Nanatili muna ako sa hospital habang si tatay naman ay umuwi muna sa bahay.
“Anak, uuwi muna ako sa ating bahay, kukunin ko lang muna ‘yong binigay na number ng lalaki,” sambit ni tatay.
“Tay, huwag na po. Pwede po bang pera niyo na lang po muna ang gamitin natin,” sambit ko.
“Pwede rin naman anak,” tugon ni tatay.
“At saka po tay, nahihiya po ako sa driver, wala naman po siyang kasalanan,” sambit ko.
“Sige anak kung iyan ang gusto mo,” tugon ni tatay.
“Oh siya anak, uuwi muna ako at kukuha muna ako ng aking pera,” sambit ni tatay.
“Sige po ‘tay, ingat po.”
Umalis si tatay kasama si Kuya Eddy habang ako naman ay mag-isang naiwan sa hospital.
Nakahiga lang ako roon ng mga ilang minuto.
Ngunit biglang dumating ang doctor.
“Iha, ililipat ka muna namin para sa x-ray,” sambit ng doctor.
“Sige po,” tugon ko.
“Pero, pwede po bang ipasabi sa nurse na sabihin kay tatay na ini x-ray po ako. Umalis po kasi ang tatay ko, baka po mag alala siya kapag nadatnan po niya na wala ako rito,” dagdag ko pa.
“Oo iha sasabihin ko, huwag kang mag-alala,” tugon ng doctor.
Ilang minuto lang ang lumipas ay dinala na ako sa kabilang kwarto para ma x-ray. Medyo nakakaramdam ako ng kaba noon pero mas nangingibabaw ang takot na aking nararamdaman.
Sa totoo lang ay simula noong pumanaw si nanay ay ayoko na pumunta sa mga hospital. Kapag kasi nakatapak ako sa hospital ay nakakaramdam ako ng takot at sakit. Naalala ko kasi kung anong nangyari noong nalalabing minuto ni nanay. Ngunit ngayon dapat ay lakasan ko ang aking loob para sa aking kapakanan.
Nakarating kami sa x-ray room. Doon ay inix-ray ako ng doctor.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ang x-ray.
“Ibalik mo muna siya roon sa ward niya, hihintayin ko pa ang resulta at ipapaliwang ko rin sa kanila mamaya,” utos ng doctor sa nurse.
Itinulak ako ng nurse habang naka wheelchair. Noong nakarating na kami sa aking kama ay tinulungan niya rin ako makahiga.
“Hintayin mo na lang dumating dito si doc, para maipaliwanag ang sitwayson mo.” sambit ng nurse.
“Sige po.”
Noong mga oras na ‘yon ay wala pa rin sina tatay at Kuya Eddy. Dahil wala naman akong ibang magawa ay natulog muna ako. Tinignan ko ang orasan at 6 am na ng umaga. Kung hindi sumakit ang aking binti ay nasa school sana ako, ngunit siguro nga ganun talaga hindi talaga nangyayari kung ano ang ating inaasahan, dahil ngayon ay nasa hospital ako.
“Matutulog muna ako at 6:30 am ay gigising na rin ako,” sambit ko.
Pinikit ko ang aking mga mata at tuluyan ng nakatulog.
Nagising na lang ako noong naramdaman ko na may nakadagan sa aking kamay. Pagkatingin ko ay si tatay, nakayuko siya at nakatulog sa aking mga palad.
Pagkatingin ko sa orasan ay alas otso na ng umaga.
“Hala, sabi ko ay 30 minutes lamang ako matutulog,” bulong ko.
Ang 30 minutes ay naging dalawang oras, siguro dahil na rin sa puyat dahil ang aga namin nagising ni tatay.
Ginalaw ko ang aking kamay dahilan para magising si tatay. Pupungas-pungas pa itong bumangon mula sa pagkakayuko.
“Oh anak, gising ka na pala,” sambit ni tatay.
“Sorry po ‘tay nagising ko po kayo,” tugon ko.
“Ano? kamusta na ‘yong pakiramdam mo,” sambit ni tatay.
“Medyo masakit pa rin po ‘tay ang binti ko. Tay nax-ray na po pala ako ng doctor kanina. Pagkatapos po ng x-ray ay wala pa rin po kayo, kaya po natulog po muna ako,” sambit ko.
“Pasensya na anak at hindi ako agad nakabalik, bumili pa kasi ako ng mga prutas,” sambit ni tatay.
Inilabas ni tatay ang mga fresh na prutas.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang doctor.
“Pumunta po ako kanina rito pero parehas po kayong tulog kayo po hindi ko na po kayo ginising,” sambit ng doctor.
“Naku doc, pasensya na po,” tugon ni tatay.
“Okay lang po,” tugon ng doctor.
Inilabas ng doctor ang x-ray result na nasa envelope.
“Ito po ang resulta ng x-ray sambit ng doctor.”
Itinapat niya sa amin ang resulta.
“Kung makikita niyo po ay wala naman pong naging problema sa bone structure niya. Siguro po dahil sumasakit ang kanyang binti ay dahil sa sugat na kanyang tinamo. Medyo malalim po kasi ang sugat at hindi pa po siya naghihilom sa loob. Sa ngayon po ay mabuti munang manatili siya sa hospital at obserbahan. Pupunta rin po ang nurse dito para linisan ang kanyang sugat,” eksplenasyon ng doctor.
Lumapit si tatay sa doctor at hinawakan ang kamay nito.
“Maraming salamat, doc” sambit ni tatay.
Hinawakan din ng doctor ang kamay ni tatay.
“Walang anuman po,” ang naging tugon ng doctor.
“Mauuna na muna po ako,” pagpapaalam ng doctor.
“Wait lang po doc,” pagpigil ni tatay.
Tumungo si tatay sa kung saan nakalagay ang mga prutas. Kumuha siya ng isang apple at orange.
“Ito po, kunin niyo po ito,” sambit ni tatay habang inaabot ang mga prutas.
“Naku hindi na po. Bawal po kasi kaming tumanggap ng mga ganyan. Itabi niyo na lang po para sa anak niyo para po lumakas siya,” tugon ng doctor.
“Ay ganun po ba doc, bawal po,” sambit ni tatay.
“Opo, paano po, mauuna po muna ako,” tugon ng doctor.
“Sige po.”
Umalis na ang doctor habang kami naman ni tatay ay nanatili sa aking ward.
“Anong gusto mong kainin anak?” tanong ni tatay.
“Iyan na lang pong mga prutas tay,” sambit ko.
“Sige anak, dyan ka na muna at huhugasan ko na lang muna ang mga prutas,” pagpapaalam ni tatay.
Umalis si tatay para hugasan ang mga prutas.
Sa katapat kong ward ay mayroong mag-ina. Iyong anak na babae ay medyo matanda sa akin habang iyong nanay naman ay tila kasing tanda ni Kuya Eddy.
Ang anak na babae ay pinupunasan ang katawan ng kanyang nanay. Mula sa ulo, mga kamay, katawan, binti, mga paa. Habang pinupunasan niya ang katawan ng kanyang nanay ay halata kong nagkukwentuhan sila. Nasisilayan ko ang mga ngiti sa kanilang mga mukha at naririnig ko ang kanilang mga halakhak.
Habang pinagmamasdan sila ay hindi ko namalayan na may tumutulong luha na mula sa aking mga mata. Pinagmamasdan ko lang sila ng ilang minuto hanggang sa dumating si tatay.
“Anak,” sambit ni tatay.
“Po?” tugon ko.
“Bakit ka umiiyak?” sambit ni tatay.
Hinawakan ko ang aking mga pisngi at basa na nga ito ng mga luha.
“A-ah wala po,”
tugon ko.
“Namimiss mo ba ang nanay mo?” sambit ni tatay.
Noong tinanong ‘yon ni tatay ay hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil sa totoo lang ang miss na miss ko na si nanay. Ngunit ayoko naman maramdaman ni tatay na may kulang sa akin, dahil alam kong ginagawa niya ang lahat para mapunan ang pagkukulang ni nanay. At para hindi ko maramdaman na may kulang sa akin.
“Ah, hindi po ‘tay, alam ko naman po at ramdam ko po na lagi nating kasama si nanay,” ang naging tugon ko.
“Ah, napansin ko kasing ilang minuto kang nakatitig dyan sa mag-ina,” sambit ni tatay.
“Ah, ang ganda mo kasi nilang pagmasdan tay, naapektuhan po ako sa mga ngiti nila at halakhak” tugon ko.
“Ito anak at kain mo na itong mga prutas,” inabot ni tatay sa akin ang isang mangkok ng mga prutas.
“Salamat po,” tugon ko.
Kinain ko ang mga prutas. Nalalahasan ko ang tamis at ang sarap ng apple, grapes at orange.
“Tay, napakatamis naman ng prutas na ito,” sambit ko kay tatay.
“Ay bagong pitas kasi ‘yan anak. Kaya fresh pa,” tugon ni tatay.
“Tay, baka inubos niyo na po ang pera niyo huh,” nag-aalala kong sambit.
“Hindi anak,” tugon ni tatay.
“Baka po kasi may bayaran dito sa hospital tay, kaya po sana ay huwag po muna tayo gumastos ng malaki,” smabit ko.
“Huwag kang mag alala anak si tatay ang bahala.”
“Huwag ka rin pong mag alala tay pagkalabas ko rito ay hahanap ako ng raket, tutal ay naghahanap ng tindera ang mama ni Ate Joana, magsasabi po ako sa kanya tay,” tugon ko.
“Hindi na kailangan anak, ano ka ba, mag focus ka na lang muna sa pag-aaral mo,” sambit ni tatay.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang nurse. May dala-dala siyang kit na panlinis ng sugat.
“Nurse, masakit po ba ‘yan?” natatakot kong tanong.
“Sobra,” tugon ng nurse na mas ikinatakot ko.
“Nagbibiro lang ako, hindi ito masakit, may ituturok akong anesthesia para talagang malinisan nang maayos ang sugat mo, malalim kasi siya,” eksplenasyon ng nurse.
“Pero hindi naman po masakit?” sambit ko.
“Hindi naman, huwag kang matakot,” tugon ng nurse.
“At saka, kailangan pala nating tahiin ang sugat mo,” dagdag pa niya.
“Po-pooo? Tahiin?” gulat kong tanong.
“Ano po? tatahiin?” gulat ding tanong ni tatay.
“Opo, malalim po kasi ang naging sugat niya kaya kailangan pong tahiin,” sambit ng nurse.
Tumingin ako kay tatay.
“Tay, tatahiin daw po, natatakot po ako,” sambit ko.
“Huwag kang matakot hindi naman daw masakit sabi ng nurse at meron namang anesthesia” tugon ni tatay.
“Huwag kang mag alala, kaya mo ‘yan at mayroon din namang anesthesia,” sambit ng nurse upang palakasin ang loob ko.
“Si-sige po,” nauutal kong tugon.
Natatakot pa ako noon pero dahil kailangan tahiin ang aking sugat ay nilakasan ko ang aking loob.
Nilinisan muna ng nurse ang aking sugat, habang kanya itong nililinisan ay nakaramdam ako ng hapdi at kirot.
Pagkatapos ay tinurukan niya na ang aking binti ng anesthesia.
Nilabas niya ang karayom at sinulid.
Hinintay niya muna lumipas ang ilang minuto.
“Ba-bakit po hindi niyo po agad tinatahi,” curious kong tanong.
“Hinihintay ko muna na tumalab ang anesthesia,” tugon ng nurse.
“Ah ganun po ba.”
Tumingin siya sa orasan.
“Iyan pwede ko ng tahiin, ready ka na ba?” sambit ng nurse.
“Hindi ko na po maramdaman ang aking binti,” sambit ko.
“Ibig sabihin niyan tumalab na ang anesthesia,” paliwanag ng nurse.
Sinimulan tahiin ng nurse ang aking sugat. Kahit kaunting sakit ay wala akong naramdaman.
Ni hindi ko naramdaman na may tumutusok na karayom sa akin, ni hindi ko naramdaman ang mga sinulid na sumasarado sa aking sugat.
“Ano masakit ba?” tanong ng nurse.
“Hindi po, wala po akong maramdaman,” sambit ko.
Sa isip-isip ko, sana ganito na lamang ang solusyon sa sugat ng nakaraan. Iyong may ituturok ka lang hindi mo na mararamdaman ang sakit. Na kahit hawakan mo pa or panghawakan ay hindi ka na masasaktan ni wala ka ng sakit na mararamdaman. Ganito na lang sana, sana ganito na lamang kadali. Iniisip ko tuloy paano niyayakap ng ibang tao ang sugat ng nakaraan.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos ng tahiin ang aking sugat.
“Huwag mo itong babasain ah,” pagpapaalala ng nurse.
“Opo,” ang naging tugon ko.
“Mauna na po ako,” pagpapaalam ng nurse.
“Sige po, salamat po,” tugon ni tatay.
“Sigurado ka ba anak? wala kang sakit na nararamdaman kanina?” usisa ni tatay.
“Wala po talaga tay,” tugon ko.
“Magpahinga ka na muna,” tinulungan ako ni tatay humiga nang maayos.
“Anak, uuwi na muna ako para magluto huh,” sambit ni tatay.
“Bakit po ‘tay? wala po ba kayong nadalang kanin?” tanong ko.
“Wala anak eh,” sambit ni tatay. “Nagmadali kasi ako agad kanina,” dagdag pa ni tatay.
“Sige po ‘tay,” tugon ko.
“Kapag may kailangan ka ay tawagin mo lang ang nurse huh, babalik ako agad,” sambit ni tatay.
“Sige po ‘tay, ingat po.”
Umalis na si tatay at ako naman ay naiwan lang.
Habang nakahiga ay mayroong bagong pasyente na dumating at nagsisisigaw ito.
“Tulong, tulungan niyo ako,” sambit ng babae.
Noong tinignan ko siya ay lapnos ang mukha nito at mga braso.
Agad namang lumapit ang nurse.
“Kumalma po muna kayo, tara po dito,” sambit ng nurse.
Narinig ko ang mga bulungan.
“Anong nangyari doon?” sambit ng ibang nurse.
“Namali daw ng kabit ng gas ayun sumabog,” tugon ng isang nurse.
“A-ano?” gulat na tugon ng isang nurse.
Nakita kong inibsan agad ng mga nurse ang sakit na iniinda ng babae.
Tumingin ako sa orasan at uwian na namin. Sa isip-isip ko , siguro ay nagtataka si Anne kung bakit hindi ako pumasok. Baka muntikan na naman itong malate kakahintay sa akin.
Lumipas na ang ilang oras pero wala pa rin si tatay.
Lumipas ang isang oras ngunit wala pa rin ito.
Nang biglang may dumating na lalaki.
“Tay?” sambit ko.
Noong nasilayan ko ang mukha ng lalaki ay napasabi ako ng..
“Bakit ka narito?”
“Tinawagan ako ng tatay mo,” ang naging tugon niya.
Sa naging tugon niya na ‘yon ay napaisip ako, “ ano ang dahilan bakit siya pumunta rito.”