CHAPTER 50: IT WAS YOU

1196 Words
Natigil ang pag-uusap namin ni Jeron dahil sa pagdating ni Arianne. Pagdating ni Arianne ay nakasando lamang ito dahil aayusan pa siya, “Oh anak, bakit nalate ka na?” sambit ni ma’am nang makapasok na si Arianne. “Pasensya na po ma’am. Naflat po kasi iyong sinakyan namin na tricycle, hinantay pa po namin na maayos,” tugon naman ni Arianne. “Oh siya, pumunta ka na roon kay Ma’am Marie para maayusan ka na,” saad ni ma’am. “Samantha, pakisamahan naman si Arianne,” dagdag pa ni ma’am. “Sige po,” ang aking tugon. Tumayo na ako sa aking kinauupuan at sinamahan na si Arianne papunta kay Ma’am Marie. Habang naglalakad patungo sa Filipino Office kung saan naroon si Ma’am Marie ay kinamusta ko si Arianne. “Okay ka lang ba?” ang aking sambit. “Ah oo naman ate,” saad niya habang nakangiti. “Wala ka bang kaba na kinakabahan?” ang usisa ko. Saglit na natigilan si Arianne ng ilang segundo bago ito nakasagot. “Ah, slight?” ang saad niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin kay Arianne kasi kung ako rin ang nasa kalagayan niya ay kakabahan din ako. Ngunit triny ko pa rin siyang icomfort. “Ano ka ba, huwag kang kabahan. Ang mahalaga ay ienjoy mo lang. At maging masaya ka lang din sa gagawin mo,” ang saad ko. “Ah, mukhang ganun na po talaga ate. Huwag ka mag-alala ate, mag-eenjoy po ako sa aking performance,” ang tugon ni Arianne na nagpapanatag sa akin. “Huwag ka na kabahan, ano ka ba,” ang saad ko. “Thank you ate! Siguro po ate ay kinakabahan ako dahil po dati ay by group po kami nagpeperform pero ngayon ay ako na lang po mag-isa,” saad ni Arianne. Dahil doon ay mas naiintindihan ko na ang kalagayan ni Arianne. Tama naman dahil dati ay may mga kasama siya para magperform. Ngayon ay mag-isa na lamang siya. “Oo nga nuh,” ang aking pagsang-ayon sa sinabi ni Arianne. “Pero huwag ka mag-alala, kaya mo ‘yan. Ichecheer ka naming,” ang aking sambit. “Thank you talaga ate,” ang saad ni Arianne. Nakarating na kami sa Filipino Office. Kumatok ako ng tatlong beses bago buksan ang pintuan. Pagbukas naming ng pintuan ay naroon si Ma’am Marie. Nakalabas na ang kaniyang mga make-up at nakalagay iyon sa kanyang table. Mayroon ding isang salamin na may ilaw. “Ay, nariyan ka nap ala,” ang sambit ni Ma’am Marie. Si Ma’am Marie ay isang jolly na tao. Hindi siya masungit na teacher. Siya ay palabirong tao. “Maupo ka na riyan anak,” ang sambit ni Ma’am Marie. Naupo si Arianne sa isang upuan at habang nakatingin si Arianne sa salamin ay napansin ni Ma’am Marie ang kaniyang kagandahan na taglay. “Ah ganda mo naman girl,” ang sambit ni Ma’am Marie. Napansin ko na nahiya si Arianne sa sinabi ni Ma’am Marie. “Thank you po,” mahinang sagot ni Arianne. Kung tutuusin ay totoo naman. May kagandahan na taglay si Arianne. Mapungay ang kaniyang mga mata at mahaba ang mga pilik-mata nito. Matangos ang kaniyang ilong at mapupula ang kaniyang mga labi kahit may kakapalan ito. Maputi rin ang kaniyang mga balat. In short kung pag-iisahin ang ganyang mga description ng isang mukha ay may angking ganda talaga si Arianne. Isa pa ay talented si Arianne kung saan ay siya sa image ng isang complete package. Pagkatapos noon ay inayusan na si Arianne. Habang inaayusan si Arianne ay pinapanood ko si Ma’am Marie. Habang pinagmamasdan si Ma’am Marie ay halatang alam na alam niya talaga ang kaniyang ginagawa. Alam niya kung ano ang dapat gamitin. Kung anong brush ang gagamitin. Kung anong powder ang dapat gamitin. At kung anong poweder ang ipapatong. Alam niya kung anong right way of brushing those powders. And overall ang ganda ng kinalabasan na make-up ni Arianne. Bumagay ang make-up sa hugis ng kaniyang mukha at lalo na kulay ng kaniyang kutis. Pagkatapos ang make-up ay inayos naman ang buhok ni Arianne. Ang ginawang ayos kay Arianne ay pusod na may kaunting tiring buhok. “Ganito ang ayos ng buhok mo dahil diba sasayaw ka?” ang usisa ni Ma’am Marie. “Opo,” ang sagot ni Arianne. “Perfect ang ganitong ayos para expose ang maganda mong mukha. At para hindi ka hawi nang hawi ng buhok mo dahil sasayaw ka pala,” paliwanag ni Ma’am. “Okay po ma’am. Thank you po,” ang saad ni Arianne. Ilang minuto lang ay maayos na ang buhok ni Arianne. “Ayan na ang finish product. Pak! Perfect ang ganda mo,” ang sambit ni Ma’am Marie habang nakabungisngis at nakatingin kay Arianne. “Thank you so much Ma’am,” ang sambit ni Arianne habang hawak-hawak ang kamay ni Ma’am Marie. “No worries, basta galingan mo huh! Kaya mo ‘yan,” ang sambit ni Ma’am Marie. “Thank you po ma’am,” ang kaniyang sambit. “Opo, gagalingan ko po,” ang tugon ni Arianne. “Oh siya, bumalik ka na roon para maayos mo na ang mga gamit mo,” ang saad ni Ma’am Marie. “Okay po ma’am,” ang sambit naman ni Arianne. Nang isasara ko na ang pinto ay nagpasalamat ako kay Ma’am Marie. “Thank you po ma’am,” ang sambit ko. “Always welcome!” ang sambit ni ma’am na nakangiti. Sobrang jolly talaga ni ma’am at hindi ka talaga matatakot sa kaniya. Naglakad na kami patungo sa Journalism Room para maging maayos na ang mga gamit ni Arianne. Nang makarating kami sa Journalism Room ay pinuri siya agad ni ma’am. “Ang ganda mo naman anak,” ang puri ni ma’am. “Ay wow, ang ganda mo naman Arianne,” ang puri naman ni Jeron. “Hoy, may girlfriend ka na ah,” ang pagbibiro ko. “Hoy, mas maganda naman ang girlfriend ko,” depensa naman ni Jeron. “Anong sabi mo kuya Jeron?” pagbibiro naman ni Arianne. Pagkatapos igilid lahat ng gagamitin ni Arianne ay nagpractice ulit ito. Ngunit hindi na siya humataw pa at parang for recall lamang. Nagpractice na si Arianne at mas narecall niya ang kaniyang gagawin na performance. Habang nagpapractice si Arianne ay unti-unti naman ng nagsidatingan ang mga journalists Hanggang sa dumating si Zyrine ang same level ko na journalist. “Sam,” ang tawag niya sa akin habang siya ay patungo sa aking pwesto. “Oh?” ang aking tugon. “May naghahanap sa iyo,” ang saad niya. Dahil sa sinabi ni Zyrine ay nagtaka ako. Wala naman akong inaasahan na tao na maghahanap sa akin. “Ah sino?” nagtataka kong tanong. “Lalaki ate eh,” ang saad niya. “Lalaki?” pagtataka ko pa. “Oo,” ang kaniyang saad. “Andun siya ate oh,” Lumakad ako patungo sa direksyon na itinuturo ni Zyrine. “Sige, thank you,” ang aking sambit ang nagmamadali kong saad kay Zyrine. Nang lumakad na ako ay dumungaw ako sa labas ng school gate mula sa second floor at doon ay natanaw ko si Josias.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD