Chapter 2

2683 Words
The plan of looking for a man started. Tuwang-tuwa si Bene nang marinig sa akin na interesado ako at nais ko ngang gawin. Sa aming pamilya ay siya at ako lamang ang nakakaalam ng aking plano. "Ito po, Ma'am. Nariyan na po ang lahat ng detalye tungkol sa kanila." Kinuha ko ang inilapag ni Albert sa gilid ng aking lamesa. Binuksan ko. Isa-isa kong tiningnan ang mga pangalan at impormasyon pati na ang larawan ng bawat lalake. Ang gusto kong edad ay nasa 33-35 lamang. Nakalagay naman dito iyon pati na kung taga saan, mga tinapos at ano ang kasalukuyang trabaho. Nasa pangsampu na ata ako na page ay wala pa akong natitipuhan sa mga nakikita ko. I was really into this plan since that day I talked to my cousin Bene. Hindi ko naisip na oo nga at maaari akong magkaroon ng anak. Ang kailangan ko lang na gawin ay makakita ng lalakeng willing magpabayad. Money can buy almost everything in this world. Almost. At marami akong pera, ano nga ba ang saysay kung hindi ko gagamitin? para naman ito sa kinabukasan ko, para sa anak ko na soon ay makakasama ko. And in my case, hindi naman illegal itong gagawin ko. Muli akong tumingin sa mga papel. Ilang page na ay wala pa akong nagugustuhan talaga. Naalala ko ang sinabi ni Bene na kung pipili ako at magbabayad ng malaking halaga ay iyong gwapo daw ang piliin ko. "Gagastos ka na sulitin mo na, Ceri! saka, jusko naman dzai! kung kaya mo naman pakana ka na rin nang makalasap ka ng sarap! baka mamatay kang may sapot ang kweba mo! hindi ka manlang nakalasap ng ligaya!" Napahawak ako sa aking sintido nang mag-echo ang boses ni Benedet sa isipan ko. Kahit kailan talaga ang mga salita niya ay kakaiba. Siya lang sa aming magpipinsan ang nakakaalam ng mga 'unique words' na iyon pero nasasabayan naman ng halos lahat, nahawa na nga niya nga ang iba. Hindi ko namalayan na sa pagtingin at pagbabasa sa mga impormasyon ay nasa dulo na pala ako. Tumingin ako sa aking secretary. "Ito na ba ang lahat, Albert?" Ibinaba ko ang folder. Humalukipkip ako at sumandal sa aking swivel chair. I adjusted my eyeglasses and looked at him. Kabado ito na tumango at lumapit upang kuhanin ang folder na kabababa ko lamang. "Yes, Ma'am, iyan na po ang lahat." Nasa trenta ang mga kalalakihan pero kahit isa ay walang nakakuha ng atensyon ko. Nag-suggest si Bene sa akin na puwede naman sa ibang bansa at foreigner, pero ayoko. Malayo pa kung out of the country at siguradong kailangan kong manatili doon ng matagal. Ayokong iwan ang kumpanya ko at mga negosyo dito sa Pilipinas. Tumayo ako at humarap kay Albert. Nakita ko ang paglunok niya at unti-unti siyang yumuko habang kipkip ang folder. "Go home now, ako na ang maghahanap, wala akong natipuhan sa mga iyan." Pagkasabi ko non ay nilisan ko ang aking opisina. It's past 6:00 pm. Alam kong isang malaking kagagahan para sa iba na ituloy ang napag-usapan namin ni Bene pero desperado na rin ako. Next year ay mawawala na ako ng tuluyan sa kalendaryo at ang goal ko bago mangyari iyon ay dapat magkaroon na ako ng anak. Kahit walang ama. That's why I need to look for a man who is willing to sell his sperm. Iyon lang ang kailangan ko dahil nais ko na ako pa rin ang magdala sa bata. I wanted to feel the pain of carrying a child. I wanted to smile in pain when the time comes that my baby comes out. Ang dami kong gusto. Pero semilya na lang ang kulang. Sumakay ako sa aking sasakyan. Bene suggested a bar that I can visit. It was an exclusive bar for rich women. Para sa mga babaeng naghahanap ng 'ligaya'. May ganoon pala? I rolled my eyes and sighed deeply. Nakakahiya itong pinaggagagawa ko pero kailangan kong lunukin. Nang tumunog ang aking cellphone ay kinuha ko iyon. Huminto muna ako sa gilid ng daan upang sagutin. "Bene--" "Uy, nasaan ka?" I don't do phone calls while driving. It's dangerous. Nakita ko na si Bene ang tumatawag. Napailing ako at napangiti. She's very supportive with this plan. Siya kasi ang nakaisip at proud siya. Nang malaman nga niya na go ako ay tutulungan daw niya akong maghanap. "Nasa gilid ng daan, sinagot ko itong tawag mo kaya huminto ako. May kailangan ka ba?" But, I told her that there's no need to help me. Nag-insist siya. Sinabi ko rin na hindi ito maaaring makalabas sa pagitan namin. I will keep this as secret to my family. Wala mang adawa at least, I could show them a baby one day. "I just want to ask kung nagpunta ka na sa Alzo? yun yung name ng bar, huh?! don't worry pang mayayaman iyan at puro babae ang customers! look for your baby boy there! puro good looking men ang nariyan tapos ipa-check mo na lang kung safe!" "Your identity will be keep in secret also! wala kang dapat intindihin diyan!" Nagsalubong ang mga kilay ko. Bakit ang daming alam ni Bene sa bar na iyon? "Umamin ka nga sa akin. Pumunta ka ba dati sa bar na ito? ang dami mong alam saka how did you know that men there are good looking?" Sandaling katahimikan ang namayani sa kabilang linya at napatingin pa ako sa cellphone ko dahil akala ko ay wala na si Bene. Bullseye. She went in Alzo. Napahinga ako ng malalim at muli siyang tinawag. "Bene, be honest with me. Nakapunta ka na ba sa Alzo?" tinanong ko pa rin kahit alam ko na ang isasagot niya. Nais ko lang marinig sa kaniya mismo. Pamilyar na pamilyar siya sa lugar, eh. Imposibleng nai-suggest lang rin ito sa kaniya. "A-Ahh! haha! I'm still here!" Itinaas ko sandali ang aking salamin at kinusot ang aking mga mata nang makaramdam ako ng pangangati. "Huwag mong ikukwento sa iba, huh?! diyan ko nakilala si Alford! gosh! nakabanggaan ko siya noon, iyong pinsan niya ang may-ari niyang Alzo kasi. Pero wala akong lalakeng tinake out diyan or kahit tinable! nanood lang ako ng mga moving jolologs!" Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. Ano na namang salita iyon? "Moving ano?" "Moving jolologs! mygash, Ceri, it's the dck! p***s! pagkalalake! pag kasi sumasayaw ang mga macho dancer ay umaalogs ang kanilang jolologs!" Napailing ako sa kaniyang sinabi. Tigang ba dati si Bene kaya nagpunta sa ganoong bar? at saka ang dami nitong nalalaman! moving jolologs? she could just say dck! for goodness' sake! "You are safe naman there! that's really exclusive for rich women. Dapat nga lang talaga ay may pera ang mga pupunta sa Alzo kasi iyon ang gagamitin mo para makatikim ng papa. So, good luck, couz! galingan mo para magkaroon na ako ng pamangkin sa 'yo. Saka, nakukulili na ako kina Tita Carol. Every celebration they're asking me.""Oh, how's Cerelia? sana magka-anak na siya! kailan kaya siya magkakaanak?" Muntik na akong matawa ng malakas nang ginaya pa niya ang boses ni Tita Carol. "Mygash! eh, boyfriend nga wala ka, saka asawa muna! tapos ang tanong kailan ka magkaka-anak! pati buhay ko hindi natatahimik dahil kina Tita!" I started the engine. Basta ang mahalaga sa akin ay anak, hindi asawa. Iyon rin naman ang bukambibig nila sa akin. Kailangan ko magkaanak kahit isa. "Thank you for helping me, Bene, hayaan mo at sa birthday ni Bella ay ako na ang may sagot ng venue." "Really?! walang bawian iyan, ah? oh, siya! pumunta ka na. Just take care, okay? tawagan mo ako at mag-update ka sa akin." "Okay, thank you and good night." After I ended the call I went to thar bar--sa Alzo. Hindi ganoon kadali puntahan dahil kahit gumamit na ako ng waze ay nagkandaligaw-ligaw pa ako. Maraming pasikot-sikot ang aking dinaanan at nang sa wakas ay nakarating na ako ay akala ko hindi pa ako papapasukin. The guards are strict. Hindi pala basta-basta nakakapasok sa lugar na ito! hindi sinabi sa akin ni Bene na kailangan pa pala ng reservation or invitation ng isang member sa Alzo para lamang makapasok! mabuti na lamang at accepted ang mga nais maging miyembro. Nagbayad ako ng isang daang libo para sa isang buwan na membership fee. Sa susunod na buwan ay singkwenta mil na lang daw pero sa tingin ko naman ay hindi na ako aabot ng ikalawang buwan pa dahil para sa akin ay sapat na ang isang linggo na paghahanap ng lalake. "You may enter now, Ma'am." Nang makapasok ako ay may nag-escort sa akin. Iniikot ko ang aking paningin sa lugar. The place was... quiet. Hindi ganito ang inaasahan kong 'bar'. "Excuse me." Tinawag ko ang lalake. Huminto ito sa paglalakad at ngumiti naman sa akin. "Yes, ma'am?" "I..." Nagdadalawang isip pa ako na tanungin ang tungkol sa mga macho dancers nila. Ang tahimik kasi ng paligid, wala ring tugtog akong naririnig at wala pang customers! "Are we here now? bakit walang tao? napaaga ba ako?" May mga upuan naman kasi, mayroon ring entablado. Walang mga tao pero nakabukas ang mga ilaw. "Bababa pa po tayo, ma'am." Nang marinig ko ang sinabi ng lalake ay nakaramdam ako ng hiya. Hindi pa pala dito? "Oh, I am sorry, new member kasi ako at wala pang masyadong alam," sabi ko. Umiling ito at ngumiti, "It's okay po, Ma'am, sumunod na lang po kayo sa akin." Hindi na ako nagsalita pa o kahit nagtanong. I just keep in my mind that this bar is safe and Bene will not let me in danger. Isa pa ay napunta na rin siya dito. May experience na siya sa lugar na ito kaya wala akong dapat na ikabahala. The man went inside of an elevator. Sumunod ako na pumasok. Tahimik lang ako pero nakakaramdam na ako ng matinding kaba. Ano ba ang pinasok mo, Ceri? sigurado ka na ba dito? "We are here, ma'am." At ang maingay na musika na hinahanap ko kanina ay rinig na rinig ko na. "Oh... my... gosh," I whispered when I saw a woman grinding her butt to a guy who was only wearing a cycling shorts. "There's no need to be shy here. Your informations are safe, ma'am. Maaari po ninyong gawin ang lahat ng gusto ninyong gawin dito--" "A-Ang lahat ba ng babae na narito ay single?" I asked. Napakapit ako sa aking black pencil cut skirt. Inayos ko rin ang aking coat. I was curious! almost everyone was getting wild! at ang suot ko ay hindi para dito! damn, dapat pala ay nagpalit muna ako sa bahay! "Yes. We do not accept married women or even women who are in a relationship. It's against the rules of Alzo, Ma'am. Lahat po ng narito ay mga single ladies who are looking for fun." Fun. And I am here with different intention. I came here to look for a man who is willing to sell his sperm. Damn it. Bakit ba hindi na lang ako pumayag na makipag-date sa mga inirereto nila Tita Carol? "May tanong pa po ba kayo, ma'am?" Parang nais kong tumalikod at umalis dahil sumasakit ang ulo ko sa maingay na musika. Nahilot ko ang sintido at umiling ako sa lalake. "Okay, ma'am. The show will start now, enjoy po!" After the man who guided me here left, nakarinig naman ako ng boses na nanggagaling sa stage kaya napatingin ako doon. "Ladies! the night has started! handa na ba kayo na makita ang most requested sexy dancer natin na si Max Aranda?" Most requested? Naitakip ko sandali ang isang kamay ko sa aking tainga nang magtilian ang mga nasa loob. I looked at the stage. May pole sa gitna non. This is my first time going in a bar. Unang beses ko rin na makakapanood ng isang macho dancer. "Okay, the stage is yours, Max Aranda!" Magulo, maingay, this is not the place for me pero kailangan kong tiisin para sa aking plano. Mas lumakas ang hiyawan at tilian ng mga kapwa ko babae. Napalakad ako upang mas masilayan ang lalakeng nagngangalang Max Aranda. Seconds later, I saw a man wearing a tiger printed tight boxer and a bow tie on his neck. May kulay itim na maskarang suot at may rosas na pula ito na kagat-kagat. Matangos ang ilong, maganda ang ngiti. Pantay ang mga ngipin na mapuputi. May hikaw siya sa kaliwang tainga at kulay brown ang kaniyang may kahabaan na buhok. Naningkit ang mga mata ko at napahakbang ng kaunti. I wanted to see the color of his eyes but he's too far from me. "Max!" Mas malakas ang hiyaw ng mga nasa loob kaysa sa tugtog ng musika. Kaya ata undergound ang bar na ito ay dahil sa boses ng mga clients nila. Pero ang masasabi ko lang... May saysay ang malakas na paghiyaw ng mga narito sa loob dahil kahit natatakpan ng maskara ang kaniyang mga mata at hindi kita ang buong mukha niya ay masasabi kong may itsura siya. Max Aranda, huh? "Magandang gabi sa inyong lahat!" the man's voice was deep and husky. Lalakeng-lalake. Malakas na tilian ang nagpayanig sa buong lugar. Ngunit hindi na ako naba-bother ng ingay dahil ang aking atensyon ay nakatuon kay Max Aranda. Mula ulo at hanggang paa ay napasadahan ko ito ng tingin. He has a sexy body. May tribal tattoo sa kaliwang braso. Maganda ang pangangatawan nito. Malapad ang dibdib, mayroong abs, at... Napahinto ako at napapikit nang mapadako ang aking mga mata sa gitnang bahagi ng katawan nito. That was... huge. Definitely. "Max! marry me!" "Kyaah, Max! isang gabi lang! magpa-table ka na!" When I opened my eyes and looked at the stage I caught that Max Aranda looking at me. Nagsalubong ang mga kilay ko. At me? Napalingon ako sa aking likod, pati sa magkabilang gilid ay napatingin ako para makasigurado kung sa akin nga ba nakatingin. Pero ako lang ang nag-iisang nakatayo sa puwestong ito at nanonood sa kaniya. So, he's looking at me? I adjusted may eyeglasses and crossed my arms. Inilayo na sa akin ni Max Aranda ang tingin. He, then, started to sway his body habang nakahawak ang isang kamay sa pole. Nang ihagis nito ang rosas na kagat ay nag-agawan pa ang mga babae doon. Nanatili ang malamig kong tingin sa lalakeng sumasayaw sa ibabaw ng entablado. Malambot ang pangangatawan niya at mukhang bihasa sa trabahong pinasok. Ilang sandali pa ay may mga naghagis ng pera, may isang lalake na nakamaskara rin at pinulot ang mga iyon at inilagay sa hawak na kahon. "Salamat! maraming salamat sa inyo!" I can't take off my eyes to the man. Hindi dahil attracted ako kung hindi dahil sa likod ng kaniyang maskara ay nais kong makita ang buong itsura niya. "Max! two songs pa! please! magbabayad kami!" May kinuha ang lalake sa gilid na isang bouquet ng red roses at isa-isang ibinato iyon sa buong silid. "I'm sorry, girls, may next raket na ako, next week na lang ulit!" Next week? so hindi siya gabi-gabi dito? Ang lahat ay yumuko at kinuha ang mga bulaklak pero ako ay nanatiling nakatingin sa lalake. Nang muling mapagawi ang tingin niya sa akin ay siyang biglang pagkalaglag ng maskara na suot niya. Hindi niya ata napansin na nahulog dahil ang tingin ay nasa akin pa rin. "Max Aranda," I said. Tumaas ang sulok ng aking labi nang makita ko ang buong mukha niya. Not bad. His looks passed. Hindi lang katawan ang maganda. Napataas ang kilay ko nang magtagal ang tingin niya sa akin. Ako naman ay napatingin sa baba, sa kaniyang nahulog na maskara at mukhang saka lang niya napagtanto na wala na ang nagtatakip sa mukha niya kanina. Mabilis niyang pinulot ang maskara at isinuot muli pagkatapos ay walang pagpapaalam na tumalikod at bumaba ng stage habang ang mga kababaihan ay abala pa rin sa pamumulot ng mga isinabog niyang bulaklak. "Max," I whispered. Nagsimula akong maglakad papunta sa direksyon kung saan pumasok ang lalakeng iyon. I want him. Siya ang gusto ko para sa plano. "This is it, Ceri, go and get that man."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD