CHAPTER 51: STAR

2198 Words
Nang dumiretso ako sa tinuturong direksyon ni Zyrine. Pagkadating ko malapit sa hagdan at doon ay tatanawin ko sana kung sino ang nasa labas na lalaki na naghahanap sa akin. Wala pang tatlong segundo ay alam ko na kung sino ang kaniyang tinutukoy niya. Si Josias, nakatayo ito sa tapat ng school gate. Nagkatitigan kami at kakaway sana ito ngunit itataas niya palang sana ang kaniyang kamay para kumaway sa akin ay agad na akong tumalikod. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong bumaba ng mga oras na iyon para harapin siya. Siguro ay natatakot ako na baka itanong niya ulit ang huling tanong niya sa akin bago ako pumasok ng school. Hindi ko alam kung bakit may pakiramdam ako na gusto ko iwasan ang tanong na ‘yon. Hindi ko alam kung wala lang ako maisagot o natatakot ako sa aking maisasagot. “Mabuti na rin at hindi ako bumaba,” iyan ang nasa isip ko. Mabuti na rin na hindi ko siya hinarap dahil may mga bagay pa akong dapat na pagtuunan ng pansin at hindi siya iyon. Bumalik na ako sa Journalism Room at doon ay nag focus ako sa aking mga kapwa journalist. Chineck ko kung sino pa baa ng kulang at chineck ko rin kung kumpleto na ba ang gamit ni Arianne. Pagkatingin ko sa aking relo ay 7:20 at ten minutes na lang ay aalis na kami. “10 minutes na lang at aalis na tayo, bumaba na tayo,” ang utos sa amin ni ma’am. Bumaba na kami at ganun pa rin kung sino ang magkakasama noong first day ay magkasama pa rin noong second day. Noong una ay ayaw ko pa sana bumaba dahil baka naroon pa si Josias. Pero noong natanaw ko mula sa pangalawang palapag ay wala na siya ako ay nakahinga nang maluwag. Sumakay na kami ng jeep at gaya ng dati ay katabi ko na naman si Jeron. “Hoy ano? natanong mo na ba?” ang usisa ni Jeron. “Ang?” ang maang-maangan ko kahit alam ko naman kung ano ang kaniyang pinupunto. “Sa dalawa, natanong mo na ba. Naroon iyong isa kanina ah, nakita ko siya kanina,” ang saad niya. “Huh? sino?” ang maang-maangan ko kahit alam ko naman kung sino ang kaniyang tinutukoy. “Si Josias, nasa labas siya kanina ah, hindi ba kayo nagkita?” ang patuloy na pagtatanong ni Jeron. “Ah, hi-hindi eh,” pagsisinungaling ko. “Oh, akala ko pa naman ay nagkita kayo,” saad niya. “Ang tagal niya rin ata roon kasi pagtanaw ko mga after twenty minutes ay naroon pa rin siya,” pagkukwento niya. “Ah ganun ba,” ang patay malisya kong tanong. Sa totoo lang ay hindi ako comfortable na pag-usapan ang ganoong mga bagay. Siguro ay dahil bago ang ganoong feeling sa akin. Dahil sa loob naman ng aking pamumuhay sa mundong ibabaw ay hindi ako nakaramdama ng ganoon. Kaya it’s a new feeling for me. A feeling that I guess inevitable. “Naku ka, magtanong ka na,” ang saad muli ni Jeron. Saglit akong natigilan bago ko naisip ang aking isasagot. “Ah, Jeron pwede ano?” ang saad ko. “Ano?” agad namang tugon ni Jeron. “Pwede huwag muna natin iyan pag-usapan,” ang aking pakiusap. “Hala, Sam bakit naman hindi mo sinabi agad sa akin.Edi sana hindi ko na inoopen pa sayo, iyong mga ganyan,” ang muli niyang sambit. “Gusto ko lang kasi sana magfocus muna sa Journalism ngayong araw. Last day na kasi ng contest at gusto ko sana ay iyon muna ang iisipin ko. Gusto ko na muna mag-enjoy at wala muna akong gusting isipin kung hindi ang Journalism,” ang aking pagpapaliwanag. “Naku, bakit kasi hindi mo sinabi sa akin agad. Edi sana tinikom ko muna ang bibig ko sa topic na iyan,” ang saad niya. “Ano ka ba, okay lang. At least napag-usapan natin diba. Ngayon, alam ko na kung ano ang gagawin ko,” ang aking tugon. Matapos noon ay si Arianne naman an gaming pinag-usapan. “Sam, dala mo ba iyong banner ni Arianne?” tanong niya. “Hala, iyong banner,” ang gulat kong tugon. “Hala, huwag mong sabihin naiwan mo,” ang halata ko ring gulat niyang tugon na may pag-aalala. “Oo, sorry huhuhu,” ang aking sambit. “Hala, sayang naman, pero okay lang bawiin na lang natin sa sigaw at palakpak,” ang saad ni Jeron at halata ko sa mukha niya ang pagkalungkot. Natawa ako at saka siya sinabihan nang… “Patola ka naman, syempre hindi koi yon kalilimutan,” sambit ko habang natatawa. Nilabas ko ang banner mula sa dala kong paperbag. “Oh, iyan oh, ang ganda diba, may picture pa,” ang pagbibida ko. “Taray naman gumawa ng mga news writer,” ang saad naman ni Jeron. “Oo naman,” ang aking pagsang-ayon. Kung mapapansin niyo si Jeron ay isang lalaki pero meron din itong malambot na side. Pero don’t get me wrong hindi siya beki, may girlfriend nga siya eh. Pero sana talaga beki na lang siya feel ko kasi masaya kasama ang mga beki. “Oh ibalik mo na riyan sa mahiwaga mong paper bag,” ang sambit ni Jeron. Kinuha ko ang banner at inilagay iyon sa aking paper bag. Ilang minuto lang ay nakarating na muli kami sa venue ng contest. Katulad kahapon ay napakaraming mga estudyante. At halos lahat ay naka P.E uniform siguro ay inilaan talaga nila ang kanilang P.E uniform para sa last day or ang tinatawag na rin na Awarding Ceremony. Dumiretso na kami muli sa room kung saan kami naka assigned. At gaya ng aking kinagawian. Tumambay ako sa corridor at tinanaw ang mga tao sa covered court. Napakulay ng aking view at dahil iyon sa iba’t-ibang uniform ng mga estudyante. Para akong nasa l***q run. Pagkatapos ay tumingala muli ako para damhin ang hangin na tumatama sa aking mukha. Muli akong pumikit para mas marelax ako. Ilang minuto naging ganun ang aking pwesto hanggang sa narinig ko na lang na tinawag ako ng aking isang co-journalist. “Sam!” ang tawag niya. Napadilat ako at napatingin sa kaniyang pwesto. “Oh?” ang aking tugon. “Baba na kami,” ang saad niya. “Oh sige, mauna na kayo,” ang saad ko. “Sige-sige.” Pagkatingin ko sa aming classroom ay wala ng naiwan na tao at lahat ay nakababa na. Ngunit hindi pa rin ako bumaba at nanatili lang sa aking kinatatayuan. Hihintayin ko na lamang na mag announce sila na ang lahat ay bumaba. Gusto ko muna kasi ienjoy ang hatid na relaxation sa pwesto na iyon. Tiningala ko muli ang aking mukha at pinikit ang aking mga mata. Fineel ko ang hatid na lamig ng hangin. Sa ganoong paraan ay parang napapanatag ang aking loob. Ni wala akong problema na naiisip. Hanggang sa… “Ang lahat po ay inaanyayahan ng bumaba,” ang announcement ng isang teacher. Pagkarinig ko noon ay napadilat ako at bumaba na rin ako agad. Tumungo ako kung saan nakapwesto an gaming school. Halata ang excitement ng bawat tao na nasa covered court. Iyong tipong gusto talaga nila makita kung sino ang pambato ng ibang school. Hanggang sa.. “Ilang minuto na lamang po ay magsisimula na ang contest,” ang muling sambit ng isang tinig na babae. Dahil doon ay inilabas ko na ang banner na ginawa namin para kay Arianne. At saka kami nagsisisigaw ng Arianne at narinig iyon ng ibang school at dahil doon ay naglabas din sila ng kanilang banner at saka isinagaw ang pangalan ng kanilang pambato. At doon ay nabalot ang covered court ng sigawan dahil sa kaniya-kaniyang pagsigaw ng pangalan ng kanilang pambato. Hanggang sa nagkaroon ng roll call at tinawag ang pangalan ng bawat school. At doon isa-isang nagsigawan ang bawat school na matatawag. Hanggang sa nagsimula na ang program. “Okay let’s start. Give round of applause to the candidates!” ang saad ng host. At doon ay nagsilabasan ang mga candidates suot ang uniform ng kanilang mga school at dahil doon ay nabalot na naman ang sigaw ng covered court. Noong makita ko ang mga candidates ay napamangha ako, halos lahat sila ay maganda at gwapo. Iyong tipong wala talagang tapon. Dahil halos lahat ay may kagandahan at kagwapuhan na taglay. Hanggang sa nagpakilala na ang bawat-isa. “Kapag si Arianne na tumahimik muna ang lahat ah, sumigaw tayo pagkatapos niyang magpakilala,” ang paalala ni ma’am. “Opo ma’am,” ang aming tugon. At nang si Arianne na ang magpakilala. Gaya ng napag-usapan ay hindi muna kami sumigaw. Hanggang sa… “Arianne Hernandez, your news writer!” ang kaniyang pagpapakilala ng may galak at ngiti sa kaniyang mga labi. Pagkatapos niyang magpakilala ay nagsigawan kami kasabay ng pagwagayway ng banner na aming ginawa. Hanggang sa nagpakilala na rin ang iba pang mga candidates. Ang lahat ng kalahok ay magaganda ngunit iba ang taglay na ganda ng isang candidate mula sa Cuyo National High School. Ang mukha niya ay parang pang artista. Kahawig niya si Denise Laurel. Para siyang may lahi. Morena ang kaniyang balat na bumagay sa kaniyang mapungay na mata at maliit at matangos na ilong. In short, ang ganda niya talaga at kahit iba ngang mga journalist na galing ibang school ay naririnig kong nagbubulungan ng mga salitang, “ang ganda niya talaga”. Hanggang sa napunta na sa talent portion. Nang si Arianne na ang sasalang. Pagkapasok pa lamang nito ay sumigaw na kami agad. “Hoooooh,” an gaming sigaw. “Arianne, Arianne, Arianne,” ang aming sigaw habang winawagayway ang banner na ginawa naming para kay Arianne. Ngunit ng magsimula ng sumayaw si Arianne ay tumahimik na kami para na rin hindi matabunan ng boses namin ang tugtog. Gaya noong practice ay unang pitik pa lamang ng katawan ni Arianne ay nakamamangha na talaga. Hanggang sa sumayaw na siya. At gaya ng inaasahan ay napaka on point ng bawat steps na kaniyang binibitawan. Sobrang graceful at sobrang ganda ng kaniyang bawat posture. Sa contemporary dance ay pinakita niya ang kaniyang flexibility. Ang bawat step ay talaga nga namang kamangha-mangha dahil nagagawa niya nang tama ang mga ito. Ang bawat formation ay maganda. At noong nasa modern dance naman na siya, sumasayaw siya ngunit may swag pa rin. Mabilis ang mga step ngunit graceful pa rin ito at talaga nga namang may swag. Habang pinagmamasdan ko ang mga manonood ay namamangha rin sila. May narinig pa nga kong nagbulungan ng, “grabe kaya niya kahit anong genre,” “grabe, ang galing naman niya,” ang bulungan ng mga journalist galing ibang school. Hanggang sa natapos na ang performance ni Arianne. Nag bow ito at kami naman ay napasigaw ng, “Hoooh, Arianne!”. Iba-iba ang talent ng mga candidate. May sumayaw, may kumanta, tumula at mayroong nag-iisang nag painting at tunay na nakamamangha ang kanilang talento. Pagkatapos ng talent portion ay mayroon munang nag intermission number para magbigay ng pagkatataon sa mga candidates na sila ay magbihis ng kanilang recycled custome. May kumanta ng kantang, “Kailan,” dahil sa kantang iyon ay naalala ko tuloy sina Josias at Julio. Naalala ko ang kanilang mga naging kilos nitong mga nakaraang araw ngunit hindi ko na iyon masyado pang inisip nang malalim at nag-enjoy na lamang at sinabayan ang kanta. Hanggang sa natapos ang kanta at muling lumabas ang mga MC. “Okay again, give round of the applause for the candidates!” Lumabas ang mga candidates at napakaganda ng suot ng bawat-isa. Iyong tipong hindi mo aakalain na recycle. May gawa sa straw, sa plastic bottle at ang iba naman ay sa newspaper. Nagsigawan ang bawat school para suportahan ang kanilang pambato. Kasabay ng pagrampa ng kanilang recycled gown ay ang question and answer. Isa-isang tinawag ang bawat candidate at meron lamang isang minuto para sagutin ang tanong na kanilang mabubunot. Ang unang tinawag ay ang hawig ni Denise Laurel. Bumunot siya at ang tanong ay… “Ano ang pinakamalalim na kahulugan ng pagiging isang Ms. CJ or Ms. Campus Journalist?” “Para sa akin ang malalim na kahulugan ng pagiging isang Ms. CJ ay ang pagiging isang boses ng katotohanan, boses ng bayan. Ang boses na maghahatid ng pawing katotohanan lamang na makatutulong sa bawat mamayan,” ang kaniyang naging sagot at doon ay nagpalakpakan ang mga manonood dahil sa kaniyang naging magandang sagot. Pagtapos ay tinawag na ang iba pang candidates. At nang si Arianne na ay nagsigawan kami para na rin kahit papaano mawala ang kaniyang kaba. Bumunot si Arianne ng tanong. At ang kaniyang nabunot ay, “Bakit importante ang iyong category kaysa sa iba pang category?” Ngumiti muna si Arianne at nagsimula na siyang sumagot. “Naniniwala ako na importante ang news writing dahil ito ang mukha ng katotohanan. Ito ang magiging sandata para imulat ang mga mamayan sa kung anong kaganapan sa ating bayan. Kung ano ang dapat gawin at ayusin. At naniniwala ako na ito ay pundasyon ng facts na maaring gamitin ng iba pang category. In short, we are the foundation,” ang napakagandang sagot ni Arianne. Dahil sa nasagot ni Arianne ay napatayo kami at napasigaw. Hanggang sa natapos na ang question and answer. May mga kinakabahan habang sumasagot habang ang iba naman ay confident at on point ang sagot. Natapos na ang pageant at mamaya na ang pag announce ng mga nanalo kasabay ng sa category. And the only question left to every journalist is, “Who’s going to be the star for this year Campus Press Journalism Conference."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD