"Try to check her heartbeat."
"Still normal Doc. U-Uhm... Doc, do we really have to do this?"
"We don't have a choice. Mamamatay siya kapag hindi tayo sumugal. Hindi siya pwedeng mamatay nang ganito ganito lang."
----
"Hoy, Alex! Gumising ka na! We’ll be late!”
Janessa?
Wait a moment.
Was that a dream? Seriously. Lagi na lang. Kailan ba ito matatapos?
‘Di bale na nga lang. Mag-aasikaso na lang ako.
****
Walking in the corridors of Crimson Building seems to be more disturbing than yesterday. Sleeping in the class seems useless too. Everyone’s eyes are on me and it’s all because of me standing against their king.
I let Janessa go first to the cafeteria since I need to check something on my locker, and with these people having their eyes glued on me, she’ll probably get into trouble.
After some cautious steps, a group of eight blocked my way with bored and offended expressions. Nasa walong katao sila. Sisimulan na ba nila ako?
"Talagang may lakas ng loob ka pang pumasok matapos mong sagut-sagutin ng pabalang ang leader ng HEAD? Ibang klase…” Lumabas sa kumpol ang isang babaeng may pinupunas-punasan na isang baseball bat.
"Ang kapal ng mukha! ‘Di ba niya alam na sa ginawa niyang 'yon, pwede siyang ipapatay ng HEAD dito sa mismong harap natin?" dagdag naman ni kuyang naligo sa gel.
‘E kung ikaw kaya patayin ko?
Naiintindihan ko naman ang pakiramdam kapag nabastos ang taong ginagalang mo ng sobra. Pero tulad nga ng paniniwala ko, hangga't hindi ako nakakahanap ng magandang rason para i-respeto sila, pwes manigas sila. Umiwas na lang ako at dumaan sa gilid para makaraan.
Akala ko tapos na ang teleserye na ginagawa nila pero hindi pa pala. May biglaang humablot sa buhok ko at tinulak ako nang marahas sa pader.
Ang lakas ng loob.
Sige lang. Magtitimpi muna ako. Medyo napaatras naman siya nang pukulan ko siya ng nakakasindak na tingin. Umakto siyang hindi naapektuhan pero huli na.
I can see your eyes wavering.
"S-Sino ka ba sa akala mo ha?”
I know that my maintained bored look infuriates her and her companions more and more. As the seconds pass, we are also getting more attention. Pati ‘yung mga nasa klase, lumabas na para lang makiusisa.
Damn, these insane people are making a bigger fuss than I expected.
Hindi ko siya ulit sinagot at tinangka ko ulit na umalis nang maramdaman kong may kamaong patama sa akin mula sa likod. Sasaluhin ko sana ito para baliin ang buto ng may lakas ng loob para suntukin ako, pero may nauna na sa akin.
Napangisi na lang ako nang makita ko ang sumalo sa kamaong dapat ay para sa akin. Hindi pa rin nagbabago. Wala nang dapat ikagulat. Pero sila, mayroon.
Sandali ko yatang nakalimutan na ngayon ang dating ng babaeng ‘to.
Wrong move for you young man. You won’t stand a chance with this black belter.
Lahat sila ay napahangos nang dahil sa nasaksihan. At sa isang iglap ay minani lang niya ang pagbalibag doon sa lalaki sa sahig. Bakas ang gulat, takot at pagkamangha sa mga mata ng mga estudyante.
“Umagang-umaga, pinapainit niyo ang ulo ko. Halika na nga, Alex.” Mabilis na pumulupot ang kamay ni Dereen sa braso ko at saka ako hinatak paalis.
Bakas ang pagkasurpresa ng bawat isa habang nakatingin pa rin sa amin. Siguro naman kahit papaano, natinag na sila.
Habang ginagayak sa daan papuntang cafetearia ay naikwento niya na ka-batchmate ng Papa niya ang may-ari ng eskwelahan kaya nagawa niya na maging kaparehas ko ng schedule at ng kwarto.
Pulling strings again…
Pagpasok pa lang ay dinig na naming na kami ang pinag-uusapan ng lahat. Bilang sanay sa ganito, kapwa nagbibingi-bingihan na lang kaming magkaibigan hanggang sa makaupo kami kasama ni Janessa.
Mabuti na lang at sa may dating pwesto naghintay si Janessa kaya nakalayo kami kahit papaano sa maraming tao. Gawa ng tila pagkailang sa bagong dating kong kaibigan ‘e siya na ang nagprisenta na bumili ng kakainin naming at tulad kahapon, mabilis na naman siyang nawala sa paningin namin.
"Bakit ka nagpapaapi sa mga hampaslupa na ‘yon?" magkasalubong na kilay niyang bungad matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“Hinahabaan ko lang pasensya ko, Maria,” sagot ko na siyang ikinairap naman niya.
She really hates that name.
Sumilay sa akin ang isang ngiti at itinaas ko ang dalawang kamay ko bilang pagsuko. Mamaya mainis pa ito lalo. "Sige na, 'wag ka na mainis. Nagkita ba kayo ni Rieda?" Pag-iiba ko na lang ng paksa.
"Oo. Buti pa siya nagpapakasaya sa mga lalaki doon samantalang ako, hindi pwede.”
Looks like our agent friend is doing good though.
"Kung gusto mo maging katulad niya, ilang taon din bubunuin mo. Good luck."
For the second time, she threw me sharp looks.
Hindi na niya nakabawi pa nang mapansin niya ang bigla kong pagtikhim. Papalapit na kasi sa amin si Janessa base sa repleksyon sa salaming malapit sa amin. Dali-daling umayos si Dereen at tumayo upang tulungan ito sa pagbubuhat ng mga pagkain namin.
Pagkaupong-pagkaupo nila ay umarangkada na naman ang kadaldalan ng kaibigan ko.
"Hi! I'm Dereen. Dereen Santos. Nice to meet you!" she introduced herself.
"H-Hello… I'm J-Janessa. Janessa Riell Salvador. Riell na lang." mahiya-hiyang tugon ni Janessa at inabot ang kamay na inialok ng nauna.
During the whole time, my bubbly friend keeps on doing everything she can to get close to Riell, which I found really amusing. On the other, I keep myself busy on filling my stomach.
I was almost done with my meal when I saw a girl with a long brown hair coming to our direction. Pasimpleng sinulyapan ko si Dereen at nakuha naman niya kaagad ang ibig kong sabihin.
Sunod ko na lang napansin ay ang paglapag ng isang mumunting pulang sobre sa lamesa namin. Tumaas kaagad ang kilay ni Dereen dito. Ako naman ay sinundan ko ang direksyon kung kaninong kamay ang naglapag ng sobre.
She’s that girl. The one who came from Blair’s rescue yesterday.
She has this businesswoman aura and it's possible that she has a strong and full of pride type. One more thing, as her standing takes time, the number of people looking at us is increasing.
"First of all, I'm Kiara Marisse Delaverde. Panglima sa HEAD. Queen of Archery here in Mhorfell Academy."
"We didn't even ask who you are and what you are in this school." Dereen commented.
Gasps have been heard after that. The Archery Queen quickly glances at my bestfriend as if she’s telling her to shut up. Eventually, she turned on me to speak of her purpose. "You are lucky that I personally came here just to give you that invitation. You better take a look at it. Don't you worry, it's just about what you did to the king. See you tomorrow, Alex Cromello."
With a composed smile, she moves out towards the exit, leaving everyone galvanized with her visit and the red enveloped she delivered to me personally.
Dereen did the honor to open it for me. I let her take her time reading it for as many times she wants and a minute later, she laughed as if she's some crazy chick. So crazy the whole cafeteria's attention was directed to us again in a blink of an eye.
"Here you go, young missy. Be careful, it's so scary."
Ano ba naman kasi ang nakakatawa?
Inabot ko ang ang papel at saka binasa nang tahimik.
Dear Ms. Alexandria D. Cromello,
From the deepest and warmest greetings of the Heired Eminence Approbate Decarchy, we are inviting you to a party which will be held at the school's warehouse, at exactly 8 pm. With this, we wish to know you better. We must apologize in advance because we can only set up a small party for you. There will be no particular dress code. Seeing and meeting you more would be the best part of the evening, for sure.
We are expecting your presence for tomorrow night. You don't have to take this invitation to the venue. Someone will approach you for assistance.
Sincerely,
HEAD.
"Don't you agree with me? It's quite scary, isn't? Hahaha! Para namang kaya ka nila," napapailing na turan ng kaibigan ko habang abala pa rin sa pangungulit kay Riell na kita mo ang hindi pagkakomportable sa kanya.
Red envelope. Red. It means blood.
No particular dress code? Of course, you don’t need it when you are actually trying to know someone through fists.
I sighed as I stand up, raising the letter with its envelope in front of the studentry until I tear it into small pieces. When I finally look at them, all of them turned pale. They know I am publicly refusing on backing out.
"I'm going out for a little bit.”
****
Within a school filled with suffocating people, the greenhouse is serious heaven. I can put my mind at ease. It’s not like the invitation bothered me. It’s my instincts.
I think something twisted will happen tomorrow night.
“Ikaw na ang bahala sa kanila.”
That dream. I can’t possibly get Lorraine’s voice out of my system. The dreams keep repeating as if it is haunting me every single night.
Is it about your last wish?
Or is it still me trying to scare myself?
"Bakit ba napapanaginipan ko ‘yun nang paulit-ulit?!" bulyaw ko at hindi ko na namalayan na puro mga bato nga pala ang sahigan ng greenhouse na ito.
Ang isa’y napalipad gawa ng pagtatadyak ko. Sana walang matamaan.
Sana walang matamaan.
Sana walang—
"WHAT THE HELL!? WHO THE f**k THREW THIS?!"
May natamaan nga.
Nagulat ako nang ibato pabalik ang bato sa direksyon ko. Buti na nga lang at nailagan ko. Pero mas ikinagulat ko kung sino ang natamaan ko at nagbalik ng bato sa akin.
He slowly walks towards my direction. Looking completely pissed and irritated while massaging his head. “Newcomer,” he uttered.
Makikita ko naman siya bukas, bakit ngayon pa?
Nagpapatayan na kami ngayon sa tingin pa lang, ano pang mangyayari bukas?
At sa lahat ng matatamaan, bakit siya pa?
"Don't you think it's too early for us to meet again, King Spade?"