CHAPTER 47: MEMORABLE EXPERIENCE

2222 Words
Habang pinagmamasdan ko si Josias na naglalakad palayo sa akin ay mayroon akong nararamdaman na gusto ko siyang pigilan pero hindi ko magawa. Ngunit hindi ko na namalayan na tinatawag ko na ang kaniyang pangalan. “Jo-josias!” ang tawag ko. Sa sukat ko noon ay halos pitong hakbang na ang layo niya sa akin. Hindi ito nakinig at nagpatuloy lang sa paghakbang. “Josias!” ang muli kong tawag. Lumingon ito sa akin ngunit hindi siya lumapit patungo sa akin. Nanatili lamang siya sa kaniyang kinatatayuan at parang walang talaga siyang balak na lumapit papunta sa akin. Nang hindi ko namamalayan na patungo na pala ang aking direksyon sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para humakbang malapit sa kaniya. Habang naglalakad ako patungo sa kaniya ay nakatitig lamang din ako sa kaniyang mukha. Halata ko rin ang pagtataka sa kaniyang mga mukha. Nang tatlong hakbang na lamang ang aking layo sa kaniya ay bigla na lamang itong tumalikod at muling humakbang papalayo sa akin. Bigla kong binilisan ang aking lakad at noong naabutan ko na siya ay bigla kong hinawakan ang kaniyang braso. “Saglit,” ang aking sambit. Napansin kong tinignan niya ang aking kamay na nahakawak sa kaniyang braso. Nahiya ako dahilan para mabilisan ko iyong alisin. Taranta ko iyong inalis at may kaunting hiya akong naramdaman. “Bakit?” ang sambit niya na nakakunot ang noo. “A-ah,” ang nauutal kong tugon. “Bakit nga?” ang muli niyang sambit na halata ko na ang pagtaas ng kaniyang boses. “Ah, gusto lang sana kita ilibre ng meryenda,” saad ko. “Para saan naman?” ang sambit ni Josias. “A-ano, pa-para doon sa-sa ka-kanina,” nauutal kong tugon. “Kasi kung hindi dahil sa iyo. Alam mo na baka nalate ako,” pagpapaliwanag ko. “Eh ano naman? Kasalanan mo iyon,” ang naging tugon ni Josias. Akala ko ay may kabutihan na ang mokong na iyon ngunit masama pa rin pala ang kaniyang ugali. “Ano?” ang nagtataka kong sambit. “Sabi ko kasalanan mo iyon. Nakita lang kita kanina kaya hinatak kita patakbo,” saad niya. “Eh kahit na, kahit ano pa ‘yang dahilan mo. Gusto ko pa rin magpasalamat,” ang aking sambit. Akala ko ay papaya siya agad sa meryenda na aking inaalok. “Mamaya isumbat mo pa sa akin ng paulit-ulit na dahil sayo kaya hindi ako nalate,” pagpapaliwanag. Dahil sa nasabi kong iyon ay nagbago ang timpla ng mukha ni Josias. Bigla itong umalis at naglakad muli papalayo sa akin. Agad ko ring binilisan ang aking lakad. “Hoy, ano bang problema mo?” ang naiinis ko ng tanong. Hindi ito sumasagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. “Hoy!” ang malakas kong tawag at alam kong narinig iyon ng mga taong nasa paligid namin. Tumigil ito ng paglalakad at lumapit sa akin. “Lahat ba ng gagawin ko kailangan may kapalit?” ang sambit niya na aking ikinagulat. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kaniyang naging tanong. Hanggang sa umalis na lamang ito at hindi ko na siya hinabol pa. At tanging ang kaniyang tanong lamang ang tumatak sa aking isip. “Kung alam ko lang sana na hindi niya magugustuhan ang alok kong meryenda, edi sana ay hindi ko na iyon ginawa,” sa isip-isip ko. Dahil hindi naman pumayag si Josia na ilibre ko siya ng meryenda ay minabuti ko na lamang na bumalik sa covered court. Inisip ko kasi na dapat ay maenjoy ko rin ang contest na ito at mafeel ko talaga na ako talaga ay nasa isang laban. Habang papunta sa covered court ay mayroon akong nadaanan na isang store na nagtitinda ng keychain at mga t-shirt. Noong una ay tinitigan ko lamang ito. Dinaanan ko lamang ngunit hindi rin ako nakatiis at binalikan ko iyon. Hinawakan ko ang keychain. “Magkano po rito?” ang aking tanong. “Fifty pesos, iha,” ang tugon ng tindera. “Sa T-shirt po magkano?” ang aking sambit habang tinuturo ang T-shirt. “One hundred sa T-shirt,” ang tugon ng tindera. “Ah ganun po ba. Sige poi to po munang keychain,” ang aking sambit at inabot ang keychain. “Magtitinda po ba ulit kayo bukas?” saad ko. “Oo iha, bakit?” ang sambit ng tinder habang binabalot ang keychain. “Ah, bibili po sana ako ng T-shirt,” ang tugon ko. “Sige iha, saan ba riyan at irereserved ko na para sa iyo.” “Iyon po,” ang turo ko sa isang T-shirt na may nakaburdang News Writer. “Sige irereserved na kita, kunin mo na lang dito,” ang tugon ng tindera. Inabot niya na sa akin ang binili kong keychain. “Thank you po,” ang aking tugon at umalis na ko. Pumunta na ako sa aming pwesto at naupo sa aking upuan. Hindi ko nalamayan na nasa likod ko pala si Jeron. Bigla niya na lamang akong tinapik. “Hoy!” ang sambit niya. Napalingon ako sa likod at nahalata niya ang aking pagkagulat. “Oh bakit para kang nakakita ng multo,” saad niya. “Eh paano kasi, bigla-bigla mo akong tinatapik,” ang aking tugon. “Kamusta?” ang kaniyang tanong. “Balita ko muntik ka na raw malate ah,” dagdag pa niya. “Oo nga eh,” ang aking sambit. “Eh saan ka ba kasi nanggaling?” pang-uusisa ni Jeron. “Sa taas, eh kaso may nabangga ako kaya natagalan,” ang pagpapaliwanag ko. “Buti naman nakaabot ka,” ang kaniyang sambit. “Oo nga eh. Salamat talaga sa humatak sa akin,” saad ko. “Humatak?” nagtataka at gulat niyang tanong. “Oo,” hindi ko namalayan na nakasagot na pala ako ng salitang, oo. Nahimasmasan ako sa aking isinagot kaya naman iniba ko na ang topic. Dahil alam kong gigisahin naman ako ni Jeron. Wala na namang katapusan ang kaniyang pagtatanong. “Eh ikaw? Kamusta? Natapos mo ba?” ang curious kong tanong. “Oo naman,” ang kaniyang tugon. “Talaga nga naman. Congrats!” ang aking sambit. “Naku hindi ko alam kung mananalo ako. Pero masaya ako sa naging kinalabasan ng aking gawa at nag-enjoy ako,” saad niya. “Gaya nga ng sabi moa ng mahalaga ay nag-enjoy,” ang naging tugon ko. Nakaupo lamang kami sa covered court at wala naman kaming ginagawa kaya si Jeron na lamang ang inaya kong mag meryenda. “Jeron, hindi k aba nagugutom?” ang aking sambit. “Nagugutom na nga eh. Tara meryenda tayo,” anyaya niya. “Tara,” ang aking tugon. Tumayo na kami sa aming mga upuan. At nagpaalam sa aming SPA. “Canteen lang po kami, ma’am,” an gaming pagpapaalam. “Oh sige mga anak,” ang sambit ni ma’am. Tumungo na kami ni Jeron sa canteen. Habang papalapit sa canteen ay natanaw ko ang mukha na kanina ay akning hinahanap. Natanaw din siya ni Jeron. “Si Josias oh,” ang kaniyang sambit. Hindi ako nakasagot at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Dalawa ang entrance ng canteen at sa isa ay naroon si Josias. Kaya naman hindi ako roon dumaan. Minabuti ko na lamang sa kabila na lamang dumaan dahil nahihiya ako sa mga ginawa ko kanina. Papunta si Jeron kung saan si Josias ako naman ay patungo sa isang daanan. Humiwalay na ako at hindi ata iyon namalayan ni Jeron. Lumingon ako at nakita ko na napansin na lamang niya na wala siyang katabi. Bumili na ako ng tindang bananacue at isang softdrinks sa canteen. Habang si Jeron naman ay patuloy pa rin na nakikipagkwentuhan kay Josias. Pagkatapos ko bumili ay lumabas na ako agad sa tapat na lamang ng canteen ako naghintay. Napapadako ako ng tingin kina Josias at Jeron ngunit kapag nagtatama na ang tingin naming ni Josias ay ako na mismo ang nag-iiwas ng tingin. Tinawag pa nga ako ni Jeron ngunit hindi ako lumapit. Hindi ko kasi kayang makipagkwentuhan kay Josias, nahihiya kasi ako sa kaniyang sinabi kanina. Baka akala niya ay nasa isip ko na ginagawa niya ang mga bagay na hindi kusang loob at may kapalit. Makatapos ang ilang minuto ay tumayo na si Jeron at bumili na ng kaniyang pagkain. Sinusundan ko lamang ng tingin si Jeron. Ngunit isang beses ay napatingin ako kay Josias at nakita kong nakatitig ito sa akin. Dahil doon ay nahiya ako at bumalik ang aking paningin kay Jeron. Bumili na si Jeron ng softdrinks at tinapay at bumili rin siya ng bananacue. Noong bumibili siya ng bananacue ay napatingin ako kay Josias at nakatitig pa rin ito sa akin ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin at sa iba ko na lamang binaling ang aking tingin. Lumabas na si Jeron at bago umalis ay kumaway pa ito kay Josias na isang senyales na nagpapaalam na ito. Habang naglalakad ay napapansin kong napapatingin ito sa akin. Ngunit ako naman ay hindi umiimik hanggang sa hindi ko na natiis at tinanong ko na sa kaniya kung ano ang kaniyang gustong sabihin. “Ano yun?” sambit ko. “Huh?” tugon niya. “Ano ang gusto mong sabihin?” saad ko. “Ah, nagtataka lang ako,” tugon niya. “Nagtataka saan?” tanong ko kahit alam ko kung ano ang kaniyang nais ipunto. “Bakit ayaw mong pansinin si Josias?” pag-uusisa niya. “May problema ba?” dagdag pa niya. “Ayaw ko lang,” ang aking tugon. “Huh?” nagtataka niyang tanong. “Ayaw ko lang siyang pansinin. Sa school din naman kami ay ganito ah hindi rin naman kami nagpapansinan ah. Kaya hindi na bago pa sa amin kung hindi man kami magpansinan,” ang aking pagpapaliwanag. “Sabagay,” ang tugon ni Jeron. “Akala ko pa naman may ibig sabihin iyong paghintay niya sayo kagabi,” dagdag pa ni Jeron. “Ano?” natigilan ako sa paglalakd at napataas ata ang aking boses. “Wala,” ang tugon ni Jeron. Nakarating na kami sa covered court 3 pm na noon. Mamayang 5pm ay tapos na ang lahat ng category. Lumipas ang dalawang oras at bumalik na ang mga kapwa ko journalists na huling sumalang. Matapos ang mga contest per category ay nagpaalala ang isang guro. “Bukas po ay magsisimula ng 9 am ang pageant kaya inaasahan ang bawat-isa ay 8 am pa lamang ay narito na. Thank you po,” ang paalala ng isang guro. “Arianne, agahan mo bukas ah,” pagpapaalala ni ma’am kay Arianne. “Opo ma’am,” ang tugon naman ni Arianne. Pagkatapos noon ay kaniya-kaniyang maayos na inihilera ng bawat school ang mga upuan. Para bukas ay hindi na mahirapan pang mag-ayos. Iniayos naming ang mga upuan at pagkatapos ay umakyat na sa classroom para siguraduhin na malinis ang classroom na inilaan sa amin. Kinuha na namin an gaming mga gamit at pagkatapos ay nilinis ang classroom at inasiaayos din naman ang kaunting upuan na wala sa tamang pwesto. Matapos masigurado na maayos na ang classroom ay sama-sama na kaming bumaba para umuwi. Sumakay na kami ng jeep at kung sino-sino ang magkakasama papunta ay sila pa rin ang magkakasa pauwi. Byumahe na kami at makalipas ang thirty minutes ay nasa school na kami. Tinulungan ko si ma’am na ibibaba ang ibang gamit at inilagay iyon sa Journalism Room. “Diyan na muna kayo ah, wala munang uuwi,” ang paaalala ni ma’am sa mga Journalist. Umakyat kami ni ma’am at inilagay ang mga gamit sa Journalism Room. Matapos na masigurado na naroon na lahat ay niyaya na ako ni ma’am na bumaba. “Okay na iyan anak, baba na tayo,” ang kaniyang sambit. “Sige po,” tugon ko. Binalikan na naming ang mga journalista na naiwan sa baba. “Mga anak, una gusto kong magpasalamat para sa araw na inilaan niya sa contest na ito. Sana ay naging maganda ang bawat article na inyong ginawa. Sana ay naging masaya kayo sa kinalabasan ng inyong article. Higit sa lahat ay sana’y nag-enjoy kayo sa contest na ito. Sana ay naging memorable na ang contest na ito sa inyo. Gaya ng sabi ko sa inyo ngayon pa lamang ay panalo na kayo sa akin. Congrats mga anak,” ang heartwarming na saad ni ma’am. “Bukas ay magkita-kita tayo ng 7 am ditto pa rin sa school. P.E uniform ang ating suot. Ganoon pa rin kahit mga snack na lamang ang inyong dalhin dahil sagot muli ng school ang lunch,” paalala ni ma’am. “Arianne anak,” tawag ni ma’am. “Po?” tugon ni Arianne. “Bukas anak ay agahan mo huh. Aayusan ka pa kasi at dalhin mo na rin ang iyong mga kailangan. Ngayong gabi pa lamang ay ayusin mo na para hindi ka na mataranta pa bukas,” paalala ni ma’am. “Opo,” ang tugon ni Arianne. “Oh siya magsi-uwi na kayo,” ang sambit ni ma’am. “Mag-iingat kayo huh,” dagdag pa ni ma’am. “Kayo rin po ma’am. Babye po,” ang aming tugon. Nauwi na kami at habang naglalakad patungo sa aming bahay ay narealize kong ganoon na lamang natapos ang unang araw ng aming contest. Memorable experience talaga ito, malate ka ba naman sa contest ay hindi mo talaga malilimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD