Nang makapasok na ako ng school ay agad na akong tumungo papunta sa Journalism Room. Doon ay nadatnan ko si ma’am ang aming SPA na nag-aayos ng aming mga kailangan.
“Oh nariyan ka na pala, anak,” ang wika ni ma’am.
“Ah opo,” ang aking sambit habang tinatanggal ang aking bag at inilapag iyon sa isa sa mga upuan.
Tinulungan ko na si ma’am ayusin ang aming mga kailangan. Tumungo ako sa teacher’s desk para ayusin an gaming I.D. Inisa-isa kong tignan kung kumpleto na baa ng mga ito. Para agad na makapagprint pa kung hindi man. Binilang ko ang mga iyon at noong nasa last na ako ay nasigurado ko na kumpleto na ang mga ito. Nilagay ko iyon sa isang box ng C2 upang hindi na magkakahiwalay pa.
Pagkatapos ayusin ang mga ID ay inayos ko naman ang aming kailangan para sa Jingle. Tumungo ako sa aking bag para kunin ang listahan doon. Nilabas ko ang listahan at muling chineck kung ano pa ang mga kailangan. Naglakad-lakad ako habang binabanggit ang mga kailangan at chinecheck ang mga ito. Noong nasa last na ako ay nasigurado na akong kumpleto na ang mga ito dahil ang nasa last na nasa listahan ay ang beatbox at ito ay magmumula kay Jeron.
Noong tapos na akong ayusin ang mga kailangan sa Jingle ay bigla akong tinawag ni ma’am.
“Sam,” ang tawag ni ma’am.
“Po?” ang aking sagot.
“Nag text kasi iyong mga tao mula sa canteen ang sabi ay may mga natapos na raw na lutuin na lunch. Maari bang pakilagay ang mga iyon sa sasakyan anak. Iyong school van ang gagamit para doon para mamaya ay idedeliver na lamang,” ang sambit ni ma’am.
“Opo ma’am. Ako na po ang bahala,” ang saad ko.
“Pasensiya na anak, inaayos ko pa kasi ang listahan ng inyong mga pangalan,” ang pagpapasensiya ni ma’am.
“Okay lang po ma’am. Naroon na po ba ng van ma’am?” ang aking tanong.
“Naroon na daw anak,” ang tugon ni ma’am.
“Sige po ma’am. Pupunta na po ako sa canteen,” ang aking saad.
“Sige anak.”
Tumungo na ako sa canteen at pagkadating ko roon ay…
“Hoy Sam, bakit ang aga mo?” ang bungad na tanong ni Anne.
“Eh diba laban na nga naming ng Journ ngayon,” ang aking tugon.
“Oo nga eh, ayan oh nakaayos na iyong iba,” ang sambit ni Anne habang tinuturo ang mgaa pagkain na nakalagay sa styrofoam.
Ako naman ay tumatango lamang habang iniikot ang aking panangin sa mga nakastyrofoam na pagkain.
Pagkatapos ay inayos ko na ang mga ito. Dahil kailangan pa itong bilangin na kakasya para sa amin kung ilan ang bilang ng mga journalist.
“Ah, Anne mayroon bang malaking na plastic ditto sa canteen?” ang aking tanong.
“Ah, saglit ihahanap kita,” ang sambit ni Anne.
“Salamat, Anne.”
Naghanap si Anne ng plastic at ako naman ay nag-umpisa na magbilang.
“Ten, Eleven, Eig…ito Samantha ang plastic,” sambit ni Anne habang inaabot sa akin ang isang transparent na plastic na parang pinaglagyan ng mga chirchirya na binili.
“Thank you, Anne,” ang tugon ko habang kinukuha ang plastic.
Inasa-isa ko ng nilagay sa plastic ang mga pagkain. Maingat ko silang isa-isang pinasok at sinigurado ko na hindi sila matatapon. Pagkatapos ilagay ng unang batch ay ang bilang nito ay bente piraso. Bale may kulang pang twenty-one piraso kasama na si ma’am doon at ang tatlong driver. Ang bilin kasi ni ma’am ay isama sila sa magiging bilang ng pagkain.
“Ah Sam, ito naman iyong bottled water niyo,” ang sambit ni Anne habang tinuturo ang dalawang bundle ng bottled water.
“Ah, Anne,” ang tawag. Dahil sa bottled water ay naalala ko tuloy ang bottled juice na ibinigay sa akin ni Julio na mayroon pang nakalagay na note.
“Oh,” ang tugon ni Anne.
“Ah, wala-wala,” ang aking saad.
“Okay. Diyan ka lang huh, tutulong lang ako sa paghihiwa para sa mga ulam mamaya. Tawagin mo lamang ako kapag may kailangan ka,” ang paalala ni Anne.
“Sige, salamat,” ang aking sambit.
Gusto ko sana ikwento kay Anne kung ano ang ginawa ni Julio at Josias kagabi, ngunit minabuti ko na huwag muna ngayon dahil may dapat na pagtuunan ng pansin ang dapat i-focus ay ang aming contest.
Lumabas ako ng canteen at tinanaw kung nariyan na ba van. Tumanaw ako sa covered court sa dulong parter ng school ngunit wala akong nakitang nakaparadang van. Sumilip ako sa bandang unahan na parte ng school ngunit wala ring van na nakaparada doon.
“Anong ginagawa mo riyan?” ang tanong ni Anne.
“Tinitignan ko kasi iyong van na magdadala raw ng pagkain. Eh kaso parang wala pa naman,” ang sambit ko habang naglalakad pabalik sa canteen. Pumasok ako ng canteen at doon ay binuhat ko ang dalawang bundle ng tubig para ilapit sa mga nakaplastic na pagkain.
Pagkatapos noon ay ibinilin ko na muna iyon kay Anne.
“Anne, iwan ko muna ang mga ito ah, aakyat muna ako,” pagpapaalam ko.
“Sige, ako na ang bahala riyan,” ang sambit ni Anne.
Tumungo na ako sa Journalism Room. Pagkadating ko ay naroon na din pala si Jeron.
“Oh nandito ka na pala,” pagbati ko.
“Oo, ito na nga pala ang kailangan natin,” ang sambit niya habang binubuhat ang beatbox.
“Very good,” ang aking sambit.
Nilapag niya iyon kung saan nakapwesto ang mga kailangan naming dalhin.
“Ay Sam, by the way, ano nga pala iyong ganap ng dala…?” hindi pa natatapos si Jeron sa kaniyang sasabihin ay agad ko na siyang kinurot.
“Huwag na muna nating pag-usapan yan huh?” ang aking sambit habang mas dinidiinan ang kurot ko sa kaniya.
“Oo,oo” ang kaniyang tugon.
“Very good, very good,” ang aking sambit.
“Ma’am, tinignan ko po iyong covered court pati po iyong malapit sa school gate pero wala po akong natanaw na nakaparadang van,” pagbabalita ko kay ma’am.
“Ah ganun ba. Sige, itetext ko na lamang iyong mga tao sa Principal’s Office,” ang sambit ni ma’am.
“Sige po,” ang aking tugon.
“May kailangan pa po bang ayusin ma’am?” ang aking tanong.
“Aaaah,” wika ni ma’am habang iniikot ang kaniyang tingin sa paligid.
“Ah, tulungan niyo na lang ako ayusin ang mga kailangan ni Arianne anak para sa pageant niya bukas,” ang sambit ni Ma’am.
Tumungo kami sa kabilang room at binuksan iyon ni ma’am. Doon na kasi nakalagay lahat ng kailangan ni Arianne kumbaga roon na naipon ang lahat ng kanyang mga kailangan dahil simula pa noong una ay doon na siya nagpapractice.
Pagkapasok namin sa classroom ay nadatnan namin ang mga custome na gagamitin ni Anne. Naroon din ang kaniyang gown na mula sa recycled na materials na pinagpuyatan tapusin ng mga guro sa MAPEH Department.
Bagay na bagay ang kulay ng gown na iyon dahil may kaputian si Arianne. Mas lulutang ang kaniyang maputing balat dahil sa kulay ng kaniyang gown.
“Ang ganda naman po ng gown ni Arianne, ma’am,” ang aking sambit.
“Oo nga, nagulat nga ko sa kinalabasan ng mga ibinigay nating materials,” ang sambit ni ma’am na kita ang ngiti sa kaniyang mga mukha.
Pagkatapos noon ay chineck naming ang mga custome ni Arianne. Pinagsama-sama naming ang mga kaniyang gagamitin sa talent portion, sa gown, at sa question and answer.
“Maayos na po ang lahat ma’am,” ang aking sambit.
Si Jeron naman ay dinodouble-check din ang mga kakailanganin ni Arianne.
“Opo ma’am, kumpleto at nakaayos na po ang lahat,” sambit ni Jeron.
Pagkatapos noon ay inutusan ako ni ma’am na bumalik sa canteen.
“Anak, pwedeng padouble check kung nakahanda na ang lunch natin,” ang sambit ni ma’am.
“Opo ma’am,” ang aking tugon.
Tumungo na ako agad at pagkalabas ko ng classroom ay narinig ko na lamang na sumigaw si Jeron.
“Sama ako,” ang kaniyang sigaw.
Humabol siya at habang kami ay bumababa ay may nakakasalubong na kaming mga journalist na paakyat na ng Journalism Room. Dahil doon ay napatingin ako sa aking relo.
“6:20 am na pala,” ang aking wika.
Napatingin si Jeron sa kaniyang relo at doon ay napansin niya rin ang oras.
“Hala oo nga, hindi na natin namalayan ang oras,” ang sambit ni Jeron.
Pagkadating sa canteen ay agad kong tinanong si Anne kung kumpleto na ba ang mga nakahandang lunch.
“Ah, Anne, okay na ba ang mga ito?” ang aking tanong.
“Ay oo, okay na iyang mga iyan. Diba ang bilang ay forty-one?” ang sambit ni Anne.
“Twenty iyong unang batch at ito naman ay twenty-one kaya forty-one lahat,” dagdag pa ni Anne habang tinuturo ang mga naka Styrofoam na pagkain.
“Aba Anne ang galing mo sa math ah,”pagbibirong sambit ni Jeron.
“Loko ka talaga,” sambit ko sabay hampas kay Jeron.
“Tulungan mo na nga lang ako rito,” dagdag ko pa.
Muli kong binilang ang second batch.
“Nineteen, Twenty,Tweny-one…Complete,” ang aking sambit.
Pagkatapos noon ay isinama ko na rin iyon sa mga nakaplastic at minabuti na hindi sila matatapon.
“Ayan maayos na lahat,” ang sambit ni Jeron.
“Saan ba isasakay ang mga iyan?” tanong ni Jeron.
“Maglalakad yang mga yan mag-isa,” pagbibiro ko.
“Tsk, corny ng joke mo huh,” ang sambit ni Jeron.
“Wala kang suporta,” ang aking tugon.
Habang nag-aasaran kami ay may dumaan na van.
“Iyan na ata,” ang aking sambit.
Lumabas ako ng canteen para siguraduhin na iyon nga ang pagsasakyan ng aming pagkain.
Lumapit ko sa driver para magtanong.
“Ito po ba iyong magdadala ng pagkain para sa mga journalist,” ang aking tanong.
“Ay hindi ako iyon iha, baka iyong kasunod ko,” ang tugon ng driver.
Pagkasabi niya noon ay mayroong isang van ang dumating.
Lumapit ako sa driver upang kompirmahin ang nasabing impormasyon.
“Ito po ba iyong van na magdadala ng pagkain ng journalist?” ang aking tanong.
“Ay oo iha,” tugon ng driver.
Sumigaw ako at tinawag si Jeron.
“Jeron, ito raw!” ang aking sigaw.
“Sige, bubuhatin ko na papunta riyan!” ang sigaw ni Jeron.
“Nakahanda na ba?” ang sambit ng driver habang bumaba ng van.
“Opo,” ang aking sambit.
Pumunta rin ang driver sa canteen para tumulong magbuhat.
Binuhat ni Jeron at ng driver ang pagkain at dalawang bundle ng tubig.
“Pakilagay na lang diyan iho, para hindi matapon,” ang sambit ng driver.
“Sige po,” tugon ni Jeron.
Pumasok na ulit ang driver sa van.
“Sasabay na lamang ako sa pag-alis niyo. Susundan ko na lang kayo,” ang sambit ng driver.
“Sige po, aalis na rin po kami ng 7 am,” aking tugon.
“Sige, 6:45 naman na,” ang saad ng driver.
“Sige po, thank you po,” ang aking sambit.
Umakyat na kami ni Jeron sa taas Journalism Room at pagkadating naming ay halos kumpleto na ang lahat. Magkakasama na ang mga magkakaparehas ng category.
“Sino pa ang kulang?” ang tanong ni ma’am.
Chineck ng bawat lead editor ang kanilang mga kasama.
“Five, four, three, two, one,” at sabay-sabay sumigaw ang lahat ng “wala na po.”
Kinuha ni ma’am ang box ng C2 kung saan nakalagay ang aming mga ID.
Isa-isa niya kaming tinawag para ibigay an gaming ID.
Pagkatapsos ibigay an gaming ID ay nagsimula na kaming magdasal.
Pagkatapos magdasal ay muling nagsalita si ma’am.
“Mga anak, matagal nating pinaghandaan ang araw na ito. Gusto ko ibigay niyo ang best niyo pero gusto ko rin na mag-enjoy kayo. Gusto ko maging memorable ang contest na ito para sa inyo,” sambit ni ma’am.
“Lagi niyong tandaan ang aking sinasabi na ngayon pa lamang ay proud na ako sa inyong lahat. Congratulations and Goodluck!” dagdag pa ni ma’am.
“Tara na! Siguraduhin niyong wala na kayong nakalimutan huh,” paalala ni ma’am.
Lumabas na kami ng classroom at bumababa na. Nahati kami sa dalawang grupo dahil hindi kami kasyang lahat sa isang jeep.
Magkatabi kami ni Jeron at habang nasa byahe ay hindi ko alam kung bakit may kaba akong nararamdaman. Hindi ko tuloy naiwasang mapatanong sa kaniya.
“Hoy Jeron,” ang tawag ko sa kaniya habang siya ay papikit-pikit na.
“Oh bakit?” ang tugon nito.
“Kinakabahan ka ba?” ang aking tanong.
Dahil sa aking tanong ay umayos ito ng upo.
“Ako?” kaniyang tanong.
“Oo, kinakabahan ka ba?” ang muli kong tanong.
“Hindi naman,” ang kaniyang sambit.
“Oh, siguro dahil sanay ka na sa contest na ganito,” ang aking saad.
“Siguro?” saad niya.
“Bakit kinakabahan ka ba?” ang tanong nito.
“A-ah, slight?” saad ko.
Tinapik niya ang aking likod.
“Ano ka ba! Huwag kang kabahan,” sambit niya.
“Kita ko naman kung gaano mo sinipagan at ginalingan sa training. Huwag ka mag-alala hindi ka naman sasabak sa gyera ng walang sandata eh. Enjoyin mo lang,” dagdag pa ni Jeron.
Tila natauhan ako sa kaniyang mga sinabi. Dahil doon ay napanatag at nawala ang aking kaba.
“Sige eenjoyin ko na lang, salamat,” ang saad ko.
Pagdating namin sa school ang school ng, San Vicente National High School ay namangha ako sa dami ng tao. Pagkapasok doon ay unang makikita ang kanilang covered court at doon ay nakita ko ang lahat ng journalist na may kaniya-kaniyang suot na uniform. Dumiretso muna kami sa aming room kung saan kami nakaassign. Nang makarating kami roon ay ibinababa naming an gaming mga gamit. Pagkatapos ayusin an gaming mga gamit ay pumunta ako sa corridor at doon ay tanaw ko sa baba ang ibat-ibang school at ang ibat-ibang kulay ng uniform. At ang higit sa lahat tanaw ko ang lahat ng magagaling na journalist.
Huminga ako ng malalim at napabulong ng, “Ito na iyon. Let the Battle Begin.”