CHAPTER 25: SATURDAY

2354 Words
Nanatili lang si Anne sa aming bahay ng ilang oras. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay-bagay. “Uuwi na ako, Samantha,” pagpapaalam ni Anne. “Sige, ang galing mo talaga, isinabay mo sa uwian namin sa school ang pag-uwi mo ngayon galing sa amin,” sambit ko habang tumatawa. “Ano ka ba, alam mo naman pagagalitan ako ni nanay kapag nalaman na hindi ako pumasok,” tugon niya. “Naku, ipagdasal mo lang na huwag kang isumbong ni tatay,” sambit ko. “Hindi ‘yan, wala naman siya eh. Nasaan nga pala si Tito, Samantha?” usisa ni Anne. “Naroon sa bukid. Nagluto na rin naman si tatay kaya pumasok na rin siya ngayong araw. Alam mo naman si tatay, iniisip na sayang ang kikitain niya kapag hindi siya nakapasok sa trabaho,” tugon ko. “Oh, paano ‘yan, eh diba Saturday na bukas ‘yong nurse, sino nga ulit ‘yon?” sambit ni Anne. “Si Ate Joana,” sambit ko. “Nasabi naman na ni tatay kay Ate Joana na hahabol na lang siya kung hindi busy sa bukid bukas. Pero itatry ko pa rin pilitin si tatay,” dagdag ko pa. “Sige, balitaan mo ko bukas ah. Pupunta na lang ako rito para makibalita,” tugon ni Anne. “Naku, magpaalam ka na pupunta ka rito, huh,” paalala ko kay Anne. “Oo naman nuh,” sambit ni Anne. “Oh siya, umuwi ka na at pagabi na rin,” tugon ko. “Sige, mag-ingat ka ah, sumigaw ka na lang kapag kailangan mo ng tulong para marinig ka ng mga kapitbahay,” paalala ni Anne. “Ano ka ba, wala naman akong gagawin kaya hindi ko na kailangan sumigaw. Nakaupo nga lang ako rito oh,” sambit ko. “Oh sige, babye na. Pupunta ako rito bukas huh,” tugon ni Anne. “Sige, mag-iingat ka.” Umalis na si Anne at ako na lamang ang naiwan sa aming bahay. Wala naman na akong ibang gagawin dahil nakapagluto na si tatay. Sinira ko muna ang pinto dahil ako ay matutulog. Pinilit kong maglakad at ayun nga naramdaman ko ang masakit na kirot ng aking sugat. Isinara ko ang pinto at bumalik na sa kwarto. Natulog na muna ako at hinintay ko na lang ang pag-uwi ni tatay. Hindi ko namalayan na naging mahimbing ang aking pagtulog. Nagising na lamang ako dahil sa mga sigaw na nagmumula sa labas ng bahay. “Samantha!” tawag ng tao na nasa labas. “Samantha!” muli nitong tawag. Kilala ko ang boses na ‘yon. Boses ‘yon ni tatay. Siguro ay hindi siya makapasok dahil wala siyang susi. Pilit akong tumayo. “Aray,” sambit ko. Tumayo ako at ika-ikang naglakad. Kinuha ko ang susi na nasa ibabaw ng aming TV. Tumungo na ako sa aming pintuan. “Anak, paano mo nasira ito? hindi ba kumikirot ang sugat mo?” sambit ni tatay at kita ko ang pag aalala sa kanyang mukha. “Ah, kumikirot po ‘tay, isinarado ko po kasi muna ‘tay dahil natulog po ako sa kwarto,” paliwanag ko. “Naku anak, sa susunod ay sumigaw ka na lamang para matulungan ka ng mga kapitbahay natin,” tugon ni tatay. “Opo ‘tay,” sambit ko. Nabuksan ko na ang gate at inalalayan ako ni tatay na pumasok sa bahay. Naupo ako sa upuan na nasa sala. Si tatay naman ay nilabhan agad ang mga mapuputik nyang damit. “Tay, kamusta po sa bukid?” usisa ko. “Mabuti naman anak, medyo busy ngayong araw,” tugon ni tatay. “Tay, bukas po ah, Saturday na po,” sambit ko. “Oo, anak, sabi ko naman sayo diba basta hindi busy sa bukid ay hahabol ako. Nakausap ko naman na si Joana,” paliwanag ni tatay. “Tay hindi po ba pwede na huwag muna po kayo pumasok sa araw na ‘yon?” usisa ko. “Alam mo naman anak, sayang ang kikitain ko sa araw na ‘yon,” paliwanag ni tatay. “At saka may dapat tayo pag-ipunan dahil babayaran pa natin si Ronaldo Montero,” dagdag pa ni tatay. “Sige po ‘tay,” ang aking naging tugon. Feeling ko tuloy ay naging problema pa ako para kay tatay. Kung bakit ba kasi ako nasagasaan. Bakit ba kasi ang lalim ng iniisip ko ng araw na ‘yon. Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa aking mga mata. Pakiramdam ko ay dahil sa ginawa ko o nangyari sa akin ay nagkaroon kami ng bagong problema ni tatay. Pinunasan ko agad ang aking luha dahil alam ko na hindi gugustuhin ni tatay na makita akong umiiyak sa ganoong dahilan. Sa naging tugon ni tatay ay napaisip ako. Sana ay makita ko na si Ronaldo Montero. Pagtatrabahuhan ko na lamang ang pera na ipinambayad niya sa hospital bill ko. Ayokong tumanda si tatay dahil sa kakaipon para pambayad kay Ronaldo Montero. Maliit lamang ang sahod sa bukid kaya alam kong aabutin ng ilang taon bago maging sapat ang ipon ni tatay pambayad. Sana ay makilala ko na si Ronaldo Montero at pakikiusapan ko siya na tatrabahuhin ko na lamang ang pera. Pakiramdam ko ay mayaman sila, inisip ko na maari nila kong maging katulong. Magtapos maglaba ni tatay ay naghapunan na kami. Naghugas siya ng plato at ako naman ay nagpahinga na sa kwarto. Lumipas na naman ang gabi. Pagkahiga ko sa banig ay ilang minuto muna akong nagisip. Sa totoo lang natatakot akong sumapit ang bukas. Hindi ko kasi alam kung anong kalagayan ni tatay. Natatakot ako na baka mayroon na siyang malubhang sakit. Natatakot ako na baka kaming dalawa ay maging pabigat sa isa’t-isa. Natatakot ako na baka pati siya ay bigla rin mawala. Pero sabi nga, lahat ng takot ay dapat kinakaharap. At isa sa aking mga takot ay haharapin ko na kinabukasan. Ipinagdasal ko na sana ay mawala na itong takot na ito at mapalitan sana ng kapanatagan. Natulog na ako at ganoon din si tatay dahil naririnig ko na tunog ng kanyang hilik na nagmumula sa sala. Sumapit ang umaga. Malakas ang buhos ng ulan. Naririnig ko ang agos ng tubig mula sa aming bubong. Tumingin ako sa bintana na nasa aking kwarto. Madilim sa labas at tanging mga umaagos lang na tubig sa bintana ang aking nakikita. Naging malamig ang umaga na iyon dahil sa malakas na buhos ng ulan. “Tay,” sigaw ko. Walang sumasagot kaya naman muli akong sumigaw. “Tay,” muli kong sigaw. Wala pa rin sumasagot. Dahil doon ay nakapag desisyon ako na gumapang palabas. Ayoko rin naman pilitin tumayo dahil kikirot na naman ang aking sugat at natatakot ako na baka matanggal ang tahi nito. Gumapang ako palapit ng pinto, binuksan ang pinto at lumabas ng kwarto. Pagtingin ko ay wala si tatay. Medyo basa na rin ang sala namin dahil nakabukas ang pinto at mga bintana. Siguro ay maagang umalis si tatay at hindi naman niya inaasahan na bubuhos nang malakas ang ulan kaya hindi niya na isinara ang pinto at mga bintana. Gumapang ako papuntang sala para isara ang pinto. Isinara ko ang pinto pagkatapos ay sumampa ako sa upuan para kumuha ng pwersa para buhatin ang aking sarili. Binuhat ko ang aking sarili patungo sa upuan at isinara ang mga bintana. Medyo nababasa nga ako habang isinasara ang mga bintana. Pagkatapos isara ang bintana ay gumapang na ako pababa ng upuan. Sinubukan kong pilitin na tumayo ngunit hindi ko talaga kaya. “Aray,” ang tanging nagiging reaction ko kapag pinipilit kong tumayo. Nararamdaman ko ang kirot ng aking sugat. Kaya minabuti kong gumapang na lamang papunta ng kusina para kumuha ng mga basahan pamunas sa sala. Tumungo ako sa kusina. Binuksan ang cabinet at kumuha roon ng mga basahan. Kumuha ako ng apat na basahan. Pagkatapos ay tumungo ako muli sa sala. Sinimulan kong punasan ang mga tubig sa sala. Ginamit ko ang aking mga kamay. Habang ang mga paa ko naman ay nakaantambay para sa paglipat ko ng pwesto. Pinunasan ko ang ilalim ng upuan, ang ilalim ng mesa at ang sahig. Mabuti na lang at medyo maaga ako nagising, siguro kung tinanghali ako ng gising baka hindi lang sa sala inabot ang tubig baka umabot pa ito sa aming kusina. Mabuti na lamang din ay nakasara ang pinto sa likod dahil kung hindi ay baka basa rin sa kusina. Matapos magpunas ay iniwan ko na lang sa sala ang mga basahan, kumikirot na kasi masyado ang aking sugat. Makalipas ang ilang oras ay dumating si tatay. Malakas ang ulan noon kaya ikinagulat ko na umuwi si tatay. Pagpasok ni tatay ay basang-basa ito. Nadatnan niya ako sa sahig. “Anak, bakit ka nariyan sa sahig?” nagtatakang tanong ni tatay. “Tay, pinunasan ko po kasi ‘yong mga tubig dito. Umaanggi po kasi ang ulan dahil bukas po ang pinto at bintana. “Hala anak, pasensya ka na anak at hindi ko naisara. Hindi ko kasi inaasahan na uulan ng malakas ngayon,” sambit ni tatay. “Okay lang ‘tay, wala naman po nakaaalam kung kailan bubuhos ang ulan,” tugon ko. Niligpit agad ni tatay ang mga basahan. Pinigaan niya iyon sa banyo, hinanger at sinampay sa loob ng bahay. Pagkatapos ay inalalayan niya ako upang makaupo sa upuan. “Tay, maligo na po kayo agad at baka po magkasakit kayo,” sambit ko. “Oo anak,” tugon ni tatay. “Maaga ako umuwi dahil wala rin naman magagawa sa bukid dahil sa sobrang lakas ng ulan,” dagdag pa ni tatay. “Tay, Sabado po ngayon, baka po pumunta si Ate Joana,” pagpapaalala ko kay tatay. “Oo anak, nakasalubong ko siya kanina at ang sabi niya’y pupunta na lamang siya rito,” tugon ni tatay. Sa sinabi na ‘yon ni tatay ay nakaramdam ako ng takot. Dahil ngayong araw ko na talaga malalaman kung kamusta ang kalagayan ni tatay. Pero dapat kong kaharapin ito. Habang naliligo si tatay ay ako naman ay nagdadasal na sana walang masamang resulta sa gagawin na check up ni Ate Joana kay tatay. Tumingin ako sa labas at medyo tumila na ang ulan. Baka ilang minuto na lamang ay dumating na si Ate Joana. Pagkatapos maligo ni tatay ay naglinis siya ng bahay. “Baka dumating na si Joana, nakahihiya naman kung makalat ang ating bahay,” sambit ni tatay. Naglinis si tatay ng sala. Tinuyo ang mga natira pang basa at pagkatapos na siguraduhin na ito ay tuyo na, sinimulan na ni tatay magwalis. Makalipas ang ilang minuto at oras na para dustpanin na ni tatay ang mga kalat ay bigla namang dumating si ate JJoana. “Kuya,” tawag ni Ate Joana mula sa labas ng bahay. “Oh, Joana, nariyan ka na pala. Halina't pumasok ka,” binuksan ni tatay ang pinto. Pumasok si Ate Joana sa bahay. “Maupo ka muna rito,” sambit ni tatay. Naupo si Ate Joana sa aking tabi. “Nabalitaan ko kung anong nangyari sayo, Samantha. Maayos na ba ang pakiramdam mo?” sambit ni Ate Joana. “Okay naman na po ate,” tugon ko. “Patingin nga ako ng sugat mo,” sambit ni Ate Joana. Inilapit ko ang aking sugat sa direksyon ni Ate Joana. Nakita kong nagulat siya. “May kalakihan pala ang sugat mo. Naku, kung buhay pa ang nanay mo ay pagagalitan ka noon dahil sa laki ng sugat na tinamo mo,” sambit ni Ate Joana. Natuwa ako dahil naalala pa ni Ate Joana na ayaw ni nanay na ako ay magkasugat. “Masakit pa ba?” tanong ni Ate Joana. “Kapag malamig po ate, kumikirot po siya,” tugon ko. “Ganoon talaga, tawagin mo lang ako kapag sumasakit ah, basta wala ako sa duty pupuntahan kita rito,’ sambit ni Ate Joana. “Thank you po ate.” “Joana, anong gusto mong inumin?” sambit ni tatay. “Tubig na lang po, kuya,” tugon ni Ate Joana. Tumungo si tatay sa sala ng may dalang isang baso ng tubig. Inaabot niya iyon kay Ate Joana. “Salamat po,” tugon ni ate. “Kuya, pagod po ba kayo ngayong araw?” tanong ni Ate Joana. “Hindi naman Joana, maaga nga akong umuwi dahil walang matrabaho kanina sa bukid dahil sa sobrang lakas ng ulan,” tugon ni tatay. Sige po simulan na natin iexamin kayo, kuya, para malaman kung ano po ang kalagayan niyo. Kinuha ni tatay ang upuan sa kusina at dinala iyon sa sala. Pwumesto siya sa harap ni Ate Joana. Nag alcohol si Ate Joana. Pagtapos ay nilabas niya ang kanyang BP measurement machine. Sinimulan niyang kunin ang BP ni tatay. Pagtingin niya ay, “120 over 80, normal naman kuya,” sambit ni Ate Joana. Pagkatapos kunin ang BP ay nilabas na ni Ate Joana ang kanyang stethoscope. Pinatalikod niya si tatay, tinaas ang damit ni tatay at nilapat niya sa katawan ni tatay ang stethoscope. Pinagmamasdan ko si Ate Joana, base sa kanyang reaction ay mukha namang walang problema. Pagtapos ay humarap si tatay. Noong bandang dibdib na ang ineexamin ni Ate Joana ay nakikita kong umiiling siya. Inilagay niya ang stethoscope ng ilang beses para makasigurado. Sa naging kilos ni Ate Joana ay kinabahan ako. Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na ang examination. Itinabi na ni Ate Joana ang kanyang gamit at nagsimulang ipaliwanag ang kondisyon ni tatay. “Kuya, noong ineexamin ko po kayo is I can hear fluid around your lungs, marami na po akong condition na naencounter na ganyan,” paliwanag ni Ate Joana. “Ibig sabihin ba noon ay masakit ako Joana, ano sa palagay mo ang sakit ko?” halatang natatarantang tanong ni tatay. “Ah, kuya, lung cancer po. Pero hindi pa naman po sigurado. Ipapatingin pa po natin sa doctor, sasamahan ko po kayo,” sambit ni Ate Joana. LUNG CANCER, pagkarinig ko ng mga salitang ‘yan ay nanlambot ang mga binti ko. Parang bumigat ang aking pakiramdam, parang nawalan ako ng lakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD