CHAPTER 31: NO MORE FANTASIES

1863 Words
Pag alis ni Ate Joana ay naiwan pa rin akong nakatulala sa sahig. Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat ang aking maramdaman. Sa totoo lang ay natatakot lamang talaga ako para kay tatay. Natatakot na kung baka masama ang naging findings ay mawalan na lamang ng pag asa si tatay. Kilala ko pa naman si tatay. Ayaw niya pinagkakagastusan siya kaya aking nararamdaman nanaisin niya na lamang na huwag magpagamot kaysa gumastos ng pera. Noong pumasok na si tatay mula sa labas ay agad niya akong nilapitan. “Oh, anak, bakit nakatulala ka riyan?” sambit ni tatay. “Ah, eh kasi po ‘tay iniisip ko lamang po kung ano ang mangyayari bukas,” tugon ko. “Ano ka ba anak, huwag ka ngang mag isip ng kahit ano dyan,” sambit ni tatay. “Eh kasi tay hindi ba ayaw mo na pinagkakagastusan ka, baka po kapag nalaman natin na kailangan gumastos dyan sa kalagayan niyo ay baka mas piliin niyo na lamang na huwag magpagamot,” ang aking saad. “Ano ka ba anak, ibang usapan naman ito. Kalusugan ko ang nakasalalay rito kaya gagawin ko ang lahat para magamot kung ako man ay may iniindang sakit,” sambit ni tatay. “Talaga po ba ‘tay? baka po magbago ang inyong isip,” sambit ko. “Hindi anak, alam kong mahalaga ang kalusugan at saka kung hindi man ako magpapagamot, paano ka na lamang? wala ng mag aalaga sayo,” ang tugon ni tatay. Sa sinabing ‘yon ni tatay ay parang may nadama akong kaunting kirot sa aking puso. Paano ba naman kasi ay parang hindi ko na kakayanin pa kung pati si tatay ay mawawala sa akin. Nawala na si nanay na labis na nagdulot ng sakit sa aking puso na hanggang ngayon ay hindi pa naghihilom at hindi ko alam kung paano ito maghihilom. “Tay, ipangako niyo po sa akin na lalaban po kayo at sasamahan niyo po ako hanggang sa maging ganap akong isang prosecutor,” ang pakiusap ko kay tatay. “Oo naman anak, ano ka ba huwag ka ngang mag isip agad ng conclusion dyan wala pa namang resulta, Ni hindi pa nga ako chinecheck up,” saad ni tatay. “Eh kasi po ‘tay gusto ko lamang maging handa sa kung ano man ang magiging resulta,” tugon ko. Pumunta si tatay sa kusina at naupo roon. “Pumunta ka na rito sa kusina para tapusin ang iyong pagkain, hindi rapat nagsasayang ng pagkain dahil maraming bata ang nagugutom,” ang sambit ni tatay. “Opo tay,” tugon ko at tumungo na rin ako sa kusina at itinuloy ang aking pagkain. Naupo at tinapos ang pagkain. Pagkatapos kumain ay nagpresenta na akong maghugas ng plato. “Tay, ako na po ang bahala riyan magpahinga na muna po kayo para maging nasa condition ang katawan niyo para bukas,” sambit ko. “Sige anak,” saad ni tatay. Niligpit ko na agad ang aming pinagkainan. Itinabi ko ang ibang natirang pagkain para ipakain sa aming pusa na nasa bakuran. Dinagdagan ko pa ‘yon ng kanin at ulam at saka ay hinalo. Pagtapos ay tumungo ako sa kusina para ibigay iyon sa aming pusa. “Ming,” tawag ko sa aming pusa. Sa aking unang tawag ay hindi ito lumabas. “Ming,” ang pangalawa kong pagtawag. Lumabas si ming mula sa halaman, nagtatago lamang pala ito. Naamoy niya ata ang dala kong pagkain kaya lumapit ito agad sa akin. “Ming kumain ka ng maayos namamayat ka na,” sambit ko habang inilalagay ang pagkain sa tupperware na nagsisilbing kanyang kainan. Pagkalagay ko ng pagkain ay agad niya itong nilantakan. “Naku ming, gutom na gutom ka ata,” sambit ko. Tinawag na ako ni tatay para maghugas. “Samantha, maghugas ka na at mag gagabi na,” saad ni tatay. “Opo ‘tay,” tugon ko. Pumasok ako ng bahay namin at agad na naghugas. Habang naghuhugas ay hindi ko maiwasan na mag imagine sa kung ano ang mangyayari bukas. Magiging masaya kaya ako sa magiging resulta o ako ay masasaktan. Habang naghuhugas ay hindi ko rin maiwasan na matulala. Hindi ko namalayan na patuloy na dumadaloy ang tubig. Naging aware na lamang ako noong nababasa na ang aking damit. “Hala,” sambit ko at hinawakan ang aking basang damit. Pinatay ko agad ang gripo si tatay naman ay napansin ata kung ano ang nangyayari. “Anak? anong meron dyan?” sambit ni tatay. “A-ah, wala po ‘tay,” tugon ko. “Naiwan ko lang pong nakabukas ang gripo,” dagdag ko pa. “Ah ganoon ba anak? kung ganoon ay ako na ang bahalang maghugas dyan,” sambit ni tatay. “Hindi po ‘tay ako na po ang bahala,” tugon ko. Nagpatuloy na ako sa paghuhugas ng plato. Pagtapos maghugas ay natanaw ko si tatay na mahimbing na natutulog sa upuan. Ako naman ay naghilamos na para makatulog na rin. Bukas kasi ay maaga pa kami sa hospital dahil iyon ay pagtapos ng shift ni Ate Joana. Nag toothbrush, pagkatapos ay ako ay naghilamos. Pinunasan ko ang aking mukha at pagkatapos ay isinampay ang twalya saka ako ay pumasok sa aking kwarto. Inayos ko anhg banig at pinagpag ang aking sapin dahil nararamdaman kong maaligasgas na ito. Pagtapos ay ako ay nahiga na. Sa aking pagkahiga ay dama ko ang bigat ng aking dibdib. Dahil sa mga nangyari ngayong araw na ito. Ang una ay dahil sa nangyari sa amin ni Shane. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nais niyang iparating sa kanyang mga sinasabi. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o hindi o ninanais niya na huwag na lang sana ako bumalik. Ang hirap isipin ng mga sagot sa mga tanong na hindi ako sigurado, ang hirap ng ganito. ANg pangalawa ay ang mangyayari kay tatay bukas, feeling ko ay it’s now or never. Pero pinipilit ko ring labanan ang aking takot kasi dapat ay malakas ako sa harapan ni tatay. Dapat malaman niya na mayroon siyang makakapitan. Pagkatapos noon ay nagdasal ako. Ipinagdasal ko na sana ay maging maayos na ang pakikitungo sa akin ni Shane at maging maayos sana ang magiging resulta ng check-up ni tatay bukas. Habang nagdadasal ay hindi ko namalayan na mayroon na palang luha na tumutulo sa gilid ng aking mga mata. Ang mga luha ay nagpatuloy lamang sa pagbuhos hanggang sa mabasa na lamang ang aking unan. Pero masarap at magaan sa pakiramdam kapag umiyak habang nagdadasal. Parang mayroong magic na magpapagaan ng iyong nararamdaman parang may yayakap sa’yo. Kaya minsan kapag sobrang bigat na ng aking nararamdaman ay iniiyak ko lamang ito gumagaan ang aking pakiramdam at pagkatapos bukas ay marapat na okay na ako. Nakatulog na lamang ako at sumapit na ang bukas. Ginising ako ni tatay. “Samantha, gumising ka na riyan,” tawag ni tatay. Nagising na pupungas pungas pa. Masarap kasi ang aking naging pagkakatulog. “Opo ‘tay, gising na po,” ang aking naging tugon. Niligpit ang aking hinigaan at lumabas na ng kwarto. Nag almusal muna kami ni tatay ng mainit na kape para sa kanya at gatas naman ang para sa akin with matching din na mainit na pandesal. Nagsimula kaming magalmusal pagtapos ay nagsimula ng gumayak. “Agahan na natin ang pagpunta dahil nakahihiya naman kay Joana kung tayo pa ang hihintayin niya,” sambit ni tatay. “Opo ‘tay,” tugon ko. Nauna ng naligo si tatay at ako naman ay humanap na ng aking masusuot. Binuksan ko ang aking damitan at doon ay kumuha ng pantalon at t shirt. Gusto ko kasi ay maging comfortable lamang ako sa aking susuotin. Naupo muna ako sa sala habang hinihintay si tatay na matapos maligo. Doon ko rin naisip na aabsent pala ako ngayong araw. Hindi ko nasabihan si Anne so baka hintayin na naman niya ako sa crossing katulad ng lagi niyang ginagawa. “Sana ay huwag siyang malate,” ang bulong ko sa aking sarili. Pagtapos maligo ni tatay ay ako naman ang pumasok sa banyo. Naligo na ako kaagad para hindi kami malate ni tatay. Habang sinasabon ko ang malapit sa aking puso ay nararamdaman ko ang malakas nitong pagtibok. Ngunit pilit kong ikinakalma ang aking puso. Huminga ako ng malalim. Pagtapos maligo ay lumabas na rin ako agad ng banyo. Pumasok ako sa aking kwarto para magbihis. Bago mamatay si nanay ay may iniwan siya sa aking sobre. Ang sobre na ‘yon ay naglalaman ng kaunting pera. Kinuha ko ‘yon mula sa ilalim ng aming aparador. Itinago ko iyon sa bag na aking dadalhin. Kagabi pa lamang ay nakapag desisyon na ako na gagamitin ko na ang pera na ‘yon para sa pagpapagamot ni tatay. Ang sabi kasi ni nanay sa akin ay gagamitin ko lang dapat ‘yon kung sa aming dalawa ni tatay ay may marapat na paggkagagastusan. Itinago ko na ‘yon sa aking bulsa at ako ay lumabas na. “Tara na po ‘tay,” saad ko. “Oo anak, ikaw lang naman na ang hinihintay ko,” tugon ni tatay. Lumabas na kami ni tatay ng bahay at sa aming tapat ay naroon na pala si Kuya Eddy na aming maging service. “Pasensya ka na Eddy at ikaw na naman ang naabala namin,” sambit ni tatay. “Naku kuya, wala po ‘yon alam mo naman hindi na kayo iba sa akin ni Samantha,” tugon ni Kuya Eddy. “Salamat Eddy,” tugon ni tatay. Pumasok na ako sa loob habang si tatay naman ay doon sa labas pwumesto. Umandar na ang tricycle. “Kuya anong gagawin niyo roon sa hospital?” tanong ni Kuya Eddy. “Ah, magpapacheck-up. Alam mo naman tumatanda na tayo,” sambit ni tatay. “Kaya nga kuya, halatang nagkakaedad na talaga tayo,” sambit ni Kuya Eddy. “Nararamdaman ko nga kuya na tumutunog ang aking mga but,” pagbibiro ni Kuya Eddy. Iyan ang naririnig kong usapan nila ni tatay. “Kuya, sino pala ang nakausap niya sa hospital na ‘yon?” curious na tanong ni Kuya Eddy. “Si nurse Joana, dyan kasi siya nagtatrabaho,” sambit ni tatay. “Ah ganoon po ba. Oo nga dyan nagtatrabaho si Joana, buti at may kakila kayo kuya,” saad ni Kuya Eddy. Nakarating na kami sa hospital. Bumaba na kami ni tatay. “Oh, ito Eddy tanggapin mo,” sambit ni tatay. “Nkau kuya, huwag na, hindi na kailangan,” saad ni Kuya Eddy. “Nakakahiya na Eddy, baka hindi na kami makaulit huh,” sambit ni tatay. “Naku kuya, unlimited basta kayo,” sambit ni Kuya Eddy. “Papasada na muna ako kuya at babalikan ko na lamang kayo,” dagdag pa ni Kuya Eddy. “Sige Eddy, ingat at salamat,” tugon ni tatay. Umalis na si Kuya Eddy at kami naman ay naiwan na ni tatay sa tapat ng hospital. Tumayo muna kami saglit sa harap ng pintuan at huminga ng malalim. Sa isip-isip namin ay ito na talaga ‘yon. No more lies, no more fantasies.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD