Umuwi ako agad ng bahay para maka pagbasa ng school paper na ibinigay ni Jeron at ang dyaryo na hindi ko pa natatapos basahin.
“Narito na po ako,” sambit ko habang tinitiklop ang payong na iniwan sa akin ni Josias.
Lumingon si tatay at napansin niyang..
“Oh anak, kaninong payong ‘yang gamit mo? Naiwan mo ang iyong payong,” sambit ni tatay habang tinuturo ang aking payong na nasa lamesa.
“A-ah tay, pinahiram po sa akin ng aking kaklase,” tugon ko.
“Mabuti at mayroong nagpahiram sa iyo. Sige anak at magbihis ka na,” tugon ni tatay.
Pumasok ako agad ng kwarto at kumuha ng padjama at t-shirt sa cabinet at dali-dali na rin akong nagbihis.
Pagkatapos magbihis ay inilabas ko agad ang papel, school paper at dyaryo para aking masimulan ang pag papractice sa pagsusulat.
Binasa ko ng maigi ang bawat pahina ng dyaryo.
Paglipat ko sa pahina ng cartoon page ng school paper na ibinigay ni Jeron. Namangha ako sa aking nakita.
“Cartoonist, Jeron,” aking pag kababasa sa pangalan na nakasulat sa school paper.
Halos lahat ng mga drawings doon ay gawa ni Jeron.
“Ang galing talaga ni Jeron,” pagpupuri ko sa kanya.
Binasa ko ng maigi ang bawat article na nakapaloob sa dalawang dyaryo at aking napansin na para maging maganda or malakas ang dating ng isang news article, marapat na malakas ang kanyang opening paragraph. Napansin ko na sa opening paragraph nakapaloob ang WH questions ang mga tanong na, What? When? Where? Why? and How? Sa bawat article na aking nabasa laging iyan ang nakasulat sa unang paragraph ng news article.
Gusto ko talaga maging isang news writer kaya inaral ko iyong mabuti. Dati kasi ay pangarap kong maging isang newscaster, iyong mala Jessica Soho, Kara David, ngunit dahil sa nangyari sa nanay ko mas pinangarap ko na maging isang prosecutor.
“Samantha, lumabas ka na at tayo ay mag hapunan na,” sigaw ni tatay.
Binitawan ko ang ballpen at dyaryo at lumabas na agad.
Nag sandok ako ng ulam habang si tatay naman ay inaayos ang mga plato, baso, kutsara at tinidor. Matapos mag sandok ng ulam ay na upo na rin ako. Gaya ng aming kinagawian nagdasal muna kami ni tatay bago kumain.
Pagkatapos magdasal ay humingi ako ng pahintulot kay tatay.
“Tay, pwede ko po bang buksan ang TV? Gusto ko po sanang manood ng balita,” sambit ko.
“Oh, sige anak, buksan mo ang TV at manood tayo para malaman natin ang kaganapan sa loob at labas ng bansa,” pagsang-ayon ni tatay.
Binuksan ko agad ang TV upang makanood agad. Sakto at medyo nagsisimula pa lamang ang 24 Oras.
Sa totoo lang ay hindi kami laging nanonood ng balita ni tatay, pero dahil gusto kong mag audition sa Journalism ay gusto kong manood para magka idea ako sa kung anong topic ang gusto kong sulatan.
Ang susunod na topic ay ang agawan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea. Nagkaroon ako ng interest kaya naman pagkarinig ko sa...
“Ang pag-aagawan sa West Philippines Sea ay hindi pa rin natatapos, narito si Kara David nakatutok,” pagsasalita ni Mel Tiangco.
Tumakbo agad ako sa kwarto para kumuha ng papel at ballpen.
Napansin kong nagulat si tatay sa aking ikinilos.
“Bakit anak? para saan iyan? may assignment ba kayo?” usisa ni tatay.
“Psst,” pagsaway ko sa aking tatay. Hindi ko agad nasagot ang mga tanong ni tatay, Sinenyasan ko muna siya na huwag maingay upang marinig ko ng maayos ang mga importanteng impormasyon.
Isinulat ko agad ang WH questions sa aking papel ang mga tanong na what, when, where, why and how. Nakinig ako nang mabuti habang sinusulat ang mga impormasyon na sumasagot sa WH questions. Mabilis ang pagsasalita ni Kara David, kaya’t binilisan ko rin ang aking pagsusulat. Hindi ko nga alam kung maiintindihan ko ba mamaya ang aking mga sinulat pero ang mahalaga ay kahit papano ay may naisulat ako.
“Ito po si Kara David, nakatutok 24 oras,” sign na tapos na ang pag-uulat tungkol sa West Philippine Sea.
Binitawan ko ang ballpen at nagtanong naman agad si tatay.
“Anak para saan itong sinulat mo?” tanong ni tatay habang kinukuha ang papel na aking sinulatan ng mga impormasyon.
“Tay, balak ko po kasi mag audition sa Journalism sa school namin, eh hanggang Friday na lang po kasi ang last day ng pagpapasa ng article. May isa po akong kaklase na si Jeron, isa po siyang cartoonist, inaya niya po ako at ipanahiram pa nga po niya iyong school paper nila rati para daw po maaral ko ang bawat structure ng articles,” ang aking pagkukwento.
“Sinabihan ko po siya na magpa practice ako at pinakiusapan ko po siya na gagawa po ako ng article ngayon at bukas ay ipapabasa ko sa kanya upang mahusgahan niya kung anong dapat ayusin o kung matatanggap ba sa audition. Pumayag naman po siya sa aking pakiusap,” patuloy kong pagkukwento.
“Oh, mabuti iyan anak, para marami ka ring matutunan sa pagsulat at may pagka abalahan bukod sa academics,” pagsuporta ni tatay sa aking balak na mag audition.
Natapos kaming mag hapunan ni tatay at noong inililigpit ko na ang aming pinagkainan ay pinigilan ako ni tatay.
“Ako nariyan Samantha, pumasok ka na sa kwarto mo para makapag practice ka na,” sambit ni tatay.
“Hindi po tay, tapusin ko na po ito,” pag pupumilit ko.
“Hindi anak, ako na, pumasok ka na at mag practice,” pagpupumilit ni tatay habang patuloy na nililigpit ang mga plato at baso.
“Oh, sige po tay, salamat po, the best ka talaga tay,” napayakap ako kay tatay dahil sa aking saya.
Masaya ako na hindi nagbabago si tatay, nakasuporta pa rin siya sa kung anuman ang aking maging desisyon sa buhay.
Pumasok na ako agad sa kwarto at agad na nag try magsulat.
Makalipas ang ilang minuto ay napapasabi na ako ng…
“Ang hirap naman pala nito, bakit kapag binabasa ko parang ang dali lang,” sambit ko sa aking sarili.
Makalipas ang ilang oras ay chinicheer up ko na ang aking sarili para hindi ako sumuko.
“Kaya mo yan Samantha, gusto mo to diba? dapat kayanin mo,” bulong ko sa aking sarili.
Sulat, punit, ulit. Sulat, punit, ulit. Sulat, punit, ulit. Halos naging ganyan ang aking routine makalipas ang ilang oras. Pero okay lang dahil naniniwala ako na “trying is what matters most”.
“Sige, ito na ang final na ipababasa ko kay Jeron,” sambit ko habang tinititigan ang aking pang-anim at huling ulit.
Hindi ko namalayan ang oras, paglabas ko ng kwarto ay pasado alas onse na pala.
“Hala, anong oras na pala,” sambit ko at nadatnan ko na mahimbing na ang pagkaka tulog ni tatay sa upuan.
Nag toothbrush at naghilamos na ako para makapaghanda sa pagtulog. Matapos maghilamos ay agad na rin akong pumasok sa kwarto. Hindi na ako nag-alarm dahil alam ko naman na gigisingin ako ni tatay.
Nang sumapit na ang umaga…
“Hala, anong oras na? Bakit hindi ko naririnig na ginigising ako ni tatay?” kabado kong sambit.
Lumabas ako ng kwarto at 5:40 na, 20 minutes na lamang ay start na ng klase namin.
Nadatnan kong naghahanda na si tatay ng agahan.
“Tay, bakit hindi mo ako ginising,” tanong ko habang hinahanap ang aking blouse at palda.
“Kanina pa kita ginigising anak, ilang beses na akong pumasok sa kwarto mo para gisingin ka, ngunit napakahimbing ng iyong pagkakatulog,” tugon ni tatay habang nagtitimpla ng kape.
Agad na akong naligo, nag sabon at hindi na nakapag shampoo pa, 3 minutes lamang ang aking iginugol sa pagligo. Matapos maligo ay pumasok na ko agad para magbihis. Inayos ko na rin ang aking sarili, ako ay nag pulbo at nagsuklay.
Pagkatapos mag-ayos ay agad kong hinanap ang pares ng aking medyas.
“Nasan na ba iyon?” naiinis ko ng tanong.
“Tay? Nakita niyo po ba iyong medyas ko,” pagtatanong ko kay tatay.
“Naroon sa labas anak at nakasampay,” tugon niya habang nagwawalis sa bakuran.
Lumabas ako para sungkitin ang medyas. Matapos makuha ay isinuot ko na iyon agad. Habang aking sinusuot ang aking sapatos ay siyang pagpasok naman ni tatay sa bahay.
“Aalis na po ako tay,” pagpapalaam ko.
“Abay, mag gatas ka muna at kahit isang pandesal lamang. Hindi magandang aalis ka ng walang laman ang tiyan mo,” pagpapa-alala ni tatay.
Ako ay nasa pintuan na ngunit napabalik ako sa kusina para uminom ng gatas at kumain ng isang pandesal. Nagmamadali na ako noon ngunit kung hindi ko iinumin ang gatas na tinimpla ni tatay ay wala naman ng ibang iinom, lalamig lamang at itatapon.
“Kailangan may laman ‘yang sikmura mo para gumana ng maayos ‘yang utak mo,” sambit ni tatay.
Pagkatapos kumain ay umalis na ko agad.
“Alis na po ako tay,” muli kong pagpapaalam.
“Sige anak, mag-iingat ka,” tugon niya. “Kapag nasaraduhan ka ng gate ay umuwi ka na lamang,” nakangising pang-aasar ni tatay.
Umalis na ko agad at tumakbo nang mabilis.
Habang tumatakbo ay hindi ko maiwasan na magsalita ng…
“Bakit kasi anong oras na ako nagising,” inis kong bulong sa aking sarili.
Nang ako ay malapit na….
“Konti na lang Samantha, kaya mo iyan,” sambit ko at humarurot na ako sa takbo.
Nang ako ay papasok na ng school nakita kong pasara na ang gate, mabuti na lang at nakapasok ako, isang minuto bago ito tuluyang isara.
“Hays,” hinihingal kong sambit habang pinupunasan ang aking mga pawis.
Matapos ang isang minutong pahinga ay muli akong tumakbo para makahabol sa aming classroom flag ceremony.
Pagkarating ko sa harap ng aming classroom ay nadatnan kong sarado na ang dalawang pinto. Sinilip ko ang bintana at nakita kong nagdadasal na sila.
Habang nasa labas ay nakikisabay din ako sa flow ng flag ceremony. Ilang minuto ay may dumating din na isang late...si Josias.
Nakita ko ang pag kakagulat sa kanyang mukha ng makita niya ako sa labas ng classroom. Malapit lang ang distansya naming dalawa ngunit hindi kami nagkikibuan.
Kung ako ay nakikisabay sa flow ng flag ceremony si Josias naman ay nakaupo lamang at kulang na lang ay humiga ito sa sahig. Tamad na tamad talaga siyang pumasok.
Naghintay kami nang ilang minuto at ng matapos na ang room flag ceremony ay binuksan na ang dalawang pinto.
“Mr. Jo…” hindi pa natatapos magsalita si Mrs. Santos ay kaagad ng pumasok si Josias.
Ako naman ay naiwan sa pintuan at nag-iisip kung ano ang magandang rason bago ako tanungin.
“Ms. President, why are you late? ” tanong ni ma’am.
Bumilis ang kabog ng aking dibdib, napakamot ako sa ulo, ngunit kahit anong isip ko kung ano ang magandang rason ay minabuti ko pa rin na sabihin ang totoo.
“A-ah, ka-kasi po, ma-am, late po kasi ako nagising, inaral ko pa po kasi iyong mga dyaryo, balak ko po kasi mag audition sa Journalism. Sorry po ma’am,” ang nauutal kong explanation.
“It’s okay, go inside,” tugon ni ma’am.
“Thank you po,” pumasok ako ng classroom at umupo agad.
“Uy, bago ‘yan ah? bakit parang ngayon ka lang nalate? at sabay pa kayo huh, naku kahapon pa ‘yan ah,” pang-aasar ni Jeron sa akin.
Siniko ko siya.
“Tigil-tigilan mo nga ako Jeron, ang aga- aga huh,” naiinis kong bulong.
“Joke lang naman eh. Anyways, nakagawa ka ba ng article,” pagtatanong niya.
“Oo, napuyat nga ako dahil doon nalate tuloy ako,” mahina kong sagot.
“Pinagpuyatan mo pala eh, dapat maganda ‘yan,” sambit niya.
“Hindi ko alam, ikaw na bahalang humusga mamaya,” aking tugon.
Natapos ang dalawa naming klase at recess na.
Hindi ako bumababa para bumili ng pagkain sa canteen, ngunit dahil ako ay nalate, pumunta ako sa canteen at bumili ng snack dahil sobrang gutom ko na dahil isang pandesal lang ang aking kinain, hindi na rin ako nakapag handa ng baon dahil late na akong nagising.
“Samantha, akin na ‘yong article mo at babasahin ko,” sambit ni Jeron habang binababa ko ang mga pagkain na binili ko sa canteen.
“Ah, wait lang,” tugon ko.
Inilabas ko ang papel na pinag sulatan ko ng article na aking pinagpuyatan. Inabot ko iyon kay Jeron.
“Oh, issue about sa West Philippine Sea ang napili mo,” sambit niya.
“Oo, basahin mo na,” tugon ko.
Nagsimulang basahin ni Jeron ang article na gawa ko. Napansin kong nakangiti siya habang binabasa ito. Hindi ko alam kung natatawa siya or natutuwa sa kanyang binabasa.
“Hoy! bakit ka naka ngiti dyan?” tanong ko habang hinahampas siya.
“A-ang ganda niya Samantha, maganda ang pagkakasulat mo,” sambit ni Jeron.
“Hi-hindi nga?” pagtataka ko, at halata sa aking mukha na hindi ako makapaniwala.
“Maganda Samantha, pwede mo na itong ipasa. Sasamahan kita mamaya,” tugon ni Jeron.
“Sigurado ka ah? matatanggap ‘yan ah?” sambit ko habang itinuturo ang aking article.
Nang sumapit na ang uwian ay inaya ako ni Jeron na ipasa na ang aking article.
“Tara na Samantha, ipasa na natin iyan,” sambit niya.
“Oh sige. Anne, ikaw muna bahala rito ah, ipapasa ko lang itong article ko,” pagpapaalam ko.
“Sure,” sagot ni Anne ng may ngiti.
Pagkarating namin sa Journalism Room.
“Ma’am ito po si Samantha, mag papasa po siya ng news article,” sambit ni Jeron.
“Oh sure,” tugon ng School Paper Adviser.
“Ma’am basahin niyo po ah, maganda iyan,” sambit ni Jeron habang nakangiti.
“Ikaw talaga Jeron, abay oo naman. By next week I will be posting the names of those students who are qualified,” sambit ng SPA.
“Okay po ma’am. Thank you po,” tugon naming dalawa ni Jeron.
Lumabas na kaming dalawa ni Jeron sa Journalism Room at hindi ko naiwasan na tanungin siya.
“Bakit mo ko inaya na mag audition Jeron,” pagtataka kong tanong.
“Simple lang, I see potential in you,” tugon niya.
“Potential?” sagot ko.
“Oo and grabe rin iyong perseverance mo. Tignan mo inaral mo talaga iyong dyaryo, napuyat ka, tapos na late ka pa, pero worth it naman dahil maganda ang kinalabasan ng article mo,” sambit ni Jeron.
Oo nga naman, hindi ko napansin na grabe ang aking perseverance, hindi ko na nga namalayan kung anong oras na kagabi dahil sa sobrang kagustuhan ko na aralin ang mga dyaryo.
Nang makakaba na kami ng building.
“Salamat sa tiwala Jeron,” sambit ko.
“Advance Congratulations, Samantha,” tugon niya.
“Sus, wala pa nga, bye,” pagpapaalam ko.
Umuwi na si Jeron at ako naman ay bumalik sa classroom para icheck kung tapos na maglinis ang mga cleaners.