CHAPTER 23: RM

2383 Words
Napaisip ako sa sinabi ni Anne. Na baka nga alam ni Josias ang nangyari sa akin kaya hindi na siya nagtanong pa. Hindi ko pa rin kasi talaga magets kung bakit bumisita siya akin at kung bakit tinawagan siya ni tatay. Noong magdidilim na. “Anne, hindi ka pa ba uuwi? anong oras na,” tanong ko kay Anne. “Uuwi na rin ako, last 10 minutes,” tugon niya. “Huwag ka mag alala Anne, sabi ng doctor ay pwede naman na ako umuwi bukas,” sambit ko. “Hala, mabuti naman,” sambit niya ng may galak. “Kaya nga lang ay hindi ako makapapasok agad,” tugon ko. “Tama lang ‘yan nuh magpahinga ka na muna,” sambit ni Anne. “Oo, magpapalakas na muna ako at kailangan ko ng gumaling ang dami kong dapat gawin,” tugon ko. Dumating si tatay. “Oh Anne, hindi ka pa ba uuwi?” sambit ni tatay. “Pauwi na po tito, inaayos ko lang po ang bag ko.” Makalipas ang ilang minutong pag aayos ng gamit ni Anne dahil sa hospital na rin kasi siya gumawa ng kanyang Assignment. Nagpaalam na ito sa akin at kay tatay. “Tito, Samantha, uwi na po ako,” sambit ni Anne. “Oh, mag iingat ka huh,” tugon ko. “Oh siya, ihahatid na kita sa labas,” tugon ni tatay. “Naku, huwag na po tito, bantayan niyo na lang po si Samantha,” sambit ni Anne. “Oh sige, basta mag iingat ka huh,” tugon ni tatay. Umalis na si Anne at kami na lang ni tatay ang naiwan sa ward. “Tay?” “Oh anak? may masakit ba sa ‘yo?” tugon ni tatay. “Ah wala po ‘tay,” sambit ko. “A-ano po kai ‘tay, sabi po ng doctor, maari na daw po akong lumabas bukas,” pagpapatuloy ko. “Ay oo anak, kinausap din ako ng doctor kanina,” tugon ni tatay. “Eh kaso po ‘tay, may pera po ba tayong pambayad?” sambit ko. “Huwag mo ng isipin ‘yan, si tatay na ang bahala,” tugon ni tatay. Lumapit si tatay sa akin at inayos ang aking kumot at unan. “Ang gawin mo ngayon ay magpahinga,” sambit ni tatay. “Opo,” tugon ko at dumiretso na sa pagtulog. Maging panatag, ‘yan ang pinaparamdam sa akin ni tatay. Sa mga bagay na hindi ako sigurado, sa mga bagay na ikinatatakot ko, kailangan kong maging panatag. Na kahit walang sigurado, na kahit takot ako andyan si tatay na aakuin ang lahat para sa ikapapanatag ko. Ngunit ang tanging tanong ko ay, “hanggang kailan?” Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hinanap ko si tatay at pagtanaw ko sa sahig ay naroon siya at nakahiga. May dinala pala siyang banig, kumot at unan. At dahil pa ber months na noon ay medyo malamig na kaya inaalala ko na baka ay nalamigan si tatay dahil sa sahig siya humiga. Dahil medyo inaantok pa rin ako ay bumalik na lamang ako sa pagtulog. Since last day ko na rin naman na sa hospital, magpapahinga na ako nang lubusan. Natulog na muna akong muli. Habang natutulog. “Nay, nay,” sambit ko. “Nay, ito po oh bilin natin, masarap po ito nay,” muli kong sambit. “Oh, sige bibilhin natin ‘yan,” tugon ni nanay. “Nay, bili niyo po ako nito, matagal ko na po kasing binabalikan ‘yan dito eh,” sambit ko. “Oh sige, pagbalik natin muli rito, bibilhin na natin ‘yan huh,” tugon ni nanay. “Sige po nay, thank you po,” sambit ko habang nakangiti. “Oh tara na, umuwi na tayo,” sambit ni nanay. “Tara na nay, uwi na po tayo,” tugon ko. Umuwi kami ni nanay, hawak-hawak niya ang aking mga kamay at sabay kaming naglalakad pauwi. Ngunit... “Nay?” sambit ko habang inimumulat ang aking mga mata. “Nay?” muli kong sambit habang tumitingin sa aking paligid. Wala si nanay, panaginip lang pala ‘yon. Ang panaginip na hanggang pag gising ko ay dala-dala ko ang pakiramdam na parang totoo. Sana nga ay totoo na lamang. Sana nga ay totoong sabay na kaming uuwi ni nanay. Sana sa pagbalik namin sa lugar na ‘yon ay mabili na namin ang nais namin na bilhin, sana. Narinig pala ni tatay ang mga tawag ko kay nanay. “Napanaginipan mo ba ang nanay mo?” sambit ni tatay na nasa gilid ng aking kama habang nagtitimpla ng kape. “O-opo,” sambit ko. “Sige nga anak, ikwento mo sa akin,” tugon ni tatay. Inilapit ni tatay sa gilid ng kama ko ang upuan at doon siya naupo. Sinimulan kong magkwento. “Namalengke raw po kami ‘tay, kasi po diba rati lagi po kaming namamalengke ni nanay,” pagkukwento ko. “Nagpabili po ako sa kanya ng paborito kong prutas na grapes, ang tingkad po kasi ng kulay eh, kaya gusto ko pong bilhin dahil fresh pa at pakiramdam ko ay matamis,” pagpapatuloy ko. “Ibinilhan ka ba ng nanay mo?” nangingiting tanong ni tatay. “Opo naman, alam po ni nanay na paborito ko ang grapes kaya po siguro niya ako binilhan,” tugon ko. “May ipanibili po sana ako sa kanyang laruan, ang tagal ko na po kasi ‘yon binabalik-balikan,” sambit ko. “Oh, binili ba ng nanay mo?” tugon ni tatay. “Hindi po ‘tay eh, ang sabi po ni nanay bibilhin na lang daw po namin kapag namalengke na lang po kami ulit,” kwento ko. “Talaga ‘yan si nanay mo,” nakangiting sambit ni tatay. “Kaya ayun po ‘tay, umuwi na po kami. Hawak-hawak po ni nanay ang kamay ko at sabay po kaming naglakad pauwi,” kwento ko. “Baka namimiss ka na ni nanay anak kaya mo siya napanaginipan. Baka ang nais niyang iparating ay magpagaling ka na at magpalakas para makauwi ka na,” sambit ni tatay. “Siguro nga po ‘tay, malakas naman na po ako, kayang-kaya ko na po umuwi,” tugon ko. “Ano pala ‘yong gusto mong bilhin na binabalik-balikan mo?” sambit ni tatay. “Ah wala po ‘yon tay,” tugon ko. “Sabihin mo at bibilhin ko kapag nakasahod ako sa bukid,” sambit ni tatay. “Naku ‘tay hindi na po kailangan, matanda na po ako hindi ko na po kailangan ng ganun,” tugon ko. “Anong matanda ka riyan, ikaw pa rin ang prinsesa ni tatay,” sambit ni tatay. Naantig ako sa sinabi ni tatay, ako pa rin ang prinsesa niya at alam kong gagawin niya ang lahat para sa kanyang prinsesa. “Pumunta pala kanina ang doctor anak, mamaya raw ay pwede ka na lumabas, aayusin na lang muna nila ang mga papel at ang mga gamot na kailangan mong inumin,” sambit ni tatay. “Tay, may…” hindi ko pa natatapos ang aking mga sasabihin ay agad ng sumagot si tatay. “Kung ang iniisip mo ay ang pambayad, huwag mo ng isipin ‘yon ang sabi ko naman sayo ay ako na ang bahala,” sambit ni tatay. “Thank you ‘tay,” tugon ko. “Kaya ang gawin mo ngayon ay magpalakas ka huh.” “Opo.” Inayos na ni tatay ang aming mga gamit. Iniligpit niya ang kanyang hinigaan. Iniligay iyon sa isang plastic. Ang mga baso, plato , kutsara ay inilagay niya sa bag, pati na rin ang mga tupperware na pinaglagyan ng aming mga pagkain. Habang ako naman ay pinagmamasdan ko ang hospital. Iniisip ko kung paano ko na overcome ang takot ko na tumapak sa mga hospital, medyo mabigat ang pakiramdam ko noon dahil dito kasi pumanaw si nanay. Tumingin ako sa mag-ina na katapat ko ng ward. Bukas noon ang kurtina nila kaya kitang-kita ko silang dalawa. Mahimbing pa silang natutulog, magkatabi sila sa kama at natutulog. “Tay, ano pong sakit ng nasa katapat kong ward?” tanong ko kay tatay. “Ah, may kidney failure raw anak,” tugon ni tatay. “Nag dialysis ata siya anak kaya kung mapapansin mo medyo dilaw ang balat niya,” kwento ni tatay. Pagtingin ko sa balat ng babae, ay tama nga si tatay medyo dilawan nga ang balat nito. “Tay, mahal po ba ang dialysis?” usisa ko. “Oo anak, at saka hindi kasi alam kung kailan ba dapat matapos ang dialysis,” tugon ni tatay. “Syempre magastos, matagal at nakapapagod,” dagdag pa ni tatay. “Pero tignan mo ‘yong anak niya,” noong sinambit ‘yon ni tatay ay napatingin ako sa anak ng babae. “Kung pagmamasdan mo siya ay parang hindi siya nakararamdam ng pagod. Marahil ay dahil kapiling niya ang kanyang nanay,” patuloy na pagkukwento ni tatay. Habang pinagmamasdan ko ang babae ay hindi ko maimagine ang bigat na nararamdaman niya. Dahil sa saglit na pananatili ko sa hospital, nakita kong araw-araw ganyan ang naging routine ng buhay niya. Naalala ko pa noon nakita ko na sabay silang tumatawa ng nanay niya, naririnig ko pa ang kanilang mga halakhakan. Paano niya naitatago ang sakit at hirap na nararamdaman niya. Habang nakatitig pa ko sa babae ay bigla namang dumating ang nurse. “Magandang umaga po,” bati ng nurse. “Magandang umaga rin po,” tugon ni tatay. “Kamusta ka?” sambit ng nurse. “Okay naman po, medyo sumasakit po ‘yong sugat ko lalo na po kapag malamig,” tugon ko. “Ay, ganoon talaga. Kapag malamig asahan mo na medyo kikirot ‘yan huh, kasi hindi pa talaga siya totally na tuyo sa loob,” sambit ng nurse. “Patingin nga ko,” lumapit ang nurse para obserbahan ang aking sugat. “Thank you po pala sa pag gamot sa akin,” sambit ko. Napangiti ang nurse dahil sa aking sinabi. “Ano ka ba wala ‘yon. Basta magpagaling ka huh, ayaw na kita makitang muli rito,” sambit ng nurse. “Hala, bakit po? galit po ba kayo sa akin? magpapagaling naman po ako eh,” tugon ko habang nag aalala. Hinawakan ng nurse ang ulo ko. “Ano ka ba, hindi lang ikaw ang sinabihan ko niyan,” sambit ng nurse. “Pa-pati po ibang pasyente? bakit galit din po ba kayo sa kanila?” nagtataka kong tanong. “Hindi pero kapag bumalik pa sila ay doon na ako magagalit,” sambit ng nurse. “Hala,” tugon ko. “Joke lang, ayaw ko na bumalik ang mga pasyente dahil gusto ko gumaling na sila. Dahil kung babalik pa sila rito ay panigurado may masakit na naman sa kanila, may nararamdaman na naman sila, kaya gusto ko ay magpagaling na sila para hindi ko na sila makitang muli, ayaw ko kasing nakararamdam sila ng sakit,” explanation ng nurse “Ah, ganoon po pala,” tugon ko. “Kaya ikaw, huwag ka ng magpapakita sa akin ulit huh,” sambit ng nurse. “Opo, ito na po ang last na pagkikita natin, magpapagaling po ako at hindi ko na po kayo ulit makikita,” tugon ko. Habang nag uusap kami ay dumating ang doctor. “Good morning po, doc.” “Good morning,” tugon ng doctor. “Okay na po ang mga gamot na iinumin ni Samantha, ‘yong bill ay nakasettle na rin po, punta na lang po kayo sa cashier.They will also explain kung anong oras at tuwing kailan iinumin ang gamot,” sambit ng doctor. “Thank you po, doc,” sambit ni tatay. “Maraming salamat po, magpapaling po ako para po hindi niyo na po ako makita ulit,” tugon ko. Lumapit ang doctor sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Magpagaling ka huh, kapag nakita ulit kita rito ay ako na ang magtatahi ng sugat mo, masakit kapag ako ang nagtahi,” pagbibiro ng doctor. “Paano po at mauuna na kami,” pagpapaalam ng doctor. Umalis na ang doctor kasama ang nurse. Si Tatay naman ay nagpatuloy lang sa pagliligpit ng aming gamit. “Tay, magcocommute po ba tayo?” sambit ko. “Ah, hindi anak, sinabihan ko si Eddy na pumunta siya rito after lunch,” tugon ni tatay. “Ah, okay po, inaalala ko po kasi ‘yong sugat ko,” sambit ko kay tatay. Malapit na matapos magligpit ng gamit si tatay. Ako naman ay humiga na muna para makapagpahinga, maglulunch na rin noon kaya medyo nagugutom na ako. Makalipas ang ilang minuto ay handa na kami para umuwi. “Tara na anak,” sambit ni tatay. Kinuha niya ang wheelchair at isinakay ako roon. Tumungo kami sa cashier. “Good day po,” sambit ng nurse staff. “Magandang umaga po,” tugon ni tatay. “Ano po pangalan ng pasyente?” tanong ng nurse. “Samantha Antonio po,” tugon ni tatay. “Wait lang po, check ko lang po,” naghintay kami ng ilang minuto. Habang hinahanap ng nurse ang aking pangalan ay nakikita kong inilalabas na ni tatay ang pambayad ng bill. “Ah, bayad na po ‘yong bill niyo,” sambit ng nurse. Ikinagulat namin ‘yon ni tatay. “Po? eh hindi pa po kami nagbabayad, ngayon pa lang po kami pumunta rito,” sambit ni tatay. “Ah, may nagbayad na po, through credit card,” tugon ng nurse. “Ah, pwede bang pakicheck ang pangalan kung sino ang nagbayad,” sambit ni tatay. “Ronaldo Montero po,” sambit ng nurse. “Ronaldo Montero?” bulong ni tatay habang iniisip kung sino si Ronaldo Montero. “Ah, sa pagkakaalam ko wala kaming kilala ng anak ko na Ronaldo Montero, pwede bang kapag pumunta siya rito ay pakitawagan kami, ito ang number namin,” sambit ni tatay at inabot ang piraso ng papel. “Sige po, ito po pala ang mga gamot niya,” inexplain ng nurse kong kailan at anong oras ko iinumin ang bawat gamot. Makalipas ang ilang minuto. “Thank you po,” sambit ni tatay. “Thank you rin po,” tugon ng nurse. At umuwi na kami ni tatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD