CHAPTER 15: SEE YOU AGAIN

2318 Words
Pagkapasok ng room ay nakatulala lamang ako. Siniko ako ni Jeron, “Oh, anong nangyari sa ‘yo?” Hindi ako sumagot at nakatulala lamang. “Hoy, anong nangyari sa ‘yo?” muli niyang pagtatanong. Hindi pa rin ako sumasagot at nakatulala lamang sa sahig. Ilang minuto na akong nakatulala at nagulat na lamang ako ng hawakan ni Josias ang braso ko at hinila ako palabas. Pinaupo niya ako sa upuan na nasa corridor. Pagkatapos ay lumuhod siya sa harap ko at tumingin. “Anong nangyari?” pagtatanong niya. Hindi ako sumasagot at nakayuko lang. “Samantha, anong nangyari?” malakas na niyang pagkakasigaw dahilan para mapatingin ako sa kanya. Napakamot ako sa ulo, “kapag sinabi ko ba sa ‘yo, may magagawa ka?” naiinis kong sagot. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at humarap sa kanya. “At saka pala, huwag ka ngang umarte na parang may pakialam ka sa akin,” pagkasabi ko noon ay umalis na rin ako at pumasok sa room. Ilang minuto mula ng pumasok ako sa aming classroom ay dumating na rin ang aming guro pero si Josias ay hindi pa rin pumapasok ng room. Lumipas ang first subject pero hindi pa rin siya dumating. Recess na namin at bumaba ako ng canteen para bumili ng pagkain. Pagkatapos bumili ay umakyat na rin ako ng room. Naupo ako sa aking upuan. Makalipas ang ilang minuto ay dumating si Josias. Akala ko ay uupo siya sa kanyang upuan at magtutulog-tulugan lamang katulad ng lagi niyang ginagawa. Ngunit nagulat ako ng kunin niya lang ang kanyang bag at umalis na rin. Habang kinukuha niya ang kanyang bag ay nakatingin lamang ako sa kanya ngunit, ni hindi ito tumingin sa akin at umalis na rin agad. Hindi ko tuloy alam kung nagalit ba siya sa mga sinabi ko. Pagkaalis niya ay nagpatuloy na ako sa pagkain ng biscuit na binili ko sa canteen. Dumating si Jeron at naupo sa tabi ko. “Nakasalubong ko si Josias ah, anong nangyari doon?” pagtatanong niya sa akin. “Hindi ko alam,” maikli kong sagot. “Hindi ba nag-usap kayo kanina?” sambit niya. “Oo, pero wala namang napag-usapan,” tugon ko. “Oh, ano na pala ‘yong nangyari kahapon? sabi mo ngayon mo ikukwento,” sambit niya. “Labas muna tayo,” tugon ko. Tumapat kami sa harap ng room, recess pa naman ‘yon kaya may oras pa para makwento ko sa kaniya ang mga nangyari. Sa totoo lang si Jeron at Anne lamang ang napagkukwentuhan ko dahil may tiwala na ako sa kanila. “Oh, anong nangyari?” sambit ni Jeron. “Diba nga, ako ang ginawang EIC,” tugon ko. “Oh, anong problema roon?” sambit ni Jeron. “Eh, parang hindi naman ako deserving,” sagot ko. “Anong, hindi deserving? binigay sayo ‘yan dahil deserve mo,” sambit ni Jeron. “Alam mo ba, pinatawag pa ako ni ma’am at nagtanong tungkol sa ‘yo,” dagdag pa niya. “Huh?” nagtataka kong tanong. “Pinatawag niya ako nakaraan. Sobrang nagandahan kasi siya sa gawa mo. Tinanong niya ko kung responsible ka raw ba, kasi balak niya na ikaw ang maging EIC,” pagkukwento ni Jeron. “Oh, anong sabi mo?” curious kong tanong. “Sabi ko, responsible ka. At saka President ka ng class natin kaya alam kong responsible ka,” patuloy niyang pagkukwento. “Kaya huwag mong sabihin na hindi mo deserve ‘yan. Kasi si ma’am mismo ang gustong magbigay ng posisyon na ‘yan sa iyo,” dagdag pa niya. “Hala, hindi ko alam na pinatawag ka pala niya,” sambit ko. “Ngayon alam mo na, kaya deserve mo ‘yan,” tugon ni Jeron. “Ano bang nangyari sa kahapon? may nangyari ba kay Shane?” “A-ah, wala naman. Pero kasi nasabi niya na ineexpect ng parents niya na siya ang magiging EIC,” sambit ko. “Kaya pala, iniisip mo ang kalagayan niya kaya ka nagkakaganyan nuh?” tugon ni Jeron. “Kasi naman Jeron, mas magaling naman siya sa akin, mas may experience, at saka ayoko lang madisappoint ‘yong parents niya sa kanya,” pagpapaliwanag ko. “Feeling ko tuloy may inagawan ako ng posisyon kahit hindi naman. Hindi ko naman intention na maging EIC ako. Nakokonsensya tuloy ako,” dagdag ko pa. “Hindi mo naman kasalanan na ikaw ang napili, Samantha,” sambit ni Jeron. “Eh kaso sabi ni Shane kanina, disappointed na raw ‘yong parents niya sa kanya. Nagsorry ako sa kanya kanina pero ang sabi niya hindi ko na raw kailangan mag sorry,” pagkukwento ko. “Sabagay, ilang years na rin kasi siyang journalist. At balita ko, EIC siya noong elementary kaya siguro nag expect ‘yong parents niya sa kaniya,” sambit ni Jeron. “ Pero wala kang kasalanan nuh kung ikaw ang napili.” “Sana nga hindi siya galit sa akin, ang hirap naman magtraining noon kung may galit siya sa akin,” sambit ko. “Wala bang inoffer na posisyon sa kanya?” “Meron, Associate Editor,” tugon ko. “Oh ayun naman pala eh,” sambit ni Jeron. “Pero ang sabi niya pag-iisipan pa raw niya,” tugon ko. “Basta Samantha huh, wala kang kasalanan. Kapag doubtful ka sa kakayahan mo, isipin mo lang ‘ang kwento ko kanina,’’ sambit ni Jeron. “Salamat, Jeron.” Tapos na kami mag recess at pumasok na kami sa loob ng classroom. Pumasok na rin ang aking mga classmate mula sa canteen at narinig ko ang bulungan nila. “Hoy, nakita niyo ba ‘yong lalaki sa first floor? sa tapat ng Principal’s Office,” sambit ng isa kong classmate. “Naku te, ang daming tao kanina sa harap ng Principal’s Office,” tugon ng kaklase ko. “Basta may lalaki roon, feel ko nga kaedaran lang natin ‘yon. Pero ngayon ko lang nakita ‘yong mukha niya,” sambit ng isa kong classmate. “Baka transferee,” tugon ni Anne. Pumasok ang adviser namin sa room na ipinagtaka namin dahil hindi naman niya class time. “Hi class, today meron kayong bagong magiging classmate,” sambit ni ma’am. Pagkatapos sabihin ‘yon ni ma’am ay may biglang pumasok na isang lalaki. “Ayan ‘yong lalaki sa tapat ng Principal’s Office kanina,” naririnig kong sambit ng aking babaeng kaklase. Pamilyar ang lalaki. Ilang beses ko na rin siyang nakita at nakapag-usap na rin kami. Ang lalaking ‘yon ay ang ang lalaking laging nasa ilog kapag mabigat ang aking pakiramdam. Ang lalaking nag offer sa akin ng panyo noong ako ay umiiyak. Ang lalaking hiniling na sana ay gumaan ang pakiramdam ko. Doon ko nga lang narealize na tatlong beses na kaming nagkita ngunit hindi ko pa rin siya kilala, at ako ay hindi niya rin kilala. In short, hindi namin alam ang pangalan ng isa’t-isa. Hindi ko alam kung bakit may konti akong kaba na nararamdaman. “Introduce yourself,” sambit ng adviser namin. “Hello, I’m Julio Cruz.” Julio Cruz pala ang pangalan niya. “Anything else?” tanong ng adviser namin. “I am from Manila. I graduated elementary at Ateneo De Manila University. I also started my High School there. But something happened so I have to go back here in the province,” pagkukwento niya. Lumingon ako sa aking mga kaklase at kitang-kita ko sa mukha nila na manghang-mangha sila sa pagpapakilala ni Julio. “Grabe, sa Ateneo, sobrang yaman siguro niya. Kaso bakit dito siya nag transfer?” rinig kong sambit ng aking kaklase. Naisip ko rin ‘yon. Kung ganoon siya kayaman. Bakit dito siya nag enroll sa public school. “Oh, you are from Ateneo?” gulat na sambit ni ma’am. “Yes po ma’am,” tugon ni Julio. “Okay iho, since ang bakanteng upuan ay sa tabi lang ni Samantha, dahil absent ata iyong si Josias, you can temporary sit there,” sambit ni ma’am. Tinuro ni ma’am ‘yong upuan. Dumako ang tingin ni Julio sa upuan at napatingin siya sa akin. Nakita kong nagulat siya. Lumapit siya at umupo sa tabi ko. “Samantha pala ang pangalan mo,” sambit niya. “Ah, oo, ikaw? Julio pala ang pangalan mo,” tugon ko. “Akalain mo ‘yon, dito pa natin malalaman ang pangalan ng isa’t-isa,” sambit ni Julio. Pagkasabi niya noon ay natawa ako, “kaya nga eh.” “Pero, sinusundan mo ba ako?” sambit niya na ikinagulat ko. “A-ako?” tanong ko habang itinuturo ang aking sarili. “Oo, nakaraan kapag nasa ilog ako naroon ka rin. Ngayon naman hanggang sa school andito ka pa rin?” pang-aasar niyang sambit. “Naku, mas nauna kaya ako rito, ikaw ‘yong nagtransfer baka ikaw ang sumusunod sa akin,” mataray kong sagot. “Joke lang, ito naman, banas agad. By the way, lagi na kitang maaabutan ng panyo, ngayon na classmate na tayo,” sambit ni Julio. “Hahaha, hindi na kailangan, hindi naman ako umiiyak dito sa school,” natatawa kong tugon. Pumasok na ang teacher namin sa next subject. “Good morning class.” “Good morning ma’am.” Napatingin si ma’am kay Julio. “New student?” tanong ni ma’am habang tinuturo si Julio. “Yes po ma’am” tugon ni Julio. “Oh, stand in front and introduce yourself,” sambit ni ma’am. Pumunta si Julio sa harap para ipakilalang muli ang kanyang sarili. “I am Julio Cruz…” Habang nagpapakilala si Julio ay siniko ako ni Jeron. “Magkakilala kayo?” usisa ni Jeron. “Hindi naman,” tugon ko. “Eh bakit kung mag-usap kayo parang ang tagal niyo ng magkakilala,” sambit ni Jeron. “Ah, eh nakikita ko kasi siya sa ilog lagi kapag tumatambay ako sa ilog. Tatlong beses na rin na kapag naroon ako ay nandoon rin siya,” pagpapaliwanag ko. “Ah, kaya pala,” tugon ni Jeron. “Naku Jeron, ano naman ang naisip mo?” nagtataka kong tanong. “Wala lang, akala ko kasi magkaibigan kayo or what,” tugon niya. Nagklase na kami at matapos ang dalawang subjects ay uwian na namin. As usual, naiwan kami ni Anne, para masiguradong malinis ang room at nakasara ang bintana at pinto. Pagkatapos ay umuwi na rin kami ni Anne. Habang naglalakad pauwi. “Uy, ang yaman naman ng bago nating classmate,” sambit ni Anne. “Oo nga eh,” tugon ko. “Biruin mo galing Ateneo, eh ang yayaman ng mga tao roon diba,” sambit ni Anne. “Oo, isa ‘yon sa mga pinakamamahaling school dito sa bansa natin,” tugon ko. “Pero? bakit kaya sa school natin siya nag transfer?” nagtatakang tanong ni Anne. “Hindi ko alam eh, pero baka may dahilan din. Iyong pagbalik nga niya rito sa probinsya natin may reason siya eh. Siguro may reason din siya kung bakit dyan siya nag transfer,” tugon ko. “Kung makapagsalita ka naman dyan, akala mo matagal mo na siyang kilala,” pang-aasar ni Anne. “Hindi nuh, feeling ko lang, binase ko lang sa pagpapakilala niya kanina,” tugon ko. “Ah, pero mukha naman siyang mabait nuh?” sambit ni Anne. “Mukha naman,” tugon ko. Hindi ko maikwento kay Anne na tatlong beses ng coincidence na lagi kaming nagkikita sa ilog ni Julio. Siguro ikukwento ko na lang bukas sa kanya. Nakarating na kami sa crossing at hudyat na ‘yon na maghihiwalay na kaming dalawa ni Anne. “Bye, mag-iingat ka,” sambit ko. “Bye, Samantha,” pagpapaalam ni Anne. Umuwi na ako agad at habang naglalakad pauwi ay nakasalubong ko si ate Joana. “Oh ate? Duty na po kayo?” sambit ko. “Oo, Samantha,” tugon ni ate Joana. “Ingat po ate.” “Sa Sabado Samantha huh, pupunta ako sa bahay niyo,” sambit ni ate Joana. “Nasabi ko na po kay tatay ate, sabi po niya ay titingnan niya po muna kung hindi po busy sa bukid sa Sabado. Pero huwag po kayo mag-alala ate dahil pipilitin ko po si tatay,” pagpapaliwanag ko. “Sige Samantha, mauuna na ako,” sambit ni ate Joana. Pagdating ko sa bahay ay naroon si tatay. “Narito na po ako,” sambit ko. “Oh anak, nariyan ka na pala, magbihis ka na at maghahapunan na tayo. Masarap ang niluto ko. Ang paborito ng nanay mo na sinigang,” sambit ni tatay ng may galak. Nagbihis ako agad at naupo para kumain. Habang kumakain ay naikwento ko kay tatay na nakasalubong ko si ate Joana. “Tay, nakasalubong ko po si ate Joana. Sa Sabado tay huh,” sambit ko. “Oo anak, basta hindi busy sa bukid,” tugon ni tatay. “Pwede naman po tay na huwag muna kayo magtrabaho sa araw na ‘yon,” pagpupumilit ko. “Sayang ang kikitain ko sa araw na ‘yon anak. Huwag ka mag-alala kapag busy ang tatay sa Sabado, ay magpapaalam ako sa boss namin at aagahan ko na lamang umuwi, para humabol” pagpapaliwanag ni tatay. “Sige po, tay.” Kinabukasan. Sabay kaming pumasok ni Anne. Pagpasok sa room ay sumunod na dumating si Jeron. “Ang aga mo na ulit lagi, kailan ka kaya malalate ulit?” maaga niyang pang-aasar. “Naku, hindi na ‘yon mauulit nuh,” sambit ko. “Nalate lang ako noon dahil napuyat ako,” dagdag ko pa. Ilang minuto lang ay dumating na rin si Julio. Naupo siya sa tabi ko. Pero matapos ang ilang segundo ay dumating na rin si Josias. Tumayo siya sa harap ni Julio at si Julio naman ay tumayo rin. Nagtinginan sila, tinignan ko silang dalawa at napabulong ako ng, “parang ganito ang mga eksena sa mga pinapanood kong teleserye.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD