CHAPTER THREE (JHANDY POV)

1283 Words
I'm here at my condo's unit,tinitignan ang litratro ng aking pamilya. Hindi ko alam kung bakit napakalaki ng galit nila sa amin,unti-unti nilang inubos ang pamilya ko. Mga wala silang awa. Una,ang nobya ko. Pangalawa,ang mga magulang ko. At panghuli ay ang kapatid ko...hindi pala. Hindi pa patay ang kapatid ko. Panghahawakan ko lahat ng sinabi n'yo na buhay ang kapatid ko. Napabuntong hininga na lamang ako ng marinig ang malakas na pagkatok mula sa pintuan ng aking tinutuluyan. Bwisit talaga 'to. "Hoyyyyyyyy!! Pakibukassss!!"sigaw pa n'ya. Napaigting na lamang ako ng panga at saka inilagay muli sa tokador ang litrato bago tinungo at pagbuksan ang impakta. "What now?!"naiinis kong asik. Ngunit nag dire-diretso lamang s'ya papasok at sumalampak ng upo sa sofa. Napabuntong hininga na lamang muli ako,wala naman na akong magagawa. Isinarado ko na lamang ang pintuan at saka sumunod sa gawi n'ya. "What now?"tanong ko muli habang nakatayo sa likuran n'ya. She looked at me with a wide smile. "Chill,dude..."she said at saka kinuha ang envelope na nasa tabi n'ya at pilit binibigay sa akin. "What is this?"I asked ng tanggapin ang binibigay n'ya. "Lahat ng kakailanganin mo ay nandyaan na." Nangunot ang noo ko at inilabas ang sangkatutak na papel. Dante's Inferno University. Immortals. Hybrid. Soldiers. Mortals. Extreme rank. Middle rank. Low rank. Ilan lamang sa mga nabasa ko. "Dante's Inferno University came from a divine series comedy that made Dante Alighieri. It is made about the poet's journey into hell..."she said. Napatango naman ako at binuklat ang pangalawang pahina. Limbo. Lust. Gluttony. Greed. Wrath. Heresy. Violence. Fraud. Treachery. Nangunot naman ang aking noo sa nabasa. "Limbo. Lust. Gluttony. Greed. Wrath. Heresy. Violence. Fraud. Treachery. In poet those are the nine circles of hell. But,in the University ang siyam na 'yan o kahit isa hanggang dalawa ay kailangang taglay mo or katangian mo 'cause having that kind of personality is requirements para makapasok sa University." Napamaang at napatawa. "Kalokohan 'to. Sinong siraulong gagawa ng University na hango sa impyerno at pulos kaguluhan lamang ang ituturo."I said and sat on the sofa too. "Nakakatawa nga. But,as far as I know hindi kaguluhan ang itinuturo sa kung sino man ang papasok doon. Ganoon ngang katangian ang hinahanap nila dahil katapangan para sa kanila iyon."biglang nabuhay ang interes ko sa University na 'yon ngunit may pagtataka lamang ako. "Why did you bring these papers to me? And telling me about that University."I asked and looked at her. She rolled her eyes. "Dahil doon din naman ang punta mo. As a Queen of Past and Present I know what will you do,so para mapadali ang buhay mo ay tinulungan na kita and shut the hell up ka nalang wag kana madaming tanong and just trust me."sabi n'ya sa akma kong pagtatanong ulit. As I said,wala naman na akong magagawa dahil kahit tumanggi o hindi ako ay gagawin at gagawin parin naman n'ya ito. Ilang condo na nga ang nilipatan ko pero tulad nga ng sinabi n'ya as a Queen of Past and Present alam n'ya ang gagawin ko,so alam na din n'ya kung saan ako tutuloy o tumutuloy kaya natutunton at matutunton parin n'ya ako. "Back to the discussion about Dante's Inferno University..."she said. "Extreme rank. Middle rank. Low rank. Iyan ang mga ranking ng bawat students na nandoon. If you are new there automatically nasa low rank kana. Ang mga nasa middle rank naman ay kino-konsidera bilang mga sundalo o soldier ng University,maari din silang ipadala o isama sa mga sundalo ng bansa upang tulungan sila sa possible war ng iba't-ibang bansa or bilang protection din ng mga mahahalagang tao sa bansang ito,pero ang kapalit ng isang sundalo ng University ay may malaking halaga depende sa galing sa armas o pisikalan." Napangisi na lamang ako sa narinig. Matalino ang namumuno sa Unibersidad na iyon. "If assasin nagkakahalagang twenty million. Sniper,ten million. Wrestler,one million. Karate,five million. Sword master, fifteen million. Pistol,one million. Shotgun, two million. Iyan ang karamihang halaga ng isang sundalo,hindi bumababa ng isang milyon ang halaga. Kapag namatay naman ang sundalo sa kamay ng nagbayad ay kakailanganing bayaran nito ang katawan at labi ng sundalo na nagkakahalagang isang bilyon. Pero,nakakatawa at hindi kapani-paniwala dahil ang isang bilyong kabayaran ay ibibigay ng tagapag-pamahala ng University sa kamag-anak ng namatay na sundalo." Maging ako ay natawa. Kabrutalan ang kanilang itinuturo ngunit may ganoong senaryo pala. "Impyerno ang pinamamahalaan pero may pusong mamon naman pala."sabay kaming natawa sa kanyang sinabi. That's crazy. "Back to our topic..."she said ng maka-move on na. "Extreme rank. Sa lahat ng rank obviously naman na sila ang pinakamataas. Mostly ang mga nasa extreme rank ay hybrid o immortals,once kasi na malaman nilang immortal ang gustong makapasok ay agaran nilang papaunlakan ito at agaran ding ilalagay sa pinakamataas na posisyon. Mayroon din namang mortals na nasa extreme rank,iyon ay yung mga nanalo sa Noche' sangrieta or notte sanguinosa-bloody night sa english. Noche sangrieta ay galing sa salitang espanyol at notte sanguinosa naman ay salitang italian." Napatango muli ako. "Iyan lamang ang pwede kong sabihin patungkol sa University na papasukan mo at alam kong alam mo din na ang University na iyon ang s'yang naghubog sa kapatid mo. Umaasa ka na makakakuha ka ng information about sa kapatid mo,bukod doon hanggat kaya mong umiwas na makasalubong ang mga bampira ay gagawin mo." Tama s'ya. Kahit 'di ko sabihin,kahit hindi n'ya gawin ay gagawin at gagawin ko parin naman ang ginawa n'ya. She's right about I'll gaining some information about my sister that's why I want to go there but I don't know where and how to start,but luck is with me 'cause I found her. The Queen of Past and Present,she assisting me and ready to help me. "I'll go to my room now,dalawa naman ang kwarto akin na ang isa. Need ko pa rin kasi ayusin ang mga pekeng papeles para makapag-start na tayo tomorrow."she said after we eat and rest for a while. I just nodded and let her rest. Sa totoo lang,gusto kong tanungin kung ano ang nakikita n'ya sa hinaharap,kung bakit n'ya ako tinutulungan,kung ano ang mangyayari saakin o sa amin. Pero nakaka-inis lang dahil mayroong isang rule silang dapat sundin kun'di kamatayan ang kanilang kakaharapin sakaling malabag niya iyon. Bago pa ako malugmok sa aking kinauupuan ay pumunta na lamang ako sa balcony ng aking tinutuluyan upang makalanghap ng sariwa at malamig na hangin. Mag isa na lamang ako sa buhay at sobra akong nasasaktan. Sa mga 'daang taon na lumipas ay walang araw na hindi ko sila iniisip,walang araw na hindi ako nasasaktan o lumuluha kapag naalala sila,lalong-lalo na ang mga masasaya naming memories. Mula sa aking nobya,magulang at kapatid. Tuwing maalala ko kung paano ko sila nakitang pinaslang ng mga hayop na bampira ay hindi ko maiwasang magalit. Mga hayop sila. Pero nakakatawa dahil sa kabila ng kanilang ginawa sa amin ay hindi kami nag-atim na gumawa ng ginawa nila sa amin,siguro pagtatanim lang ng galit ang nagawa namin sa kabila ng kanilang kahayupan. Habang tinatanaw ko ang madilim na kalangitan ay bigla kong naaninag ang isang kulay pink na may halong violet na ibon na papalapit sa aking gawi. Pamilyar ang ibon na iyon. Eleyah? Eirah? Hermano, la ciudad está en problemas. Basa ko sa sulat na dala ng ibon,nangangahulugang nagkakagulo ang bayan. Agad akong kinabahan at dali-daling tumakbo kung saan kwarto ng Reyna upang mag-paalam,hindi ko nga lang na narinig ang kan'yang sinabi dahil agaran din akong naglabas ng spell upang bumuo ng portal patungo sa aming bayan. Shit! Huwag naman sana maulit ang nangyari noon. Hindi ko na kakayanin pag-nangyari muli ang trahedyang ayaw kong mangyari muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD