Ngunit hindi ko na iyon insip at nagfocus na lamang ako sa kung ano ang dapat isipin at iyon ay ang contest bukas. Kaya naman after ko makakuha ng aking damit ay lumabas na agad ako ng kwarto para magbihis na agad sa CR. Pumasok na ako sa CR at doon ay nagbihis. Pagkatapos magbihis ay lumaba na agad ako ng CR at dumiretso na sa kusina. Sa mesa naming ay may nakahain na at doon ay naupo na ako. Inusog ko ang upuan at doon ay naupo na para magsimula ng kumain. Naupo na rin si tatay at kami ay nagsimula ng magdasal. Pagkatapos magdasal ay nagsimula na kaming kumain ni tatay.
“Bukas na baa ng contest niyo anak?” ang tanong ni tatay.
“Opo tatay,” ang aking tugon.
“Good luck anak,” ang sambit ni tatay.
“Salamat po tatay,” ang tangi ko lamang sagot.
Napatingin sa akin si tatay at siya ay napatanong.
“May problema ba anak?” ang sambit ni tatay.
Nakatulala lang ako noon at hindi ko namalayan na kinakausap na pala ako ni tatay.
“Anak,” ang muling tawag ni tatay.
“Po?” ang aking tugon.
“May problema ba?” ang sambit ni tatay.
“A-ah, wa-wala po,” ang nauutal kong tugon.
“Naku anak, kilalan-kilala kita. Alam kong may problema ka. Huwag ka mag-alala, makikinig si tatay,” ang sambit ni tatay.
“Ah, iniisip ko lamang po ang contest para bukas,” ang aking tugon.
“Bakit ka naman kakabahan?” ang naging sagot ni tatay.
“Ah, first time ko po kasing icontest sa mga ganito tatay,” ang aking sagot.
Ibinababa ni tatay ang kaniyang kutsara at tinidor. At doon ay maayos siyang umupo. At doon ay masinsinan niya akong kinausap.
“Anak, bakit ka naman kakabahan?” ang kaniyang sambit.
“Huwag kang kakabahan anak. Bakit kakabahan? Nagtraining ka naman nang maayos. Alam ko naman na inaayos mo ang iyong bawat sinusulat. Kumbaga anak, sasabak ka sa gyera na may sandata,” paliwanag ni tatay.
“Natural lang na kabahan ka anak dahil nga first time mo ito. Ngunit huwag mo hayaan na lamunin ka ng iyong kaba dahil baka mawala ka sa iyong focus. Kaya ang dapat mong gawin ngayon ay alisin moa ng iyong kaba at magfocus ka na lamang sa contest,” dagdag pa ni tatay.
Mataim naman akong nakikinig noon kay tatay.
“Salamat po tatay. Huwag po kayo mag-alala hindi na po ako kakabahan,” ang aking sambit.
Dahil sa nasabing iyon ni tatay ay kahit papaano ay nawala ang aking kaba. Kahit papaano rin ay medyo napanatag ang aking loob. Pagkatapos kumain ay tumayo na ako at ililigpit ko na sana ang pinagkainan ngunit pinigilan ako ni tatay.
“Ako na ang bahala diyan, anak,” ang sambit ni tatay.
“Sigurado po kayo?” ang aking naging tugon.
“Magpahinga ka na anak at ayusin mo ang dapat mong kailanganin bukas,” sambit ni tatay.
“Sige po tay. Huwag kayo mag-alala tatay sa mga susunod na raw ay ako na po ang bahala maghugas ng plato,” sagot ko.
Napangiti si tatay sa aking sinabi.
“Ano ka ba anak huwag kang mag-alala, paghuhugas lang iyan ng plato, napakadali lang niyan,” ang sambit ni tatay.
Nag thumbs-up ako kay tatay bilang aking tugon.
“The best ka talaga tay, pang all-around ka,” ang aking tugon.
Pumasok na ako ng CR at doon ay naghilamos. Pagkatapos maghilamos ay pumasok na ako ng kwarto. Hinanger ko lamang ang ginamit kong tuwalya at isinampay iyon. Nahiga na ako at hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kisame.
“Hayss,” ang aking buntong-hininga at doon ako nahimasmasan na ilang minuto na pala akong nakatitig sa kisame.
Pagkatapos noon ay nagdasal na lamang ako.
Ang dasal ko lamang noon ay sana ay maging maayos ang magiging contest bukas. At tuluyan na akong nakatulog.
Tumunog ang aking alarm ng 5 am. Maaga na akong nagising para na din maagang makapunta sa school dahil nga sabi ni ma’am ay dapat maging maaga ako para sa mga kailangan pang ayusin. Pagkagising ko ay inayos ko na ang mga dapat kong kailanganin. Hindi ko na kasi iyon naayos ng gabing iyon. Inalis ko na muna ang mga gamit sa aking bag para gumaan ang aking dadalhin. Hindi naman klase ang aking pupuntahan kaya minabuti ko munang alisin ang mga iyon at ilagay lamang ang mga aking kailangan sa loob ng dalawang araw. Pumilas ako ng yellow pad at inilagay iyon sa aking bag. Lumabas ako ng kwarto para kunin ang dalawang Mongol Pencil na nasa cabinet. Doon kasi nakalagay ang aking mga school supplies. Tinasahan ko ang dalawang iyon at kumuha rin ako ng bagong ballpen at pambura. Nilagay ko ang mga iyon sa pencil case. Papasok na sana ako ng kwarto ng napansin kong nagising na si tatay, tumayo ito sa pagkakahiga.
“Ang aga mo naman nagising anak,” ang sambit ni tatay.
“Ah, kailangan ko po maging maaga may mga kailangan pa po kaisng ayusin sa school,” ang aking sagot.
Mabilis na tumayo si tatay.
“Sige at magsasaing na ako,” ang sambit ni tatay.
“Ah, huwag na po tay, sagot naman po nila ang lunch namin,” ang aking tugon.
“Ah ganun ba anak, sige anak, ayusin mo na ang mga kailangan mo,” ang paalala ni tatay.
Pumasok na ako ng aking kwarto at doon ay patuloy na inayos ang mga gamit na aking kailangan.
Habang pinapasok ko nga ang mga kakailanganin ko ay nakita ko ang cupcake at bottled juice na binigay ni Julio. Nakadikit pa rin ang note roon na nagsasad ng “Good luck!”. Kinuha ko iyon at tinanggal ang note na nakalagay doon at pagkatapos ay idinikit iyon sa isa aking mga libro. Pagkatapos ay ipinasok ko na ang snack sa aking bag.
Pagkatapos ay inasikaso ko naman ang aking sarili. Paglabas ko ay sakto pinaplantsa na ni tatay ang aking uniform. Naligo na ako at makatapos ang ilang minute ay handa na ako para pumunta ng school.
Magpapaalam na sana ako kay tatay ng bigla niya akong tawagin.
“Samantha,” ang tawag ni tatay.
Inabot niya ang Tupperware na may naglalaman ng tinapay.
“Salamat po tatay,” ang aking sambit.
Ipinasok koi yon sa aking bag. Akala ko nga ay walang hinanda para sa akin si tatay, kaya nagulat na lamang ako noong may inabot siya sa akin.
Hinawakan ako ni tatay sa balikat sabay sabing, “huwag kang kabahan anak.”
Tanging tango na lamang ang aking nasagot. Sa totoo naman ay hindi na ganun kalalang kaba ang aking nararamdaman.
“Alis na po ako tatay,” pagpapaalam ko.
Tuluyan na akong lumabas ng aming bahay. Naglakad na papunta sa aming school medyo nakararamdam pa nga ako ng lamig noon dahil sobrang aga pa. Hindi ko na rin kasabay noon si Anne dahil panigurado ay baka mas nauna pa siya sa akin may kailangan pa kasi siyang ayusin sa canteen.
Matapos ang ilang minuto ay nakarating na ko sa aming school at napasabi na lamang ako ng, “ Ito na to.”