CHAPTER 30: MOMENT OF TRUTH

1767 Words
Nakarating ako sa bahay namin. Agad naman akong tinanong ni tatay kung bakit gabi na ako kung nakauwi. “Narito na po ako,” sambit ko. “Oh anak, anong nangyari at bait gabi ka na nakauwi?” nagtatakang tanong ni tatay. “Pasensya na po ‘tay hindi ko rin po kasi alam na magtatraining ako ngayong araw.” saad ko. “Anong training anak?” sambit ni tatay. “Sa Journalism po ‘tay, start na po kasi ng training namin. Malapit-lapit na rin po kasi ang laban,” paliwanag ko kay tatay. “Oh, ganun ba. Aba’y sige at magbihis ka na at para makakain ka at mukhang ikaw ay pagod na pagod,” sambit ni tatay. Pumasok na ako agad sa kwarto at doon ay nagbihis. Inayos ko na rin ang aking bag na naging makalat ngayong araw. Ang aking mga article naman ay inilagay ko sa isang plastic envelope. Gusto ko kasi na may babasahin ako sa mga nakalipas na araw. At feel ko ito rin ang aking way para mamonitor ang aking progress. “Hays, sa ngayon manipis ka pa pero alam ko sa susunod na mga training ay bubulwak ka na at baka masira pa. Kaya tibayan mo huh,” saad ko habang hawak-hawak ang plastic envelope. “Samantha, lumabas ka na at kakain na,” sigaw ni tatay. “Ito na po ‘tay,” tugon ko. Dali-dali kong ipinasok ang envelope sa aking bag at lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay naamoy ko ang halimuyak ng pagkain na niluluto ni tatay. “Adobo? tay ‘yan po ba ang ukam natin,” saad ko. “Oo anak, sambit ni tatay. “Bagong sahod kasi si tatay ngayon,” dagdag pa niya. “Naku ‘tay, sana ay itinabi niyo na lang po muna para sa inyong check up,” sambit ko. “Ano ka ba anak, sabi naman ni Ate Joana mo ay libre ang aking section at walang kailangan pang gastusin,” kwento ni tatay. “Totoo po ba?” gulat kong tanong. Hindi kasi nasabi sa akin ni Ate Joana na walang bayad ang pagpapa check up ni tatay. Kaya aking ikinagulat noong sabihin ni tatay na wala nga ‘yong bayad. “Oo anak, ang sabi ni Ate Joana mo ay saka lamang tayo gagastos kapag may kailangan na bilhin na mga gamot,” sambit ni tatay. “Ah, ganoon po ba ‘tay, sige po ‘tay. Masaya naman po ako ‘tay na iyan ang ulam natin. Kaso po alam mo na kailangan din natin magtipid dahil kagagaling lamang natin sa gastos at ngayon ay parang muli na naman po tayong mapapagastos,” paalala ko kay tatay. “Huwag ka mag alala anak. Hindi natin kailangan gumastos. Tignan mo naman ang lakas lakas ng tatay mo.” saad ni tatay habang finiflex ang kanyang braso. “Naku ‘tay may paflex flex na po kayo ah, saan niyo naman po ‘yan natutunan?” sambit ko. “Ah, wala naman anak , doon lang sa mga maagsasaka na mas bata sa akin,” tugon ni tatay. “Kanina kasi ay nagbibiruan sila kung sino ang pinakamacho sa kanila,” sambit ni tatay. “Eh ayun lagi kong naririnig ang word na flez kaya ‘yon nagamit ko tuloy,” paliwanag ni tatay. “Hahaha, millenial ka na ‘tay,” pagbibiro ko. “Batang 90’s pa rin ako,” sambit ni tatay. “Hindi nila ako paniniwalaan kung sasabihin kong Millennial ako,” dagdag pa ni tatay. “Alam mo naman sa gwapo kong pang 90’s,” muling hirit ni tatay. “Hay naku ang tatay ko, GGSS na naman,” sambit ko. “Ano ang GGSS?” saad ni tatay. “Gwapong- gwapo Sa Sarili, iyon po ang meaning ng GGSS,” tugon ko kay tatay. “Ay, medyo may pagka GGSS nga ako,” sambit ni tatay. “Alam mo naman anak kaya ganyan ang itsura mo dahil sa ‘yong tatay mana ka kaya sa akin,” sad ni tatay. “Hindi po nuh, kay nanay po kayo ako nagmana,” aking pagbibiro. “Ang namana mo lang sa ‘yong ina ay ang kanyang kutis ngunit ang mukha ay sa akin halos,” sambit ni tatay. “Sige na nga po tay, sumasang-ayon na po ako at baka itakwil niyo po ako bilang anak kapag hindi ako sumang ayon,” tugon ko kay tatay. “Hindi naman anak, mahal ka ni tatay kahit sino pa sa amin ni nanay mo ang gusto mong kamukha,” sambit ni tatay. “Eh paano po ‘yan tay, sige po si nanay na lang po ang aking kamukha,” saad ko. “Okay lang pero kapag nakikita ka ng mga tao, alam ko ang sasabihin nila na ako ang kamukha mo,” sambit ni tatay. Ang gaan sa pakiramdam dahil ganito kami makitungo ni tatay sa isa’t-isa. Kasi ganito kami mag usap ay pinapanatili pa rin ang respeto namin sa isa’t-isa. Labis ang aking respeto kay tatay bilang aking tatay. Simula pa noong una ay grabe na ang kanyang sakripisyo sa amin ni nanay. Naalala ko pa nga kahit umuulan noon ay nagtitinda pa rin siya sa labas. Kahit nakapapaso ang init ng panahon ay pinipili pa rin ni tatay manatili sa bukid at magtanim. Sobrang nagpapasalamat ako kay tatay. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako nabubuhay ngayon. Alam kong ginagawa niya ang best niya para sa akin at para sa future ko. Naghain na si tatay ng adobo at kanin. Habang naghahain ay may naitanong si tatay sa akin. “Kamusta ang una mong pagbalik anak?” sambit ni tatay. Sa naging tugon ni tatay ay natigilan ako ng ilang minuto dahilan para ulitin ni tatay muli ang tanong. “Nak?” saad ni tatay. “Po?” tugon ko. “Ang sabi ko ay kamusta ang naging unang araw ng pagbalik mo sa school?” sambit ni tatay. Gusto ko sana na sabihin na hindi naging maganda ang aking araw. Ngunit iniisip ko na baka kapag sinabi ko ‘yon ay mag alala lamang si tatay para sa akin. “Ah, okay naman po ‘tay,” ang aking naging tugon. “Hindi ka ba naninibago? ang sugat mo ba hindi na ba kumikirot? alam ba ng mga teacher mo sa kung ano ang nangyari sayo?” sunod-sunod na tanong ni tatay. “Hindi naman po ako nanibago ‘tay. Halos lahat nga po ng aking mga kaklase ay nagsasabi na namiss daw po nila ako. Hindi raw po sila sanay na makita na hindi ako pumapasok. Ang aking sugat naman tay ay kumikirot ng kaunti pero bearable naman po, hindi na po siya katulad ng kirot dati na mapapaaray ako dahil sa sakit. Opo tay, alam po ng mga teacher ko kung ano ang nangyari sa akin. Kinausap po kasi ni Anne ang mga teacher namin kaya nalaman nila ang aking kalagayan,” pagkukwento ko kay tatay. “Mabuti naman anak at walang problema sa iyong unang balik eskwela,” sambit ni tatay. Hindi ko masabi kay tatay na hindi naging maayos ang una kong pag balik sa school. Gusto ko pa sana ikwento ang meron sa amin ni Shane ngunit ayaw ko naman dumagdag pa sa isipin ni tatay. Kaya sinabi ko na lamang na maayos ang aking pagbabalik eskwela. “Kayo po tay kamusta po ang trabaho sa bukid?” saad ko. “Maayos naman anak. Gaya ng sabi ni Ate Joana mo ay lumalayo muna ako sa mga taong naninigarilyo,” sambit ni tatay. “Alam mo naman mas mabuti ng sumunod kesa lumala pa itong aking sakit,” sambit ni tatay. “Mabuti naman po kung ganoon ‘tay,” tugon ko. “Alam mo naman gagawin ni tatay ang lahat para hindi na lumala ito,” saad ni tatay. Habang kumakain ay biglang may naririnig kaming boses na nangagaling sa labas. “Samantha!” sigaw ng nasa labas. “Samantha!” “Anak, may tao ata,” sambit ni tatay. “Opo nga ‘tay eh, tignan ko lang po muna ‘tay kung sino,” tugon ko. Agad akong tumungo sa aming pintuan. Pagbukas ko ng pinto ay natanaw ko si Ate Joana. “Oh, ate,” sambit ko. “Andyan ba ang tatay mo?” saad ni Ate Joana. “Opo ate, pumasok po muna kayo,” sambit ko. Hinubad ni ate Joana ang kanyang tsinelas at pumasok sa aming bahay. “Oh Joana,” saad ni tatay. “Naku, bakit mo pa hinubad ang iyong tsinelas, ang alikabok ng bahay namin,” dagdag pa ni tatay. “Naku, hindi po ang linis linis nga po ng bahay ninyo,” sambit ni Ate Joana. “Kumain ka na ba? halina’t mag hapunan ka muna,” anyaya ni tatay. “Hindi na po, papasok na rin po ako agad, shift ko po kasi ngayon, dumaan lang po ako para may sabihin,” sambit ni Ate Joana. “Ano ‘yon?” tugon ni tatay. “Naitext ko na po kasi ang doctor tungkol sa inyong kalagayan. Isa po itong magaling na doctor at alam ko mabibigyan niya po kayo ng tamang diagnosis at kanina lang pong hapon ay sa nagtext po siya na pumapayag po siya,” pagsisimula ng kwento ni tatay. Sa naging kwento ni Ate Joana ay napadako ako ng tingin kay tatay. Nakita ko ang ngiti sa kanyang mukha. Bigla itong naupo sa tabi ni Ate Joana at hinawakan ang palad nito. “Talaga ba Joana?” saad ni tatay. “Opo kuya, kaya po bukas kuya ay puntahan niyo po ako sa hospital. After po ng aking shift ay sasamahan ko po kayo,” sambit ni Ate Joana. “Samantha sumama ka na rin huh, para may kasama ang tatay mo,” dagdag pa ni Ate Joana. “Ah, o-opo,” ang nauutal kong tugon. “Paano po ay mauuna na po ako, hihintayin ko na lang po kayo sa waiting area ng hospital,” sambit ni ate Joana. “Sige Joana, maraming salamat, mag iingat ka,” saad ni tatay. Ako naman ay naiwan lang na nakaupo sa sala at nakatitig sa kawalan. Medyo nakaramdam ako ng takot, kaba at saya. Halo-halong emotion ang aking nararamdaman. Takot dahil hindi ko alam kung anong magiging resulta. Kaba na baka may findings na hindi maganda. Saya dahil finally malalaman na kung ano ba talaga ang kalagayan ni tatay. Ito na ngayon, bukas ay malalaman ko na ang sagot sa aking mga tanong, tomorrow is the moment of truth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD