CHAPTER 32: REVELATIONS

2160 Words
Pumasok ka kami ni tatay sa loob ng hospital. Ramdam ko ang higpit ng kapit niya sa akin. Gaya ng sabi ni Ate Joana ay maghihintay kami sa waiting area. Naupo kami sa upuan doon. Natanaw namin si Ate Joana ngunit may inaasikaso pa ito. Nakita niya kami ngunit sumenyas ito ng wait lang. Habang pinagmamasdan ko si Ate Joana ay nahahalata kong pagod na rin ito. Ngunit kung titignan mo siya ay patuloy niya pa ring ginagawa ang kanyang trabaho ng may buong didikasyon. Ganoon siguro talaga kapag magal mo ang iyong ginagawa. Iyong kahit pagod ka na hindi ka makararamdam ng pagod at magpapatuloy lamang. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ang shift ni Ate Joana. "Kuya pasensya na po, naghintay pa kayo hindi ko po kasi akalain na maaga po kayo makapupunta,'' sambit ni ate Joana. "Ano ka ba Joana, okay lang 'yon," saad ni tatay. "Nag almusal na po ba kayo?" tanong ni Ate Joana. " Ay oo, huwag mo na kaming problemahin," sambit ni tatay. "Sige po, pwede po ba tayong dumaan sa cafeteria ng hospital magkakape lang po ako," sambit ni Ate Joana. "Aba'y oo naman, saan ba iyon? sambit ni tatay. Pumunta kami sa cafeteria ay si ate Joana ay agad na bumuli ng kape. Inalok niya kami ngunit tinanggihan namin ito sapagkat kaaalmusal lang namin. Saglit na nagpaalam si Ate Joana. "Saglit lang po ah, may bibilhin lang po ako," sambit ni Ate Joana. "Oh sige, kumain ka lamang Joana at halata na pagod ka sa shift mo," tugon no tatay. "Ah, opo. Sunday po kasi kagabi," tugon ni ate. Umalis na si Ate Joana at bumili ng mga nais niyang kainin. Kung pagmamasdan mo si Ate Joana ay mahahalata mong pagod na talaga ito, Ngunit gaya nga ng aking sinabi mahal niya an kanyang trabaho kung kaya’t hindi siya nakararamdam ng pagod. Bumalik si Ate Joana at may dala na itong kape at tinapay. Naupo siya at inilapag sa lamesa ang mga pagkain na kanyang binili. “Ah, wala pa po kasi ‘yong doctor,” sambit ni Ate Joana. “Pwede po bang maghintay muna tayo saglit,” dagdag pa niya. “Oo naman Joana,” ang naging sambit ni tatay. “Ayaw niyo po ba talagang kumain?” saad ni ate. “May ID Card naman po ako, ito po ang magbabayad sa inyong bibilhin,” dagdag pa ni Ate Joana habang ipinakikita ang kanyang ID Card. “Naku, ano ka ba busog pa kami. Nag almusal kami bago pumunta rito,” sambit ni tatay. “Ay, ganoon po ba, kung ganoon ay marahil busog pa nga po kayo,” saad ni ate. Nagpatuloy si Ate Joana sa pagkain. “Ah kamusta na po pala ang nararamdaman niyo, kuya? okay lang po ba kayo? wala po bang masakit sa inyong dibidb?” sunod-sunod na tanong ni Ate Joana. “Ah nitong mga nakaraang araw ay wala naman akong nararamdaman, ngunit kagabi ay biglang bumigat o sumakit ang aking dibdib,” pagkukwento ni tatay. “Baka po kayo ay kinabahan lamang sa aking sinabi,” sambit ni ate. “Sinunod niyo po ba ang aking mga payo?” saad ni ate. “Oo naman Joana. Hindi naman na kasi talaga ako umiinom or naninigarilyo ngayon, hindi rin ako lumalapit sa mga kasamahan ko sa bukid na naninigarilyo. Alam mo naman tayo'y tumatanda na kaya priority ko talaga ang aking kalusugan,” paliwanag ni tatay. “Natutuwa naman po ako sa kwento niyo, kung ganoon po ay sana walang masamang findings,” sambit ni ate. Kung ang iba ay hinihiling na sana ay tama ang diagnosis sa kanila. Sa akin ay iba,, noong mga oras na ‘yon, hinihiling ko na sana ay mali ang findings or diagnosis ni Ate Joana. Sana ay walang cancer si tatay. Sana ay malusog siya at walang iniindang sakit. Matanda na rin kasi si tatay at kung siya ay may iindahin na sakit, inaalala ko na baka bumagsak ang kanyang katawan. Tahimik lamang ako habang nag-uusap sina ate at tatay. Nakikinig lamang ako sa kanilang usapan. Wala kasi akong masabi noong mga oras na ‘yon dahil ang inaaalala ko ay ang magiging check up ni tatay. Habang kumakain ay biglang tumunog ang cellphone ni ate. “Ring, ring, ring,” ang nililikha nitong tunog. Inilapag ni ate ang kanyang iniinom na kape at kinuha ang cellphone. Sinagot niya ang tawag. “Hello doc, good morning po,” sambit ni Ate Joana. “Ah, ganun po ba?” ang nagiging tugon ni Ate sa kanyang kausap. “Andyan na po ba kayo?” muli niyang tugon. “Sige po doc, tawag na lamang po kayo kapag nariyan na po kayo,” ang kanyang muling tugon. “Okay po, thank you!” ang huling tugon ni ate bago niya patayin ang tawag. Ikwinento ni ate sa amin ang kanilang naging pag-uusap. “Ah, pasensya na po kayo kuya, kung baka po malate si Doc, may emergency rin po kasi na nangyari sa kanyang tatay kaya hindi po siya makaalis,” paliwanag ni Ate Joana. “Ano ka ba, wala ‘yon, handa naman kami maghintay basta ngayong araw ay malilinawan na ako sa kung ano talaga ang aking kalagayan,” saad ni tatay. “Naku Joana, huwag mo ng isipin ‘yon. Kami nga rapat ang humihingi ng pasensya sayo dahil naaabala ka pa namin kung dapat ay nagpapahinga ka na ngayon,” sambit ni tatay. “Naku wala po ‘yon. Trabaho ko po ‘to kaya hindi po problema sa akin ito,” sambit ni Ate Joana. “Ah Joana, maari ba kitang matanong kung bakit pagiging isang nurse ang iyong ninais,” ang curious na tanong ni tatay. “Ah, nagsimula po ‘yon ng nalaman ko po na may iniindang sakit ang lolo ko. Hindi naman po lingid sa inyong kaalaman na sa lolo at lola po ako lumaki at ngayon na lamang po ako tumira kasama ang aking mga magulang,” ang simula na kwento ni Ate Joana. “Nalaman ko po na kailangan niya mag maintenance, kailangan niya ng mag aalaga sa kanya, kailangan niya ng taong makaiintindi at marunong mag alaga sa kanya,” sambit ni ate. “Ako po ay fourth year high school noong nalaman ko na may cancer si lolo. Dahil pacollege na po ako ay kumuha na ako ng kursong nursing para sa kanya. Balak ko pa nga po na ituloy hanggang med school. Pangarap ko po kasi na ako ang gumamot kay lolo. Ang nasa isip ko lamang po kasi noon ay aabot siya hanggang sa makagraduate ako,” dagdag pa ni ate. “Nakaabot ba siya?” sambit ni tatay. “Ah. nagkamali po ako, ayun nga po hindi na po siya umabot. Pagka enroll ko po ng college mga ilang buwan na lamang ay pumanaw na si lolo,” tugon ni Ate Joana. “Noong panahon na mga ‘yon po ay hindi ko alam ano ang aking gagawin. Hindi ko alam ano ang dapat kong gawin, kung itutuloy ko pa ba ang naging pangarap ko na ang dahilan ay si lolo. Hindi ko alam kung may saysay ang nursing ngayong wala na ang dahilan kung bakit ko ‘to pinangarap,” patuloy na pagkukwento ni Ate Joana. Sa naging mga pagkukwento ni Ate Joana ay parang may kirot akong nararamdaman sa aking puso. “Pero hindi po ako pinabayaan ng aking lolo. Napanaginipan ko po siya at ang sabi niya’y ipagpatuloy ko na itong aking napili. At hindi ko siya binigo, talagang aking itong ipinagpatuloy. Kaya ngayon ay narito po ako,” sambit ni ate Joana. Sa mga huling salita na kanyang binanggit ay nasilayan ko ang ngiti sa kanyang mukha. “Kaya huwag po kayo mahiya sa akin kung inaasikaso o binibigyan ko kayo ng pansin. Isipin niyo na lamang po ay ginagawa ko ito dahil hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon gawin ito kay lolo,” saad ni Ate Joana. “Aba’y grabe rin pala ang naging buhay mo Joana,” saad ni tatay. “Kung aaminin ko po, ay opo, noon grabe ang aking naging buhay. Pero ngayon ay mabuti na po ang aking kalagayan,” tugon ni Ate Joana. Sa naging mga kwento ni Ate Joana ay isa lamang ang aking naging realization. Bawat pangarap ay may dahilan. Bawat pangarap ay dahil gusto, bawat pangarap ay minsan para sa isang tao at kung minsan naman ang pangarap ang nakapagpabago sa buhay ng tao. Kung kay Ate Joana, ang lolo niya ang may dahilan kung bakit siya nag nursing, ako naman ay si nanay ang dahilan ng aking pangarap. Si nanay ang dahilan kung bakit gusto kong maging isang ganap na prosecutor. Si nanay ang dahilan kung bakit hindi ko isinuko ang aking pangarap. Higit sa lahat si nanay ang dahilan upang mabago ang aking buhay. Kaya habang nagkukwento kanina si Ate Joana ay nakikinig ako nang maayos dahil ako ay naka relate sa kanya. Pareho kami na may dahilan ang pangarap at dahil iyon sa isang tao. “Ikaw Samantha ano ang pangarap mo?” sambit ni ate. “Ah, prosecutor po,” ang aking naging tugon. “Prosecutor?” sambit ni ate. Sa naging tugon niya ay ako ay napakwento. “Hindi naman po lingid sa inyong kaalaman ang nangyari kay nanay. Gusto ko po maging isang prosecutor para ipagtanggol siya. Gusto ko po makuha ang hustisya na nararapat para sa kanya,” aking pagkukwento. “At napansin ko po na rito sa ating bansa, napakahirap kunin ng tamang hustisya, napakahirap lumaban lalo na kapag mayaman ang nasa kabilang kampo,” patuloy kong pagkukwento. “Gusto ko po silang tulungan ate, iyong mga taong pinagkaitan ng hustisya. Gusto ko po ibigay ang hustisya na nararapat sa kanila at kung ang ibig sabihin po noon ay mag aaral ako nang mabuti at ilang taon ay gagawin ko po ‘yon. Pakiramdam ko po ate ang pagiging prosecutor ang purpose ng aking buhay,” patuloy kong pagkukwento. “Kaya po kahit mahirap, magastos at ilang taon ay kakayanin ko,” pagkukwento ko. Habang ako ay nagkukwento ay nararamdaman kong nanginginig ang aking boses. Pakiramdam ko kasi noon ay para na akong maiiyak ngunit pinipigilan ko ito. “Aba’y napakaganda naman pala ng pangarap at adhikain mo Samantha, asahan mong ako ay nakasuporta sa’yo,” saad ni Ate Joana. “Parehas pala tayo isang tao ang dahilan bakit nangarap, at kung bakit tutuparin ang mga pangarap,” dagdag pa ni Ate Joana. “Kaya nga po ate, habang nagkukwento nga po kayo kanina ay may kirot akong nararamdaman dahil ako po ay nakakarelate sa inyo,” sambit ko. “Pasensya ka na at baka may naalala ka pa dahil sa aking kwento,” panghihingi ng paumanhin ni Ate Joana. “Ano ka ba ate, isa ‘yon sa mga pinakamagandang kwento na aking narinig,” tugon ko. “Salamat, sana matupad mo ang iyong pangarap, sana makuha mo ang hustisya na nararapat para sa iyong nanay. Asahan mo na kami ay nakasuporta sa iyo,” sambit ni ate Joana. “Salamat po,” ang aking naging tugon. Ang sarap sa pakiramdam na may mga taong naniniwala at nagtitiwala sa akin. Ang mga taong aking magiging inspirasyon para tuparin ang aking mga pangarap. “Kayo po kuya? ano pong reaction niyo sa pangarap ni Samantha,” saad ni Ate Joana. Naupo nang maayos si tatay at bumuntong hininga bago sumagot. “Sa totoo lamang, noong una ay tutol ako sa gusto niyang gawin,” sambit ni tatay. Totoo naman noong una ay ayaw talaga ni tatay na ako ay maging isang prosecutor. Ayaw niya na kasing mabuhay pa ang mga naging karanasan ni nanay. Ang gusto niya ay maibaon na lamang ang mga ito sa limot. “Dahil ayokong mabuhay pang muli ang nangyari sa nanay niya. Kapag naalala ko lamang kasi iyon ay nasasaktan ako, kaya ang gusto kong gawin ay kalimutan na lamang ito at ibaon,” patuloy na pagkukwento ni tatay. Tama nga ako. Iyon nga ang dahilan ni tatay. “Ngunit habang tumatagal ay narealize ko na hindi dapat takbuhan o ibaon na lamang ang mga bagay. Ang dapat pala gawin ay harapin ito. Kaya ngayon ay alam ko na ang tama, alam ko na ang dapat kong gawin. Kaya kung gusto talagang maging isang prosecutor ni Samantha ay hindi ko siya pipigilan,” sambit ni tatay. Sa naging tugon ni tatay ay naantig ang aking puso. Iba talaga ang suporta sa akin ni tatay. Habang nagkukwentuhan ay biglang tumunog ang cellphone ni Ate Joana. “Ring, ring, ring,” ang tunog nito. “Excuse lang po.” Kinuha niya ang cellphone at sinagot ang tawag. “Po, doc? ah nariyan na po kayo?” ang unang tugon ni Ate Joana. “Sige po doc, sasalubungin na lamang po namin kayo sa entrance,” sambit ni ate. “Okay po,” ang huli niyang naging tugon bago ibaba ang cellphone. “Andyan na po si doc, salubungin na lamang daw po natin siya sa entrance,” saad ni Ate Joana. Tumayo kami at agad na tumungo sa entrance. Sa may entrance ay may isang lalaki na naka white coat, may kausap itong nurse sa labas. Tinignan ko si Ate Joana at nakita kong nakatingin siya sa lalaki, siguro ay ito ang doctor na hinihintay namin. Habang nakatalikod at base sa postura ng doctor ay parang pamilyar ito. Parang nakita ko na siya rati. Matapos ang pag uusap ng doctor at nurse. Pag kaharap ng doctor ay hindi nga ako nagkamali. Pamilyar at nakita ko na nga talaga siya… Ang doctor na ‘yon ay ang doctor na sumagasa kay nanay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD