Nang tinawag na ako ni Jeron ay tuluyan ko ng inalis ang braso ni Josias na nakahawak pa rin sa akin. Naglakad na ako patungo sa kinatatayuan ni Jeron at hindi na ako lumingon pa.
Nakatingin lamang si Jeron sa akin habang naglalakad patungo sa kaniya. Pansin ko nab aka inusisa niya lang din ako kung may nangyari ba sa amin ni Josias.
Hanggang sa sabay na kami pumasok ng school.
“May problema ba?” usisa ni Jeron.
“Wala naman,” tugon ko.
“Eh kung wala, bakit ganyan ang mukha mo?” saad niya.
Sa naging tugon niya ay bigla akong napaayos sa aking mukha.
“Huh? bakit?” anong problema sa mukha ko?”
“May dumi ba?” usisa ko.
“Wala naman, pero bakit parang namomroblema ka?” saad niya.
“Ah wala nuh, may tinanong lang si Josias na kinagulat ko,” sambit ko.
Habang umaakyat kami ng hagdan ay patuloy lang ang pagkukwentuhan namin ni Jeron.
“Ano bang tanong niya?” saad ni Jeron.
“Ah, wala naman iyon, hindi naman dapat pagtuunan ng pansin,” tugon ko.
“Eh kung hindi naman dapat pagtuunan ng pansin eh bakit ganyan ang mukha mo?” usisa ni Jeron.
“Hayss,” ang aking tanging naging tugon.
“Hay naku, ikwento mo na lang sa akin iyan mamaya,” ang sambit ni Jeron.
“Sige, sige at naguguluhan na rin ako. Pero tulungan mo na natin si Arianne,” tugon ko.
Nakarating na kami sa Journalism Room at doon ay nadatnan naming si ma’am na muling inaayos ang mga kailangan ni Arianne.
“May number ba kayo ni Arianne?” ang sambit ni ma’am.
“Ay wala po ma’am, pero meron po ata nakasulat doon sa registration form,” saad ko.
“Ah ganun ba, sige at tatawagan ko na siya at wala pa rin siya hanggang ngayon,” ang saad ni ma’am.
“Sige po ma’am, kami na po muna ang bahala rito,” ang sambit ni ma’am at pumunta na siya agad sa kabilang classroom.
Kami naman ni Jeron ang nagpatuloy sa pag-aayos ng mga kailangan ni Arianne.
Habang inaayos naming ang mga gamit ni Arianne ay nakatulala lamang ako dahil hindi pa rin mawala sa isip ko ang naging tanong ni Josias sa akin.
“Baka naman matunaw na ang sahig niyan,” ang sambit ni Jeron.
“Ah?” gulat kong tanong.
“Sabi ko grabe ka makatitig sa sahig baka naman matunaw na ang sahig niyan,” ang sambit ni Jeron.
“Ay sorry, sorry,” ang naging tugon ko.
“Kulang lang ata ako sa tulog kaya ganito,” saad ko kahit alam ko naman na hindi iyon ang dahilan.
“Kulang sa tulog o kulang ng oras kanina?” ang saad ni Jeron na parang may nais ipunto.
“Oras saan naman?” patay malisya kong pagtatanong.
“Kanina sa usapan niyo kanina. Akala mo ba hindi ko napansin na nag-uusap kayo,” saad ni Jeron.
“Ah, hindi naman importante ang napag-usapan namin,” sambit ko.
“Ah ganun ba, edi kung hindi importante ay huwag ka na mabahala riyan,” saad ni Jeron.
“Hindi naman ako nababahala,” alam ko sa sarili ko na in denial lamang ako.
“Kung hindi ka nababahala ngayon edi sana hindi ganyan ang mukha mo ngayon. Tingnan mo nga iyang mukha mo sa salamin,” sambit ni Jeron.
Bumalik na si ma’am sa room.
“Andyan na po si Arianne, ma’am?” tanong ko.
“Ah, papunta pa lang,” tugon ni ma’am.
“Ah ganun po ba. Okay na po iyong mga gamit niya ma’am. Mukhang wala naman pong kulang,” saad ko.
“Ah ganun ba anak, salamat,” ang tugon ni ma’am.
Lumabas ako at nakatitig lamang sa kalangitan. Kitang-kita ko ang ganda ng sunrise. Tinitingala ko pa nga ang aking mukha para tumama sa sikat ng araw.
Makalipas ang minuto ay naramdaman ko na lamang na tumayo si Jeron sa tabi ko.
“Anong bumabagabag sayo?” saad niya.
Hindi ako nakasagot agad at tanging pagtahimik lamang ang aking naging tugon.
“Ikuwento mo na ‘yan at baka matulungan kita,” saad ni Jeron.
Huminga ako ng malalim.
“Pero bago ka muna magkwento ay kukuha muna ako ng upuan para mas maging maayos ang kwentuhan natin,” wika ni Jeron.
Naglabas ng dalawang upuan si Jeron at nagkwentuhan kami sa corridor.
“Hayss, hindi naman na kasi dapat pagtuunan ng pansin ito,”ang aking sambit.
“Hay naku Sam, magkwento ka na, kapag nagkwento mas mawawala ang bumabagbag diyan sa puso mo,” saad ni Jeron.
“Puso talaga,” biro ko.
“So ano na?” pangungulit ni Jeron.
“Ayun nga, hindi ko alam kung bakit natanong iyon sa akin ni Josias,” pagkukwento ko.
“Bakit? ano bang naging tanong niya?” usisa ni Jeron.
“Tinanong niya kung may gusto raw ba ako sayo,” pagkukwento ko ng may halong inis.
“Huh?” gulat na tanong ni Jeron.
“Kaya nga eh, kahit ako mismo ay nagulat kaya nga sabi ko ay close lang talaga tayo. Dahil paano ba naman classmate tayo at ikaw talaga ang close ko sa Journ,” ang aking pagpapaliwanag.
“Saka may girlfriend ako nuh,”ang saad ni Jeron.
“Isa pa nga iyon, sabi ko may girlfriend ka, kaya hindi talaga nuh,” patuloy kong pagpapaliwanag.
“Oh ayun lang naman pala iyong tanong niya bakit naman nababagabag ka pa?” saad ni Jeron.
Sa naging tugon niya ay ilang segundo rin akong hindi nakasagot.
“Eh ka-kasi ma-may i-isa pa si-siyang ta-tanong,” saad ko.
“Eh ano naman iyon? doon ka ba sa pangalawang tanong nababagabag?” usisa ni Jeron.
“Siguro?” saad ko.
“Eh ano ba kasi iyong tanong niya?” saad ni Jeron.
“Ah ano kasi, tinanong ba naman niya ako tungkol kay Julio?” saad ko.
“Oh ano naman ang tanong niya kung may gusto ko ba Julio?” ang diretsahang tugon ni Jeron.
Dahil sa naging saad niya ay nabigla ako at hindi ko ulit alam kung ano ang dapat kong isagot.
“Oh bakit mukha ka na namang nagulat?” ang saad ni Jeron.
“Ah hindi ah,” pagtanggi ko.
“Oh ano namang naisagot mo sa tanong ni Josias.
“Ayun nga wala akong nasagot kasi tinawagm mo ako. Pero nakahinga ako ng maluwag noong tinawag mo kasi hindi ko rin alam kung ano ang aking isasagot,” tugon ko.
“Huh? bakit naman hindi mo alam ang isasagot mo?” saad ni Jeron.
Sa naging tugon ni Jeron ay napaisip ako, bakit nga hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Josias.
“A-ah, ba-basta hi-hindi ko a-alam,” ang nauutal kong tugon.
“May gusto ka ba kay Josias?” sambit ni Jeron.
“Wa-wala,” ang nauutal ko pa ring tugon.
“Eh kay Julio?” saad ni Jeron.
“Wa-wala rin,” saad ko.
“Kung ganoon ay sila naman ang tanungin mo. Hindi ka naman siguro manhid sa mga kinikilos nila nuh,” sambit ni Julio.
Napaisip ako sa mga sinabi ni Julio.
“Ano ang ibig mong sabihin?” nagtataka kong tanong.
“Tanungin mo kung mayroon silang gusto sayo,” saad ni Jeron.
“Huh?” gulat kong tanong.
“Para hindi ka na mag-isip,” paliwanag ni Jeron.
Natapos na ang usapan naming dahil bigla na lang dumating si Arianne. Pumasok na si Jeron sa room at ako naman ay naiwan sa labas.
Sa totoo lang gusto ko rin namang tanungin si Josias at Julio. Pero, paano?