CHAPTER 24: PANATAG

2180 Words
“Tara na anak at umuwi na tayo,” sambit ni tatay. Itinulak ni tatay ang wheelchair at tumungo na kami palabas. Noong nakarating na kami sa pinto ay natanaw namin si Kuya Eddy na naghihintay sa labas. Bumaba si Kuya Eddy sa tricycle at lumapit sa amin. Pinagtulungan nila ni tatay isakay ang mga gamit sa tricycle. Pagkatapos ay pinagtulungan na nila akong isakay sa tricycle. Naupo ako sa loob ng tricycle at byumahe na kami pauwi. Habang nasa loob ng tricycle ay ramdam ko ang lamig ng hangin. Tinatamaan nito ang aking mga buhok na humahampas sa aking mukha. Habang sina tatay naman ay naririnig ko nagkukwentuhan. “Eddy, may kilala ka bang Ronaldo Montero?” sambit ni tatay. “Ronaldo…?” sandaling natigilan si Kuya Eddy para isipin kung may kilala ba siyang Ronaldo Montero. “Mga Montero, kuya?” “Oo, Eddy,” sambit ni tatay. “Kung mga Montero kuya ay wala. Alam mo naman walang Montero dito sa lugar natin,” sambit ni Kuya Eddy. “Kaya nga eh, iyon nga ang pinagtataka ko,” tugon ni tatay. “Bakit kuya ano bang atraso noong Montero na ‘yon sayo?” usisa ni Kuya Eddy. “Ah wala naman, may nagawa lang,” sambit ni tatay. “Hayaan mo kuya sasabihan kita kapag may nakakilala akong Montero, ipagtatanong ko rin sa iba kong mga kasamahan sa TODA at baka kilala nila,” tugon ni Kuya Eddy. “Sige, salamat Eddy.” Nakarating na kami sa tapat ng bahay. Bumaba sina tatay at nagsimulang hakutin ang mga gamit. Isa-isa nilang ipinasok sa bahay ang mga bag, plastic, unan, banig. Pagkatapos ay binuhat nila ako papasok sa bahay at inupo sa upuan na nasa sala. “Oh, Samantha, tumingin ka na sa paligid kapag naglalakad ka sa kalsada huh,” paalala ni Kuya Eddy. “Opo, Kuya Eddy. Pasensya na rin po kuya naabala ko pa po kayo,” panghihingi ko ng pasensya. “Ano ka ba, okay lang ‘yon. Alam mo namang para na din kitang anak,” tugon ni Kuya Eddy. Noong papaalis na si Kuya Eddy ay bigla siyang tinawag ni tatay. “Eddy, saglit lang,” sambit ni tatay at pumunta sa kwarto para may kunin. Ilang minuto lang ay lumabas na siya. May inaabot siyang kaunting halaga kay Kuya Eddy. “Naku, para saan ito, kuya?” nagtatakang tanong ni Kuya Eddy. “Kaunting halaga lang ‘to, tanggapin mo na,” sambit ni tatay. “Naku hindi na kuya, para naman kayong iba sa akin,” tugon ni Kuya Eddy. “Sige na at tanggapin mo na, naistorbo pa namin ang pasada mo,” sambit ni tatay. “Hindi na po kuya, alam mo naman diba? parang pamilya na rin ang turing ko sa inyo ni Samantha, ibili niyo na lang ‘to ng gamot niya, tutal parang hindi pa medyo magaling ang sugat niya,” paliwanag ni kuya Eddy habang binabalik kay tatay ang pera. “Aba’y maraming salamat Eddy,” sambit ni tatay. “Walang anuman kuya, paano, mauuna na po ako.” Umalis si Kuya Eddy at kami naman ay naiwan ni tatay. “Oh anak, gutom ka na ba?” sambit ni tatay. “Opo ‘tay hehehe,” tugon ko. “Bibili lang ako ng ulam sa labas at gutom na rin ako,” sambit ni tatay. Umalis si tatay at bumili ng ulam habang ako naman ay naiwan sa may sala. Nakatulala ako sa labas. Iniisip ko na nandito na naman ako sa bahay namin. Naging magaan ang aking pakiramdam. Inisip ko na gagawin ko ang lahat para magpagaling at para hindi na makita sina doc at ang nurse. Pero mas nangingibabaw sa aking isip kung sino si Ronaldo Montero. Sino kaya siya? at bakit niya binayaran ang aking hospital bill, ano kaya ang magiging kapalit ng pagtulong niya? ang mga tanong sa aking isip. Dumating si tatay at may dala itong ulam na toge at adobo. “Anak dyan ka lang at maghahain na ako,” sambit ni tatay. Inilagay ni tatay sa mangkok at mga ulam at nag sandok siya ng kanin. Nilagyan niya na rin ang mga baso ng tubig. Dahil nasa sala ako ay minabuti rin ni tatay na sa sala na rin kami kumain. Kinuha niya ang lamesa na nasa bakuran at inilagay ‘yon sa sala. Pagkatapos ay sinimulan na namin na kumain. Habang kumakain ay napatanong ako kay tatay. “Tay? sigurado po ba kayo, hindi niyo po kilala si Ronaldo Montero? baka naman po may tinatago kayo sa akin, ‘tay,” usisa ko. “Wala akong tinatago sayo anak, eh diba nga pati ako nagulat noong sinabi ng nurse na bayad na ‘yong bill mo,” sambit ni tatay. “Sino kaya ‘yon tay?” tugon ko. “Huwag ka mag-alala anak, ipagtatanong ko rin sa mga kakilala ko,” sambit ni tatay. “Sige po ‘tay, itatanong ko rin po sa mga kaklase ko kung may kilala ba silang Ronaldo Montero,” tugon ni tatay. “Huwag ka mag alala kapag nahanap natin siya ay magpapasalamat tayo at babayarin din natin siya,” sambit ni tatay. “Inaalala ko lang po ‘tay, kinakabahan po ako,” tugon ko. “Bakit naman?” “Kasi po ‘tay baka may kapalit ‘yong pagtulong niya sa atin,” ang aking naging tugon. “Naku, kung may binabalak man siya na masama ay hindi ko ‘yon pahihintulutan. Kaya nga kapag nakita natin siya ay babayaran na natin siya agad,” sambit ni tatay. “Sige po ‘tay.” “Oh, magpatuloy na sa pagkain.” Pagkatapos kumain ay iniligpit na ni tatay ang mga plato at baso. Medyo nakokonsensya rin ako dahil wala man lang akong maitulong sa kanya. Pakiramdam ko ay pagod na rin si tatay dahil ilaw araw siyang napuyat para ako ay bantayan. “Tay, tulungan niyo na lang po ako tumungo dyan sa kusina at ako na po ang bahalang maghugas ng mga pinagkainan,” sambit ko. Hindi pumayag si tatay. “Ano ka ba, magpahinga ka na riyan, huwag mong isipin ang mga hugasin, kayang-kaya ito ni tatay,” tugon ni tatay. “Eh kasi ‘tay baka po pagod na po kayo, alam niyo naman po ilang araw na po kayo nagbabantay sa akin,” sambit ko. “Ano ka ba, hindi ako pagod, tignan mo nga ‘yong mukha ko at pogi pa rin. Ibig sabihin niyan ay hindi pagod si tatay,” pagbibiro ni tatay. Nahiga ako sa upuan na nasa sala habang si tatay naman ay naghuhugas ng plato. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nagising na lamang ako na nasa loob na ako ng kwarto, nakahiga sa banig at naka talukbong ng kumot. Pag gising ko ay kinuha ko na muna ang aking bag, binuksan ko ito at kumuha ng papel at ballpen. Inilagay ko ang papel sa aking binti at nagsimulang magsulat. “Ano ngang araw ngayon?” bulong ko. Tumingin ako sa kalendaryo. Isinulat ko ang araw ngayon. “August 30.” Napagdesisyunan ko na isulat kung anong nangyari ngayong araw na ito. Para naman kapag nakita ko na si Ronaldo Montero ay malaman niya kung anong nangyari sa araw na binayaran niya ang hospital bill ko at malaman niya na hinahanap namin siya. Nagsimula na akong magsulat. “Today, August 30, 2021, I came out from the place that I am scared of. Unlike the other people, they have to pay a price just to get out of that place. But in my case I felt that I become free, that I crawl from the shell that I am confined in without paying any amount. Today, the name Ronaldo Montero became a misery, he’s the one who paid the price for me. I do not know him, or even do not have any background about him. I am planning to look for him, to say thank you, and to pay my debt.” Ang aking sinulat. Para sa akin ito ang magiging tanda na mayroon taong tumulong sa akin. Tiniklop ko ‘yon at itinago sa aking libro. Pinasok ko na ang libro sa aking bag. Pagkatapos ay tinawag ko si tatay. “Tay, pakitulungan po ako lumabas ng kwarto,” sigaw ko. Hindi sumasagot si tatay. Kaya inilapit ko ang aking tenga sa pader at naririnig ko ang hilik ni tatay. Siguro ay mahimbing ang pagkakatulog nito. Dahil doon ay natulog muna ulit ako. Hapon din kaya ako ay inaantok. Natulog muna ako. Ginabi na ako ng gising. Pagkatingin ko noon sa orasan ay mag nine na ng gabi. Tinawag kong muli si tatay. "Tay," sigaw ko. Narinig ko agad ang yabag ni tatay patungo sa aking kwarto. "Oh, gising ka na pala anak," sambit ni tatay. "Opo tay, tinatawag ko po kayo kanina pero hindi niyo po ako naririnig, mahimbing po ata ang pagkakatulog niyo," tugon ko. "Oo anak, at hindi ko na nga namalayan na nakatulog na ako," sambit ni tatay. "Bumangon ka na at kumain," dagdag pa niya. Tinulungan ako ni tatay tumayo, pagkatapos ay tumungo kami sa kusina. Kumain kami ng hapunan. Pagkatapos kumain ay tinulungan ako ni tatay maghilamos. "Kamusta ang sugat mo anak?" usisa ni tatay. "Medyo kumikirot po tay," tugon ko. "Siguro ay dahil sa lamig," sambit ni tatay. Pagkatapos ko maghilamos ay naupo ako sa sala para linisin ang aking sugat. Kitang-kita ko pa ang sinulid at halatang hindi pa ito naghihilom. Nilinisan ko ito kahit nakararamdam ako ng kaunting kirot. Habang nasa sala ako ay dumating si tatay na may dalang isang basong tubig at ang mga gamot na dapat kong inumin. Tatlong tableta ng gamot ang dapat kong inumin. Pagkatapos uminom ay pumasok na ko sa aking kwarto para magpahinga. Bago matulog ay nagdasal muna ako. Ipinagdasal ko na sana ay mahanap na namin si Ronaldo Montero at ipinagdasal ko rin ang mabilisang pag galing ko dahil gustong-gusto ko ng pumasok sa school. Kinabukasan ay maagang bumisita si Anne. 'Oh, bakit ka narito?" nagtataka kong tanong. "Hindi ba'y may pasok ka," dagdag ko pa. "Eh, ma-may program lang naman kaya hi-hindi na ako pumasok", nauutal na sambit ni Anne. "Hala nakauniform ka pa ah, mamaya isipin ng magulang mo na pumasok ka, pero ang totoo ay dumiretso ka lang dito sa amin," sambit ko. "Eh, Samantha wala naman gagawin sa school eh, manonood lang naman kami ng program," katwiran ni Anne. "Naku Anne, huwag mo na ang uulitin. Halika na at pumasok ka na rito. Tutal kahit pumunta ka ulit sa school ay hindi ka na papapasukin dahil late ka na," sambit ko habang binubuksan ang pinto. Naupo si Anne sa sala. "Kamusta ang pakiramdam mo Samantha?" tanong ni Anne. "Naku, huwag mo na ako tanungin Anne at maayos ang aking kalagayan," sambit ko. "Medyo sumasakit lang ang aking sugat dahil sa lamig, pero sabi naman ng nurse ay natural lamang 'yon," paliwanag ko. Naupo ako sa upuan na nasa harap ni Anne. "Marami ba kayong activities na ginawa Anne habang wala ako?" tanong ko. "Wala naman, nagsulat lang kami sa ESP, " tugon ni Anne. "Pahiram nga ako ng notebook mo at magsusulat na rin ako, wala naman akong magawa," sambit ko. " Oh sige, wait lang," tugon ni Anne. Binuksan niya agad ang kanyang bag at inilabas ang kanyang notebook sa ESP. "Ito oh," sambit niya at inabot sa akin ang notebook. Kinuha ko 'yon. "Thank You," sambit ko, tatangkain ko sanang tumayo ngunit pinigilan ako ni Anne. "Ako na ang bahalang kumuha, nasaan ba ang bag mo?" sambit niya kahit wala pa akong sinasabi. Siguro ay ganoon talaga kapag magkaibigan. "Naroon sa kwarto Anne sa tabi ng aparador," tugon ko. "Sige ako na ang kukuha at maupo ka na lamang dyan," sambit ni Anne. Tumungo siya sa kwarto at kinuha ang aking bag. Lumabas siya na dala-dala ang aking pulang bag. Inabot niya sa akin ang bag at nagpasalamat ako. Inilabas ko ang aking ESP notebook at nagsimulang magsulat. Para na din makahabol ako sa mga namissed kong lessons. Habang si Anne naman ay tumungo sa bakuran. Tinanaw ko siya at nakita kong nakaupo siya sa bakuran at halatang nagpapahangin. Makalipas ang ilang minuto ay muli itong pumasok. "Ano tapos ka na bang magsulat? tumambay muna ako sa bakuran niyo dahil alam ko naman na ayaw mong ginugulo ka kapag ikaw ay nag-aaral," sambit ni Anne. "Naku, kilalang-kilala mo talaga ako eh nuh," tugon ko. "Alam mo naman, ang tagal na natin magkaibigan," sambit niya. "Kaya nga eh, at syempre mas tatagal pa," tugon ko ng nakangiti. "Anne, halika nga at maupo ka rito at may itatanong ako," tawag ko kay Anne. "Ano 'yaan?" sambit ni Anne at nagmadali sa pag-upo. "May kilala ka bang Montero?" usisa ko. "Montero?, hmmm..." Ilang minuto muna itong nag-isip. "Wala eh, wala namang mga Montero sa lugar natin. Hindi 'yan kilalang apelyido sa lugar natin. Bakit?" sambit ni Anne. "Wala naman," tugon ko. "Montero? ang alam ko talaga wala eh," muling sambit ni Anne. "Eh si Josias, Anne, alam mo ba ang ang kanyang surname?" usisa ko. "Hmmm... sa pagkakaalam ko, hindi Montero ang surname niya, ang alam ko... ano nga ulit 'yong sinabi niya noong nagpakilala siya?" sambit ni Anne habang iniisip ang sinabi ni Josias noong nagpakilala siya. "Ayun, Cruz, Cruz ang sinabi niya," sambit ni Anne. Sa sinabing iyon ni Anne ay napanatag ako. Iniisip ko kasi na baka may connection si Josias kay Ronaldo Montero. Pero dahil nalaman ko na hindi parehas ang kanilang surname ay napanatag ako. "Hooh," isang malalim na hinga na lamang ang naging tugon ko kay Anne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD