Pauwi na ko ng bahay at nakasalubong ko si Tatay Nestor ang ilang taon ng tanod sa Barangay namin.
“Abay Samantha, ginabi ka na,” sambit ni Tatay Nestor.
“Opo tatay Nestor, may emergency po kasing nangyari,” pagpapaliwanag ko.
“Umuwi ka na at baka hinahanap ka na ng tatay mo,” pagpapa-alala ni Tatay.
“Opo,” tugon ko.
“Mag-iingat ka,” sambit ni tatay.
“Opo tatay Nestor, kayo rin po,” ang aking tugon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, binilisan ko ang aking lakad dahil inaalala ko na baka nag-aalala na si tatay.
Pagpasok ko ng pintuan.
“Narito na po ako,” sambit ko habang tinatanggal ang aking sapatos.
Pagtingin ko sa orasan ay pasado alas otso na.
“Abay, anong nangyari anak? bakit sobrang ginabi ka?” sambit ni tatay at halata ang pag-aalala sa kanyang mukha.
“May emergency lang pong nangyari tay,” tugon ko.
Lumapit agad si tatay sa akin.
“Anong nangyari anak? may sugat ka ba? nasaktan ka ba? ” sambit niya habang hawak-hawak ang aking braso at halata sa mukha ang pag-aalala ni tatay.
“Hindi po tay, ayos lang po ako,” sagot ko habang hawak-hawak ang palad ni tatay.
“Mamaya ko na po ikukwento kung anong nangyari tay, maliligo po muna ako, kasi tignan mo tay oh, basang- basa ako,” tugon ko habang tinuturo ang basa kong uniform.
“Sige anak, bilisan mo at magha hapunan na tayo,” sambit ni tatay.
Pumasok ako ng kwarto para kumuha ng damit at dumiretso sa banyo.
Naligo ako agad-agad upang hindi magkasakit.
Pagkalabas ko ng banyo ay nakahain na ang hapunan namin. Umupo ako at nagsimulang magtanong si tatay.
“Anong nangyari anak?” pagtatanong ni tatay.
“May nakita po kasi akong babae at lalaki na nagtatalo sa daan tay, ilang sampal po ang inabot ng babae. Noong una po ay ayaw ko pa po mangialam, kaso tay hindi ko po masisikmura na panoorin lang ang ganoong sitwasyon,” pagkukwento ko.
“Abay, sino yung lalaki na iyon at mareport sa pulis,” tugon ni tatay at halata ang kaniyang pagkakagulat at pagkainis.
“Base sa kwento ng babae tay, hindi iyon ang unang beses na sinaktan siya ng kinakasama niya, ilang beses na rin po tay. Kaso tay natatakot iyong babae na magsumbong kasi police officer ang asawa niya. Natatakot siya na baka matanggal sa trabaho ang kinakasama niya,” patuloy kong pagkukwento.
“Kaya pala anak, pero hindi pa rin iyon tamang rason. Kapag hinahayaan lamang ay malaki ang posibilidad na maulit ang mga bagay na hindi dapat gawin,” katwiran ni tatay.
“Opo tay, sinabi ko rin po iyan kay ate, hindi mawawakasan ang masamang gawain habang walang aksyon na ginagawa,” tugon ko.
“At saka po tay ay nagdadalang tao iyong babae. Habang naghihintay po kami ng tricycle papuntang police station ay bigla po siyang hinimatay, kaya po hindi ko siya naipunta sa police station dahil tinakbo po namin siya agad sa hospital,” patuloy kong pagkukwento.
“Buti na lang po tay ay mabait iyong tricycle driver, tinulungan niya po ako hanggang sa maipasok si ate sa hospital.”
“Mabuti naman at meron pang ganoong mga tao,” sambit ni tatay.
“Kaya po ako ginabi tay dahil hinintay ko pa po ang pamilya ng babae na dumating. Mabuti na lamang po at may number sa ID ng babae kaya agad ko pong natawagan ang pamilya ng babae. Naikwento ko rin po sa kanila ang nangyari at sinabihan ko po sila na natatakot si ate na magsumbong, kaya kung pwede ay samahan po nila ito. At sumang-ayon naman po sila,” sambit ko.
“Mabuti ang ginawa mo anak, hindi ka lang basta nanood bagkus ay umaksyon ka,” ani ni tatay habang nakangiti.
“Alam mo naman tay diba? Hindi ko kayang hindi umaksyon sa ganoong mga bagay,” tugon ko habang nililigpit ang aming pinagkainan.
Sa halos na ilang taon na pagsasama nina tatay at nanay, kahit minsan ay hindi ko nakitang lumapat ang kamay ni tatay kay nanay o sa simpleng salita, hindi ko nakita na sinaktan ni tatay si nanay. Kaya siguro hindi ko maatim na manood lamang kanina, kasi alam ko na dapat umaksyon at hindi tama na manood lamang.
Kinabukasan…
Kinausap kami ng aming adviser patungkol sa nangyari kahapon, ang missing money ni Shane.
“Anong nangyari? Bakit kayo nagsisigawan kahapon?” tanong ng aming guro habang naglalakad-lakad sa harap.
Katahimikan ang bumalot sa aming room, walang gustong magsalita.
“Ms. President, anong nangyari?” sambit ni ma’am habang nakatingin sa akin.
Nagkatitigan kami ni ma’am at bigla akong napatayo.
“A-ah ka-kasi po ma’am umalis lang po ako saglit, hindi po kasi pumasok si Mrs. Santos kaya po napapunta po ako sa ESP Department para maitanong kung may iniwan po na takdang aralin si ma’am. Ta-tapos po na-nadatnan ko na lang po silang nagsisigawan ma’am,” nauutal kong tugon.
“Shane? Nahanap mo na ba ang pera mo?” mausisang tanong ni ma’am.
Biglang tumayo si Shane.
“O-opo ma’am, naroon po pala sa aking isang wallet,” nauutal na sagot ni Shane at halata sa mukha niya ang pagkahiya.
“Pa-pasensya na po sa na-nangyari ma’am,” tumingin siya kay Josias at humingi ng paumanhin, “sorry, Josias,” sambit ni Shane.
Nahalata kong walang naging reaction si Josias at bumalik lamang sa pagtutulog-tulugan.
Umupo si Shane at muling nag bigay ng paalala ang aming guro.
“Kung sakali man na maulit ang problema na ito, pakiusap pag-usapan niyo ng mahinahon. Lahat ng problema ay nadadaan sa mahinahong usapan,” pagpapa-alala ni ma’am.
“Tandaan niyo, Section A kayo,” dagdag pa ng aming adviser.
Ganun talaga siguro kapag nasa Section A, bawat kilos mo ay dapat laging tama, bawat kilos ay dapat appropriate at presentable.
Recess na namin ngunit minabuti kong kausapin si Josias.
Lumabas ako ng classroom para abangan ang paglabas niya sa pinto. Panay silip ko sa loob ng classroom para hindi ko makaligtaan ang paglabas niya.
Noong nakita ko na siya ay tumayo na at naghahanda na sa paglabas. Agad akong pumunta sa pintuan at hinarang siya. Binuka ko ang aking dalawang kamay para siya ay harangin.
“So-sorry, pati ikaw napagbintangan ko,” sambit ko habang nakayuko.
Hindi sumagot si Josias dahilan para ako ay tumingala. Nagkasalubong kami ng tingin. Nahiya ako kaya ako ay muling yumuko.
Ilang minuto na akong nakaharang sa harap niya ngunit wala pa rin siyang sagot.
Hinimas niya ang aking buhok, na aking ikinagulat. Matapos niyang gawin iyon ay umalis na rin siya agad.
Pumasok ako ng room at agad naman akong inasar ni Jeron.
“Ooh, ano iyong kanina, ano iyong nakita ko? close na kayo?”, tanong ni Jeron na may halong pang-aasar.
“Baliw hindi,” tugon ko at hinampas ko siya sa braso.
“Aray, nagtatanong lang eh,” sambit niya habang nakangisi.
“Hindi ko nga rin alam bakit ginawa iyon ng mokong na iyon,” pagpapaliwanag ko.
“Naku Samantha, baka iba na yan huh, naku!” patuloy na pang-aasar ni Jeron.
“Gusto mo bang madagdagan iyang hampas ko sayo?” seryoso kong pagtatanong.
“Joke lang naman eh, ito naman,” nakangiti niyang sambit.
“Nga pala Samantha, wala ka ba talagang balak mag audition sa Journalism?” pagpapa-alala ni Jeron.
“Aah, meron naman Jeron,” tugon ko habang inilalabas ang dyaryo na aking dinala.
“Ito nga oh, binabasa ko ito para magka idea ako,” sambit ko habang nililipat ang mga pahina ng dyaryo.
“Pwede bang magsusulat muna ako, gusto ko kasi sana News Writing, magsusulat muna ako tapos ipababasa ko sayo, tapos tingnan mo kung papasa ba,” ang aking pakiusap kay Jeron.
“Oo naman, magsulat ka na mamayang gabi para bukas ay mabasa ko na,” tugon ni Jeron habang pinagpapatuloy ang kanyang igunuguhit.
“Sige-sige, tapusin ko na rin muna basahin ito ngayon,” sambit ko habang patuloy na iniintindi ang bawat pahina ng dyaryo. Gusto ko kasi matutunan iyong structure of writing, kung paano ang atake ng bawat category.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng dyaryo at inusisa kung ano ang pagkakaiba-iba ng structure of writing ng bawat category. Buti na lamang ay nandyan si Jeron na hindi napapagod sagutin ang aking mga tanong.
Ngunit makalipas ang ilang minuto...
Napansin kong may hinahanap si Jeron sa kanyang bag.
“Hoy! Ano? Bakit? may nawawala ba sa gamit mo?” nag-aalala kong tanong.
Hindi sumagot si Jeron dahilan para mas lalo akong kabahan.
Hinampas ko siya at…
“Hoy! Ano? May nawawala ba sayo? Ako iyong kinakabahan para sayo eh.”
Hindi pa rin sumagot si Jeron at nagpatuloy lang siya sa paghahanap.
Ilang segundo lamang ay...
May inilabas na siyang ilang papel na gusot-gusot na. Siguro dahil ilang araw na iyon sa kanyang bag. Napansin kong tila may pagkakahawig sa dyaryo ang inilabas niyang ilang piraso ng papel.
“Ito,” sambit niya habang kita ang galak sa kanyang mukha. His expression is priceless, iyong tipong pag nakita mo na iyong matagal mo nang hinahanap.
Humarap siya sa akin at inabot ang dyaryo.
“Oh, Samantha, gamitin mo ito. School paper namin iyan noong Elementary. Basahin mo at baka may makuha kang writing technique,” explanation ni Jeron.
“Akala ko pa naman may nawawala na rin sayo,” aking tugon.
“Kinabahan ako roon ah,” sabay buntong hininga ko at hawak sa aking chest. “Akala ko mapapagalitan na naman tayo ni ma’am,” dagdag ko pa.
“Sorry hahaha, sobrang concentrated ko sa paghahanap eh,” sambit ni Jeron habang inaabot ang dyaryo.
Kinuha ko ang school paper na inaabot ni Jeron.
“Salamat pala rito Jeron, babasahin ko ito mamaya pag uwi ko sa bahay,” tugon ko habang may ngiti sa aking mga labi.
Inilagay ko agad ang school paper sa aking bag.
Dahil wala pang teacher ay naisipan kong pumunta muna sa Journalism Room.
Ngunit bago ako lumabas ng classroom ay binilinan ko muna si Anne. Pumunta ako sa kanyang upuan.
“Anne,” tawag ko. Hindi tumingala si Anne dahil nagcacram siya sa pagnonotes ng lessons kanina.
“Pupunta lang ako Anne sa Journalism room ah. Saglit lang ako, ikaw muna bahala, sana walang mag-away, manakawan o anuman,” pagpapa-alala ko sa kanya.
Napatigil si Anne sa pagsusulat at tumingin sa akin.
“Sama ako,” sambit niya habang nagba-baby talk at beautiful eyes.
“Ayoko, magsulat ka na muna dyan,” sambit ko habang tinuturo ang kanyang notebook.
“Sige na nga, bilisan mo ah,” tugon ni Anne .
Umalis na ako at pumunta na sa kabilang building. Ichecheck ko kasi ang schedule, kung hanggang kailan na lang pwede mag audition.
Pagkadating ko sa Journalism Room ay nakita ko roon si Shane na may kausap na teacher.
May lumabas na mga estudyante at narinig ko silang nagbubulungan.
“Grabe talaga si Shane, wala talagang kupas ang galing sa pagsusulat, worthy to be an EIC,” bulungan ng mga estudyante.
Nakita ko ang schedule na nakapost sa pintuan. Ang last day of audition ay hanggang Friday na lang.
“Tuesday pa lang naman ngayon, may panahon pa ko para mag practice,” bulong ko sa aking sarili.
Lumabas si Shane sa Journalism Room.
“Oh! Samantha, mag audition ka,” pagtatanong nito.
“A-ah, oo eh, pero sa last day na lang,” tugon ko. “Pabalik ka na ba sa classroom?” aking pagtatanong.
“Oo, pinasa ko lang iyong ginawa kong article,” sambit ni Shane.
Sabay kami ni Shane bumalik sa classroom at habang umaakyat ng hagdan ay tinanong ko siya.
“A-ah Shane? Bakit ka nagkaroon ng interest sa Journalism?” pag-uusisa ko.
“Aaah, siguro naimpluwensiyahan ako ng ate ko. Editorial writer kasi iyong ate ko. Hindi ko rin alam kung paano ako nagkaroon ng interest. Basta ang alam ko lang masaya ako kapag nag susulat ako. Sobrang saya ko kapag may natatapos akong article,” tugon ni Shane at kita ang galak sa kanyang mga labi.
Natuwa ako sa naging sagot ni Shane. “Basta ang alam niya lang, masaya siya kapag naka pagsusulat siya.”
Pumasok na kami sa classroom at dumating naman ang aming guro.
Makalipas ang isang oras ay natapos na ang aming last subject.
Ngunit hindi ako makauwi agad dahil sa sobrang lakas ng ulan.
Hinanap ko ang aking payong, “asan na ba iyon? bakit wala rito sa aking bag,” aligaga kong sambit sa aking sarili.
“Hay, hindi ko na naman nadala ang payong ko,” naiinis kong bulong sa sarili.
Lumabas ako sa classroom para pagmasdan ang malakas na ulan.
“Napakalakas ng ulan, paano ako maka uuwi nito?” naiinis kong bulong.
Pumasok ako sa classroom at nadatnan kong nag-aayos na si Josias para umuwi. Tumayo lang ako sa harap ng aking upuan. Nakita kong may nilabas siyang payong sa kanyang bag at nilagay ito sa aking arm desk. Pagkalagay niya ng payong ay agad na itong umalis.
Kinuha ko iyong payong at sumigaw.
“Josias, iyong payong mo!” malakas kong sigaw.
Hindi siya lumingon at nagpatuloy lang siya sa kanyang paglalakad.
“Bakit kaya niya iniwan ang payong niya sa arm desk ko? Narinig kaya niyang wala akong payong kaya iniwan niya ang payong na ito,” bulong ko habang tila kinakausap ang payong na iniwan ni Josias.
Hindi ko alam kung anong iisipin ko sa mga kinikilos ni Josias. Kanina ay ang pag pat niya sa aking ulo, ngayon naman ay ang pag-iwan niya ng payong. Hays, sana ay walang ibig sabihin ang mga kilos na iyon.