"Not too early. Seeing you today is like making my nerves excited to hear you scream to death sooner or later,” he answered, shifting his expression back to the composed one.
So he’s someone who can change expressions in a second, huh.
Then… Those eyes again.
“Your eyes resemble black hawthorn.”
Pinanliitan naman niya ako ng tingin. “Anong sabi mo?”
My stupid mouth. I shouldn’t have said that. “I’m just saying that your eyes are dreary… monochrome… dull,” I explained, turning my back at him to pick up my stuff to go back. I still have a class to attend to.
Hindi na siya muling nagsalita pagkatapos nun. Ang alam ko lang ay kapwa magkasunod kami sa paglalakad pabalik ng Crimson Building. Oo nga pala at kaklase ko siya sa isang subject.
Katulad ng kanina, hindi pa rin kaaya-aya ang maglakad sa pasilyo nang may maraming pares ng mata ang nakatingin sa’yo. Mas lalo na kung ang unang taong puno’t ugat nito pa ang kasabay mo.
Pinili kong huwag nang pansinin ang mga tingin hanggang sa hindi ko na lang namalayan ay nasa klase na kami. Sa kamalas-malasan, nagdirito na ang propesor at kasalukuyang nag-aayos ng gagamitin niya.
"You two are late! Don't you know that being late is a rude manner towards your teacher?" the bald old man claimed, pointing a whiteboard marker on us.
Napatigil ako pero parang walang narinig si Spade ni isang salita mula sa guro at dire-diretso lang siyang naglakad papunta sa isa sa mga bakanteng upuan sa likod. Hindi pa siya nakakalayo nang magsalitang muli ang guro. "Young master, you don't turn your back when I'm talking! Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo na gumalang sa nakakatanda? O ganyan din siya umasta? Kaya ba ganyan ka lumaki na parang walang pinag-aralan?" Mapanghusgang turan niya na ikinalingon kaagad ng kapwa ko nahuli sa klase.
Sa kabilang panig ay nananahimik lang si Dereen sa sulok. Alam naman niyang kapag damay ako sa isang maliit na gulo o away, hindi na niya ako kailangan alalahanin lalo na sa ganito.
"For your information, you don't have any right to insult my mother like that. You don't insult my mother in front of my face nor in front of anybody." Bakas ang galit sa mga mata ni Spade. Animo'y may natamaang ugat sa katawan niya na siyang nag-udyok ng pagkulo ng dugo niya.
Bumilog ang kamao niya at ambang susugurin na ang guro dahil pawang nginingisian lang siya ng propesor nang sumingit ako. "I wasn't informed that teachers can now talk like that especially insulting a woman from a family that is paying you for your service. Aren't we being shameless? After all, the money you are getting from them is also the money you use to feed yourself and your family."
Kahit naman siguro ako, maiinsulto rin sa mga pinagsasasabi nito.
Sabihin man niya na nahuli kami pero wala siyang karapatan na idamay ang pangalan ng isang ina at husgahan ang pagpapalaki nito sa kanyang anak lalo na kung wala ka namang kaalam-alam.
"How dare you!? Hindi rin ba nasabi sa iyo na masama ang sumagot sa mga nakakatanda?!"
Bakit ko pa ba pinapangaralan ang isang ‘to?
Lumapit naman ako sa kung saan nanatiling nakatayo si Spade at hinablot ang kamao niyang nanginginig sa galit. Itinaas ko ito sa harap ng propersor. "You see this? Nagtitimpi siya sa'yo. Just by hearing how loud your voice is, you're very unprofessional. At nakakatawang ngang isipin na kailangan ko pang sumagot sa isang nakakatandang tulad mo dahil sa di hamak na mas makitid ang pag-iisip mo at pag-uugali mo kaysa sa mga narito," sagot ko pabalik na ikinausok na ng ilong ng guro.
Namumula na rin ang mga tenga at ang mukha niya. Lalo na at sinabayan pa ng mahihinang pagtawa ng mga kaklase namin dito. Dama ko naman na nawala na ang panginginig ng kamao ni Spade kaya marahan ko itong binaba nang sinulyapan ko siya ng tingin.
"I will report you! I'll report the two of you! No. I'll report all of you! Sisiguraduhin kong mapapatalsik kayong lahat lalong lalo ka na!" Padabog na kinuha ng lalaki ang mga gamit niya at nagmartsa palabas ng kwarto.
Sari-saring sigawan at hiyawan ang nagkaroon pagkaalis na pagkaalis niya.
Patalsikin? Ngayon pa ba ako matatakot sa salitang iyan?
"Wooo! Kaya pala late kayong dalawa hahaha!"
"Naka-score ka ba king?"
"Malambot ba kamay niya?"
"Pfft. Natulala ka na diyan, Spade ah!"
Doon ko lang naalalang hawak ko pa rin pala ang kamay niya kaya mabilis ako bumitaw. Nang magtungo na ako sa upuan ko, may mga ngiting hindi ko alam kung nang-aasar ba o natutuwa sina Dereen at Riell.
"Mga gago," iyan ang tanging sinambit ni Spade sa kanila at napatahimik na ang lahat.
I just shook my head from the way those men tease their king.
"Heh. Those guys are crazy. Marco Joe Llanes, John Alexis Samonte, Jonathan Castillo, and Colllen Matthew Lee. 10th, 9th, 8th, and 6th of HEAD." Sabay pakumpas na tinuro ng kaibigan ko ang mga lalaking nasa linya rin ng inupuan ni Spade.
Tinandaan ko naman ang mga itsura, mga pangalan, at mga ranggo nila ayon sa pagtuturo ni Dereen. Teka. "How did you know?"
Parang ang bilis niyang nakuha ang lahat ng tungkol sa mga bagay-bagay na tumatakbo sa eskwelahan na ito. Mas nauna pa siya sa akin na makilala ang mga lalaking iyon.
"Maliban sa kwinento sa akin ni Riell, may mga nauto akong lalaki kanina. Ayun, nakakuha kaagad ako ng impormasyon. Grabe Alex. May party na nga kayo bukas ng gabi, inunahan niyo na ng date hahaha," pang-aasar niya pa sa akin nang may makahulugang tingin.
Inirapan ko na lang siya bilang pagsasawalang bahala sa sinabi niya. Ang mga tao talaga ngayon napakamalisyoso't malisyosa na. Porket nahuli lang kami parehas sa klase at hindi ko kaagad nabitawan ang kamay niya, malaking bagay na.
****
"Alex, you ready? Gusto mo ba ihatid ka pa namin doon sa loob?" nag-aalalang alok ni Janessa sa akin na kung umakto ay tila isang nanay na unang beses ihahatid ang anak sa eskwelahan.
Ngayon na ang araw na itinakda para sa pagdiriwang kuno ng HEAD. Kasalukuyan kaming nasa harapan na ng pintuan ng warehouse. Ilang minuto pa naman bago sumapit ang eksaktong alas otso ng gabi kaya ito sinasamantala ni Riell at kung makaasta akala mo ay mawawala na ako habang buhay.
Si Dereen naman, papetiks-petiks lang. Nakapamulsa at pasipol-sipol na lang habang nagmumuni-muni. "Seriously, Riell. Kailan ka ba matatapos diyan? Nagugutom na ako ‘e. Balik na tayo. Kaya na iyan ni Alex. Matibay bungo niyan. Subok na. Kung hindi, edi sa doktor ang punta. Ganun lang kadali ang usapan kaya halika na,” reklamo pa niya.
"Sigurado ka bang okay ka lang? Baka kasi—"
"Thanks for the pinch of confidence."
Napatigil naman na siya kakapaalala sa akin na mag-ingat ako.
Dala ng pagkainip ay marahas nang hinablot ni Dereen si Riell sa kwelyo at hinatak paalis nang walang sabi-sabi. "Enjoy the party, Alex."
When the darkness swallowed their shadows, I turned to the warehouse’s entrance.
Before I could even touch the doorknob, the doors opened automatically as if they knew that I'm already here.
Wearing a loose black tank top, camel waistcoat, black pants, and rubber shoes, I entered the venue confidently as my long hair glide as I move. The doors then closed as soon as I set my foot four meters away from the doorstep.
The members of HEAD are scattered everywhere along with an unknown number of other students. Ang iba prenteng nakaupo sa mga sopa na naririto. Ang ilan naman ay naglalaro-laro at naglilinis ng mga sandata nila habang masama ang tingin sa akin.
Kahit alam kong basagan lang ng ulo ang magiging kahihinatnatan nito, sabihin na nating isa itong paraan para mas makilala namin ang isa’t isa. Maaayos ko pa ba ang unang impresyon nila sa amin? Hindi ko rin alam. Pero sa ngayon, mas mabuting hayaan ko silang mangapa sa pagtuklas sa kaya kong gawin.
Dahil sa likod ito ng pangalawang gymnasium, malayo layo na ito sa dormitoryo at sa mga gusali. Kaya kahit anong mangyari ngayon, siguradong walang makakaalam maliban sa amin.
Now, it's either they'll watch me die or make me watch them to do the same.
I heaved a sigh for that thought. "Is this even legal? You know, killing or anything? Here at Mhorfell Academy?" I already heard it from the others before. Some have gone missing and were killed mysteriously.
I saw Thelina stand from the seat beside Spade's. "Of course we don't kill our fellow students. We're just torturing them," tila balewang sagot nito.
"Nasa kanila kung hindi nila makakayanan ang sakit," Collen.
"Desisyon nila kung susuko na sila o hindi. Mamamatay o hindi," Jonathan.
Kung sa bagay, bakit ko pa nga naman tinanong. Ang eskwelahan na ito, sa madaling sabi ay kontrolado ng mga bigating tao. Karamihan mga mafioso. Every mafia member knows how to kill and to be killed in an honorable manner. While gangsters fight as long as they can fight even if they're already showing their flaws.
Siyempre hindi sila manghihinayang. Sanay na sila sa ganito.
Mabuti na lang din at medyo nakikilala ko na rin sila sa mga mukha at pangalan nila.
"Life doesn't mean much to all of you, does it?" Mas pinapahaba ko ang oras ko sa pagmamatyag ang pagkakalkula ng mga kilos ko.
May karamihan sila.
"It means a lot to us, Alexandria. Just like how it would mean to us if you beg for your life now." That boy-next-door looking Alexis answered.
About twenty men. With them, thirty. Armed with baseball bats, swiss army knives, shurikens, ropes, knuckles, and that bastard, Spade is holding a good damn gun.
"I won't beg for my life. Not to the ten of you, at least," pagpapatuloy ko sa usapan hanggang sa mabilis na dumako ang tingin ko sa tig-dalawang lalaking sa magkabilang gilid na papasugod sa akin.
Una kong nasapo ang braso ng isang lalaki at pinilipit iyon papunta sa likod niya. Sinubukan pa niyang gamitin ang natitira niyang braso kaya hinablot ko rin iyon at pinilipit sabay tadyak naman sa isang paparating sa kabilang gilid.
Pinangharang ko ang lalaking hawak ko sa baseball bat na dala ng isa pa nilang kasamahan saka agad kong hinampas ang kamay niya na may hawak sa bat kaya nabitawan niya ito. Tinulak ko naman ang lalaking kaninang hawak ko kaya napasalampak siya sa semento.
Dinakot ko ang palapulsuhan ng lalaking nakabitaw ng bat at hinila ito pababa para maabot ito ng tuhod ko. Tinuhod ko ng dalawang beses ang siko niya dalihan para manghina ito at madali ko siyang mabalibag.
Tinapakan ko naman nang marahas ang dulo ng bat na siyang ikinatapon nito sa ere para masalo ko. Inunahan ko ang papatamang bat ng natitirang lalaki sa apat sa pamamagitan ng paghampas ko sa kanya sa kamay, balikat, tagiliran, at likod.
Four down.
"Sugurin niyo na," utos ni Kiara sa natitirang labing-anim na tauhan nila rito.
Napangisi na lang ako dahil mas mabilis pa ito kaysa sa inaasahan ko. Panay pagtira sa batok, balikat, binti, at tagiliran ang mabilis na ikinabagsak ng sampu. Hangga't maaari, iniingatan ko ang galaw ko dahil delikado kung mapatay ko sila kapag maling pressure point ang matamaan ko.
Nakakuha pa ako ng isang bat nang mapatumba ko pa ang tatlo. Hinagis ko ito sa kanila para maiba muna ang pokus nila at para na rin makuha ko ang mahabang bakal na nahagip ng paningin ko kanina. Parating na sila sa likod ko ng maagap kong iniharang ang bakal at matagumpay na nasangga ang tatlong bats. Mabibigat ang atake nila.
Ginamit ko ang aking lakas para maitulak sila gamit ang bakal na hawak ko. Maliksi kong pinagtatadyakan ang mga tuhod nila bago ko pinaikot ang bakal sa mga kamay ko upang sampalin sila nito.
Knockout.
Rinig ko ang aking paghinga habang pinagmamasdan ang dalawampung katao na napatumba ko nang masagap ng pandama ko ang mga papatamang patalim sa likod ko. Nabitawan ko ang bakal at mabilis akong lumingon upang saluhin ang eksaktong anim na shuriken.
Nakipagtitigan muna ako sa sampung natitira hanggang sa mahanap ko kung sino ang pinakamahilig na nagbato nitong mga shuriken. Jonathan Castillo.
I smiled sweetly first before throwing shurikens to each one of them.
Sina Spade, Edward, at Courtney lang ang hindi ko natapunan dahil saktong anim lang ang hawak ko.
Sandali. Kulang sila. Kulang sila ng isa. Nasaan na iyong isa?
"Damn. Muntikan na ang sandata ko!" hiyaw nung Marc habang nakatingin ng masama sa patalim na tumama sa sopang kinauupuan niya. He nearly splitted because of the sudden landing of the shuriken near the thing between his thighs.
"Babe, ayokong gawin ito sa'yo ‘e kaso muntikan na akong mawalan ng tiyansa magkaanak dahil sa ginawa mo." Flirt. Riell told me this is the so-called ultimate playboy among the seven male members of HEAD, Marco Joe Llanes.
He pulled the shuriken out of the sofa and threw it to my direction again. I easily dodged it. Marc was already about to attack when I sensed a set of daggers coming.
Lintik na iyan. Pinagtutulungan nila ko.
Sinubukan kong saluhin ulit bawat patalim habang maliksing iniiwasan ang mga suntok na ibinabato ni Marc. I looked out for the last dagger but it's quite far I needed to tumble about two times to get it. Dahil nakalayo na ako kay Marc kahit papaano ay binato ko naman sa kanya ang huling patalim na nakuha na hindi niya inaasahan dahil sa bilis ng pangyayari.
“Crap!"
Papalapit pa sana ako sa kanya nang maramdaman ko ulit ang paambang atake. I got the four daggers from the eight daggers that I caught to slice some flesh on that Jonathan Castillo and to the guy beside him, John Alexis Samonte.
Puros binti, hita, at braso ang pinatamaan ko pero sinadya kong daplisan lang ito dahil hindi ko naman intensyon na makasakit ng malalim. Siyempre iniwasan ko ang mga mukha nila.
Ang paalala kasi sa akin ni Dereen kanina, sayang naman raw dahil gwapo naman sila at baka mas uminit ang dugo sa akin ng mga babaeng baliw na baliw sa kanila. Nanganganib na nga raw ang lahi ng mga gwapo't makikisig, babawasan ko pa raw.
But who cares if they are so persistent on attacking me?
Sa peripheral vision ko ay umangat na ang ulo ni Marc at magtatangka na sanang sumugod nang sipain ko siya mukha.
Argh, sorry. Bakit ka kasi biglaang kumikilos?
I wasn't able to see what happened but I do know that I hit him hard. I heard loud footsteps coming and so I threw the remaining daggers to Alexis' and Jonathan's legs. Hindi ko naman agad napansin na sumama na rin sa pag-atake si Collen.
Papatayo na si Alexis noon. Pinipilit na tumayo at umatake nang papalapit ako sa kanya kaso papalapit na rin ang kamao ng kasunod na kalaban ko. Umilag kaagad ako dahilan para si Alexis ang masuntok ni Collen. I gave a hard punch on the face and simply hit a pressure point on the back of his head.
I know it's risky using pressure points but it's the only way to get this s**t done without too much blood.
Napalihis naman ako nang may muntikan nang tumama sa akin na palaso. Damn you, Archery Queen. I used cartwheels and tumblings to dodge every single one of it until I reached a huge wooden box, just enough to cover my presence.
Everything went silent but the sneaky sounds of rough yet careful footsteps cannot be ignored. Mabagal pero maingat akong lumipat ng pwesto sa likod ng mga kahon hanggang sa makalapit ako sa kinaroroonan ni Kiara.
Waiting until the steps reached about a meter away, I finally exposed myself on Kiara's viewpoint. I immediately evade the arrows resulting for Courtney and Thelina to move away from it.
Following me, eh?
I ran towards the girl with the arrow and kicked her arm to make her grip on the bow loose. Tumilapon sa ere ang pana pero mas inasikaso ko munang pilipitin ang braso ng babaeng ito para makuha ang natitirang dalawang palasong nakalagay sa lalagyanan niya sa likod.
Sakto namang nahulog sa mga kamay ko ang pana kaya agad kong inilagay ang palaso para idirekta sa dalawang nananatiling prente pa rin sa pag-upo na sina Edward at Spade.
Aren't you two so confident?
However, before I could even finalize a good aim on any of them, a creaking sound from the warehouse's entrance disturbed me. My hands automatically stanced to the person who is about to enter.
"Hello, guys! Nandito na ako! Sorry natagal— f**k!?"
The arrow landed on one of his plastic bags. Eventually, an orange-colored juice spills from it. He looks shocked and surprised of the scene he found right after he entered the venue of this party.
Men lying on the ground, obviously unconscious. Members of HEAD with bleeding arms, shoulders, and legs. Putok ang labi ni Marc at nagkaroon ng pasa sa mukha. Si Alexis na nagkaroon ng black eye.
Ano pa ba?
Everyone seems frozen and awkwardly quiet.
Until, I realized something.
Something familiar. Very familiar.
"Skyzzer?"
"Alexandria?" He replied back with his eyes scanning my facial features, checking if it's really me or not.
s**t. I'm in one deep hole of s**t.
How come I wasn’t informed that he was studying here as well?!
Walang nasabi sina kuya tungkol dito!
"You know each other?" I heard Edward's curious and confused tone. I can feel that he's exchanging looks on both of us.
I unknowingly dropped the bow and arrow because I guess, my head is starting to focus on thinking of excuses, reasons, and stories to tell Skyzzer if ever he asks.
I'm starting to get nervous.
Oh man. I need to shut his mouth.
"Of course." He nodded awkwardly while giving me suspicious looks.
Skyzzer is definitely having a brainstorming and collecting process of ideas about what I possibly have done before he came.
Just for this time, cooperate and understand the message I'm giving you through my eyes!
Makuha ka sa tingin!
"I know her because she's my cousin."