CHAPTER 12: ACCEPTED

2046 Words
Pumatak ang araw ng Lunes. Nagising ako dahil sa tunog na nililikha ng pag-ubo ni tatay. Tila nga ako ay naalimpungatan dahil napakahimbing ng aking pagkatutulog. Lumabas ako ng kwarto na pupungas-pungas pa. Natanaw ko si tatay sa bakuran na nakaupo at hinihimas ang kanyang dibdib. Tumungo ako agad sa bakuran. “Tay, bakit hindi niyo po sinabi na inuubo kayo, bumili po sana ako agad ng gamot kahapon,” pag-alala ko habang nakaupo sa tabi ni tatay. “Ano ka ba anak? Hindi na kailangan, hindi naman ito malala, kayang-kaya ito ng oregano,” sambit ni tatay habang nakaturo sa oregano. “Basta po tay huh, kapag bukas meron pa ‘yan, ibibili ko na kayo ng gamot,” tugon ko. “Pumasok ka na at matulog kang muli, maaga pa bago ang iyong pasok,” sambit ni tatay. “Opo tay.” Pumasok akong muli ng aking kwarto at natulog. Medyo may pag-alala rin akong nararamdaman dahil tumatanda na rin si tatay kaya natatakot akong siya ay magkasakit. Makalipas ang isang oras ng pagtulog ay nagising na rin akong muli para maghanda sa aking pagpasok. Nadatnan kong umiinom si tatay ng oregano na kanyang pinakuluan. “Bumuti na po ba ang pakiramdam niyo tay?” nag-aalala kong tanong. “Oo anak, umupo ka na at mag-almusal,” sambit ni tatay. Umupo ako at nagsimulang mag-alamusal. Sinawsaw ko ang pandesal sa mainit na gatas. “Anak? Napag-isipan mo na ba ang sinabi ng auntie mo?” tanong ni tatay. Noong tinanong ako ni tatay ay hindi ko alam kung anong aking isasagot. Sa totoo lang ay hindi ko na rin iniisip ang posibilidad ng pag-aaral ko sa Saudi. “A-ah, hi-hindi pa po ta-tay eh. Sasabihin ko na lang po sa inyo tay kapag napag-isipan ko na po nang mabuti,” tugon ko. “Sige anak, basta sabihan mo lang ako huh, para masabi ko rin kay auntie mo,” pagpapa-alala ni tatay. “Opo tay,” tugon ko. Matapos mag almusal ay nag toothbrush na ako. Nagsuot ng blouse, medyas, palda at sapatos.Nang ako ay ready na sa pagpasok nagpaalam na ako kay tatay. “Alis na po ako tay,” sambit ko. “Mag-iingat ka anak, umuwi ka agad huh, kapag tapos ng klase niyo.” “Opo taay, wala naman po akong ibang pupuntahan,” tugon ko. Paglabas ko ng bahay, ako ay napaisip. Okay lang ba talaga si tatay? Wala ba siyang iniindang sakit? Iyan ang mga tanong na hindi mawala sa isip ko. Pagkarating ko sa crossing ay naroon na si Anne. “Yes naman, dating gawi ka ghorl?” maaga kong pag bibro. “Huwag ka mag-alala bukas hindi na, charot,” tugon ni Anne. Habang naglalakad ay hindi ako umiimik, iniisip ko kasi iyong nangyari kanina. “Hoy, baka matunaw na iyang sahig, grabe na yung pagtitig mo,” sambit ni Anne. “May problema ba?” dagdag pa niya. “Wala naman Anne, iniisip ko lang si tatay,” tugon ko. “Bakit? anong nangyari kay tito?” mausisang tanong ni Anne. “Kanina kasi Anne maaga akong nagising dahil sa lakas ng ubo ni tatay,” sambit ko. “Bakit may sakit ba siya?” tanong ni Anne. “First time ko lang naman siyang narinig na ganun kalakas umubo, noong tinanong ko naman si Tatay ang sabi niya kaya naman gamutin ng oregano iyong ubo niya,” pagkukwento ko. “Baka hindi naman ganun kalala Samantha, tulad ng sabi ng tatay mo kaya naman ng oregano. Hindi naman siguro siya magsisinungaling sa kung anong nararamdaman niya,” pagpapaliwanag ni Anne. “Pero Anne, habang nag aalmusal ako, pinagmamasdan ko si tatay. Panay himas niya sa kanyang dibdib. Hindi ko na rin tinanong kung maayos ba talaga ang kanyang nararamdaman dahil panigurado ako ang sasabihin niya ay mabuti ang kalagayan niya,” pagpapaliwanag ko. “Obserbahan mo muna ng ilang araw Samantha, kapag lumalala roon ka na magpasya na ipacheck-up si Tito,” pagpapaalala ni Anne. “Oo Anne, nag-aalala lang ako, kasi naman diba, tumatanda na rin si Tatay,” sambit ko. “Huwag mo na muna masyadong isipin. Sa ngayon, obserbahan mo muna ang tatay mo,” tugon ni Anne. Pagpasok namin ni Anne sa school ay agad na rin kaming tumungo sa aming classroom. Pagpasok ko ay nagulat ako sa sinabi ni Jeron. “Congrats!” sambit niya habang nakangiti. “Huh? Para saan?” nagtataka kong tanong. “Congrats Samantha!” sambit ng isa kong kaklase. “Congrats Samantha!” sabi ng isa ko pang kaklase, Naupo ako at siniko si Jeron. “Hoy, anong meron?” pangungulit ko kay Jeron. “Bakit nila ko cinocongrats?” nagtataka kong tanong. “Kumalma ka dyan, malalaman mo kapag pumunta ka ng Journalism Room,” sambit ni Jeron. Hindi ako nakapunta agad ng Journalism Room dahil dumating na agad ang teacher namin sa 1st subject. Natapos ang dalawang subject at hudyat na iyon na recess na namin. Tinawag ko agad si Anne para samahan ako. “Anne samahan mo nga ako sa Journalism Room,” pag-aaya ko kay Anne. “Naku Samantha, recess ngayon alam mo naman diba, magtitinda ako sa canteen,” sambit ni Anne. “Oo nga pala, sige-sige,” tugon ko. Lumabas ako ng room at habang bumababa ako ng hagdan ay nakasalubong ko si Josias. “Congrats,” mahina nitong sambit. Hindi ko iyon pinansin at binilisan ko na ang aking pagbaba sa hagdan.. Alam kong napansin niya na narinig ko ang kanyang sinabi ngunit hindi ko iyon pinansin. Tumungo na ako agad sa Journalism Room at roon… ko nakita na ako ay tanggap sa try out. “The names below are those who are accepted to join the Campus Journalism,” ang aking pagkababasa sa poster na nakalagay sa pintuan ng Journalism Room. Pagkadako ko sa News Writers ay doon ko nabasa, “Samantha Antonio,” ang pagkababasa ko sa aking pangalan na nasa unahan ng listahan ng mga natanggap sa News Writing Category. Hindi ako makapaniwala at ilang minutong tinitigan ang aking pangalan. Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa aking likuran. “Sabi ko naman sa iyo,” sambit ng isang boses ng lalaki. Napalingon ako, at doon ko nga nakita si Jeron. “Thank you, Jeron. Dahil inaya mo ko, napapasa tuloy ako ng article,” sambit ko. “Deserved mo ‘yan. Welcome sa Journalism, sana mag-enjoy kang magsulat,” ani ni Jeron habang may ngiti sa kanyang mga labi. “Congrats din sayo, Jeron,” sambit ko. Bumaba na kami at dumiretso sa canteen para bumili ng biscuit at maiinom. Pumila ako kung saan nagtitinda si Anne. Natanaw ako ni Anne at siya ay ngumiti. Nang ako na ang una sa pila. “Oh anong balita?” tanong ni Anne. “Natanggap ako Anne, sa Journalism,” masaya kong tugon. “Congrats, sabi ko naman sayo diba?” sambit ni Anne. Nilapag ni Anne ang biscuit at isang boteng tubig. “Oh, ayan treat ko sayo, Congrats,” sambit niya habang nakangiti. “Thank you, the best ka talaga,” tugon ko. “Oh siya, mamaya na natin ituloy ang chikahan humahaba na ang pila,” sambit niya. Lumingon ako at mahaba na nga ang pila kaya umalis na rin ako agad. Pagkatapos ay umakyat na ako sa aming classroom. Pagkaakyat ko ay nasa corridor si Shane. “Congrats, Samantha,” pagbati ni Shane ng may ngiti. “Hala, salamat Shane,” tugon ko. “Sana ay mag-enjoy ka sa pagssuulat tulad ko,” ani ni Shane. “Sana nga,” tugon ko. Pumasok na si Shane sa classroom at ako naman ay naiwan sa corridor. Pinagmamasdan ko lang ang asul na kalangitan na pumapawi sa aking mga iniisip. Nang biglang may nagsalita sa tabi ko. “Congrats,” bati nito. Lumingon ako sa aking kanan at doon ko nakita si Josias. Nagulat ako at nahalata niya iyon. “Oh, grabe naman ‘yang pagkakagulat mo,” sambit nito habang nakatingin sa akin. “A-ah, tha-thank you,” nauutal kong tugon. “Binati na kita kanina pero parang hindi mo naman pinansin,” reklamo niya. “A-ah, na-nagmamadali ka-kasi ako eh,” tugon ko. Pagkatapos kong sabihin iyon ay pumasok na rin agad si Josias sa room. Nasa corridor pa rin ako at hinihintay ang pagdating ng aming teacher. Nakatulala lang ako sa kalangitan at pakiramdam ko ay binabawasan nito ang bigat na aking nararamdaman. “Thank you dahil nakapasa ako, thank you. Pero sana walang kapalit itong sayang nararamdaman ko,” ang mga salitang tumatakbo sa aking isipan. Noong dumating na ang aming teacher ay pumasok na rin ako sa aming classroom. Nang sumapit na ang uwian. Palabas na si Josias ngunit may sinadya siyang ihulog na papel sa harap ko. Nakita iyon ni Anne at napasabing.. “Ano ba naman ito si Josias eh, nagkakalat pa,” reklamo ni Anne. Kinuha ni Anne ang papel at noong itatapon niya na ito sa basurahan ay pinigilan ko ito. “Anne, wa-wait lang,” pagpigil ko sa kanya habang hawak ang kanyang braso. “Bakit?” tanong niya at kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. “A-ako na ma-magtatapon niyan,” sambit ko. “Ako na, oh ayan oh,” tugon ni Anne at itinapon na ang papel sa basurahan. Hindi ko alam kung bakit gusto kong buklatin ang papel na hinulog ni Josias. Ngunit wala na akong nagawa dahil naunahan ako ni Anne at tinapon niya na iyon. “Sabagay, kalat lang naman ‘yan,” tugon ko. “Bakit tingin mo ba may nakasulat doon?” pagtataka ni Anne. “Wa-wala ah,” nauutal kong sagot. “Nagkalat lang ‘yon si Josias, ininis lang tayo,” masungit na sagot ni Anne habang sinasarado ang mga bintana. Pagtapos isara ang mga bintana ay umuwi na kami ni Anne. Habang naglalakad pauwi. “Congrats ulit, Samantha,” muling pagbati ni Anne. “Thank you, nagulat nga ako bakit ang daming bumabati sa akin pero nakatataba ng puso,” sambit ko. “Ikaw pa ba, kahit nga ‘yong ultimong pinakatahimik sa atin napabati sayo,” dahil sa sinabi niya, nagtaka ako sa kung sino ang kanyang tinutukoy. “Huh?” tugon ko. “Si Josias, narinig kong binati ka niya noong nasa corridor kayo,” sambi ni Shane. “Ah, oo,” tugon ko. “Akala ko nga aasarin lang ako eh, pero mukha naman siyang mabait” dagdag ko pa. Habang naglalakad ay nakasalubong namin si Ate Joana, ang kapitbahay naming nurse. “Ate,” pagbati ko. “Duty na po kayo?” tanong ko. “Oo, papunta na akong trabaho,” tugon ni Ate Joana. “Ingat, ate,” sambit ko. “A-ah nga pala Samantha,” ani ni ate Joana. “Po?” tanong ko. “Tungkol sa tatay mo, naririnig ko kasi kapag nasa bahay ako ‘yong pag-ubo niya. Kapag nadadatnan ko naman siya sa labas napapansin ko ang lagi niyang paghimas sa kanyang dibdib,” sambit ni Ate. “Opo ate, inuubo nga po si tatay pero sabi niya po ate, kaya naman po ‘yon gamutin ng oregano,” tugon ko. “A-ah, sinabi niya ba na ngayon lang niya ‘yon naramdaman?” mausisang tanong ni Ate Joana. “O-opo,” tugon ko. “Hindi kasi ‘yon ang unang beses na nakita ko siyang humahawak sa kanyang dibdib habang umuubo, maraming beses na,” sambit ni ate Joana. Noong malaman ko ‘yon ay bigla akong kinabahan. Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. “Ganito Samantha, day off ko sa Saturday, pupunta ako sa inyo para matignan ko ang tatay mo,” sambit ni ate Joana. Hindi ako sumagot dahil sa pagkakagulat sa mga sinasabi ni ate Joana. Nagpaalam na si ate Joana. “Sige, papasok na ko,” sambit ni ate Joana. Pag-alis ni ate. Nakatulala lang ako at malalim ang iniisip at napansin iyon ni Anne. “Oh, ayan ka na naman baka matunaw ang sahig,” sambit niya. Hindi ako sumagot at nakatulala lang. Bakit itinago sa akin ni tatay ang matagal niya ng iniindang sakit? bakit may kapalit, ang saya na naramdaman ko kanina? bakit? Ang tanong na gumugulo sa aking isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD