Pagkabukas ko ng pinto.
“Narito na po ako tay,” sambit ko habang nagtatanggal ng sapatos.
“Nariyan ka na pala anak, magbihis ka at maglinis dahil darating ang iyong Tita Gema,” si Tita Gema ay pangatlo sa nakababatang kapatid ni tatay.
“Oh sige po tay, malapit na po ba sila?” tanong ko.
“Pagkatawag kanina ay nasa bayan na raw sila, maya-maya ay baka dumating na rin sila.”
Pumasok ako agad sa kwarto para magbihis. Naglinis ako agad-agad, pinagpag ko ang sapin ng upuan at mga unan sa sala. Nagwalis, nagpunas ng sahig. Nilinis ko rin ang aming CR.
Natapos ng magluto si tatay ang niluto niya ay Sinigang na Tilapia na paborito ni nanay.
“Sinigang na Tilapia? Paborito po ni nanay iyan ah,” sambit ko habang inaayos ang hapag kainan.
“Oo anak, matagal na rin kasi akong hindi nakakapag luto ng paborito ng nanay mo kaya ito ang aking niluto. Anak maglabas ka ng limang plato kasi meron tayong tatlong bisita na darating si Tita Gema mo, Tito Sonny at John.”
Si Tito John ay ang bunsong kapatid ni tatay at si Tito Sonny naman ang asawa ni Tita Gema. Hindi ko alam kung bakit pumunta sila sa Palawan nang galing pa kasi sila sa Maynila at roon din sila nakatira kaya hindi sila laging nakadadalaw sa amin.
Habang nilalabas ko ang mga baso na nasa cabinet na ginagamit lang namin kapag may bisita ay dumating na sila Tita Gema.
“Kuya!” tawag ni Tita Gema na nasa pintuan.
“Oh Gema, nariyan na pala kayo, halina’t magsipasok kayo,” pa-anyaya ni tatay.
Hinugasan ko agad ang baso na galing sa cabinet at nilagay sa mesa.
“Mano po,” nag bless ako kay Tita Gema.
“Oh! Ikaw na ba iyan Samantha? Aba’y napakalaki mo na, tamang-tama talaga para kunin ka na namin,” nakangiting sambit ni Tita Gema habang hinahaplos ang ulo ko.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Tita Gema sa kukunin nila ako. Nagpatuloy ako sa pagmamano kina Tito John at Sonny.
Pagkatapos ko magmano ay dumiretso ako sa kusina para magsandok ng pagkain. Habang sina tatay, tita at mga tito ay umupo sa sala at nagkamustahan.
“Kamusta na kayo kuya?” narinig kong tanong ni Tita Gema.
“Maayos naman, si Samantha ang naging katuwang ko sa lahat,” tugon ni tatay.
“Pasensya na kayo kuya at hindi kami nakauwi sa libing ni Ate Clara.”
“Alam kong busy kayo sa inyong trabaho, huwag kang mabahala riyan.”
“Kuya? Kamusta ba ang pag-aaral ni Anne?” tanong ni Tita Gema.
“Maayos naman ang pag-aaral ni Anne, matataas ang kaniyang grado kaya malaki ang aking pag-asa na siya ay makatatapos,” tugon ni tatay.
Pagkarinig ko sa sinabi ni tatay ay naging masaya ako, pakiramdam ko kasi ay naappreciate ni tatay ang effort na aking nilalaan para sa aking pag-aaral.
“May gusto sana akong ipakiusap o ibigay kay Anne…”
“Nakahanda na po ang pagkain,” sambit ko dahilan para hindi maipagpatuloy ni Tita Gema kung ano ang kaniyang nais sabihin.
“Oh siya, halina kayo at kumain,” pa-anyaya ni tatay.
Habang kumakain hindi mawala sa isip ko sa kung ano ang ibibigay nilang regalo, ano ang kanilang ipakikiusap at bakit nila ako kukunin. Hindi ko rin naman sila matanong sapagkat hindi kami ganoon kaclose nila Tito at Tita sa kadahilanang hindi ko sila laging nakakausap o nakakasama.
Pagkatapos naming kumain.
“Maraming salamat sa masarap na tanghalian kuya,” ani Tito Sonny.
Tumayo sila at niligpit ko na ang mga pinagkainan at naghugas ng plato.
Habang naghuhugas ng plato ay naririnig kong pinagpatuloy ni Tita Gema ang naputol niyang sasabihin kanina.
“Kuya, mag aabroad kami ni Sonny sa Saudi,” sambit ni Tita Gema.
“Oh! Maganda iyan,” naririnig kong tugon ni tatay ng may galak.
‘Gusto sana namin isama si Samantha kuya, magtatrabaho muna siya roon nang ilang buwan pagkatapos ay mag-aaral,” dagdag ni Tita Gema.
Pagkarining ko sa sinabi ni Tita Gema ay tila may takot na namutawi sa akin.
“Ah ganun ba, tawagin ko muna si Samantha at ng maitanong kung payag ba siya. Samantha pumarito ka nga saglit,” tawag sa akin ni tatay.
Pinatay ko ang gripo at pinunasan ang basa kong kamay at pumunta sa sala.
Umupo ako sa tabi ni Tita Gema at nagsimulang siyang magsalita.
“Gusto ka sana namin isama sa Saudi, magtatrabaho ka muna roon ng ilang buwan pagkatapos pwede mo ng ituloy ang iyong pag-aaral,” sambit ni Tita Gema habang nakahawak sa aking braso.
Tumingin ako kay tatay nakita kong gulat rin siya sa kung ano ang gustong mangyari ni Tita Gema.
Tumingin ako kay Tita Gema sabay sabing, “pag-iisipan ko po muna Tita, inaalala ko po kasi si tatay wala po siyang makakasama rito,” tugon ko sa kanyang paanyaya.
Wala na ang aking nanay at ang hindi ko makasama si tatay nang ilang taon ay hindi ko magagawa. Aaminin kong meron akong kaunting galit kay tatay dahil hindi niya ipinaglaban si nanay. Ngunit, alam ko na hindi tama na iwan ko siya.
“Kung inaalala mo ang tatay mo, naku Samantha! Isipin mo ang future mo,” sabi ni tito John.
“Basta huh! Pag-isipan mong mabuti, kasi ang ganitong pagkakataon ay hindi na dapat pang pinapalagpas,” sambit ni Tita.
“Opo tita, at saka po tita gusto ko pong maging isang prosecutor, alam ko po matagal at mahabang taon ang aking gugulin pero kakayanin ko po para kay nanay,” sagot ko nang may ngiti.
Lumakas ang ulan kaya hindi nakauwi agad sina Tita at Tito.
“Abay, ang lakas ng ulan,” sagot ni tatay habang nakatingin sa bintana.
“Opo kuya. Hihintayin po muna naming tumila ang ulan saka po kami uuwi,” tugon naman ni Tita Gema.
“Ah tay, tito at tita, papasok po muna ako sa kwarto para gumawa ng assignments,” pagpapaalam ko sa kanila.
“Oh sige anak, simulan mo na at para matapos ka na agad,” sagot ni tatay habang binababa ang trapal ng bintana.
Pumasok ako sa kwarto para gumawa ng mga assignment. Makalipas ang ilang oras ay tumila na rin ang ulan.
“Samantha, lumabas ka muna sa kwarto mo at aalis na sina Tita Gema mo,” tawag ni tatay.
Lumabas agad ako sa kwarto.
“Mano po, ingat po kayo,” pagpapaalam ko.
“Oh sige kuya, aalis na kami, baka matagalan pa bago kami makadalaw muli, alam mo naman laging busy sa trabaho. Basta huh, tawagan or itext niyo na lang ako sa kung anong desisyon mo Samantha,” sambit ni Tita Gema habang hawak-hawak ang kamay ni tatay.
“Oo Gema, huwag kang mag-alala at ipapaalam ko agad sa iyo kung anong desisyon ni Samantha, salamat sa pagdalaw,” tugon ni tatay habang may mga ngiti sa labi.
Umalis na sina Tita Gema, ako naman ay pumasok muli sa kwarto para ipagpatuloy ang paggawa ng mga takdang aralin. Doon ko na rin malalim na inisip kung ano nga ba ang magiging desisyon ko, kung sasama ba ko sa Saudi para magtrabaho muna pagkatapos ay mag-aaral or mananatili ako sa Pilipinas ng kasama si tatay habang nag-aaral.
“Haysss, gustong-gusto kong mag-aral at makapunta sa ibang bansa,ngunit hindi ko naman pwedeng iwan dito si tatay,” ani ko habang nakatitig sa kawalan.
Hindi ko namalayan na tinatawag na pala ako ni tatay.
“Samantha, tara na’t kumain na tayo,” unang sigaw ni tatay na hindi ko narinig.
“Samantha, Samantha!” sigaw niya.
Nagulat ako at naibato ko ang ballpen na aking hawak. “A-ah i-ito na po tay, liligpitin ko po muna ito,” sigaw ko habang sinasara ang mga libro, notebook at nilagay ito sa aking bag.
Lumabas ako sa kwarto para mag gabihan. Hindi naubos ang niluto ni tatay na Sinigang kaya iyon muli ang inulam namin.
Naupo ako sa hapag kainan habang si tatay ay naghahain.
“Napag-isipan mo na ba ang offer sayo ni Tita Gema mo?” tanong ni tatay habang nagsasanddok ng ulam.
“Hindi pa po ako nakapag desisyon tay,” tugon ko.
Umupo si tatay pagkatapos magsandok ng ulam at kami ay nagdasal, nagsimula kaming kumain at…
“Kung ako ang iniisip mo para hindi ka umalis, abay! Huwag mo na kong intindihin Samantha, kaya ko na ang sarili ko. Isipin mo sa kung anong makabubuti sayo,” sambit ni tatay habang humihigop ng sabaw.
“Hindi ko naman kayo kayang iwan tay, alam mo naman po diba, na kayo na lang natitira sa akin at wala na si nanay,” sagot ko habang kumakain.
“Saka hindi naman po sigurado na makakapag-aral ako ng maayos doon tay,” dagdag ko pa.
“Basta huh, pag-isipan mong mabuti, sabihin mo sa akin kung anong desisyon mo, anuman ang iyong magiging desisyon ay aking maluwag na tatanggapin at susuportahan kita,” sabi niya habang pinagsasama ang mga tinik at kanin para ipakain sa aming pusa.
“Opo tay, salamat po,” sagot ko.
Natouch ako sa sinabi ni tatay, roon ko kasi naisip na kahit anuman ang desisyon ko ay nandyan ang tatay ko na laging nakasuporta sa akin.
Naghugas ako ng plato, naghilamos at naghanda na para matulog. Humingi ako ng gabay sa Panginoon.
“Lord, gabayan niyo po ako sa mga magiging desisyon ko, sana po ang bawat desisyon ko sa buhay ay ang makabubuti sa akin at sana po ay masaya si nanay para sa akin,” dasal ko.
Lagi kong dinadasal na sana gabayan ako ni nanay sa bawat araw ng buhay ko at sana ay nagiging masaya siya sa aking mga ginagawa.
Kinabukasan…
Sabay kaming pumasok ni Anne, malayo pa lamang ay natatanaw ko na itong kumakaway.
“Samanthaa,” sigaw nito habang tumatakbo patungo sa akin.
“Hoy! Ang ingay mo ang aga-aga pa,” reklamo ko sa kanya habang hinahampas ang kanyang braso.
Naglakad kami papunta sa eskwelahan at napansin ni Anne ang aking pagiging tahimik.
“Tahimik mo naman, anong problema?” tanong nito.
“Wala naman,” sagot ko ng walang emosyon.
“Sus wala ka dyan, sabihin mo na,” sambit nito habang sinasagi ang braso ko.
Dahil ba iyan sa tatay mo, nagkasagutan ba kayo?” pagtatanong niyang muli.
“Hindi,” sagot ko.
“Eh sino? Hmmm… si Josias nuh,” sabi niya na halata ang pang-aasar sa mukha.
“Hindi nuh, bakit ko naman poproblemahin ang mokong na iyon,” inis kong sagot.
Nakarating kami sa classroom at dahil maaga pa lamang at wala pa ang dalawa kong seatmate ay naupo muna sa tabi ko si Anne.
“Eh! Sino nga?” patuloy nitong pangungulit.
“Hindi ano kasi, iyong kapatid ni tatay na si Tita Gema, balak niya ako isama sa Saudi,” ani ko.
“Huh? Saudi!” sigaw ni Anne.
“Psst,” tingin ko sa kanya habang sinisenyasan na huwag siyang maingay.
“Oo, sa Saudi, eh magtatrabaho muna ako roon bago mag-aral,” sagot ko.
“Eh, paano yung tatay mo?” pag-aalala nitong tanong.
“Ayun nga Anne, hindi ko naman kayang iwan si tatay. At saka hindi naman sigurado kung makakapag-aral ba talaga ko roon baka kasi magtrabaho ako at hindi na makapag-aral, alam mo naman diba? Gusto kong maging isang prosecutor, kahit matagal, kakayanin ko para kay nanay. Saka kinakabahan ako Anne, hindi ko nakakasama lagi sina Tita Gema pero dati ay lagi kong naririnig na nagtatalo sina tatay at nanay dahil kay Tita Gema dahil lagi itong nangungutang ng pera,” sagot ko kay Anne ng may halong pag-aalala
“Kaya nagdadalawang isip pa rin ako kung sasama ba ako,” dagdag ko pa.
“Basta Samantha! Pag-isipan mo muna ng mabuti, roon ka sa kung anong makabubuti sa iyo,” pag-papaalala ni Anne habang tinatapik ang likod ko.
“Oo Anne, salamat,” tugon ko.
Mabuti na lang ay nariyan ang best friend kong si Anne. Si Anne ang napagsasabihan ko ng lahat, kesyo problema, kasiyahan, kalokohan at iyakan. Masaya ako dahil para akong nagkaroon ng kapatid dahil sa kanya.
Natanaw ko si Jeron.
“Oh ayan na, paparating na si Jeron, lumipat ka na roon sa upuan mo,” sabi ko habang tinutulak si Anne para tumayo.
“Mamaya na, at saka sa upuan naman ako ni Josias nakaupo nuh,” tugon niya.
“Oh! Good morning sa inyong dalawa,” pagbati ni Jeron pagkarating niya.
“Oh, Jeron! Maaga kasing nangungulit itong si Anne,” sambit ko ng may halong pang-aasar habang tinuturo si Anne.
“Naku! Ikaw talaga Anne,” pang gagatong pa nito.
“Anong nang-aasar ka dyan, para makumpleto ang araw mo, kailangan mo rin ng mainit-init na kwentuhan sa umaga,” pang-aasar na sagot ni Anne.
“Bahala na nga kayong dalawa dyan,” tumayo ito at bigla ring sumulpot si Josias.
“Tamang-tama pala ang pag-alis mo at andyan na ang mokong,” bulong ko.
Infairness hindi late ang mokong ngayon.