GEORGINA'S POV Nasa harap ako ng bahay ni jamie at bago pa ako kumatok, bumukas ito at nanlaki ang mga mata ni jamie ng makita ako. "G?!" Tumango lang ako at ngumiti pero niyakap niya agad ako. Lumayo agad siya ng maramdaman niya siguro ang tiyan ko dahil nakatingin na siya dito. At napa nganga siya nang makita ito. "Oo na buntis ako." Sabi ko ng diretso dahil hindi na siya nakapagsalita "Si dondon ba ang ama? Hindi ka nag asawa ng iba? Sagutin mo G, dali." Pamimilit ni jam kaya natawa nalang ako "Siya nga, buntis na ako nung dito pa ako nakatira sayo, 5 buwan na." Sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko at ngumiti "Masaya ako para sa inyo G." Kita mo naman ang tuwa niya talaga "Saan si brandon ngayon?" Tanong ko "Samahan na kita." Umiling lang ako "Ako na, doon ba sa tree house na

