CHAPTER FOUR (JHANDY POV)

1031 Words
Iyon lamang ang sulat na pinadala ng kambal ngunit sobra-sobra na ang kabang aking nararamdaman. Sa nagdaang taon o siglo ay walang kaguluhan na nangyari sa bayan 'pagkat pinilit kong iahon sa kahirapan at kalugmukan ang aming pinaghirapan. Pero.... "What the hell...is this?"I asked. Ang inaasahan ko ay ang muling paglusob ng mga bampira kasama ang mga mortals na may malaking galit sa amin. May nagbabatuhan ng mga spell,nagkalat ang dugo at sira-sira ang mga bahay dahil sa kaguluhan pero kabaligtaran ang aking nadatnan. "Well,sabi kasi ni Eleyah wala daw thrill kapag sinabi naming pumunta ka dito,kaya ayun ang ipinadala namin sa sulat." Napabuga na lamang ako ng hangin at napailing sa kanyang sinabi. Grabe 'tong mga ito,umiiral ang kakulitan. Ikinumpas ko ang aking isang kamay upang palabasin ang walis. Ang walis na gawa sa tuyo't maninipis na kahoy at itinali sa makapal na kahoy na nag-sisilbing hawakan o upuan,tipikal na transportasyon ng mga witches. Sumakay naman agad ako at kusa na itong umangat at lumipad sa himpapawid,nakasunod naman sa akin si Eirah na animo'y nagsu-surf dahil alon ang kanyang ginawang sasakyan. Sumasaludo o nagbibigay galang naman ang mga nakakakita sa amin,tinatanguan at nginingitian ko na lamang sila. Nakakatuwa sa pakiramdam ngunit lagi nalang may kulang. Nang matapos ang masaklap na trahedya,ibinalita ng kambal sa kanila ang nangyari sa kanilang Reyna. Labis ang kanilang pagdadalamhati noon,lahat sila ay nagluksa at muntik nang mawalan ng lakas ang ilan dahil sa labis na pag-iyak. Hindi ko din sila magawang asikasuhin dahil sobrang bigat din ng aking pakiramdam noon at 'di matanggap-tanggap ang nangyari sa kapatid ko. Pero nagising ako isang araw,realization hit me...hindi magugustuhan ni Faye na bumagsak ang mga witches kailangan ko maging matatag para sa kanila. Kaya naman sobrang laking pasasalamat ko kila Eirah at Eleyah na pinsan naming sirena. Dahil kahit alam kong mahirap para rin sa kanila at sobrang bigat sa pakiramdam ang pagkawala ng kanilang ate,ay sila mismo ang umasikaso at nag-angat sa amin sa kalugmukan kaya naman ay hindi ko na alam ang gagawin ko kapag may nangyari rin sa kanila. Hindi ko kinuha ang trono ng aking kapatid,ako at ang kambal muna ang humalili sa pamumuno ngunit ang trono ay 'diko na muling inangkin,kay Faye lamang iyon. Naalala ko pa noong unang labas ko sa aking silid nakita ko ang trono ng aking kapatid na napapalibutan ng napakadaming iba't-ibang klase ng bulaklak. Napakaganda pagmasdan ngunit sobrang bigat sa pakiramdam makita iyon. Miss na miss ka na namin Faye. Nandito na kami ngayon sa loob ng palasyo sa hapagkainan kung saan humahagikgik si Eleyah dahil sa kwento ng kanyang kambal. Kinukwento lang naman n'ya ang naging reaksyon ko kanina. Medyo over at may action pa pagkukuwento ni Eirah kaya naman sobrang tawa naman nung isa. Makulit talaga ang kambal maging ang kapatid ko kaya naman kapag nagsama silang tatlo parang laging nagkakagulo. Nakakasakit nga ng ulo minsan sila,lalo na kapag pinagsasabihan at ayaw makinig kaya naman talagang ikaw na mismo susuko sa kakulitan nila. "Stop it na,Eirah. Tell me na what's the problem at pinabalik n'yo ako,you know I don't have much time."I said Eleyah cleared her throat but still she wants to burst her laugh. "Ano...HAHAHA...kasi....pffftt...HAHAHAHAH" "Eleyah?"banta ko. "Ooooopssss,sorry sorry..."nag peace sign pa s'ya. "Well,I summoned you here because I wanna tell you that Ate Faye visited here."she said and smiled widely. My eyes got bigger because of what I heard. "Kailan pa? Kailan nangyari 'yon? And how did you know?" "Well kuya,we literally did not saw her. We just knew it because of my bird flying flying freely in the sky and nahagip noon ang bulto ni ate."it was Eirah. "And nang nahagip,agad pumunta here ang bird n'ya sa amin at ibinalita. Agad naman naming pinuntahan where ate Faye was located but sad to say ate wasn't there anymore."dagdag ni Eleyah. Ang arte talaga ng dalawang 'to. Pero wala akong masabi dahil doon,tanging paghanga at pag-asa ang aking nararamdaman. Buhay ang kapatid ko,buhay s'ya. Hindi ako nag-iisa. "By the way kuya,tayo lang ang nakaka-alam because wala pa kaming balak ipaalam sa bayan na buhay ang pinakamamahal nilang Reyna."dagdag ni Eirah. I nodded. "That's okay. I don't have yet plan too to tell them early,maybe soon."nangingiti kong saad. Buhay ang kapatid ko! Pagkatapos ng ilang oras na pag-uusap pa namin ay napagpasyahan ko ng bumalik sa mundo ng mga mortal,naibalita ko na rin sa babae ang aking nasagap. Akala ko ay matutuwa s'ya ng sobra dahil maganda ang ibinalita ko pero sobra-sobra ang nangyari,may halo pang kayabangan. "I know,dude! Alam ko ang nangyari,baka nakalimutan mong Reyna ng Past at Present 'to..."diba,ang yabang. "Kaya noong tinawag mo ako kanina alam ko na kung saan ka pupunta at kung ano ang gagawin mo doon. pfftttt...."natatawang anas n'ya. "Will you please shut up?!"pikang-pika kong anas. Nakakabwisit ang tawa n'ya,akala mo kabayo kung makatawa. Nakakainis! Nakaka-irita! "Bobo mo! HAHAHAHAHAHAHAHA."humagalpak na nga ng tawa. Bwisit 'to. Kung hindi lang s'ya Reyna talagang sasapukin ko 'yan. Just kidding. "Isa pang tawa mo papalayasin kita." "As if naman na magagawa mo iyon." "Of course I can." "No you can't do it,Jhandy Klerk Pilo. BWAHAHAHAHAHAHA." "I can do it,Blaire Yizua Lican. Wag mo 'kong subukan. Naiirita na ako sa tawa mo." "O? Tologo bo? Dinga? Weh?????" Lakas n'ya mang-asar!! "Mukang kabayo tawa mo kaya shut up!"asik ko. Iritang irita na. Saglit s'yang natigilan. "Wow?! Hiyang hiya ako noong baby kapa na akala mo aso kapag sinusubuan ng pagkain." Napalabi at pikit na lamang ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko,kung tatawa ba o mapipikon dahil ginaya lamang n'ya ang ginagawa ng aso. Iyong nakalabas ang dila at parang hinihingal,ganun ang ginawa n'ya. "Just...just shut up,Blaire. Please?"nakapikit kong anas. Why do I feel na kukulubot agad ang balat ko ng maaga dahil sa kanya? Wala nga ang kapatid ko,hindi ko naman kasama ang kambal pero s'ya ang pumalit sa pagiging makulit. Hayst. Buhay naman. Kailan ba magiging normal ang nasa paligid ko,pulos kasi abnormal. "BWHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA." Hagalpak pa n'yang tawa na may kasamang paghampas sa kinauupuan n'ya. Napatitig na lamang ako sa kanya at napailing. Grabe talaga 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD