Chapter 3

1736 Words
"Ay, bawal po pumasok! hindi po kayo puwede dito!" Humawak ako sa aking buhok na naka-bun at inayos ko iyon. Hindi ako nagpatigil sa lalakeng nakasunod sa akin. Hindi rin naman niya ako hinahawakan. Dire-diretso ang aking paglalakad sa loob at hinanap ng mga mata ko si Max Aranda. Nakapagdesisyon na ako. Siya ang gusto kong maging sperm donor. Hindi naman siya masyadong kilala. Narito siya sa lugar na ito, may takip ang mukha at tiyak na walang alam kung sino talaga siya. His identity is safe and so am I if he accepted my offer. "Sino po ba kayo, Ma'am? naku, bawal na bawal po dito." Nang maramdaman ko ang hawak ng lalake sa aking braso ay matalim ko itong nilingon. Naitaas naman nito bigla ang mga kamay at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nang buksan ko ang isang pinto ay umikot ang aking paningin sa loob. "Bawal nga po..." Napangiti ako nang makita ang hinahanap ko. Nag-aayos ito sa gilid at mukhang hindi pa napapansin ang aming presensiya. Nakasuot na ito ng rugged jeans at itim na t-shirt. Kahit iyon lang ang suot ng lalake ay talaga naman na mapapatingin dito ang kahit na sinong babae. Kaya labas kanina ay sobra at ang lakas ng hiyawan. "Madami-dami ka atang nakuha ngayon, Max!" I saw a man holding a box. Siya iyong namulot kanina ng mga pera na inihagis sa ibabaw ng entablado. Nakita ko na ibinigay niya ang kahon kay Max Aranda at ang huli ay ngiting-ngiti na kinuha iyon. Humalukipkip ako at itinagilid ng kaunti ang aking ulo. Matangkad, malaki ang katawan, fair skin, medyo mahaba ang brown na buhok na sa tingin ko ay kinulayan lang dahil lumalabas na ang totoong kulay ng buhok nito. Itim. Kita na sa anit. Maganda ang kilay, mapupula ang mga labi, matangos ang ilong, malaki ang–let’s not mention that. Talaga naman kahit na may maskara ay gwapo ito pero mas gwapo kapag wala at tiyak na mas mababaliw sa kaniya ang mga babae na makakakita sa kaniya. Except me. Iba ang ipinunta ko dito. Hindi dahil sa moving or dancing jolologs na sinasabi ni Bene. Nang dumako ang paningin sa amin ng lalakeng nag-abot ng box ay naglakad akong muli at lumapit sa kanila. Nasa likod ko pa rin ang lalake na kanina pa ako pinipigilan. Salubong ang mga kilay ng isa sa akin at si Max Aranda ay sa pera lamang nakatingin. Right, that expression. Sa tingin ay mukhang pakitaan ko lang siya ng pera ay makukuha ko na ang gusto ko. Sperm lang naman. Siguro ay hindi naman iyon sobrang hirap para sa kaniya na ibenta lalo na at dito sa bar ang trabaho niya. Isang macho dancer. A call boy. Ano pa ba ang tawag? hmmm... "Benok, wala ako hanggang huwebes, ha? may isang linggong raket ako at--" Napatigil ito sa pagsasalita nang bumaling sa gawi namin. Naglakad ako at naupo sa katapat na sofa na inuupuan niya. "A-Ay, miss! bawal ka dito!" sabi ng lalakeng tinawag nitong benok pero hindi ko iyon binigyan ng pansin. Humalukipkip ako at pinasadahan ng tingin ang buong silid. Malamig dahil may aircon. Maganda. Mukhang alagang-alaga sila ng Alzo. Sabagay ang mahal ng membership fee dito tapos ang mga tinatanggap lang ay puro mayayaman. Magkano kaya ang sinasahod ng lalakeng ito sa harapan ko? Pero kahit malaki pa, kaya ko iyong tapatan ng triple. "Paano nakapasok ito dito, Tarzan?" tanong ni Max Aranda sa lalakeng kanina pa ako sinusundan. Inilayo niya ang mga mata at itinaob sa lamesa ang laman ng box. Napataas ang isang kilay ko. Pera. Sabi ni Bene gamitin ko lang ang pera ko at makukuha ko na ang gusto ko. I get my bag. "I want to talk to you." "Hindi ako basta-basta nagpapa-table, Madam." Napatingin ako ng mariin sa lalakeng kaharap ko. His looks caught my attention. I was just watching him earlier. Sumasayaw sa malamyos na musika habang nasa entablado. "I will pay you. Magkano at ilang oras ba ang serbisyo mo?" Umangat ang tingin niya sa akin habang nagbibilang ng pera sa lamesa. May buong isang libo, limang daan, at dalawang daan. Mukhang ito na ang lahat ng kinita niya kanina sa pagsasayaw. Sumipol siya at ngumiti bago sumagot. "Aba, ikaw... depende sa iyo kung ilang oras ang itatagal mo sa kama. Puwede ako hanggang ten rounds. Pinakamatagal ko na pero malaki-laki ang bayad," sabi niya at kumindat pa sa akin. Napanganga ako. W-What?! t-ten rounds?! but wait, hindi iyon ang ibig kong sabihin! what I mean is nais ko siyang makausap! pero dahil nga sa linya ng trabaho niya ay iyon talaga ang maiisip niya! Okay, kalma lang. Ask him again, you can do this, Ceri. Para sa nais mong anak. Go! “May offer ako at babayaran kita kahit magkano pa ang gusto mo. Name your price.” Nagkatinginan ang tatlo sa sinabi ko. Kumuha ako ng ten thousand at inilapag iyon sa harapan ng lamesa. "Ohh! bet na bet ka ata ni Madam, Max!" sabi nung Tarzan. Napalingon ako dito at nakita ko na pinagkikiskis nito ang mga palad. Kumuha ako ng tig lilimang libo at iniabot sa kanila. Hindi maaaring marinig ng mga ito ang sasabihin ko. "Leave. Iwan ninyo kaming dalawa. I want to talk to this man alone," sabi ko. Akala ko ay mag mamatigas ang dalawang lalake pero bigla na lang rin hinablot ang tig lilimang libo na hawak ko at mabilis na tinungo ang pinto. "Max! dahan-dahan lang, ha?! hindi soundproof dito! maiinggit kami! uhmm!" What the hell? anong akala ba nila na gagawin namin dito?! Nakita ko na napakamot si Max Aranda sa leeg nito. Hindi nito pinatulan ang sinabi ng kasamahan at itinuon ang mga mata sa pagbibilang ng mga pera sa lamesa. "You are famous here. Pero mas gusto mo ba ng mas malaking pera? I can give you more than what you are counting right now. Kaya kong triplehin." Nang ngumiti ay nakita ko ang maliliit na biloy sa magkabilang pisngi niya. I swallowed hard. I find it... cute. No, Ceri! stop! anong cute?!" Pero hindi ko iyon napansin kanina, huh? may mga biloy pala siya. "Sino ba ang ayaw sa pera? syempre gusto ko ng maraming pera. Kaya nga ako nandito sa Alzo, eh," sagot niya sa akin. Hindi pa rin ako tinitingnan. Ito pa naman ang ayaw ko. Pakiramdam ko ay nababastusan ako kapag hindi nakatingin sa akin ang kausap ko. But, this man si different, ano pa ba ang aasahan ko? pera ang nakakakuha ng atensyon niya ngayon. "That's ten thousand. Para kanina sa panonood ko." Tumaas ang mga kilay niya at pagkatapos ay nakita kong nakagat niya ang pang-ibabang labi. Ang pagkapula non ay mas nabigyan ng hustisya nang mabasa. Parang biglang bumagal ang paligid dahil sa ginawa niya na iyon. "Ang laki mo naman pala magbigay, Madam," sabi niya sa akin at kumindat. Mabilis lang siyang tumingin pero ibinalik na ulit ang pagbibilang sa pera. Kinuha na rin niya ang sampung libo na ibinaba ko at pagkatapos ay isinama sa sobre kung saan niya nailagay ang mga nabilang na pera. "Nakarami ako ngayon, ah... effective yung tiger tight boxer ni Tarzan, next week iyong snake boxer," bulong niya na rinig na rinig ko naman. Lumabas muli ang kaniyang mga biloy nang biglaan siyang ngumiti. Nang mabilang niya ang mga pera ay sumandal siya sa sofa na kinauupuan at humalukipkip. I saw his biceps. Parang masisira naman iyong manggas ng itim na damit na suot niya! "Ano, Madam? in your place or sa hotel? or... dito? takpan ko na lang ang bibig mo para hindi ka mag-ingay," tumaas ng sabay ng dalawang beses ang mga kilay niya sa akin. W-What the hell? Napapikit dilat ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi makapaniwala. Nailayo ko ang aking paningin at tumikhim. Ano iyong narinig ko?! tatakpan raw ang bibig ko?! "Kaso wala pala akong dalang condom ngayon kung dito... hmmm. Hindi kasya sa akin ang mga condom dito sa Alzo." H-Hindi kasya? a-ano daw? ano bang size niya?! Kaagad akong nagsalita dahil ang nasa isip niya talaga ay iba! that's not what I want! my goodness! "M-May gusto ako pero hindi... hindi ang katulad ng nasa isip mo. Hindi s-sx." Nautal pa ako nang binanggit ang salitang iyon! hindi ako sanay! "Oh? "Sige, ano 'yon, madam? akala ko ay gusto mo ng sx pwede naman dito. Puwede rin walang condom withdraw ko na lang agad." Oh my Gosh! I am not used to this kind of conversation! tumataas ang mga balahibo ko! Please, sana kayanin ko na makausap siya hanggang sa mapapayag ko siya sa offer ko! I swallowed hard. "I need..." Ang tingin niya ay mukhang hinihintay ang sasabihin ko. Napatikhim akong muli. Hirap na hirap sabihin ang nais ko. "I-I need your s-sperm." Mahina ang pagbanggit ko sa huling salita! tumagilid ang ulo ni Max Aranda tanda na hindi niya narinig ng mabuti ang huling sinabi ko. "Ano ulit?" Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Lumapit ako sa kaniya dahil baka may makarinig sa amin. Nakita ko naman na nagbago ang kaniyang tingin. Napaatras siya sa pagkakaupo at napakapit sa gilid ng sofa nang dumukwang ako. Inihawak ko ang aking mga kamay sa gilid. I was cornering him. Inilinga ko aking ulo sa buong silid dahil baka biglang sumulpot iyong dalawang kasama niya at baka marinig ang nais ko! "A-Ay, ang bilis mo naman, madam? akala ko ba ay ayaw mo. Ikaw pa ata ang sasampa sa kandungan ko." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Huminga ako ng malalim. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at nang idilat ko ay hinawakan ko sa damit ng mahigpit ang lalake sa harapan ko. "For one million." Kumibot ang mga labi niya. Napabilog iyon ilang sandali lang ang lumipas. Pagkatapos ay sumilay ang malapad na ngiti kay Max Aranda. Narinig ko ang muling pagsipol niya. "Isang milyon, ano ang kapalit?" ngisi niya. Tumaas ang aking mukha. "Give me your sperm,” diretso kong sabi habang magkatinginan kami. Bigla ay nagbago ang kaniyang itsura. Ngayon ay tinitingnan na niya ako ng kakaiba habang magkasalubong ang mga kilay niya. Iyong tingin niya ay para bang isa akong maligno na nasa harapan niya at anumang oras ay aatakihin siya. "Ano?! My sperm?! ang semilya ko?!” sabi niya habang yakap-yakap ang sarili. Why is he acting like he’s a virgin?! “Madam, baliw ka ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD