CHAPTER 11: That’s What Friends Are For

2283 Words
Kinabukasan dahil Friday, and that means, it’s P.E day. Nagising ako nang maaga, pagkalabas ko sa kwarto ay nadatnan kong mahimbing pang natutulog sa upuan si tatay. “Oh, 4:30 palang pala,” pagkakatingin ko sa orasan. Dahil wala naman akong gagawin, pumasok muna ako ng kwarto para magtry muli magsulat. Kinuha ko ang papel at lapis. Ang lapis muna ang ginamit ko para hindi na ko mahirapan sa pagbubura. Binasa ko ang dyaryo at humanap doon ng topic na maari kong sulatan. At doon ko na nga nakita ang topic nang pagkamatay ng isang matanda dahil ito ay binaril ng isang pulis. Habang binabasa ko ang balita ay hindi ko maiwasan na hindi maawa sa matanda parang naalala ko kasi kung ano ang nangyari kay nanay. Base sa mga litrato ang matanda ay walang kalaban-laban at hindi man lang naipagtanggol ang kanyang sarili. Pagkatapos ko basahin ang balita ay nagsimula na akong magsulat. Sinulat ko rin ito na isang news article. Nakailang bura man ako ngunit mas mabilis akong natapos kaysa sa nakaraan. “Magandahan kayang muli si Jeron kapag nabasa niya ito?” bulong kong pagtatanong. Ang papel na aking pinagsulatan ay itinabi ko na sa aking bag. Tamang-tama lang ang aking pagkakatapos dahil 4:50 am na. Lumabas ako ng bakuran para kunin ang aking P.E uniform. Medyo luma na nga ‘yon dahil hiningi lang naman namin ‘yon kay Aling Che. Grumaduate na kasi ang kanyang bunsong anak sa High School, kaya wala ng iba pang gagamit ng uniform na ‘yon. Papasok na ako sa bahay galing sa bakuran ngunit nakita ko ang aming pusa na nakatambay sa harap ng pintuan. Umupo ako at hinaplos ang ulo nito. “Napaka-aga mo namang nagising,” sambit ko habang hinahaplos ang kanyang ulo at katawan. Tumingin ito sa akin na tila ba nakikipag-usap. “Gutom ka ba, huh?” tanong ko. Tumayo ako, kinuhanan ng kanin ang pusa at inilagay sa maliit na tupperware na nagsisilbi niyang kainan. Nilagyan ko rin iyon ng ulam na natira kagabi. Pagkatapos ay pumasok na ko sa bahay at nagsimulang plantsahin ang aking P.E shirt. Habang nagpaplantsa ay naaalala ko si nanay, ngayon lang ako natutong magplantsa, maglaba nang mawala na si nanay. Sa pagkawala niya ay namimiss ko ang kanyang pag-aalaga sa akin. Ngunit ngayon, kailangan kong tumayo sa sarili kong paa at nandyan naman si tatay para gabayan at tulungan ako. Habang nagpaplantsa. “Hala! muntik ko ng masunog!” sigaw ko. Muntik ko na masunog ang T-shirt ng aking P.E uniform, buti na lamang ay konti pa lang ang pagkakadikit nito sa damit. Napansin ko ang kaunting pag-usok habang tinatanggal ko ang plantsa sa damit. Pagkatapos ay hinanger ko na agad ang t-shirt. Nagising pala si tatay dahil sa aking pagkakasigaw. Pumunta siya sa kwarto at nagtanong. “Jusmiyo, Samantha anong nangyari?” bakas sa mukha niya na siya ay naalimpungatan. “Muntik ko na po masunog ‘yong PE t-shirt ko tay e, kaya po napasigaw ako,” pagpapaliwanag ko. Tinignan ni tatay ang nakahanger kong t-shirt . “Sana ay tinawag mo na lamang ako,” sambit ni tatay habang inaalis ang t-shirt sa pagkakahanger. “Maligo ka na at ako na ang bahala rito, kusot-kusot pa oh, susubukan ko rin remedyuhan itong parte na lukot, dahil ito sa pagkakasunog nuh,” sambit ni tatay. “Opo tay, sige po tay maliligo na po ako,” tugon ko. Naligo ako agad, habang naliligo… “Bakit may mga pasa ako,” pagtatanong ko. May tatlong pasa ako sa aking dibdib. Hindi ko alam kung ano ang aking ginawa para magka pasa, pero dahil siguro iyon sa aking pagpupuyat. Agad na rin akong lumabas ng banyo nang matapos ako maligo. Pagdating ko sa kwarto ay nakita ko ang t-shirt na plantsado na at tila hindi na muntikan masunog. “Suotin mo na ‘yang t-shirt mo, maayos ang pagkakaplantsa ko riyan,” sigaw ni tatay. “Opo tay, ang ganda po ng pagkakaplantsa niyo, salamat tay!” sigaw ko ng may galak. Sinuot ko na agad ang aking P.E t-shirt. Lumabas ako ng kwarto at pagkakita ko ay nakahanda na ang almusal sa lamesa. “Kumain ka muna bago ka pumasok, hindi maganda na walang lamang ang iyong tiyan,” sambit ni tatay. Umupo ako at habang nagtitimpla si tatay ng kape. “Tay, pasensya na po sa nangyari kagabi, sorry po ‘tay,” ani ko. Umupo si tatay at… “Kumain ka na riyan,” sagot niya. Kinuha ko ang aking gatas, habang si tatay naman ay binigyan ako ng kanin at ulam. Kumain na ko agad. Pagkatapos kumain ay nag toothbrush na ako agad. Nang ako ay paalis na… “Samantha, halika ka nga rito,” tawag ni tatay. Nagulat ako ng yakapin ako ni tatay. “Mag-iingat ka anak,” sambit niya. “Opo tay,” tugon ko. Lumabas na ako ng bahay. And I’m in a good mood, feeling ko kasi hindi kami nagkaroon ng samaan ng loob ni tatay. Nang nasa crossing na ako ay wala pa rin si Anne. Usually kasi si Anne ang mas nauna at siya ang naghihintay sa akin. Ngunit ngayong araw ay mas nauna ako kaysa sa kanya. “Ang tagal naman ni Anne nasan na kaya iyon,” tanong ko sa aking sarili. Ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa rin si Anne. “Ano na kaya ang nangyari doon?” nag-aalala kong tanong. Sampung minuto na lamang bago magsimula ang aming klase kaya umalis na ako at tumakbo. Tumakbo ako nang mabilis, akala ko ay malalate na naman ako. Inakyat ko agad ang aming room para mahanap kung nauna ba si Anne sa akin, ngunit pagdating ko roon ay wala si Anne. Nang nakaupo na ako sa aking upuan ay hinihingal pa rin ako dahil sa aking pagtakbo. “Je-jeron, hi-hindi ba pu-pumasok si Anne?” hinihingal kong tanong. “Wala pa siya eh, akala ko nga sabay kayo eh, kasi diba lagi naman kayong sabay pumapasok,” tugon niya. “Ang tagal ko naghintay doon sa crossing pero wala eh, bakit kaya siya umabsent?” nag-aalala kong tanong. Kilala ko si Anne hindi siya umaabsent lalo na kung walang malalim na dahilan. Kahit nga siya ay may sakit ay pinipilit pa rin niya pumasok. Nilabas ko ang article na aking isinulat kaninang umaga. “Ito pala Jeron, bagong article, sinulat ko ‘yan kaninang umaga, maaga kasi akong nagising,” sambit ko habang inaabot ang papel. “Oh! Nag-eenjoy ka na sa pagsusulat ah, sige babasahin ko ito pag-kauwi ko, sasabihin ko sayo bukas kung nagandahan ba ako,” tugon ni Jeron habang hawak ang aking article. Nang nagsimula na ang klase ay hindi ako makapag focus sa pag-aaral dahil iniisip ko kung ano na ba ang nangyari kay Anne. Napansin iyon ni Jeron. “Hindi ka makapag focus dahil wala ‘yong maingay mong best friend nuh?” tanong niya habang nakangiti. Nagulat ako ng biglang tumayo si Josias mula sa pagtutulog-tulugan. Pagkatayo niya ay agad kong kinuha ang payong mula sa aking bag. Inabot ko iyon sa kanya ngunit hindi niya iyon tinanggap. “Sa’yo na ‘yan,” sambit ni Josias. “Oh, kunin mo na parang isang araw lang na hindi nabalik eh,” pagpupumilit ko. “Oh, kuni..” hindi pa ako natatapos sa aking pagsasalita ay kaagad na itong lumabas. Tumayo ako at hinabol ko siya. “Ho-hoy Jo-josias, wait lang!” sigaw ko. Hindi ito huminto at nagpatuloy lang sa paglalakad. “Ho-hoy Josias,” mas malakas ko ng sigaw dahilan para magtinginan sa akin ang mga tao sa first floor. Huminto ito at humarap sa aking direksyon. Lumapit ako sa kanya. “Oh, ito na nga ‘yong payong mo,” sambit ko habang inaabot ang payong. Hindi niya ito kinuha at nakatingin lang sa akin. “Ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi ‘yan ang kailangan ko,” ani ni Josias. “Eh, ano bang kailangan mo? Eh, bakit mo pa kasi iniwan ‘tong payong na ito sakin?” naiinis ko ng tanong. “Hindi ‘yan ang kailangan ko Samantha, dumiretso ka na sa canteen.” Hinawakan niya ako sa balikat at iniharap sa direksyon pa canteen. Nagulat ako sa ikinilos ni Josias, first time niya lang kasi akong tawagin sa aking pangalan. Umalis na siya ngunit naiwan ako sa aking kinakatayuan. Napakamot pa nga ako sa aking ulo dahil hindi ko talaga magets si Josias. Pero hindi ko na malalim na inisip ‘yon at pumunta na lang ako sa canteen para bumili ng makakain. Habang bumibili sa canteen ay nagulat akong naroon si Anne sa loob at nagtitinda. “Si Anne ‘yon ah,” nagtataka kong sambit habang tinuturo siya. Alam kong nakita niya rin ako, ngunit tumalikod ito at umiwas ng tingin. Pumila ako sa kung saan nagbibigay ng paninda si Anne. Nang ako na ang pagbebentahan niya. “Uy Anne? akala ko hindi ka pumasok? bakit ka narito?” pagtatanong ko. Hindi sumagot si Anne. Kumuha lang siya ng tinapay at inabot ‘yon sa akin. Naririnig kong nagrereklamo na ang ibang nakapila. “Ano ba naman ‘yan, bakit ang tagal?’ pagbubulungan ng mga estudyante. “Samantha kunin mo na ‘to, mamaya na lang tayo mag-usap at mahaba na ang pila,” sambit niya. Umalis na ako ng pila, tinignan ko si Anne at pansin ko sa kanyang mukha na mayroon itong dinadalang problema. Umakyat na ako ng room at doon kinain ang tinapay na binigay ni Anne. Dumating si Jeron. “Nakita ko si Anne ah, nakita mo ba siya sa canteen?” usisa niya. “Oo, nagulat nga ako at naroon siya,” tugon ko. “Bakit? Wala ba siyang nasabi sayo?” nagtatakang tanong ni Jeron. “Wala eh, sabi niya mag-usap na lang daw kami mamaya,” malungkot kong sagot. Hindi ako makapag focus dahil iniisip ko kung anong nangyari kay Anne. Kung may mabigat ba siyang dinadala. Nang mag ring na ang bell ay hudyat na ‘yon na uwian na namin. Kinuha ko agad ang aking bag at mabilis na bumaba ng hagdan. Tumungo ako sa canteen at doon ay naabutan ko si Anne. “Anne!” sigaw ko. Lumingon si Anne. “Sabay na tayong umuwi,” ani ko. Tumango si Anne at kami nga ay sabay nang umuwi. Nabalot kami ng katahimikan, hindi ‘yong usual na kapag uuwi na ay puno kami ng kwento. Parang ibang Anne ‘yong kasama ko, sobrang tahimik niya. “Hoy, magsalita ka naman,” sambit ko sabay siko sa kanya. Napansin kong papaiyak na si Anne. Dahil malapit na kami sa waiting shed ay hinila ko siya papunta roon. Hindi na napigilan ni Anne at tuluyan na ‘tong umiyak. Hinimas ko ang kanyang likod. “Sige lang, iiyak mo lang ‘yan, kaysa ipunin mo sa loob,” payo ko. Hindi ko lang pinapahalata ngunit nasasaktan din ako habang nakikitang umiiyak si Anne. Sa tagal ng pinagsamahan namin ni Anne, tinuring ko na rin siyang parang aking kapatid. Noong kumalma na si Anne ay nagsimula na akong magtanong. “Bakit? anong problema?” tanong ko. “Hindi ko na ata matutupad ang pangarap ko, Samantha,” naiiyak na tugon ni Anne. “Ba-bakit? a-anong problema?” nag-aalala kong tanong. “Sabi ni tatay ay tapusin ko na lang ‘tong High School pero hindi na ako makakapag kolehiyo pa,” malungkot niyang pagkukwento. “Pagkatapos ko raw sa High School ay humanap na ako agad ng trabaho para kumita ng pera,” dagdag pa niya. “Ba-bakit? hi-hindi ka na ba kayang suportahan ng tatay mo?” “Ayaw niya na, mas magiging masaya raw siya kapag nakahanap ako ng trabaho para matulungan ko agad ang pamilya namin,” tugon ni Anne. “Pero alam mo naman diba, mataas ang pangarap ko, pero wala atang nakasuporta sa pangarap ko,” at muling bumuhos ang mga luha mula sa mga mata ni Anne. “Tumahan ka na riyan, pati tuloy ako naiiyak” sambit ko. “Huwag kang mag-alala, mag-eexam tayo sa mga public universities, mag-aaply tayo sa mga scholarships,” panghihikayat ko kay Anne. “Maghahanap din tayo ng mga taong nag-ooffer ng sponsorship, gagawa tayo ng paraan, susuportahan kita sa pangarap mo,” dagdag ko pa, habang pinapatahan si Anne. Lumipas ang ilang minuto at tumigil na rin si Anne sa pag-iyak. “Uwi na tayo,” pag-aaya ko kay Anne. “Parang ayoko pang umuwi, Samantha,” sambit niya. Nanatili kami sa waiting shed ng ilang oras at nakatingin lang sa kawalan. Nabalot kami ng katahimikan. Masakit na isipin na hindi na sigurado si Anne kung matutupad niya pa rin ang kanyang pangarap. At mas masakit kapag hindi nakasuporta sa pangarap niya ang mga taong inaasahan niyang susuporta sa kanya. Nag-alala tuloy ako at baka makaapekto ito sa kanyang pag-aaral ngayong High School. “Uwi na tayo Samantha,” pag-aaya ni Anne. Nagsimula na kaming maglakad pauwi. “Huwag ka na masyadong mag-isip dyan,” sambit ko. Tanging ngiti lamang ang naging sagot ni Anne sa akin. “Nandito lang ako, the best na bestfriend kaya ako,” ani ko habang nakangiti. “Salamat Samantha, pasensya ka na huh, hindi ko sayo nasabi agad,” sambit ni Anne. “Okay lang ano kaba, pero ang tagal kong naghintay sa crossing ah,” sambit ko. “Sorry na, sa Monday ulit,” pagbibiro ni Anne. Nang nasa crossing na kami ay nagpaalam na kami sa isa’t-isa. “Babye, Anne,” sambit ko. “Bye,” sagot ni Anne. Binilinan ko si Anne, “nakakapanget kapag malungkot, kaya SMILE.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD