ako ng mag salita ito
"del Valera" pag papatuloy nito sa pangalan ko "yeah I know you're name, what I mean is your full name "
Bakit niya alam? Ah baka narinig niya lang nong nag attendance kami.
"Bakit?, Anong kailangan mo?" Sabi ko
"Ahm,pwedi mo ba akong ilakad kay Daphnie, since friend naman kayo?" So kinausap niya lang dahil may kailangan Siya? Ganon ba Yun?
"Ahm,ano kasi di pa naman kami masyadong close ni Daphnie so hindi ko alam kong mailalakad kita sakanya,pero ang alam ko type karin non" pag kasabi ko non ay bigla nalamang akong may naramdaman na parang sobrang sakit na bumabanat sa dibdib ko. Bakit ko nararamdaman ito?
"Talaga?, Tulunga mo naman Ako libre kita ng pag kain sa break time ng 1 week basta ba ilakad moko" aguy ginawa pa Akong suhulan. Pero sige may pag kain e.
"Sge,bukas ilalakad kita sa kaniya" pag tapos non ay nag linis na kami at hindi na muli pang nag usap pero nakikita ko sa kaniyang mga mata ang saya.naka ngiti Siya habang Ako ito nalulungkot .
Bakit ganito? Nag mamahal naba Ako? Ang gulo naman,baka hindi ito totoo,o baka naman ay isa lamang itong imahinasyon na may gusto Ako sa kanya. Oo nga pala matagal ko ng kilala si Marco. Pero sa unang pag kakataon ngayon nya lang Ako na pansin. At sa maling pag kakataon pa.....