CHAPTER 7: THE RIGHT THING TO DO

2356 Words
Nag ring na ang bell at hudyat na iyon na uwian na. Bago umuwi ay minabuti ko munang kausapin si Shane. Bakas pa rin sa mukha niya ang galit dahil sa nangyari. “Shane,” tawag ko. “Bakit Samantha?” pagtatanong nito. “Pasensya na kanina, kung hindi sana ako umalis baka hindi iyon nangyari,” panghihingi ko ng paumanhin. “Pasensya na rin, naunahan ako ng galit kanina, nakahihiya talaga,” sambit nito habang ginugulo ang buhok at bakas sa mukha niya ang pagkahiya. “Shane, pwede bang hanapin mo muna iyong pera mo, baka kasi na misplaced mo lang,” “Sige Samantha, salamat, mauuna na ako.” Kinuha ni Shane ang kanyang bag at lumabas na ng classroom. Pagkatapos ko kausapin si Shane ay si Josias naman ang sinunod ko. Palabas na siya ng pintuan ngunit hinarangan ko siya. “Josias, pasensya na sa nangyari kanina,” sambit ko. Hindi ito tumugon at nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita. “Pa-pasensya na, alam ko naman pinagbibintangan ka lang, pero kasi pwede bang makipag socialize ka naman, tapos ‘yang porma mo…” turo ko sa kanya ngunit natigilan ako ng nahalata kong nakatingin na ito sa akin. Tumingin siya sa akin ng walang emosyon at umalis. “Mokong paki ayos ng porma mo!” sigaw ko sa kanya. Ngunit hindi siya lumingon at nagpatuloy sa paglalakad. Maagang natapos at naging maayos ang paglilinis dahilan para hindi na kami magpaiwan ni Anne at makauwi na agad. Habang bumababa ng hagdan… “Tingin mo ba magagawa iyon ni Josias?” tanong ni Anne. “Kasi tama naman iyong grupo nina Shane, kung sa atin magkakaklase parang si Josias lang ang makagagawa nun,” dagdag pa nito. “Psst! Tumahimik ka nga baka may makarining sa iyo at akalain na ganoong tao talaga si Josias,” sambit ko. “Hehehe, sorry,” tugon niya habang nakahawak sa aking braso at nagbubeautiful eyes. Sa harap ng Teacher’s Building ay nakasalubong namin si Sir Ovelino. Nauna na si Anne sa gate school ngunit ako ay naiwan para makausap si sir. “Good afternoon po sir,” pagbati ko. “Kamusta, natapos niyo ba ang iniwang gawain ni Mrs. Santos,” pagtatanong ni sir. “A-ah sir hi-hindi po eh, naubusan po kasi kami ng oras pero iniwan ko naman po bilang assignment namin,” tugon ko. “Sige anak, chekan niyo na lang bukas pagkarating ni Ma’am Santos or kung wala pa siya bukas ay aakyat ako roon sa classroom niyo,” sambit ni sir. “Sige po sir, salamat po, mauna na po ako,” pagpapaalam ko. Patungo na ako palabas at nakita ko si Anne na tumatakbo patungo sa akin. “Sa-samantha, si-si Jo-josias,” hinihingal nitong sambit. “Huh? Ano?” tugon ko. “Si-si Jo-josias sinundo ng sasakyan at hindi lang basta sasakyan, high class na sasakyan, iyong ano, iyong ano ba tawag doon? Ayun Lamborghini,” sambit nito sabay turo sa direksyon palabas. Sinundan ko ang direksyon na itinuturo ni Anne, nagulat ako at doon ko rin nakita ang maganda, makintab, mukhang mamahalin na sasakyan ni Josias, nakita kong lumabas ang dalawang lalake roon na tila mga bodyguard, pumasok si Josias sa sasakyan at umandar na ang napakagarang sasakyan. Hindi ko namalayang napasabi ako ng “wow,” iyong tipo kasi ng scene na iyon ay nangyayari lang sa mga telenovela, eh! may ganun pala sa totoong buhay. “Samantha, paano naman magmumukhang magnanakaw iyon si Josias, paano niya nanakawin ang pera ni Shane, bakit pa siya magnanakaw kung ganun naman siya kayaman,” gulat na sambit ni Anne. Nakatulala pa rin ako sa labas at hindi ko namalayan na… “Samantha,” sigaw ni Shane. “Ho-hoy! Samantha,” habang tinatapik ang braso ko. “O-oh?” sagot ko. “Nakikinig ka ba?” tanong nito. “Ano na nga iyong sinasabi mo?” tugon ko. “Sabi ko, paano naman magmumukhang magnanakaw iyon si Josias, paano niya nanakawin ang pera ni Shane, bakit pa siya magnanakaw kung ganoon naman siya kayaman,” ani ni Anne. Nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Anne palabas ng school. “A-ah hindi ko alam, malay mo hindi naman iyon sa kanya,” sambit ko. “Anong hindi sa kanya, alam mo ba kanina? Para akong nanonood ng telenovela, diba? Ganoon iyong mga napapanood sa telenovela,” pagpapaliwanag niya habang may gestures pa. “Buang! tumahimik ka nga dyan,” sambit ko at binatukan ko siya. “Pero diba? Paano talaga kung totoo iyon?” “Samantha naku, may prinsipe pala tayong kaklase,” dagdag pa ni Anne. Napaisip ako sa sinabi ni Anne, kung ganoon siya kayaman eh bakit sa public school siya nag aaral? Kung ganoon siya kayaman eh dapat doon siya sa mamahaling school. Hindi ko talaga alam ang buhay ni Josias, ni wala nga akong background sa kaniya. Kaya anuman ang katauhan niya at takbo ng buhay niya ay hindi ko alam. Nakarating na kami sa crossing ni Anne at hudyat na iyon na maghihiwalay na kami. “Babye Samantha!,” pagpapaalam nito. “Bye! Ingat!” tugon ko. Umalis na ito ngunit lumingon muli at sumigaw ng “sabay tayo bukas huh!” Narinig ko iyon at sumenyas lang ako ng thumbs up sa kanya. Makalipas ang ilang minuto ay bumuhos ang ulan. Wala akong dalang payong dahilan para tumakbo ako sa natatanaw kong waiting shed. Binilisan ko ang takbo at pagkarating ko roon ay basang-basa ang aking blouse at palda. “Ha-hayss, bakit kasi nakalimutan kong magdala ng payong,” inis kong sambit. Nanatili ako sa waiting shed ng ilang oras dahil grabe pa rin ang buhos ng ulan at tila hindi na titila pa. Napansin kong dumidilim na rin noon at baka ako ay hinahanap na ni tatay. Ngunit... Sa hindi kalayuan ay napansin kong may nagtatalong babae at lalake. Kahit umuulan ay nakikita kong sinasampal ng lalake ang babae. Parehas na silang basang-basa ngunit hindi pa rin tumigil ang lalake na saktan ang babae. Inobserbahan ko sila ng ilang minuto at narinig ko ang bawat sigaw ng lalake. “Ang tanga-tanga mo!,” sigaw niya sabay sampal sa babae. “Tanga!” sigaw niyang muli sabay sampal. Sigaw, sampal, sigaw, sampal, sigaw, sampal...Paulit-ulit na pangyayari sa kanilang dalawa. Noong una ay pinipigilan ko pa ang sarili ko na pumunta sa kanilang dalawa pero noong nakita kong napaupo na ang babae dahil sa lakas ng sampal ay hindi ko na napigilan at tumakbo ako patungo sa kaniya. Sinigawan ko ang lalake. “Anong ginagawa mo kuya!” sigaw ko. “Okay ka lang ate?” tanong ko. Tinayo ko siya at halata kong namumula na ang bawat pisngi niya. Umalis naman at tumakbo ang lalakeng nanakit sa kanya. Dinala ko siya sa waiting shed at pinaupo roon. Kasabay ng pagtulo ng tubig mula sa mga basa niyang buhok ay ang pagtulo rin ng kanyang mga luha. Hindi ko na muna siya tinanong sa kung anong nangyari bagkus ay pinakalma ko muna siya. Nilabas ko ang bottled water sa aking bag at binigay ito sa kanya. “Uminom na muna po kayo,” sambit ko. Tumango ito at kinuha ang tubig. Uminom siya at napansin kong nahihirapan itong lumunok dahil na rin umiiyak siya. Umupo ako sa tabi ng babae at nagsimula akong tanungin siya sa kung anong nangyari. “A-ano pong na-nangyari?” nauutal kong tanong? “Ba-bakit ka po niya sinasaktan?” dagdag ko pa. Noong una ay hindi ito sumasagot. Ngunit nagsimula akong magkwento ng aking pangarap sa buhay. “Alam mo ba ate? Nasagasaan iyong nanay ko at ang masakit pa roon ay hindi naparusahan ang taong sumagasa sa kaniya,” sambit ko. Tumingin siya sa akin, ngunit ako ay nakatingin lang sa mga pumapatak na tubig. “Kaya pangarap ko maging prosecutor, para ipagtanggol iyong mga naapi sa malinis, maayos at makatarungan na paraan,” sambit ko. Humarap ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. “Kaya ate huwag kang matakot na magkwento sa akin, hindi kita huhusgahan,” pagpapaalala ko sa kanya. Hindi niya napigilan at sunod-sunod ng bumuhos ang mga patak ng luha mula sa kanyang mga mata. Nagsimula na siyang magkwento… “Iyong lalake kanina ay boyfriend ko iyon, nagsasama kami ng halos apat na buwan na,” tugon niya habang patuloy na umiiyak. Nagpatuloy siya sa pagkukwento… “Hanggang, hanggang sa nabuntis niya ako, kaso…” umiyak siya nang malakas. “A-ayaw niyang panagutan ang bata, a-ayaw niyang tanggapin, sabi niya ang tanga-tanga ko raw bakit ko raw hinayaan na mabuntis ako, huhuhu,” sambit ni ate. “Hindi ito ang unang beses na sinaktan niya ako, maraming beses na,” dagdag pa niya. “Sinubukan niyo na po bang magsumbong sa mga pulis,” tanong ko. “Hindi ako pu-pwedeng magsumbong,” sagot niya at halata ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Ba-bakit po?” tanong ko. “Pulis ang asawa ko, sabi niya kapag nagsumbong ako matatanggal siya sa serbisyo at masisira ang buhay naming pamilya,” sambit niya. “Hi-hindi naman po pwedeng ganyan ate, sinasaktan niya po kayo lagi. Once na natolerate na po iyan malaki ang posibilidad na maulit pa po iyan, tulad ngayon ilang beses na po niya kayong sinaktan,” explanation ko sa kanya. “Tara po sa police station, sasamahan ko po kayo,” paanyaya ko sa kanya. Hinintay kong may dumaan na tricycle para magpahatid sa police station. Ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa ring dumaraan. Hanggang sa…. “Gising, gising po,” sambit ko kay ate habang tinatapik ang kanyang pisngi. Hinimatay si ate siguro dahil na rin sa lamig at sampal na inabot niya at dagdag pa roon ay siya ay buntis. Noong may dumaan na tricycle ay agad kong kinawayan. “Kuya,kuya!” tawag ko. “Tulong po!” sigaw ko. Bumaba ang driver sa tricycle. “Anong nangyari?” tanong nito. “Hinimatay po siya,” tugon ko. Pinagtulungan namin maisakay ang babae sa tricycle. “Kuya dahan-dahan lang po ang takbo, buntis si ate,” pagpapa-alala ko. “Oh, sige iha,” sagot nito. Habang nasa tricycle ay nilabas ko ang aking bimpo para punasan ang basang mukha, buhok, at damit ni ate. Nang makarating na kami sa hospital ay tinulungan ako ni kuya na ilabas si ate. Pinasan ni kuya si ate, pumasok kami sa hospital at may sumalubong na doctor sa amin. “Anong nangyari?” tanong ng doctor. “Hinimatay po siya,” sagot ko. “Dito, ihiga niyo siya rito,” tugon ng doctor habang tumutungo sa hospital bed. Nagsimula kong ikwento ang nangyari. “Hinimatay po siya habang naghihintay kami ng tricycle papuntang police station,” sambit ko. “Anong nangyari sa pisngi niya bakit namumula?” pag-uusisa ng doctor habang hinahawakan ang pisngi ng babae. “Nagtalo raw po sila nung kinakasama niya, at saka po pala doc, buntis po siya,” tugon ko. Napansin kong nawala si kuyang driver sa tabi ko. Binuksan ko ang aking bag at kumuha ng kaunting halaga, tumakbo ako at lumabas ng hospital, nadatnan kong paalis na si kuya. “Kuya!” tawag ko. Lumapit ako sa kanya at inabot ang kaunting pera. “Ito po,” sambit ko. “Huwag na iha, pumasok ka na at bantayan mo ang babae, tawagan mo rin ang pamilya niya,” pagpapa-alala ng driver. “Salamat po kuya,” tugon ko. Umalis na si kuya at ako naman ay pumasok na ng hospital. Nakita ko ang suot-suot na ID ni ate at roon ko natagpuan ang isang number. Pumunta ako sa accommodation area ng hospital. “Pwede po bang makitawag?” tanong ko. “Sige po ma’am,” sagot ng isang hospital staff. “Thank you po,” tugon ko. Nagsimula kong itype ang mga numero na nasa ID ng babae. Nag ring ang telepono at… “He-hello po?” bati ko. “Hello?” sagot ng babae na nasa kabilang linya. “Nanay po ba ito ni ate Joy?” tanong ko. “Oo,” sagot niya. “Ma’am nasa hospital po si ate Joy ngayon,” sambit ko. “Ano? Ho-hospital?” halata ko sa boses niya ang pagkakagulat. “Opo, andito po siya ngayon sa Teres Hospital,” sagot ko. “Oh sige, pupunta na kami riyan,” tugon ng babae at binaba agad ang telepono. Bumalik ako kay ate Joy. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang kanyang pamilya, ang nanay, tatay at kuya niya. “A-anong nangyari?” tanong nila. “Nahimatay po siya habang naghihintay po kami ng masasakyan papuntang police station,” sambit ko. “Police station? Anong gagawin niyo sa police station?” gulat na tanong ng nanay ni ate Joy. “Nakita ko po kasing sinasaktan po siya ng kinakasama niya, inawat ko po sila dahil napaupo na po si ate Joy dahil sa daming sampal na inabot niya, nakwento niya po na ilang beses na rin po siyang sinasaktan ng lalake, at buntis po si ate Joy,” kwento ko sa pamilya ni ate Joy. “Ang lalake talaga na iyon” sagot ng kuya ni ate Joy. Nahalata ko ang inis at galit sa mukha ng pamilya ni ate Joy. Kinuha ko ang bag at nagpaalam sa kanila. “Uuwi na po ako,” pagpapaalam ko. “Salamat iha,” sagot ng tatay ni ate Joy. Ang nanay naman ni ate Joy ay ihinatid ako sa labas ng hospital. Bago lumabas… “Ma’am natatakot po si Ate Joy na magsumbong sa pulis, sana po samahan niyo po siya para po matigil na ang p*******t sa kanya, kasi po kapag hindi po ito maaksyunan ay malaki ang posibilidad na ito ay maulit pa,” pagpapaalala ko. “Oo iha, sasamahan namin siya, salamat iha,” tugon ng nanay ni ate Joy. Nagpaalam na ako at umuwi. Bilang isang nangangarap na prosecutor hindi ko matitiis na balewalain ang ganoong mga pangyayari, dahil naniniwala ako na “the one who just watch and did not take an action is more cruel than the abuser.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD