Pagkatapos ng heartwarming na message ni ma’am, kaakibat ng kaniyang mga paalala ay sinimulan na naming ayusin ang mga upuan. Dahil nakapabilog kasi ang mga upuan para mas tabi-tabi ang mga pare-parehas ang category. Tumayo ang bawat-isa at inayos ang mga upuan.
“Ayusin na natin ang mga upuan,” ang aking sambit.
Nagsimula nang kumilos ang lahat. May mga naglilinis, mga nagwawalis at nag-aayos ng upuan. Ang iba naman ay nagsasara ng bintana at ang iba naman ay inaayos ang upuan. Ang ibang journalist naman ay nasa kabilang room para ayusin din ang mga upuan, at syempre para na rin maglinis. Inayos ang mga upuan doon dahil lahat iyon ay nakagilid dahil sa pagpapractice ni Arianne.
Ako naman ay habang nag-aayos ng upuan ay nababagabag sa mangyayaring contest bukas. Pagkatapos kong ayusin ang mga upuan ay natutulala ako. Hindi ko napansin na ilang minuto nap ala akong nakatitig at hindi ko na namalayan ang pagdating ni Jeron.
“Anong iniisip mo?” ang saad niya at tinapik ang aking balikat.
Hindi ako nakasagot dahil hindi ko talaga napansin na nariyan siya.
“Sam?” ang muling tawag sa akin ni Jeron.
“Huh?” ang gulat kong sambit.
“Ah, wala-wala,” tugon ko.
“Sus, ikaw pa, kilala kita nuh,” ang muling sambit ni Jeron.
“Wala, ano ka ba,” ang aking saad at nagpatuloy na akong mag-ayos ng upuan.
“Ah okay, sabi mo ‘yan huh,” ang saad ni Jeron at bumalik na siya sa pagsasara ng bintana.
Mabilis kong inayos ang mga upuan at habang inaayos ko ang mga upuan ay hindi talaga mawala ang kaba na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit may kaba akong nararamdaman. Sa mga nakaraang araw naman ay hindi ako nakararamdam ng kaba ngunit ang last day namin ay nagdulot sa akin ng malaking pambabagabag.
Hindi ko rin masabi kay Jeron kung ano ang aking nararamdaman dahil baka makaramdaman din siya ng kaba or anuman, kaya minabuti ko na rin iyong sarilihin na lamang. Habang inaayos ang mga upuan ay napabaling ang aking tingin sa direksyon kung nasaan si Shane kung pagmamasdan si Shane ay nakangiti lamang ang mga ito. Ni hindi nga mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Siguro, ganoon talaga kapag sanay ka na mag contest at hindi na kaba ang kaniyang nararamdaman kung hindi ay excitement. Gusto ko sanang tanungin kay Shane kung ano ang nararamdaman niya kung bakit tila wala siyang kabang nararamdaman ngunit minabuti kong wag na lamang iyong tanungin pa. Inikot ko ang aking panangin sa buong classroom at nang makita ko na maayos na ang lahat ay tumungo naman ako sa kabilang room ng makita ko na maayos na ang lahat ay minabuti ko na pauwiin na ang mga journalist.
Si ma’am kasi ay nasa Principal’s Office pa para ayusin ang mga dapat pang ayusin. Nang macheck ko na maayos na ang lahat ay isinara ko na ang pinto. Hinintay ako ni Jeron at sabay na kaming bumaba ng hagdan para tumungo sa Prinicipal’s Office. Noong kami ay nasa Principal’s Office na…
Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto at saka iyon binuksan.
“Ma’am,” ang aking sambit.
“Oh, pasok ka,” ang tugon ni ma’am.
“Ah nakauwi na po ang lahat ng journalist ma’am. Ito po ang susi,” sambit ko habang kinukuha ang susi sa aking bulsa at inabot ko iyon sa kaniya.
Nang maabot ko na ang susi ay nagpaalam na ako kay ma’am.
“Uwi na po ako ma’am,” pagpapaalam ko.
“Sige anak,” tugon ni ma’am.
Palabas na ako noon ng Principal’s Office ng bigla akong tawagin ni ma’am.
“Ah, Sam,” ang tawag ni ma’am.
“Po?” ang aking tugon.
“Pwede bang agahan mo bukas, mas maaga sana sa mga iba pang journalists may mga dapat pa kasing ayusin,” ang sambit ni ma’am.
“Opo,opo,” ang aking tugon.
“Sige anak,” ang sambit naman ni ma’am.
Tuluyan na akong lumabas ng classroom at pagkalabas ko ay naroon pa pala si Jeron.
“Andyan ka pa pala,” ang aking sambit.
“Ah, syempre gabi na at hahayaan ko bang maglakad ka mag-isa riyan sa daan,” ang kaniyang sambit.
Tumingin ako sa kaniya at biniro ko ito.
“Wow huh, concern ka sa akin,” ang aking sambit.
“Syempre babae ka nuh, respeto ko lang iyon sa mga babae, baka isipin mo na type kita huh,” ang kaniyang tugon.
“Hindi nuh, baliw ka ba. Wala sa isip ko iyang mga ganyan,” ang aking sambit.
“At saka may girlfriend ka nuh. Loko ka,” dagdag ko pa.
“Ah oo naman, mahal na mahal koi yon nuh,” ang kaniyang tugon.
“Ah, pwede malaman kung paano nag-umpisa ang lovestory niyo,” ang curious kong tanong.
“Hulaan mo,” ang pabirong sagot ni Jeron.
“Joke lang, kababata ko siya. At siya ang itinuturing kong bestfriend,” ang saad ni Jeron.
“Oh edi sabay pala kayong lumaki,” ang saad ko.
“Oo naman, sabay kami naglalaro, may pagkakataon pa nga na sabay kami naliligo pero nakadamit kami huh kasi syempre nakaposo at sa labas naliligo. Nakita ko na rin kung paano siya tuluan ng sipon, kung paano siya nagkasugat, paano siya magsumbong sa akin kung bakit siya pinalo ng kaniyang nanay. Siya ang first ko, first love, first hug, first date, hindi pa kami nagkikiss, nagkasundo kasi kami na sa kasal na naming dapat ibigay ang mga iyon,” ang pagkukwento ni Jeron.
Sa mga kwento ni Jeron ay halata kong mahal na mahal niya ang kaniyang girlfriend. Nakita ko sa mga mata niya na seryoso siya sa kaniyang girlfriend at mas lalo ko iyong napatunayan dahil sa huling sinabi ni Jeron.
“Siya ang first ko at sana siya na rin ang last,” ang sambit ni Jeron.
Gusto ko pa sanang tanungin si Jeron about sa kaniyang lovelife ngunit hindi iyon natuloy dahil pagdating namin sa school gate. Medyo matagal-tagal kasi kaming naglakad dahil nasa dulo pa ang Principal’s Office. At nang nakarating na kami sa Principal’s Office ay doon ko natanaw ang dalawang binata, si Julio at Josias.
“Oh may sasabay na pala sa iyo eh,” ang saad ni Jeron.
Hinampas ko siya at sabay sabing.
“Hindi naman ako ang hinihintay ng mga iyan,” ang aking sambit.
“Oh, tignan natin,” saad niya.
“Oh mga pare,” tawag niya kina Julio at Josias.
Lumapit siya sa dalawang ito habang ako naman ay humarap na ako sa direksyon pauwi sa amin at naglakad na. Hanggang sa…
“Samantha,” ang tawag ni Julio sa akin.
Narinig ko iyon ngunit minabuti kong hindi na lang iyon pansinin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nang biglang…
May humatak sa bag ko at iniharap ako sa kaniya.
Pagkaharap ko ay si Julio ang lalaking nasa aking harapan. Hawak niya pa rin ang aking mga balikat. Nakatitig lang ako sa kaniya ng ilang minuto. Nagulat kasi ako sa kaniyang ginawa.
“Hindi mo ba ko naririnig?” ang tanong ni Julio.
Hindi ako nakasagot dahil nakatitig lamang ako sa kaniya.
“Samantha,” ang muling tawag ni Julio.
“Ah,” gulat kong tanong.
“Sorry, hindi ko napansin,” ang aking saad.
Hawak-hawak niya pa rin ang aking mga balikat at magkalapit pa rin ang aming mga mukha.
“Ah iyong kamay mo,” saad ko.
Gulati tong inalis ang kaniyang mg kamay at pagkatapos ay nilayo din naming ang mukha naming sa isat-isa at umayos ng tayo.
“Ah bakit mo pala ko tinawag, pauwi na kasi ako eh,” ang aking sambit.
“Ah gusto ko lang ibigay ito,” ang sambit ni Julio.
Inilagay niya sa harap ang kaniyang bag at binuksan niya ang unang pocket noon. Nilabas niya ang isang bottled juice at isang cupcake.
Inabot niya iyon sa akin.
“Oh,” ang saad ni Julio.
Hindi ko iyon kinuha agad bagkos minabuti ko munang itanong kung para saan iyon.
“Ah, ah, ano, ano,” ang nauutal na tugon ni Julio.
“Ah, friendly goodluck lang,” saad ni Julio.
“Oh tanggapin mo na,” dali-dali iyong inabot sa akin ni Julio. “Wala namang meaning ito,” tanggapin mo na.
Kinuha ko na iyon dahil pilit niyang nilagay ang mga iyon sa aking mga palad. Ang isa ay hawak ang cupcake at ang isa naman ay hawak ang bottled juice.
“Thank you,” ang aking tanging naging tugon.
Iniharap niya ako sa direksyon ko pauwi at…
“Umuwi ka na at gabi na,” ang kaniyang paalala.
Nagpatuloy na ko sa paglalakad para makauwi na rin. Habang naglalakad ay tinignan ko ang binigay na pagkain ni Julio.
Sa bottled water ay may nakadikit na isang note.
“Good luck,” ang nakasaad dito na mayroon pang smiling face.
Sa pagkakabasa ko noon ay napangiti ako.
At hindi ko namalayan na ako ay nasa crossing na pala ako. Inangat ko ang aking ulo at doon ay natanaw ko si Josias. Nakatitig lamang ito sa akin at ako naman ay nag-iwas ng tingin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ngunit noong dadaan na ako sa kaniyang harap ay bigla itong nagsalita.
“Ginabi ka na ah,” ang sambit ni Josias habang nakasandal sa kaniyang motor.
Hindi koi yon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit noong ako ay hahakbang na ay agad niyang hinatak ang aking bag at hinarap ako sa kaniya.
Sa ginawa niya ring iyon ay hindi ko na alam kung ano ang meron ngayon dahil nakapagtataka ang kanilang mga ginagawa.
Pagkatapos noon ay sinambit niya ang mga salitang.
“Ihahatid na kita, malayo pa ang bahay niyo mula rito, gabi na,” ang sambit ni Julio.
Hindi ako sumagot at umalis na ako at nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit muli niyang hinatak ang aking bag.
“Gabi na,” ang muli niyang sambit.
Kinuha niya ang bottled juice at cupcake na akin pang hawak-hawak at inilagay iyon sa aking bag.
“Lagay moa ng iyong bag sa harap,” ang sambit ni Josias.
Hindi ko alam at ako naman ay sumunod. Inilagay ko ang bag ko sa harap at doon ay binuksan niya ang unang pocket at inilagay doon ah bottled water at ang juice. Pagkatapos ay binuksan niya ang saddlebag ng kaniyang motorcycle at inilabas ang helmet doon. Inabot niya iyon sa akin.
“Oh, isuot mo,” ang sambit ni Julio.
Kinuha ko iyon. Hindi ko alam kung paano iyo isusuot kaya naman ay inikot-ikot ko lamang iyon para mapuna kung paano iyon isusuot. Napansin iyon ni Josias kaya naman ay kinuha niya ang helmet at biglang isinuot sa akin.
Pagkatapos ay sumakay na siya sa kaniyang motor at pinaandar na iyon.
“Sakay na,” sambit ni Josias.
Sumakay ako at nasa isip ko noon na kaya lang ako magpapahatid dahil sobrang gabi na rin at kailangan ko pang magpahinga at ayusin kung ano ang mga kailangan bukas.
Nasa likod ako nakawak noon. Doon ako nakawak sa dulo ng upuan. Nahihiya kasi akong kumapit kay Josias at baka mabigyan niya iyon ng kulay. Nang biglang…
Nang biglang may pusang dumaan, at dahil doon ay biglang napapreno si Josias.
At noong napapreno siya ay napalapit ako sa kaniya at napakapit sa kaniya.
Nabigla ako noon at agad kong tinanggal ang aking mga kamay. Pagkatapos ay ibinalik ko ang aking kamay sa dulo ng upuan at doon muli humawak.
Nagpatuloy si Josias sa pagdadrive at walang kahit anong salita ang namutawi dito. Nakarating na kami sa kanto ng aming bahay.
“Dito na lamang,” ang saad ko.
Hindi sumagot si Josias at nagpatuloy lamang si Josias sa pagdadrive. Hanggang sa makarating na kami sa tapat ng aming bahay.
Bumaba ako sa kaniyang motor at agad na tinggal ang helmet. Bumaba din si Josias at binuksan ang kaniyang saddlebag.
Inabot ko ang helmet at sabay sabing, “ salamat,” ang aking sambit.
Kinuha iyon ni Josias at ipinasok ang helmet sa kaniyang saddlebag. Pagkatapos ay sumakay na siya sa kaniyang motor at pinaandar ang kaniyang motor.
Walang salita ang namutawi sa kaniyang mga labi kaya naman ay minabuti kong pumasok na lamang sa aming bahay. Nang biglang…
Tinawag ako ni Josias, inikot niya lamang pala ang kaniyang motor.
“Samantha,” ang tawag sa akin ni Julio.
Lumingon ako mula sa aking kinatatayuan.
“Oh?” ang aking saad.
“Good luck bukas,” ang sambit ni Josias.
Sa sinabing iyon ni Josias ay nagulat ako. Akala ko kasi ay hindi niya alam na mayroon kaming contest bukas lagi na lamang kasi itong absent kaya hindi ko ineexpect na magsasabi siya ng ganoong mga salita.
“Tha-thank you,” ang nauutal kong tugon.
Pagkatapos noon ay pinaandar niya na ang kaniyang motor at ako naman ay pumasok na ng aming bahay.
Pagkapasok ko ng aming bahay ay nadatnan ko si tatay na nasa bakuran at doon ay parang may tinatanaw. Doon kasi sa aming bakuran ay tanaw ang kalsada at doon ay kita ang mga naglalakad o kung sinuman ang mga dumadaan.
“Nandito na po ako,” ang aking sambit.
Napalingon sa akin si tatay at doon ay pumasok na siya sa aming bahay.
“Ah anak, sino ang naghatid sa iyo?” ang curious na tanong ni tatay.
“Ah, si Josias po ‘tay,” ang aking tugon.
“Josias?” ang sambit ni tatay na tila inaalala kung sino iyon.
“Iyong classmate ko po tatay,” ang aking tugon.
Minabuti kong linawin kay tatay kung ano ang relasyon na meron kami ni Josias.
“Ah, tay wala pong wala kung anong meron sa amin,” ang sambit ko.
Sa pagkakasabi ko noon ay tila naguluhan din ako sa kung ano ang nais kong sabihin.
“Ang ibig sabihin ko po ay walang namamagitan sa amin, ano po hindi kop o siya boyfriend, alam mo naman diba tay wala pa iyan sa aking isip,” pagpapaliwanag ko.
“Gabi na po kasi itay, naroon po siya sa crossing at doon ay sinabay niya lang po ako,” patuloy kong pagpapaliwanag.
“Oh ganoon ba anak. Sana ay huli na iyon at huwag na maulit pa alam mo naman delikado ang mag motor at kung ano isipin ng ating mga kapitbahay,” ang sambit ni tatay.
“Opo,” ang sagot ko.
Pumasok na ako sa aking kwarto at doon ay nagbihis na. Inilapag ko ang aking bag sa sahig at pagkatapos ay kumuha ng short at t-shirt sa aking cabinet. Pagkakuha ng aking mga damit ay bigla akong natulala at napaisip sa mga naging kilos ni Josias at Julio.
“Ano kayang mayroon? Bakit ganoon ang mga actions nila?” ang naiwang tanong sa aking isipan.