bc

Danger Zone: DRAGON CALLI FREENWAR

book_age18+
24.9K
FOLLOW
76.6K
READ
billionaire
possessive
one-night stand
pregnant
powerful
CEO
drama
bxg
office/work place
wild
like
intro-logo
Blurb

Nisha Mariano and her boss, Dragon Calli Freenwar had a one night stand, but Dragon didn't remember everything that happened because he was drunk. When Nisha discovered that Dragon is getting married, she accused him of raping her. Dragon was devastated and guilt consumed him. She decided to stay away from him when she found out that she's pregnant with his child and let him be happy with his fiancèe. She lived a simple life in a faraway province with his son and tried to forget everything about him. But Dragon showed with his new girlfriend... And she will do everything to hide her son from him.

chap-preview
Free preview
Dragon Calli Freenwar
Napabuntong hininga ako nang sa wakas, natapos din ang trabaho ko. Nawawala na naman si Sir Dragon, malamang nagliwaliw na naman 'yon. Ako na lang mag-isa rito sa office ni Sir Dragon. Nagtataka nga ako dahil alas otso na wala pa si Sir Dragon, dapat susunduin na niya ako ng ganitong oras. Natigilan ako nang tumunog ang phone ko. Agad kong kinuha 'yon, halos mapatalon ako nang makitang kay Sir Dragon galing ang tawag. Tumikhim muna ako bago sinagot ang tawag. “Nasaan ka bang lalaki ka?!” agad na bungad ko. Napakunot ang noo ko, hindi pamilyar sa 'kin ang boses ng babaeng 'to ah. Sino ba 'to? “Opo, ako nga po. Sino po sila? Bakit po nasa inyo ang phone ni Sir Dragon?” tanong ko. Napasapo ako sa noo ko. Bakit naman nagpakalasing ang lalaking 'yon? Dumagdag pa siya sa stress ko ah. Agad akong nagpunta sa bar na sinend sa akin. Mukhang mapapasabak ako sa buhatan, mabigat pa naman si Sir Dragon. “Ikaw na ba si Nisha?” tanong ng babaeng nasa mid-30s yata. “Opo, nasaan na po si Sir Dragon?” nag-aalalang tanong ko. “Halika, sumunod ka sa 'kin,” sabi niya saka agad na pumasok sa pinto na sa tingin ko ay VIP room. Nakita ko si Sir Dragon doon na nakahiga sa couch, mukhang lasing na lasing na talaga ito. Napabuntong hininga na lang ako saka napailing. “Ito ang phone niya,” sabi ng babae saka inabot sa akin ang phone. Ngumiti ako at agad na kinuha iyon mula sa kanya. “Salamat po, pasensya na po sa abala,” hinging paumanhin ko. Ngumiti lang siya at tumango saka tuluyang lumabas ng VIP room. Nilapitan ko si Sir Dragon at kinapkapan siya. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang nandoon pa ang wallet niya. Buti na lang at mabait ang may-ari at hindi sinamantala ang kalasingan ni Sir Dragon. Hindi nawala ang wallet niya, ang dami pa namang laman na cards nito, may black card pa. Hirap na hirap ako na buhatin siya. Madalas talaga malasing si Sir Dragon at ako ang palaging sumusundo sa kanya. Nakakaloka. Buti na lang at nakarating ako sa unit niya ng ligtas, nagpatulong pa ako sa guard na ipasok siya sa unit niya dahil sobrang bigat talaga ni Sir Dragon. “Dragon Calli! Pinapahirapan mo talaga ako,” nanggigigil na sabi ko habang tinatanggal ang sapatos at medyas niya. “N-Nisha! Love,” ungot ni Sir Dragon. Napailing na lang ako saka lumabas ng silid niya para kumuha ng maliit na planggana saka ng towel. Bumalik ako sa silid ni Sir Dragon saka hinibad ang polo niya at pinunasan siya. Hinubad ko na rin ang slacks niya hanggang boxer na lang ang natirang suot niya. Sanay na ako na makita siyang ganito. Ako talaga ang sumusundo sa kanya kapag nagpapakalasing siya. “N-Nisha, kiss me.” Hinila ako ni Sir Dragon at niyakap, nasa ibabaw niya ako ngayon. Natigilan ako ng siniil niya ng halik ang labi ko. Hinayaan ko na lang. Mahal ko naman siya eh. Pumikit ako saka tumugon sa halik niya. Agad niyang hinawakan ang batok ko upang palalimin ang halik. Napasinghap ako nang pagpalitin niya ang pwesto namin, siya na ngayon ang nasa ibabaw ko habang patuloy pa rin akong hinahalikan. Yumakap ako sa batok niya at hinayaan siya na angkinin ang labi ko. Nararamdamam ko ang pagiging malikot ng dila niya sa loob ng bibig ko. Lasang lasa ko ang alak mula ro'n ngunit hinayaan ko na lang. Tila hinihingal na tumigil siya sa paghalik saka inilapat ang noo niya sa noo ko, napatitig na lang ako sa kanya. “N-Nisha, let's stop this. I'm drunk, I don't know what I'm doing,” sabi niya saka napapikit ng mariin. Napalunok na lang ako at hinila siya mas palapit sa 'kin at ako na mismo ang humalik sa labi niya. Bumigay rin siya at agad niyang tinugon ang halik Hindi ko na rin alam kung bakit ganito ang pumapasok sa isip ko. Pakiramdam ko nalasing na rin ako, posible ba 'yon? Hindi ko na rin alam. “Nisha, we should really stop this. I won't be able to remember all of this tomorrow and---” Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya at kaagad na siniil ng halik ang labi niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, gusto ko siyang yakapin, halikan, hawakan... Gusto kong angkinin niya ako ng buo. Wala na rin siyang nagawa at muling tinugon ang halik ko. Bahala na bukas. NAGISING ako na nakayakap siya sa baywang ko. Napangiti na lang ako at marahang hinaplos ang pisngi ni Sir Dragon. Ang himbing ng tulog niya, mukhang napagod siya. Napahagikhik na lang ako. Wala akong naramdamang pagsisisi na ibinigay ko ng buo sa kanya ang sarili ko, dahil siguro mahal ko siya. Bahala na kung ano ang mangyari, basta wala akong pinagsisihan sa nangyari kagabi. “Mahal na mahal kita,” nakangiting sabi ko saka dinampian siya ng halik sa labi. Natigilan ako at napatingin sa phone niya na nasa bedside table, tumunog 'yon. Agad akong bumangon para tingnan, baka may nagtext sa kanya na client o mahalagang tao. Hindi ko nabuksan ang phone niya dahil may password pero nakita ko ang text messages sa screen lock. Galing sa nagngangalang Adalee ang texts... Agad na nanginig ang mga kamay ko sa nabasang text. Agad kong ibinalik ang phone ni Sir Dragon sa bedside table. Nanghihinang napasandal ako sa headboard ng kama saka napapikit ng mariin. May fianceé na si Sir Dragon. Napahilamos ako sa mukha ko upang pigilin ang mga luha ko. Hindi ko alam, bakit hindi ko alam na may fianceé siya? Akala ko mahal niya ako, ilang ulit niyang sinabi sa 'kin na mahal niya ako. Bakit may fianceé na siya? Makakasira ako ng relasyon, kailangan ko ng umalis, ngayon din. Akmang tatayo na ako nang maramdaman kong hinawakan ni Sir Dragon ang braso ko. Napakunot ang noo niya saka napatingin sa hitsura naming dalawa. Agad kong ibinalot ng maigi ang kumot sa hubad kong katawan. “A-ano'ng nangyari?” tila hindi makapaniwalang tanong niya. Napalunok ako kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko. Literal na nanginginig na ang mga labi ko, nararamdaman ko ring nagkikiskisan ang mga ngipin ko. Ano'ng gagawin? Ano'ng sasabihin ko? “Answer me, Nisha. W-why are we both naked? May nangyari ba sa 'ting dalawa?” Natataranta na ako. Kasalanan ko 'to, dapat umalis na lang ako agad kagabi at hindi na nagpadala sa pagmamahal ko sa kanya. “Nisha, I'm asking you,” sabi niya saka sinubukang hawakan ang kamay ko ngunit agad ko iyong inilayo sa kanya. Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumingin sa mga mata niya kasabay ng pag-alpas ng mga luha mula sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim bago tuluyang nagsalita. Hindi ko na alam, ito na lang ang naisip kong paraan. “P-pinagsamantalahan mo 'ko.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.9K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
243.0K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
428.8K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

He's Cold Hearted

read
162.0K
bc

OSCAR

read
231.8K
bc

Contract - Tagalog

read
757.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook