Habang naglalakad pauwi ay nakasalubong ko sina Jeron at ang kaniyang girlfriend. Tila may binibili pa ata sila sa tindahan. Hindi ko n asana sila pupuntahan dahil baka makaistorbo ako sa kanila. Ngunit tinawag ako ni Jeron.
“Sam!” sigaw niya.
“Oh?” ang aking saad.
“Tara,” anyaya niya.
Tumungo ako sa kanilang kinatatayuan.
“Girlfriend ko,” ang sambit ni Jeron.
“Oh, hi,” ang aking tugon saka iniabot ang kamay.
Iniabot niya rin ang kaniyang kamay.
“Si Sam,” iyong kinukwento ko sayo na classmate ko.
“Oh, ikaw pala iyon,” ang tugon ng kaniyang girlfriend.
“Nice to meet you,” ang sambit ng kaniyang girlfriend.
“Nice meeting you din,” ang aking tugon.
“Paano Jeron? mauuna na ako,” ang aking tugon.
“Oh sige-sige. Mag-iingat ka,” ang aking sambit.
“Kayo rin, una na ako,” ang akin ding paalam sa kaniyang girlfriend.
Nauna na ako kina Jeron para makauwi na agad.
Ngunit ng nasa crossing na ako ay natanaw ko si Julio. Nakatayo siya sa gilid at tila parang may hinihintay.
Noong malapit na ako ay bigla siyang nangiti. Kaya napalingon ako kung may tao ba sa likod. Noong nakumpirma ko na walang tao sa likod ay napaisip tuloy ako kung bakit ngumingiti sa akin si Julio.
“Sam,” tawag ni Julio.
“Oh bakit?” ang aking tugon.
“Pauwi ka na ba?” ang kaniyang sambit.
“Ah, oo,” saad ko.
“Mag gagabi na rin kasi eh,” dagdag ko pa.
“Oh, ganun ba,” tugon niya.
“Ikaw? may hinihintay ka ba?” ang sambit niya.
“Ah wala naman,” saad niya.
“Eh bakit hindi ka pa umuuwi kung wala ka naming hinihintay,” ang nagtataka kong tugon.
“Ah, pumunta lang kasi ako rito. Natanaw kita kaya hinintay na lang kita,” ang kaniyang sambit.
“Oh, ganun ba. Sige umuwi ka na,” ang aking tugon.
“Ah gabi na, ihahatid na lang kita,” ang diretshan niyang sambit na aking ikinagulat.
“Huh?” ang gulat kong tugon.
“Ang sabi ko gabi na. Ihahatid na kita,” ang sambit niya.
“Ano ka ba hindi na kailangan,” diretsahan kong pagtanggi.
“Ano ka ba. Huwag mo kasing bigyan ng malisya lahat ng bagay. Ihahatid lang kita kasi gabi na. Classmate kita kaya ayokong may masamang mangyari sayo,” saad ko.
“Oh, sige ikaw ang bahala,” ang aking naging sambit.
Naglakad na kami pauwi. Tila may katahimikan na bumalot sa pagitan naming ni Julio. Hindi ko alam kung dahil pagod lang ako noong araw na iyon o dahil wala rin kaming mapag-usapan. Si Julio naman ay napapansin kong patingin-tingin sa akin. At dahil hindi siya tumitigil katitingin sa akin ay tinanong ko na ito.
“May sasabihin ka ba?” nagtataka kong tanong.
“Huh?” saad niya.
“Kanina ka pa kasi tingin nang tingin. May gusto ka bang sabihin?” tanong ko.
“Ah, wa-wala nuh,” ang kaniyang tugon na pautal-utal pa.
“Oh, ang ganda sa ilog ah. Kitang-kita ang buwan,” saad ni Julio.
Hindi ko alam kung gusto niya lamang mabaling ang aking attention sa ilog para hindi na ko magtanong pa. Ngunit nang tumingin ako sa ilog ay napakaganda nga ng buwan na tumatama sa ilog.
“Gusto mo bang tumambay saglit?” anyaya ni Julio.
“Ah, pagod kasi ako Julio eh,” ang aking sambit.
Ngunit nang tumingin muli ako sa ilog ay tila may comfort itong inhahatid sa akin. Kaya naman kahit pagod ako ay pumunta kami sa ilog dahil matagal na rin akong hindi nakatatambay sa ilog dahil sobrang busy ko sa Journalism.
“Pero sige, pero saglit lang huh,” ang aking paalala.
“Oo naman nuh,” saad ni Julio.
Tumungo kami sa ilog at sabay na bumaba ng hagdan.
Inilapag ko ang aking bag at naupo sa gilid ng ilog.
Tumitig lang ako sa buwan at mas lalo kong narealize kung gaano ang buwan ng araw na iyon.
“Naaalala mo ba?” ang saad ni Jeron na bumasag sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.
“Ang alin?” nagtataka kong tanong.
“Naaalala mo ba. Dati inaabangan pa kita kung kailan ka ba pupunta sa ilog,” ang kaniyang pagkukwento.
“Bakit mo naman ako aabangan?” ang aking saad.
“Syempre, gusto kitang damayan,” tugon ni Julio.
“Ah, kasi mo akong nadadatnan na umiiyak?” ang sarcasm kong tanong.
“Pwede? joke lang,” saad niya.
“Gusto lang kitang damayan. Gusto kong pakinggan ang mga kwento mo,” ang saad ni Julio.
“Ah ganun ba. Akala ko gusto mo ako lagging umiiyak eh,” saad ko.
“Oo rin,” biro niya.
“Hindi nuh. Sino ba naman ang gugustuhin na may nakikitang umiiyak. Pero noon, sabi ko, kailan ka kaya muling iiyak para naman makita kitang muli,” ang seryosong sagot ni Julio.
“Oh tignan mo umamin ka rin, gusto mo talaga akong umiyak,” tugon ko.
“Hindi nga, ang gusto ko lang ang damayan ka lagi ka na lang kasing mag-isang umiiyak,” saad ni Julio.
“Hayss,” saad ko at ako ay bumuntong hininga.
“Ang lalim noon ah,” ang saad niya.
“Hahaha, ang lalim ba?” tugon ko.
“May problem ka ba?” curious na tanong ni Jeron.
“Wala nuh. Naalala ko lang iyong mga bagay na iniiyak ko rito,” saad ko.
“Ah ganun ba. Hindi mo ba naalala iyong pagdamay ng isang lalaki sayo,” saad niya at tipong may nais siyang ipunto.
“Tsk, kahit hindi ko naman sabihin sa iyo ay nagpapasalamat ako sa pagdamay mo sa akin,” saad ko.
Dahil sa aking naging tugon ay napangiti si Julio.
“Oh bakit ka naman nangiti?” ang aking tanong.
“Huh?” saad niya at biglang bumaling ang kaniyang tingin sa buwan.
“Yu-yung bi-binigay ko sa-sayo, kinain mo ba?” ang nauutal niyang tugon.
Dahil sa kaniyang naging tanong ay hindi ko alam kung bakit may namutawing pagtataranta sa akin. Sa pagkakaalala ko kasi ay hindi ko nakain ang kaniyang binigay na bottled juice at biscuit dahil nagmeryenda kami sa canteen ni Jeron.
“Ah, oo,” ang saad ko.
Hindi ko alam kung bakit ganun ang aking naging tugon. Siguro ay dahil ayaw ko lang siyang madisappoint at ayaw ko rin na mafeel niya na invalid ang kaniyang effort.
“Ganun ba. Sayang naman edi sana ay nagdala ako muli ngayon,” ang naging saad ni Julio.
“Ano ka ba, hindi na kailangan nuh,” ang aking pagtanggi.
Para hindi na humaba pa ang usapan ay inaya ko na si Julio umuwi.
“Mag gagabi na, tara na at umuwi,” ang sambit ko.
“Sige, tara na,” ang kaniya namang tugon at agad na rin siyang tumayo.
Naglakad na kami papalayo sa ilog para umuwi. Habang naglalakad ay hindi kami nag-uusap ni Julio. Tila may katahimikan na naman na bumalot sa aming dalawa.
Hanggang sa nakarating na kami malapit sa bahay at ng may lima na lamang na pagitan mula sa aming bahay ay pinakiusapan ko si Julio.
“Ah Julio,” saad ko.
“Ano iyon?” sambit ni Julio.
“Pwede bang dito mo na lamang ako ihatid?” pakiusap ko.
“Bakit naman? bakit hindi na lang doon sa bahay niyo, malapit na oh,” saad ni Julio.
“Ah kasi baka anong isipin ni tatay. Baka kasi mabigyan niya ng kulay ang paghatid mo sa akin,” paliwanag ko.
“Ganun ba,” saad ni Julio.
“Pasensya ka na. Ayoko lang na may kung anong isipin si tatay. At saka baka mapagsabihan niya pa ko dahil may naghahatid sa akin,” muli kong pagpapaliwanag.
“Ano ka ba? huwag ka na magpaliwanag diyan. Naiintindihan ko naman nuh,” tugon ni Julio.
“Oh siya, ingat ka,” muli niyang sambit.
“Salamat, ingat ka rin,” saad ko.
Tumalikod na ako at tumungo na pauwi sa aming bahay. Nang makatatlong hakbang na ako ay bigla akong tinawag ni Julio.
“Samantha,” ang medyo mahina niyang tawag.
Lumingon ako sa kaniya.
“Congrats!” ang sambit ni Julio.
Dahil doon ay napangiti ako. Hindi na ako sumigaw pa para tumugon bagkus ay nag mouthing na lamang ako.
“Salamat,” ang aking tugon.
Alam kong naintindihan ni Julio ang aking naging tugon. Dahil may ngiting gumuhit sa kaniyang mga labi. Tumalikod na ako at umuwi na ng bahay.
Noong nasa tapat na ako ng aming bahay ay tinanaw ko si Julio at nakita kong naglalakad na ito pauwi. Pumasok na ako sa aming bahay.
“Narito na po ako,” ang sambit ko pagkapasok ng aming bahay.
“Oh nariyan ka na pala anak. Sobrang ginabi ka na ah,” ang sambit ni tatay.
Nang tumingin na ako sa aming orasan ay mag nanine na pala ng gabi. Hindi ko na talaga namalayan ang oras. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay tatay kaya medyo nakaramdam ako ng kaba.
“A-ah, pa-pasensya na po tay. Ma-mayroon lang po ka-kaming inayos na mga ga-gamit sa school na ga-gamitin bu-bukas,” ang nauutal kong sambit.
“Ganun ba anak. Sige pumasok ka na sa kwarto mo para magbihis,” ang tugon ni tatay.
Pumasok na agad ako ng kwarto. Gaya ng aking routine ako ay nagbihis, kumain, nagbimpo at si tatay na muli ang naghugas ng plato. Ako naman ay pumasok na sa aming kwarto ang natulog.
Natulog na ako at dahil bukas ay maaga na naman ako gigising para tulungan si Arianne.
Nagising ako ng 5:30 am ng umaga. Medyo thirty minutes late pero ito ay okay lang dahil wala naman na akong kailangan plantsahin o dalhin since awarding naman na ngayon. Ang tanging aayusin ko lang ay ang banner na ginawa naming para kay Arianne.
Pagkagising ko ay agad ko ng inayos ang aking mga gamit. Tiniklop ko na rin ang banner na dadalhin ko at inilagay iyon sa aking sa paper bag.
Pagkalabas ko ay nadatnan kong pinaplantsa ni tatay ang aking uniform.
“Ay tay, hindi po uniform an gaming gagamitin ngayon,” saad ko.
“Ah ganun ba anak,” tugon ni tatay.
“P.E uniform po ang isusuot naming ngayon,” ang aking tugon.
“Ganoon ba anak,” tugon ni tatay at kinuha agad ang aking P.E uniform.
“Hindi na po iyan kailangan plantsahin tay,” saad ko.
“Ano ka ba anak. Tignan mo gusot-gusot,” saad niya at hinarap ang aking P.E T-shirt na nakahanger pa.
“At saka ang daming estudyante mula sa ibang school ang makakakita sayo,” dagdag pa ni tatay.
“Sige po,” ang aking tugon.
Kaya naman muli akong pumasok sa aking kwarto para muling ayusin ang aking mga gamit. Doon naman ay nakita ko ang binigay ni Julio na bottled juice at biscuit. Mamaya ay kakain ko na ito agad dahil nakokonsenya pa rin ako sa nagawa kong pagsisinungaling kay Julio.
Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa aming banyo.
Habang naliligo ay naiisip ko naging kwentuhan naming ni Julio. Si Julio ay isang klase ng tao na hindi ko alam kung maituturing ko bang kaibigan. Pero simula pa lamang noong una ay naging magaan ang loob ko sa kaniya. Magaan ang loob ko na magkwento sa kaniya at kita ko naman na isang mabuting tao si Julio.
Ngunit last day na ng contest ay pinilit kong huwag na iyon sa isipin at magfocus na lamang sa Journalism. Natapos na akong maligo, nagbihis, inayos ang sarili at nagpaalam na ako kay tatay.
Habang naglalakad ay dama ko na talaga ang lamig. Ber months na kasi kaya sobrang lamig na. Damang-dama na talaga na paparating na ang pasko.
Nang makarating ako sa crossing ay may pamilyar akong mukha na natanaw.
Si Josias, siya ay nakatayo sa tapat ng puno ng manga na tipong may hinihintay. Kung ako ay patuloy na maaglalakad ay malapit kong madadaanan si Josias kaya naman humakbang ako pakaliwa para lumayo ako sa kaniya.
Pagkatapos ay tumungo na ako sa school. Nang malapit ko ng lagpasan si Josias ay tanaw ko sa aking peripheral view na pinagmamasdan niya ako habang naglalakad. Hanggang sa natanaw ko rin na papunta ito sa akin kaya naman mas binilisan ko pa ang aking lakad.
Habang naglalakad ay pakiramdam ko na may sumusunod sa akin. Ngunit hindi ako lumingon at nagpatuloy lamang sa paglalakad. May mga nakakasalubong nga kaming mga tao at nakatingin ang mga ito sa amin. Nakararamdam nga ako ng hiya kapag tinitignan nila kami. Ngunit hindi naman ako makalingon kay Josias at sabayan siyang lumakad ngunit hindi koi yon magawa dahil may inis pa rin akong nararamdaman sa kaniya.
Nang walong hakbang na lamang ang aking layo sa school ay biglang may humatak sa akin. Hinawakan niya ang aking braso at iniharap sa kaniya.
Tumitig ito sa akin at tumitig din ako sa kaniya. Mga isang minuto lamang kaming nagtitigan. Hanggang sa nagtanong siya.
“May gusto ka ba kay Jeron?” ang tanong niya na parang iba ang kaniyang timpla ng mukha.
“Huh?” gulat kong tugon.
“Si Jeron, eh may girlfriend iyon. At saka close lang talaga kami dahil magkajourn kami at classmate,” pagpapaliwanag ko.
“Eh kay Julio?” muling tanong ni Josias.
Nang tanungin niya ako ay hindi ako nakasagot agad. Hanggang sa may tumawag na lamang sa akin.
“Samantha,” ang dinig ko.
Lumingon ako at si Jeron. Sinenyasan niya ako na pumasok na sa school. Kaya naman tumingin ako kay Josias at inalis ang kaniyang kamay na nakahawak pa rin sa aking braso. Naglakad ako papalayo sa kaniya at hindi ko na nasagot pa ang kaniyang tanong.