CHAPTER 6: KUTOB

2261 Words
Six am pa lamang ay dapat nagsisimula na ang aming klase, ngunit 6:30 am na pero wala pa rin si Ma’am Jenie Santos, ang teacher namin sa Edukasyon sa Pagpapakatao or ESP. “Nasaan na kaya si ma’am, 30 minutes na ang nakalipas,” sabi ng isa kong kaklase. “Wala bang nabanggit sa iyo Samantha kung bakit malalate si Ma’am Santos ngayon,” pagtatanong ni Jeron habang siya ay gumuguhit ng puso. “Ah, wala eh, hindi rin naman na niya ako tinawag pagkatapos ng klase kahapon,” tugon ko habang nakatayo sa harap ng pintuan, habang inaantay ang pagdating ni Ma’am Santos. “Pwede na bang umuwi?” tanong ni Josias. Tinatanaw ko si Ma’am Santos kung siya ay paparating na, ngunit nagulat ako sa tanong ni Josias dahilan para ako ay mapalingon sa kaniya. Nakita kong ngumisi si Jeron. “A-ano? U-uwi? Eh! Kakapasok mo pa nga lang,” sagot ko habang patungo sa upuan niya. Narinig kong bumulong ito. “Tsss… mas okay sana kung nasa computeran ako ngayon, imbes na naglalaro ako, bakit ba kasi ang aga ko pumasok,” bulong niya at bumalik na ito sa pagtulog-tulugan. Naghintay pa kami ng 15 minutes, kapag wala pa kasi si Ma’am Santos ay pupunta na kami sa ESP Department upang maitanong kung makapapasok pa ba si ma’am, may ipapagawa or kung may sakit siya na dahilan para hindi siya makaattend ng klase. “Oh! Magaling ka pala magdrawing ah!” papuri ko sa guhit ni Jeron. “Hindi naman, hahaha, nagpapractice lang ako, mag audition kasi ako sa Campus Journalism ng school natin kasama ko rin iyong mga kaibigan ko sa ibang section,” sambit ni Jeron habang inaayos ang shading ng kanyang guhit. “Oh, Campus Journalism, sina Shane rin ata mag audition, Editorial ata sa kaniya, magaling naman si Shane, sa pagkakaalam ko matagal na siyang writer Elementary pa lang,” tugon ko. “Ikaw? Ayaw mo bang mag audition?” tanong ni Jeron. Sasagot na sana ako ngunit biglang sumingit si Josias. “Pssst… ingay!” ani niya. “Jusko, nagtutulog-tulugan ka lang naman diyan,” sagot ko habang sinisiko ang braso niya. “A-ah, gusto ko sana Jeron kaso hindi naman ako marunong at saka hindi ako magaling, in short words, wala akong idea kung paano magsulat ng related sa Journalism,” tugon ko. “Ano ka ba? Tuturuan ka naman nila roon, matututo ka at mahahasa, bakit ako hindi naman ako ganoon kagaling dati pero nahasa ako, kasi Elementary pa lang sumasali na ako sa mga competition,” sagot niya habang inaayos pa rin ang dinadrawing niya. “At saka pwede ka makalaban sa iba’t-ibang school at makapunta sa iba’t-ibang lugar, once na sunod-sunod ang panalo mo,” dagdag pa nito. “A-ah, pa-pag-iisipan ko muna Jeron, wala kasi akong idea eh, magpapractice na rin muna ako,” pag-aalangan kong sagot. Sa alok ni Jeron ay napaisip ako, parang gusto kong sumali para magkaroon ako ng idea sa writing, matuto at mahasa. Pero siguro magpapractice muna ako, sabi nga “practice makes perfect.” Sampung minuto na ang nakalilipas pero wala pa rin si Ma’am Santos, kaniya-kaniya na nang ginagawa ang aking mga kaklase. May mga nag-aaral, as usual ang grupo nina Shane iyon, may mga naglalaro sa likod banda kina Anne at may mga nagkukwentuhan lang. “Ah, Samantha magpapaalam sana kami para mag CR, babalik din kami agad,” pagpapa-alam ng aking dalawang classmate. “Oh sige, basta huh, bumalik kayo agad huh,” pagpayag ko ng may kasamang pagpapaalala. Sa lumipas na limang minuto ay roon ko nakilala ang aking mga classmates, may mga hindi pala puro aral lamang, may mga balance lang ang iyong academics and paglalaro. Makalipas ang 15 minutes ay pumunta ako kay Anne para magpasama sa ESP Department. “Anne, samahan mo ako sa ESP Department,” pa-anyaya ko. “Wait lang Samantha, wait mananalo na ako,” tugon nito. “Dalian mo,” sagot ko. “A-ay,” sigaw ng mga naglalaro. “Psst! Ang ingay niyo baka pagalitan tayo ng teacher sa kabilang classroom,” pagsaway ko sa kanila. “Oh! Tara na,” tumayo si Anne at hinila ako palabas. Ngunit bago ako lumabas ay pinaalalahanan ko ang aking mga classmate. “Makinig muna kayong lahat, pupunta lang ako saglit sa ESP Dept., walang mag-aaway, gagawa ng gulo or anuman huh, babalik din ako agad,” pagpapaalala ko. Habang papunta sa ESP Department ay inopen ni Anne ang tungkol sa offer sa akin papuntang Saudi. “Samanta ano? Anong desisyon mo?” pagtatanong nito. “A-ah hindi ko pa alam Anne, baka mga ilang araw pa bago ko mapag desisyonan,” sagot ko habang kami ay bumababa na ng hagdan. “Kung ilalagay ko ang sarili ko sa posisyon mo, hindi na lang ako sasama,” sambit nito. “Bakit naman?” tanong ko. “Eh, maiiwan ko ang tatay ko, at saka Samantha, tumatanda na rin ang tatay mo, kailangan niya ng kaagapay,” sambit niya. “Pero iniisip ko rin kasi ang pag-aaral ko Anne, hindi ko sure kung masusuportahan ba ako ni tatay sa pang araw-araw kong pangangailangan para sa aking pag-aaral,” tugon ko. “Ano ka ba Samantha, panigurado makakakuha ka ng Scholarship, matalino ka at masipag. Naku! Kayang-kaya mo iyon,” sagot niya at kumindat sa akin dahilan para mahampas ko siya. “May pakindat-kindat ka pa,” sagot ko. Nakarating na kami sa ESP Department. Kumatok muna ako nang tatlong beses at binuksan ang pinto. Pumasok kami at natanaw ko si Sir Ovelino. “A-ah, Sir Ovelino,” ang head ng ESP Department. “Oh? Anak?” sagot nito. “Ah, sir itatanong ko lang po kung bakit hindi po nakapasok si Ma’am Santos? First subject po kasi namin siya,” sambit ko. “Ay anak, may sakit si Ma’am Santos,” tugon niya habang may tila hinahanap. “May iniwan po ba siyang gawain para sa amin,” tanong ko. “Oh ito anak, akala ko kasi may nag substitute sa kaniya kaya hindi na ako pumunta sa klase niyo, baka maubusan kayo ng oras, kung ganoon ay ipaassignment mo na lamang,” sambit ni Sir Ovelino. Binasa ko ang inabot na papel ni sir. “Ah, sige po sir, salamat po,” pagpapaalam ko. “Salamat din anak, pasensya na at hindi ako nakapunta sa classroom niyo,” sambit ni sir. “Okay lang po sir, salamat po ulit,” pagpapaalam ko, sinarado ko ang pinto at umalis na kami ni Anne. “Ano kayang sakit ni Ma’am Santos,” pag-aalala ni Anne. “Oo nga eh, naku sana gumaling na siya agad buntis pa naman si ma’am baka maapektuhan ang baby niya,” nag-aalala ko ring sagot. Naglakad kami nang mabilis ni Anne papunta sa classroom namin at noong nasa corridor kami ay tila may narinig kaming sumisigaw dahilan para kami ay mapatakbo patungo sa aming classroom. Nadatnan namin na nagsasagutan si Shane at si Josias at naroon din si Ma’am Josefa ang teacher sa kabilang classroom. “Oh! Ipakita mo kasi iyang gamit mo para malaman ko na wala talaga dyan ang pera ko,” sambit ni Shane na bakas sa mukha ang galit. “Pera? Eh! Anong gagawin ko sa pera mo,” mahinahong sagot ni Josias habang nakaupo. “Akin na! akin na itong bag mo! ” sigaw ni Shane habang hinihila ang bag ni Josias. “Shaneee,” sigaw ni Ma’am Josefa, “huminahon ka iha,” pagpapakalma ni Ma’am kay Shane. Humarap si Shane kay Ma’am Josefa sabay sabing, “Eh kasi naman ma’am pera ko po iyon, papagalitan po ako ng magulang ko.” “Pumasok kayong lahat!” tawag ni Ma’am Josefa. Nagsipasok ang lahat ng mga nasa labas ng corridor at may mga nahuli pa na may dala-dalang pang snack kahit hindi pa recess. “Haysss, sana ay hindi na lamang ako umalis, wala sanang nangyaring ganito,” sa isip-isip ko. “Maupo kayong lahat, ang mga bag niyo ay ilagay niyo sa arm desk,” utos ni Ma’am Josefa. “Who is the President?” tanong ni ma’am. Tumayo ako at tumugon, “ako po ma’am.” “What is your name iha?” “Samantha po ma’am,” sagot ko. “Samantha, iha, would you please help me sa pag inspect,” sambit ni ma’am. “Okay po ma’am,” atentibo kong sagot. Pumunta ako sa harap at nagsimula na kaming mag inspect ni ma’am. Pinalabas namin ang bawat laman ng kanilang bag at pinabuksan sa kanila ang kanilang mga wallet. Pagkatapos mag inspect, sa aking mga nakita ay puro tig-iisang daan lamang ang pera ng aking mga classmate at walang buong limang daan. Matapos mag inspect. “Shane, wala ang pera mo sa mga gamit or wallet ng iyong mga kaklase,” sambit ni ma’am. “Eh kasi ma’am baka kasi tinago na iyan ni Josias,” tugon ni Shane. “Huwag kang magbibintang agad iha, isipin mo muna kung saan mo nilagay or nawala,” pagpapaalala ni ma’am. “Sa ngayon, sasabihin ko muna sa adviser niyo kung anong nangyari, Ms. President ikaw muna ang bahala rito,” pagpapaalam ni ma’am. “Okay po ma’am,” tugon ko. Pagkaalis ni ma’am ay tumayo agad si Shane at pumunta sa harap ni Josias. “Ano? Hindi mo ba talaga ilalabas!” sigaw nito. Si Josias naman ay walang tugon at nakayuko lamang sa arm desk. Inaawat ko si Shane dahil lumalakas ang sigaw niya. “Shane, kumalma ka muna, pagdating na lang ni ma’am at saka natin muling pag-usapan,” pagpapaalala ko sa kanya habang hawak ang kanyang braso. “Akin na kasiii!” malakas nitong sigaw. Kasabay ng pag sigaw ni Shane ay ang pagsulpot ni ma’am. “Ma-ma’am,” nauutal kong sambit. “Shane, anong ginagawa mo?” tanong ni ma’am na may matatalim na mga tingin. “Ma’am iyong pera ko po ay na kay Josias,” sagot nito. “Maupo ka muna Shane,” sambit ni ma’am. Pinaupo ko si Shane at pagkatapos ay bumalik ako sa aking upuan. “Anong nangyari?” tanong ni ma’am. “Ms. President, anong nangyari?” dagdag pa ni ma’am. Tumayo ako. “Ah, ma’am pumunta lang po ako ng ESP Department, 45 minutes na po kasi ang nakalilipas pero wala pa rin po si Ma’am Santos, kaya po pumunta muna ako sa Department nila para iconfirm kung papasok po ba si ma’am or may ipapagawa,” sagot ko. “Wala ba siyang substitute?” tanong ni ma’am. “Wala po ma’am eh, pagkarating ko po ma’am ay nagulat na lang ako na nagsasagutan si Josias at Shane sa harap ni Ma’am Josefa,” tugon ko. “A-ano? Sa ha-harap ni Ma’am Josefa?” nauutal nitong tanong. “Opo ma’am,” sagot ko. “Hindi na ba kayo nahiya, rinig na rinig ang mga sigawan niyo hanggang sa ibaba, Shane, nasabi sa akin ni Ma’am Josefa na nag inspect na siya at wala sa mga kaklase mo kahit kay Josias ang hinahanap mo, isipin mo muna iha kung saan mo nawala or kung saan mo nailagay,” sambit ni Ma’am. “May susunod pa akong klase, pag-uusapan muli natin ito bukas, ayokong maulit pa muli ang ganitong insidente, Section A pa man din kayo,” sabi ni ma’am at lumabas na rin siya ng classroom. Tumayo ako at isinulat sa blackboard ang iniwang gawain ni Ma’am Santos. Pagkatapos ko magsulat. “Dahil wala ng oras ay assignment na lamang ito,” sambit ko. 10 am na at recess na namin iyon. Nagsilabasan ang aking mga kaklase para pumunta sa canteen. Ako naman ay lumabas lang sa tapang ng classroom namin. Lumabas din si Jeron at tumabi sa akin. Napansin niyang nakatingin ako sa kawalan. “Ano ka ba, wala kang kasalan doon,” pagpapaalala niya. “Hindi, iniisip ko lang kung bakit si Josias ang pinabibintangan ni Shane,” tugon ko. “Narinig ko kasi si Shane at ang mga kaibigan niya, sabi nila, si Josias lang daw ang makakukuha noon kasi siya lang ang tahimik at mukhang bad boy talaga,” kwento ni Josias. “Dahil lang doon?” naiirita kong tanong. “Oo, pagkatapos noon, tumayo siya at pumunta kay Josias, saka nagsimulang mag sisigaw,” kwento niyang muli. “Haysss, grabe,” naiirita kong sagot. “At saka Samantha, alam kong hindi iyon nanakawin ni Josias, sobrang yaman kaya nila, hindi mo ba alam sobrang daming lupain ng tatay niya,” sambit ni Jeron. “Ano ba Jeron, huwag ka ngang magbiro ng ganyan, wala ako sa mood,” naiirita ko pa ring tugon. “Ano kaba hindi ako nagbibiro, totoo, maya…” dumating si Josias dahilan para hindi matapos ni Jeron kung anuman ang sasabihin niya. “Josias, tara nga dito,” tawag ko sa kanya. Lumapit siya sa akin. “Kinuha mo ba talaga ang pera ni Shane?” tanong ko. Hindi siya sumasagot, hindi rin siya tumitingin sa akin, nakatingin lang siya sa kawalan. Tumayo ako saang direksyon siya nakatingin at nagtagpo ang mga mata namin. “Ano! Sumagot ka, kinuha mo ba?” naiinis ko ng tanong. Tumitig ito sa akin sabay sabing… “Hindi,” at pumasok na siya sa classroom. Napakamot ako sa ulo at pumasok na rin sa classroom ngunit sa kabilang pinto ako dumaan. Nainis ako sa ugali ni Josias pero may pakiramdam ako na hindi niya magagawa iyon. Siguro ganun lang talaga siya, tahimik, nakakainis, bad boy, mokong pero hindi niya magagawang gumawa ng masama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD